Kahit kelan, hindi na yata mag-improve ang Pinoy TV

by reynz on December 14, 2009

Post image for Kahit kelan, hindi na yata mag-improve ang Pinoy TV

Kahit kelan, hindi na yata mag-improve ang Pinoy TV. Matalino naman mga Pinoy. Parati na lang nating naririnig yan. In fact, napunta pa ang talent nang mga Pinoy sa Walt Disney. Pero bakit nga ba ganun. Local TV natin, di mag-improve. Sorry, masyado na namang nega ako. Pero, naki-ki-ayon ako sa blog entry ni Kengkay. Kwento ni kengkay:

“ang pamilya ni kengkay. hindi masyado mahilig sa telebisyon. in fact, ang nanonood nga halos ng tv namin e yung mga kasama namin sa bahay.

ang mga little kengkays? mas gusto nila mag bike, mag habulan, ang mga laruan, magtaguan. ngayon pa nga e nagtututo silang maging propesyonal na players ng piko, tumbang preso, patintero, pen-pen- de sarapen at saw saw suka. medyo bano pa nga lang sila sa jackstones :)

ngayon, isang linggo, biglang naisip nilang magnood ng telebisyon. sabi ko, nood sila ng tagalog na kiddie show. nabuksan namin sa abs-cbn na may palabas na goin’ bulilits. sinabayan ko sila ng panood. nadismaya ako :(

kasi naman, ang mga batang andun — ang kwento nila e tungkol sa mga holdapan sa bangko. kuntodo may mga bigote at may mga baril; mga nakaitim na suot pa yung mga masamang tao. at nakakatawa daw yung ganon? at nakakaengganyo daw sa mga bata yung ganon?

goin’ bulilits nga di ba? pang bata kaya yung ganon? baril? holdapan? masamang tao?

kahit na joke lang yun — hindi dapat ganun. pang bata nga dapat ang tema e.

nainis ako. pinatay ko yung telebisyon. hindi rin naman kasi natawa yung mga little kengkays e. napanganga kamo sila. kasi nagtataka daw sila kung bakit kung bata daw yung mga nanghoholdap. ngek!”

Nun kasing nag-kasakit ako sa Pasig, three days kamo yon. Leche, wala akong magawa sa buhay ko. Gustuhin ko mang tumalon, eh 2nd floor lang yon. Tyak bali-bali lang ang aabutin ko. So, gaya ni Miss Germany, binuksan ko TV, at nanood ako nang kung ano anong kalechehang Pinoy TV. Punyeta! Mas lalo akong nagkasakit!

Wag kayong magalit. Impression to nang isang Pinoy na matagal nang di nakakapanood nang TV Pinoy. Pero grabe. Feel ko, ginagawang abno nang mga TV producers and audience nila. Sa lahat na ata nang kabo-bo-bobohang TV show, andito na sa Pinas. Nakaka-iritang tingnan. Pero, oo, pinursige kong panoorin. Kesa naman tumalon ako sa 2nd floor.

Tinawagan ko si Pusa. Ask ko kung anong magandang show. Sabi, isara mo TV mo. Mas magandang blangko sya. Akala ko nagbibiro. Nyahaha! Totoo pala!

Oo, pati Starstruck, pinag-tyagaan ko. I get it that they picked these talents from all over the world. As usual, dumating dun sa talent show, na iiyak ka dahil nachugi ang isa sa family mo, or that me kulasisi ang lecheng mahal mo. Punyeta oo! Walang pagbabago ang mga linya! Grrr!

Meron pa akong pinag-tyagaan. Pinoy Big Brother. Yeap. Corny pero, pwede na sya. Dahil nakakatawa mag-tagalog yong si Jason at ang ligawan nila ni Melissa. Then again, forgettable ang mga yon. Mas lalo akong nagkasakit.

I know, meron den sa America nang Days of their lives na wala nang ginawa magsapakan and all. Pero, masama ba na mag-expect nang mataas na standards sa mga Pinoy given na parati na lang nateng sinasabing talented tayo?

Halatang halata na ang Pinoy TV glorifies kabaklaan. Hindi ko sinabing nega ako dun, but anything that’s too much – uber haha! Eh kasi, lahat ata nang channels na kinalikot ko, bading here, bading there, me nag-te-teks pa! When will bading characters be enough?! I guess, bading rules Pinoy TV network. Otherwise, you won’t see over the top kabadingan sa Pinoy TV.

Si Willie na lang ba ang natitirang deretsong lalaki as talent?! Eeek!!! Ok. Fine. Bakla na lang.

I’m telling you, mas exciting ang mga blogs kesa sa TV. Say?! Hahaha!

Related Posts with Thumbnails

Reyna Elena Dot Com is Powered By Thesis

Thesis Theme

With Thesis, you need not worry about your in-site SEO. All you have to do is "just add killer content". From beginners, to the most advanced WordPress developers, Thesis makes it easy for anyone to customize it.

{ 6 comments… read them below or add one }

tuksuhinmoakotutuksuhindinkita December 14, 2009 at 11:11 pm

with all due respect your majesty…

tama ka, nawawalan na ng saysay ang programang pinoy sa tv. Ang mga produ kasi they are after the income not the quality na maibibigay nila sa madlang people, true enough kahit anong gimik pa yan forgetable yan unless if someone commits suice in national televesion, hahaha.

Wala nang kwenta ang programang mas kapupulutan ng aral. Gone are the days. O sya hangang dito na lang muna, manonood pa ko ng stairway to heaven.

[Reply]

lee December 14, 2009 at 11:57 pm

kaya nga di ako nanonood ng tv e hahaha.
pati mga bata sa bahay sa computer nagbababad.

[Reply]

Ely December 15, 2009 at 10:34 am

Thanks to cable TV!
Ely´s last blog ..Bro, Ikaw Ang Star Ng Pasko. My ComLuv Profile

[Reply]

kengkay December 17, 2009 at 5:11 pm

hahaha, kwentong pinoy talaga oo. sa totoo lang, dun din daw sa mga kiddie shows sa pinas e nag-papalabas din daw sila naka-drag yung mga kids, weeee! hanu ba yun. nope, pinagpapatintero at pinag-tumbang preso ko na lang mga little kengkays. at sabi ko nga kahit pinturahan nila ng chalk ang buong kalye e okay lang basta wag na nila hawakan ang tv remote.
kengkay´s last blog ..goin’ bulilits My ComLuv Profile

[Reply]

reynz Reply:

me hinahanap akong pambata show, i think it’s like batibot something, parang comedy ata yun and that was good, indi ko na nakita yon. puro na kabaklaan lahat, punong puno na ako hahaha

[Reply]

Froi December 17, 2009 at 5:12 pm

Mas gugustuhin ko pang mag basa ng BLOGS ng mga tiga Barrio Siete pips kesa manood ng palabas sa TV sa pinas, nanonood lang ako ng mga news dito http://www.hayag.com (sa Live section) pero yong ibang palabas yoko nah waaaaah

[Reply]

reynz Reply:

yo! hehehe ma-check nga yang link na yan! :-)
reynz´s last blog ..TJ Besa’s mis-information campaign against Noynoy Aquino My ComLuv Profile

[Reply]

lui December 18, 2009 at 9:28 am

This made my day – “Si Willie na lang ba ang natitirang deretsong lalaki as talent?! Eeek!!! Ok. Fine. Bakla na lang.” Hahaha!

I so agree with Ely’s comment, thanks to cable TV, without it I’d live a gloomy life..
lui´s last blog ..Koh Kong Trip, Part I My ComLuv Profile

[Reply]

Leave a Comment

CommentLuv Enabled

Previous post: Open Letter to Gloria from Oton, Iloilo

Next post: Balik probinsya