Sadyang mahirap ipagkatiwala ang mga importante sa buhay mo

by reynz on December 1, 2009

Post image for Sadyang mahirap ipagkatiwala ang mga importante sa buhay mo

Lessons learned na naten lahat tong makikita nyo. If you don’t own the place, wala kang pakealam talaga. And that’s my problem dito. Akala ko you could trust those people na pinagkatiwala mo. Ilan kayang mga OFW ang me mga ganitong problema? O baka naman nag-iisa lang talaga akong tanga sa mundo. Hmpt!

At home naman na ako sa aking barong barong. Nalungkot lang ako. Eto ang aking TV. Colored sya nong iniwan ko. Ngayon? Black na lang. Resourceful naman ako. Pag gusto ko maging updated sa metro news, dinidikit ko na lang tenga ko sa pader nang neighbor ko. Ok naman. Magkaka-stiff neck lang nga ako sa ginagawa ko.

Meron din akong juksbaks. Tumutugtug sya nung iniwan ko. Kumakalemang pa nga eh. Ngayon? Silent music na lang ang banat nya. Pinasabog ata nang mga tarantandong nagbantay dito. Gawin bang motel at beach resort ang bahay kubo ko! Siguro nung mga bangag na, akala nila lalabas si Arnel Pineda pag naka-volume nang todo. Kaya kung akala nyong malungkot akong nakatingala sa bintana ko, hindi, nakikinig lang ako nang music galing sa neighbor ko.

CIMG5655

Ok naman ang lutuan sa kusina. As in, pan-display ko lang sya para kunyari I belong to the civilized.

CIMG5657

Kaso yong exhaust, walang kapagod pagod nang kaka-exhaust. Malaman laman ko, hindi na pala sya pwedeng i-off, kaya kelangan, saksak mo manually pag kelangan mo. Amfuta oo!

CIMG5661

Ang sliding door naman nang kalahati nitong cabinet is doing ok, kaso yong kalahati kelangan mo nang dalwang berdugo bako mabuksan. Magandang exercise in the morning. Pang biceps sya. Pati yong sa smaller room, sinira na namen ang kandado just to open that damn door shit. Grrr!

CIMG5663

Pero alam nyo, things about me never changed. Kasi ganito ang itsura nung ref ko sa New Orleans. Sight nyo?

ref_new orleans

Kaya nga sabi ko, feel at home ako. Eto ang itsura nang ref ko sa Pasig.

CIMG5659

Ow~! Freezer kamo? Malinis sya. I like it that way. Ayoko nang marumi.

CIMG5660

But I love my place. Pinag-hirapan ko to. Pokpok na trabaho sa six inches na snow. Kaya, paghihirapan ko uli syang maibalik sa dating anyo.

*hikbi*

Related Posts with Thumbnails

Reyna Elena Dot Com is Powered By Thesis

Thesis Theme

With Thesis, you need not worry about your in-site SEO. All you have to do is "just add killer content". From beginners, to the most advanced WordPress developers, Thesis makes it easy for anyone to customize it.

{ 15 comments… read them below or add one }

darbs December 1, 2009 at 9:56 am

you are not alone. may alam akong imbes magbakasyon ang ginawa nilinis ang buong bahay at pinintahan dahil ung… ah- basta alam mo na ang story. Baka dalawa lang kayo.
.-= darbs´s last blog ..WNYC Brian Lehrer’s 20th season anniversary with filmmaker Michael Moore =-.

[Reply]

reynz Reply:

oo darbs! ba’t nga ba ganun! mindset! mindset! ang hirap nang feeling na ginagamet ka lang with all the pagdusa na ginagawa naten sa amerika!

[Reply]

Lalaine December 1, 2009 at 10:13 am

Reynz, I understand your sentiments, but looking at the brighter side, hindi ka inabot ng baha. Mas malaki ang damage kung nagkataon…

[Reply]

reynz Reply:

on the other hand, oo, dahil tin-nour ako nung neighbor ko sa damages dito sa first floor, grabe pala, nagtuklapan yong mga dingding at mga ilang sasakyan den ang nadamage.

[Reply]

Amor December 1, 2009 at 10:42 am

That’s so sad nga Reynz, pinatira mo na’t lahat ganun pa ang ginawa. Mabuti na nga rin at di kayo inabot ni Ondoy.
.-= Amor´s last blog ..Friend Request Denied =-.

