Every year, chini-check namen si Annie kung kumusta na sya. Dati kasi, “damaged goods” daw yong dinilever na boylet nya. Naka-ilang beses tumawag. Nag-ngi-ngit-ngit. Gusto nang isoli samen ang asawa nya. “Ay wag samen!” sagot namen. “Dun mo ibalik ki Miss Marbella!”, sya omorder nyan. Eh dahil di nga maibalik, pinasok nya sa “Obedience School”. Before we knew it, aba! 10 years na pala silang naglolokohan! Haha! Read on…
Dear Tita Reyna,
Bumabati po ako ng Maligayang Pasko at Manigong Bagong Taon!. Malamig na naman ang simoy ng hangin, na nag papahiwatig na ang Pasko ay malapit ng dumating. Pero dito sa natag-puan kong bagong baryo talagang sobrang lamig….yelo ang humahampas sa mukha ko! Anyway, hindi po iyan ang dahilan kung bakit ako sumulat sa iyo Tita Reyna….
Heto po ang aking kwento….
Galing po ako ng Baryong walang family planning, puro sila family planting. Isang dosena kaming mag-kaka-patid, at sasabihin ko pong ako ay isang “latak”! Opo, latak na lang ako dahil ako ang bunso sa mga lalaki. Pero, bagamat latak….ako naman po ang pinaka-gwapo sa aming lahat (hehehe..Tita Reyna sana hindi ito mabasa ng aking mga utol), kaya nga lang kinulang ako sa “taas”. At dito po nag simula ang madami kong excuses sa buhay…..
Natatandaan ko pa ang unang-unang kapilyuhang ginawa ko……grade 3 ako nuon….meron akong magandang ka-iskwela, ang puti nya at makinis….ginawan ko sya ng ekspermento, hinipo ko ang mala-bayabas nyang dibdib! laking gulat ko na lang Tita Reyna ng dapuan ako ng mag asawang sampal sa mukha…..”aray”!
At hindi pa duon natapos iyun……isinumbong pa ako sa aming guro, na kaibigan ng aking “mother”. Naku po, Mahal na Reyna! talagang pinagalitan ako ng sang katutak na sermon ni Mother, at talagang nakakahiya dahil nalaman ng buong klase ko.
Sa hirap ng buhay tumigil ako ng pag-aaral…..sayang may honor pa naman ako nung grade 3, kaya hindi ko na naging ka-klase iyung girl na hinipuan ko, pero nakikita ko pa rin sya……Dumaan ang mga panahon….bago ako naka-tapos ng elementary, dalawang beses akong huminto ng pag-aaral, dahil sa sunod-sunod kaming nag aaral, ako na lang ang huminto……
Naka-ranas din akong mag tinda ng ice buko, ice candy at kung anu-ano pa…..pero syempre mas exciting ang mag “cara y cruz”! Ito ang aking paboritong sport! Ang sarap yatang mag laro…at talagang bitin ang hininga mo sa pag hagis ng pera hangang sa lumagpak ito sa ibaba…….kaya lang Tita Reyna meron akong nakakalungkot na ala-ala sa larong ito…..biruin mo bang makulong ako dahil dito sa pag lalaro ng “Cara y Cruz”? sabagay isang gabi lang yun Tita Reyna, gusto akong kutongan nung Pulis, eh wala na nga akong pera hinihingan pa ako ng limang daan para makalabas daw! Pwes ang sabi ko sa kanya “pwede bang gumamit ng telepono?” sabi sa akin ng pulis “sino tatawagan mo?” sabi ko “yung bayaw kong nasa Crame” aba..ba…ba ang sabi sa akin “kaya pala malakas ang loob mo ha! meron kang ipinag mamalaki!” “o sige lumabas ka na dyan!”.
Hahaha…kaya nga naiiyak ako pag naaalala ko ang bansang Pilipinas….na mi-miss ko na talaga ang amoy ng Pilipinas! Hindi lang yun miss na miss ko ang inuman sa kanto…..dahil sa mga inuman na yan kaya ako napuk-pok sa ulo ng aking tiyuhin na kainuman ko rin! makukulit kasi ang mga lasing sa kanto Tita Reyna!
Minsan naman umatend ako ng binyagan, nasa Manila ako nag ta-trabaho…..nagulat ang aking kapatid sa Legaspi ng makitang natutulog ako sa sala! Talagang sinigawan ako at nag tataka kung bakit ako na-uwi ng Bikol! hahahaha tawa ng tawa ang loka ng ikwento ko na …..sa kalasingan ko sumakay ako ng Bus papuntang Bicol!. Well, umuwi din ako nung madaling araw na yun…
Oo Tita Reyna, madaming kwento tungkol sa pag lalasing ko, pero ako yung tipong natutulog lang pag nalasing, sabi nila mabait naman daw ako…..at sasabihin kong “oo naman ano?” minsan kasi dinadaan lang ang problema at frustration sa pag-inom.
Pero ang lahat ay may hangganan din…….
