Reyna Elena · Negosyo at OFW · 2026Negosyo, OFW, at praktikal na payo sa buhay-Pinoy
Negosyo Basics

Start-up Basics: bago ka gumawa ng business plan

Reyna Elena · 2026

Ang pagsisimula at pag-manage nang business ay nanga-ngailangan nang motivation at talento. Kelangan mong mag-research at tamang pag-plano. Hindi mo ma-aalis na medyo magkamali ka in the beginning, pero nadadala to nang extra business skills, disiplina at hard work para lumago ang business mo.

Isipin mo muna ang mga personal goals mo. Yong personal goals mo ba eh sagabal sa iniisip mong pag-nenegosyo? I-evaluate mo parehas yon, then gamitin mo tong information na to na gumawa nang business plan para ma-reach mo yong goals mo.

Pag nagsimula kang mag-develop nang business plan (ang tawag daw dito ng mga tao ay “feasibility studies” — ewan, di ko maintindihan, pero for purposes nang site na to, business plan ang gagamitin ko), mapipilitan kang i-consider yong mga bagay na akala mo hindi na kelangan, pero dapat palang isipin at isali sa mga plano mo. Etong business plan mo, pagka tama ang gawa, ay magiging gauge nang iyong success. (Tama ba ang mga tagalog ko?!)

Mga dahilan at tamang negosyo para sayo

Lista mo yong reasons kung bakit gusto mong mag-business. Yong mga most common reasons for starting a business are:

  • Self-management (Ikaw ang bida)
  • Financial independence (Hindi ka na mangu-ngutang at hihingi nang pera ki Kuya {kasi si Tatay ayaw na, eh})
  • Creative freedom (Siempre, madami ka nang oras na libre kaya pati Ballet nag-aaral ka na rin)
  • Full use of personal skills and knowledge (Finally, nagagamit mo na rin ang mga binaul-baul mong talento dahil wala nang atrasan to)

Next, alamin mo kung ano ang business na tama para sayo. Ask yourself these questions:

  • Anong gusto kong gawin pagka me libre akong araw o oras?
  • Anong mga technical skills ang aking na-developed at nalaman over the years?
  • Ano ang sabi nang mga kakilala ko na magaling ako?
  • Yong pamilya ko ba eh susuportahan ako?
  • How much time ba ang kelangan ko to run a successful business?
  • Anong hobbies ko na pwede kong ine-gosyo?

Alamin ang niche mo

Identify your business niche. Research and answer these questions:

  • Ano ba ang business na interesado akong simulan?
  • Anong serbisyo o kaya producto ang pwede kong ibenta?
  • Practical ba ang idea ko? Me bibili ba nang idea ko?
  • Meron bang market and idea ko?
  • Sino ang ka-competition ko?
  • Ano ang advantage nang serbisyo ko o producto ko sa mga existing businesses?
  • De kalidad ba ang serbisyo ko?
  • Pwede ba akong mag-create nang demand sa business ko?
Talaarawan, kape, at business plan sa mesa

Ang checklist bago ang business plan

Ang final step before developing your business plan ay isang checklist. Sagutin mo ang mga tanong na to:

  • Anong skills at experience ang i-cocontribute ko sa business na to?
  • Anong legal structure ko? Sole proprietor? Corporation?
  • Paano ko ma-maintain ang aking business records?
  • Anong insurance coverage ang mga kailangan ko?
  • Anong mga equipment at supplies ang kailangan ko?
  • Paano ko so-sweldohan sarili ko?
  • Me pera ba ako para sa aking operating capital?
  • Anong klaseng financing ba ang kelangan ko?
  • Location, location, location. Saan tong business ko?
  • Anong pangalan nang business ko?
  • Ang mga sagot mo dito ang makakatulong sayo para maging focused at well-researched ang business plan mo at eto ang magiging mapa mo para sa pag-papatakbo nang business mo, pag-manage at pag-hanap nang capital.
HakbangAng tanong na dapat sagutin
Personal goalsAno ba talaga ang gusto kong marating sa negosyo?
Tamang negosyoAno ang skills, hilig, at kaya kong ibenta?
Niche researchMay bibili ba ng idea ko? Sino ang kompetisyon?
ChecklistLegal structure, puhunan, lokasyon, supplier — kompleto na ba?
ReviewMay nakakita bang iba ng plano ko at nakatulak ng butas?

Pa-review at flexibility

Pag natapos mo yang business plan mo, ipa-review mo sa kaibigan mo, o, ka-opisina mo. Ngayon, kung comfortable ka na maganda talaga ang business plan mo, dalhin mo sa bangko o kaya sa mga future investors mo at i-discuss mo especially kapa plano mong mangutang nang capital sa bangko.

Last, kelangan ang business plan mo is flexible para hindi ka nakatali dyan habang lumalago ang business mo.

  • Five Forces; more business plan
  • Starting a business in the Philippines
  • Ready ka na ba talaga?

Tell me I'm cute!

Startup Basics

Worldwide reaction to President Barack Obama!