Reyna Elena · Negosyo at OFW · 2026Negosyo, OFW, at praktikal na payo sa buhay-Pinoy
Mga Ideya sa Negosyo

Opening an Internet Cafe sa Pilipinas (2026 update)

Reyna Elena · 2026

Ayan, for the most part, ang mga emails to me is all about the how's of opening an internet cafe. Kaya eto na ho. Eto mga kabayan. Maupo kayo't makinig sa lola nyo.

The first thing that you need to do is market research. Wag kang matakot. Simple lang yan. Ang gawin mo, visit mo several internet cafe — at isama mo na rin ang mga Pisonet at gaming hub sa inyong lugar — and try to notice the following:

  • Kung nasaan ang location nila
  • Pansinin mo ang mga customers nila — students ba, gamers, o mga nagsi-submit ng requirements?
  • Take note mo yong prices nila
  • Feel mo yong ambiance nang lugar
  • Anong services ino-offer nila? Surfing? Gaming? Printing? Online applications?
  • Type at specs nang computer at printer na ginagamit
  • Meron bang CCTV? Air-con ba? May Wi-Fi ba para sa mga may sariling device?
  • Safe ba yong neighborhood?

If you have visited about three or more of them, by that time you will have a much better idea kung anong klaseng internet cafe ang gagawin mo. And this is very important dahil eto ang magga-guide sayo kung pano ang takbo nang shop mo. Pwede mong i-tweak yong strategy mo para hindi ka kopya nang competition mo — mas magaling or mas madrama dapat. Alam mo naman, pagkawalang drama yang shop mo, di ka papansinin nang mga pinoy.

Planuhin ang shop mo

Ok, next — think about your shop. Draw out mo yong plan at concept. Sa lugar ba na tatayuan mo ay merong barangay regulation about gaming o pagbabawal sa mga students tuwing school hours? Siguraduhin mo dahil iba-iba ang mga rules nang barangay tungkol dito. Yong location mo — may competition ka ba? Gaano kalayo? Yong iniisip mong services, parehas ba nang kompetisyon mo o may ibibigay kang higit? So far, yun muna ang asikasuhin mo.

Loob ng modernong internet cafe na may mga computer

Ang start-up expenses sa 2026

Next, gather mo lahat nang possible start-up expenses mo dahil kelangan mong gumawa nang forecast. Tingnan natin kung kikita ka nga dito at magkano aabutin to set up a shop:

  • If you own the place, good. If you plan to rent — magkano ang move-in expense? Yong iba dyan, 2 months deposit at 1 month advance ang hinihingi. Ayun, 3 months rent kaagad ang ask sayo.
  • Estimated koryente — sa 2026, ang 10 hanggang 20 units na naka-ON sa buong araw ay hindi biro sa Meralco bill. I-budget mo nang maayos.
  • Internet connection — ang business fiber plans ngayon ng PLDT, Globe, at Converge ay nasa Php2,500 hanggang Php6,000 isang buwan, sapat na para sa 15 hanggang 20 units. Layo na sa panahon ng DSL, di ba?
  • Mayor's permit, DTI, barangay clearance, fire safety inspection. Maniwala kayo, mapapansin ninyo na may parating bibisita sa inyo dyan. Kaya budget-an mo na rin ang mga pa-inspection na yan.
  • Ilang tao ang kelangan mo? Sweldo nila monthly? Ikaw — magkano sweldo mo?
  • Construction — kelangan bang mag-face lift nang shop mo? Electrical wiring at cabling?
  • Computers. Ilan? Isipin mo ang strategy mo. Internet surfing at printing lang ba? Pwede na yong mga budget build. Gaming ba? Hala, kelangan mo yong may malakas na GPU — mas mahal, pero mas mataas din ang per-hour na presyo.
  • Software. Licensed na Windows at mga game accounts. Wag kolurom, mga anak — yayariin kayo sa mga raid at mas masarap matulog sa gabi pag legal lahat.
  • Flyers, tarpaulin, at signage. Siempre, ipopromote mo ang shop mo — at wag lang karatula, ha? Make it nice naman.
Gastusin (start-up, 15 units)Estimate 2026 (PHP)
15 computer units (mixed gaming at surfing)300,000 – 450,000
Move-in costs (deposit at advance sa upa)40,000 – 90,000
Renovation, wiring, at aircon60,000 – 120,000
Permits at licenses10,000 – 20,000
Furniture, CCTV, printer, at signage40,000 – 70,000
Kabuuan450,000 – 750,000

Presyo at bentahe

Next, asikasuhin natin ang pricing. Pwede kang mahal per hour-konting customer, o cheap per hour-daming volume nang customer. Sa 2026, ang karaniwang presyo ng iCafe sa Pilipinas ay Php20 hanggang Php50 kada oras, habang ang mga gaming hub na may high-end na rig ay Php50 hanggang Php100 kada oras. Ang Pisonet naman ay piso-piso lang — mababa ang per hour pero halos walang tao at kuryente ang gastos. I'm sure you will get the feel kung magkano dapat ang per-hour pricing mo base sa nakita mo sa mga binisita mong shop.

Ok, total mo lahat nang estimate mo dito. Whatever is the number, yan ang estimated start-up mo anak. Pwede mong babaan — tanggalin mo yong sweldo mo. Na-cover ba natin lahat?

Monthly computation bago mag-pirmahan ng upa

Ngayon, do a monthly computation. Sabihin nating may monthly revenue kang Php80,000 — ibawas mo ngayon yong monthly expenses mo: upa, kuryente, internet, sweldo, maintenance, at kung ano-ano pa. Total mo lahat to.

Eto ngayon, nong binawas mo yong expenses mo sa revenues mo, meron ka bang kikitain? Kung meron, wag ka munang magpa-party anak. Review mo yong plans mo after a day or a week. Pa-check mo sa friend mo or sa office mate mo. Siguraduhin mong na-cover mo lahat nang areas na dapat ma-cover — lalo na ang tanong na: sapat ba ang foot traffic sa lugar na yan para maabot ang Php80,000 isang buwan? Kung hindi mo kayang sagutin yan nang may katibayan, balik ka muna sa market research.

Ayan, minadali ko lang yan sa opis! Hehehe. Any questions, feel free.