Ang akala ko habang panahon na lang akong makikipag-barkada at maki-ki-pag inuman umaga at gabi…..pero ang Dyos ay may naka-laang bagay na dapat kong gampanan…..Bagama’t ako’y matanda na ng maka-pag asawa, biniyayaan nya pa rin ako ng tatlong makukulit na anak.
Oo ang buhay ay hindi perpekto, pero, sasabihin kong ako’y isa sa pinaka-maswerteng tao sa mundo! Bukod sa naging kumpleto ang aking buhay na mag karoon ng isang magulong pamilya ay naka-tagpo pa ako ng isang napaka-bait na may bahay……oo kahit sabihin kong ,may konting tapang si misis ko! hahahaha dahil sa kanya naging matino ako!
whaaaaa…..hindi lang talaga ako maka-iyak at baka patulugin na naman ako duon sa aming hallway! hahahahaha those were the days, na hanggang dito sa Canada ay dala ko pa ang ka-adikan ko sa alak at barkada. Sabagay kahit ikaw Tita Reyna ay hindi matutuwa na hindi ako nag papa-alam at nasa kapit-bahay lang pala naikikipag inuman, ni tawag sa telepono ay wala….susme kaya hayun, ikinandado nya ang pintuan at kahit anong lakas ang katok ko hindi nya ako pinag buksan! kaya hayun natulog ako sa hallway, kahit pinag titinginan ako ng tao, tinulugan ko na lang, umaga na ako pinapasok ng matapang kong missis. Pero simula nun hindi ko na inulit ang katarantaduhan ko! hahahaha Ngayun malalaki na ang mga anak namin, subsob ako sa trabaho. Hindi lang isa, kundi dalawa pa ang aking trabaho, at aaminin ko sa aking sarili talagang malaki ang aking ipinag bago!.
Simpleng buhay lang meron kami, pero nakakaraos kami sa araw araw na ginawa ng Dyos. Lumalaki na ang mga anak namin na malulusog at nai-enroll din namin ng konti sa ibang activities na gusto nila.
Tita Reyna, sampung taon na ng una kong makita ang aking mahal na si Annie, umuwi sya sa Pilipinas 2 weeks bago kami ikasal……..At ngayong darating na December 28 ay 10 years na kaming nag babahay-bahayan!
Binabati ko ang aking Mahal na Maybahay ng “Happy 10th Wedding Anniversary”
Ma, isang matunog lang na halik ang kaya kong ibigay sa iyo! hahaha recession kasi Mahal na Reyna, anyway, nag kaka-intindihan na kami ng Mahal ko nyan…….Ma, isang matunog na HALIK ang hatid ko sa iyo….Mwaaaaaa tsup!
Thank you Mahal na Reyna sa iyung matiyagang pag basa ng aking liham. Again, Maligayang Pasko at Manigong Bagong Taon sa iyo at sa buong bumabasa ng iyung ReynaElena.com.
Nag Mamahal,
Bebot
Pansin nyo? December 2009 pa pala to? Hahaha! Sorry talaga sanpitz hehehe! Sa susunod kasi, aagahan mo ang bayad o kaya advance mo para mabilis ang posting ko hehehe! Salamat naman at mukhang hindi ka na ibabalik ni Annie hahaha!






Stumble Upon
Del.icio.us
Buzz







{ 11 comments… read them below or add one }
hahaha. laughtrip tong entry auntie reynz. naalala ko nung laging nananakawan ng beeper at relo yan si uncle bebot! haha
happy 10th wedding anniv uncle bot and auntie annie and more to come (yung anniv, wag na yung kids. marami na yan)
haha
[Reply]
reynz Reply:
February 3rd, 2010 at 7:33 am
oo! ang di ko makalimutan yong nakipag-inuman ata to sa baclaran, or somewhere, kinaumagahan pinulot sa Legazpi City hehehe
siempre hindi yan alam ni Annie nun, dahil puro maganda ang banat namen, binild-ap namen nang todo si Bebot hehehe, magaling ang packaging na ginawa namen ki Bebot hehehe
kaya ayoko munang magpakita ki Annie, baka bigwasan ako hehe
.-= reynz´s last blog ..Is there something for which Arroyo should be held accountable? How? =-.
[Reply]
bebot Reply:
February 3rd, 2010 at 9:01 am
Hi Pangkin, naalala mo pa rin ha????? hahahaha kwento ko ng kay tita annie nyo ….sobrang bait ako sa mga snatcher hehehe
[Reply]
reynz Reply:
February 3rd, 2010 at 11:18 am
sa totoo lang! pati mga snatchers, kainuman mo na hahaha binabantayan ka lang nga malasing hehehe
.-= reynz´s last blog ..Happy 10th Wedding Anniversary =-.
[Reply]
hahahaha…..Thank you ng madami Mahal kong Pinsan! huli man daw at magaling ay naihahabol din!