[Reply]

reynz Reply:

ok lang yun at least me barong barong pa ako hahaha ma-aaayos ko rin to
.-= reynz´s last blog ..Presidential candidate Manny Villar on plastering his name on relief goods =-.

[Reply]

bloggista December 1, 2009 at 11:08 am

awww, andito kana sa Pinas kamahalan? Hehe. Pasalubong namen? Sana kami nalang pinatira mo jan, pwede naman sana ako din jan basta bigyan mo din ako chicks kasama. LOL.

Welcome back! balita nalang.
.-= bloggista´s last blog ..Reporting and Fighting Spam sites and scrapers =-.

[Reply]

reynz Reply:

ei! let me know kung ano na ang nangyayari sa other end of the shore hahaha andito lang ako hehe waiting haha

[Reply]

lee December 1, 2009 at 12:07 pm

tsk tsk buti nalang di inabot ng baha, ganda ng inabutan mo sa pinas, obligado kang magkukuskos at magkarpintero at magrepair ng mga sira argh,ang saklap na bakasyon, nakakaadwa nga pagka ganyan ang inabutan mo.
hala, isipin mo nalang na yung dating nakatira dyan e gorilla at pinaglambitinang lahat ng pwedeng paglambitinan.
cheers!
.-= lee´s last blog ..Turkey… turkey ba yan? turkey ka dyan! =-.

[Reply]

reynz Reply:

oo lee! indi pa tapos ang clealiness campaign ang hirap nito pag nalinis, mahirap linisin ang utak ko hahaha
.-= reynz´s last blog ..Presidential candidate Manny Villar on plastering his name on relief goods =-.

[Reply]

lee Reply:

oo nga e, diko naman pwedeng sabihing itodo mo nalang yung music habang nagbubunot at wala ngang sound hahaha.

[Reply]

reynz Reply:

hahaha ok lang iisa lang ang music na naririnig ko dito puro pamasko haha

mtoni December 1, 2009 at 2:40 pm

wag alala me kapareho ka pa, dati ung iniwan namen bahay maayos ngaun tila babagsak na daw at sabi ng kapitbahay malinis sa loob(nawawala mga kasangkapan).
sa isang banda mas mabuti daw me tumatao kesa ala.

konting ingat po para di nagkakasakit jan at enjoy nyo bakasyon.

[Reply]

reynz Reply:

relate ako sa mga nawawalang kasangkapan hahaha andami kamong grinocery mga gamet ko. ultimo kurtina ko, nangawala, basta ang iniwan yong kasya lang bang matabunan nang konti! ang mga leche talaga oo!
.-= reynz´s last blog ..Oh to be Tiger Woods! =-.

[Reply]

an2nette December 1, 2009 at 5:30 pm

hi mudra, magandang exercise ang paglilinis at least mababawasan na ang bilbil mo
.-= an2nette´s last blog ..The Fun Drive =-.

[Reply]

reynz Reply:

‘day leche i’m not getting any younger ata hehehe sekret lang pero leche di ko na kaya atang kulahin ang buong balay ko haha
.-= reynz´s last blog ..Oh to be Tiger Woods! =-.

[Reply]

Boldstar December 1, 2009 at 6:37 pm

ay Renz Mahal tama ka dyan wala ka talagang mapagkatiwalaan dyan sa pinas.

Bakit kaya walang professional housesitting business dyan na pweding mag tubig nang manga halaman at itsapwera nang alikabok. Sa Barrio wala pero Pasig na yan noh!

Mabutit anjan pa yanng manga gamit mo sira lang pero yong sa amin kung hindi na pako sa bubong wala na including sa dingding na Nara ang kahoy ayon tinanggal 4 bedrooms became one upstairs.

at alam mo sa likoran namin inaply nang manga putang inang foreshore lease buti lang narecognise sa friend nang family . pero ayon gastos na naman

Walang respeto talaga gusto mong dumug dumugin ang pagmumukha nang manga puta.

feel na Feel ko talaga yong heart mo ngayon noh….