Ang gusto ko lang ipahiwatig sa aking “kwento”…lahat ay may kanya kanyang difunctionalities sa ating buhay, pero hindi dapat duon natatapos ang ating pag-asa at pag-darasal, at pag dumating sa buhay natin ang ating minimithi at idinadalangin, alagaan natin ito at pasaganain. Thank you very much Reyna Elena may God Bless You More!
[Reply]
reynz Reply:
February 3rd, 2010 at 11:18 am
no problem sanpitz basta ba bawat i love you annie entry is always worth $200CD hahaha
.-= reynz´s last blog ..Happy 10th Wedding Anniversary =-.
[Reply]
Hi Francis, Thank You Very Much! oo nga talagang wala akong alam sa mga kalokohan ni uncle mo…pero ang maganda kay bebot wala syang inililihim (ngayong mag-asawa na kami hehehe) pero he really miss those kind of things! kung pwede lang umuwi sya bukas din sa Pilipinas eh gagawin nya! pero facebook helps a lot! nakita nya lahat ang kanyang mga na mi-miss na kaibigan, kaya kahit mapuyat sya sa pakikipag-chat o.k lang hehehehe. Bumabalik ang kanyang kahapon sa pakikipag kwentuhan sa mga kabarkada nyang mag nakaw ng pinya ng may pinya! hahahaha
[Reply]
Reyna Elena,
Thank you sa walang sawa mong pag basa ng kwento ng asawa kong makulit! hahaha Ako’y natutuwa at lumabas naman ang tunay na kabaitan ni Bebot. At totoo ang sasabihin ko…..I am so happy na sya ang naging ama ng aking mga anak at sya ang naging kabiyak ng aking puso. He tried his best para mag-karoon din ng magandang bukas ang aming pamilya. Ang hopefully time will pass and life will be easier for all of us. God Bless and let’s pray for a better life and happier world!
[Reply]
reynz Reply:
February 3rd, 2010 at 11:20 am
eh pano ako magsasawa eh bawat entry me paipit na $100 canadian dollars? hahahaha! sige lang! hahaha! i like! i like! haha
oo marami pang ninakaw na molido yan sa buragwis, naku kung alam mo lang hahah
.-= reynz´s last blog ..Happy 10th Wedding Anniversary =-.
[Reply]
Uncle Bebot & Auntie Annie – Happy Anniversary po!
Auntie – salamat po sa walang sawang pag alaga sa pinakamamahal naming uncle. Blessing po kayo sa amin dahil kung di dahil sainyo, pasaway lang yan si Uncle dito. hahahaha. (joke uncle=)
[Reply]
reynz Reply:
February 3rd, 2010 at 11:21 am
naman roselle! kaya hulog nang langit si annie hahaha
.-= reynz´s last blog ..Happy 10th Wedding Anniversary =-.
[Reply]
hahahaha…..ikaw Roselle ha! mahal na mahal pa naman kita….. itinatakwil mo pala ako! hehehehe
[Reply]
Hi Roselle, Thank you very much! he really is a good man! buti na lang galing sa mababait na pamilya! hehehe I am glad naging part ako ng inyong pamilya. You are all a very nice person.
[Reply]
Makikibati na rin, happy 10th Anniversary Annie and Bebot, ganyan din dati ex-husband ko umuuwi ng walang sapatos at laslas ang bulsa dahil sa kalasingan, favorite din sya ng mga snatcher, suki na nga lalo na a kinse at katapusan, i’ve heard he already changed for the better, dont see him for 10 years already
.-= an2nette´s last blog ..Fessenbach 33rd Jubilee =-.
[Reply]
bebot Reply:
February 3rd, 2010 at 8:15 pm
Hi An2nette, ‘lam ko madaming katulad ko sa Pinas hahaha…kaya busog samin ang mga snatcher! ang mga katulad ko ang bumubuhay sa kanila! hehehehe
[Reply]
hahaha! tsinaga ko talagang basahin. somehow, nakarelate ako sa lasingan sa pinas, hehe.
[Reply]
at last kahit ganon si bot kapatid ko pa rin iyon peru hindi ko alam ang ginagawa nya sa pinas ang alam ko lang lagi syang lasing kasi maraming check ang dumadalwa kay bebot na ubod ng mga maganda at pangit he he he peru ang swerete nya ipinamidbid ko syempre sa taga canada para makalipat din syang ibang lugar tapos ayon guminhawa naman sila dahil kay annie mabuting asawa na inalagaan sya until he will brommmmmmmmmmmmmmmmmm anyway happy anniversary tol from minerva jones
[Reply]
reynz Reply:
February 4th, 2010 at 12:27 am
isa kang anghel mrs. jones hahaha
.-= reynz´s last blog ..Is there something for which Arroyo should be held accountable? How? =-.
[Reply]
Thank you ate pat, ang sarap namang namnamin na mahal mo pala ako! hehehe
@Reyna, malapit na ang Valentines Day, kelan mo naman ilalabas ang Love story ng aking mahal na kapatid??? hehehe yung kay Berting? hehehe
[Reply]