[Reply]

reynz Reply:

hahaha napa-ubo’t kahol ako nang todo sa todong feelings mo haha intayin mo yong culture shock entry ko, maloloka ka ‘day hahaha

[Reply]

bebe December 1, 2009 at 10:35 pm

bigla naman akong kinabahan sa entry na to. baka yung balay ko na kalapit ng balay mo eh kailangan ko na rin iparenovate. juskuday! di pa bayad yun.

ay excited akong makita ang entry about wat hapend dun sa bantay hehe
di kaya na serve na ba ang eviction notice?

don’t worry reynz, maayos din yan. enjoy!

[Reply]

reynz Reply:

na-evict na yong bantay di ba? matagal na yun. naka! na-miss mo ata ung entry na yun hehehe
.-= reynz´s last blog ..The American Turkeys =-.

[Reply]

bebe Reply:

hindi ah! mon-fri ako nakatambay dito sa balay mo. akala ko may bagong bantay balay mo kaya nasira mga gamit.

[Reply]

nina December 2, 2009 at 1:18 am

as usual funny ka pa rin kahit ganito ang post mo. Sabi ko kasi sa’yo, pa-long term lease mo yang condo mo tapos pag uuw ka mag rent ka na lang. Kaya ako ayaw ko magpagawa ng bahay kasi nga alam ko na di malayo sa post na ito ang mangyayari.
.-= nina´s last blog ..Quotes by Bob Ong =-.

[Reply]

reynz Reply:

magandang idea nga yun, mawawalan naman kami nang balay pag nauwi kaming mga tiga US. masakit talaga sa ulo ang me “bantay” hahaha

[Reply]

nina Reply:

How many days in a year lang ba may nagbabakasyon from US? Use the rental income to rent another condo. Last time, we rented at Two Serendra in The Fort…
.-= nina´s last blog ..Quotes by Bob Ong =-.

[Reply]

iRonnie December 2, 2009 at 5:37 pm

uy! mahilig ka sa eggs…

btw, marami pong salamat sa space ng barrio siete for promoting efren. wagi tayo! mabuhay ang pinoy!

[Reply]

reynz Reply:

friend mo ba sya? nagkahandshake kami sa airport, konting hi hello how do you do pakilo ko award mo hahaha nakasabay ko sya sa eroplano. sya sa first class. ako dun sa cargo hahaha

[Reply]

Silver December 2, 2009 at 9:15 pm

Ang ganda ng ref mo Mudra! Hahahha. Pag mainit ang ulo mo tungkol sa politika ng pinas e dyan mo na lang isaksak. At least, di ka na bibili ng aprovel. Tipid pa. LOL.

[Reply]

reynz Reply:

ano fa! kaya walang laman yan dyan ko sinasaksak ulo ko haha

[Reply]

Reesie December 3, 2009 at 7:09 am

so reynz, hindi luto ang itlog mo pag kinakain mo? bwahhaa… no pun intended..pramis.

[Reply]

reynz Reply:

ay! ayokong niluluto yon ateng! hahaha!

[Reply]

pattyjones December 3, 2009 at 8:56 pm

reyna kaya ka inubo dahil sa pandecoco matamis iyon isa pa itlog lang ang kinakain mo walang vitamin at sana ako na lang ang nag stay sa condo mo kung wala lang akong trabaho ako na ang taga linis dyan libre pa anong say mokaya lang malayo naman pala well puede ba lagyan mo naman ng laman ang fredge mo ano ka poor at pinakita mo na walang lamanpunta ka sa shoemart mamili ka at mag shopping na lang okey and ingat ka lang dyan para huwag kang mag kasakit walang titingin dyan syo bye bye bye

[Reply]

reynz Reply:

at pag nalagyan ko nang laman, ano naman gagawin ko nun? mamumulaklak lang dyan ang kangkong hahaha bakapati isda eh manganak na rin dyan hehehe pati yong itlog naging chiken nang disoras haha

[Reply]

archondigital December 11, 2009 at 12:22 am

baka naman di mo lang matandaan na pinagamit mo na refugee center yan nung panahon ng bagyo

Hirap lang talaga ng malayo, pero sakay ko minimalist concept ng ref mo ah…
.-= archondigital´s last blog ..Archon Digital’s 5th Incarnation =-.

[Reply]

Leave a Comment

Previous post:

Next post: