That’s what I have. I used to have the Magellan nung unang labas. I bought it for about $1,300. Pohtah! Mahal! But this new one? Cheapangga na sya. Less than $300 na lang. And without the navigator, I would not be able to drive in and around New York or DC. Im fak, salamat sa navigator, malaking tulong talaga sya. And the new ones are much more powerful. Nagsasalita na sya.
And I remember yong dati kong navigator. Kelangan mo pang i-upload and mapa. So, ang problema was that, oras oras me bagong kalye sa America, so you have to constantly re-upload and upgrade the map. Kung hindi, mag-titili ang navigator mo with lecheng “Off-route! Recalculating!” Pohtah! Sakit sa tenga!
It occurred to me, di ba crazy insane intelligent naman ang mga Pinoy programmers? Ano nga kaya i-re-program nila ang navigation systems for Filipinos only. Pwede ring me translations in different languages di ba? Pero unahin naten ang Tagalog.
Ganito ang Filipino Navigation systems. Siempre Taglish dahil sosy na ang mga Pinoy di ba?
Galing ka nang Rosario, Pasig. Papunta ka sa Ayala, Makati.
You: Driving along Ortigas Avenue at ang susunud na turn was C5.
Navigator: In 200 meters, turn left to C5.
You: Dahil matigas ang ulo mo, dumeretso ka. Pakalagpas mo nang C5…
Navigator: Tanga! Sinabi nang left! Sinabi nang left! Continue driving and turn left on Edsa. Tanga ka talaga!
I think driving will be exciting kung maldita ang navigator mo di ba? Tutal sanay naman tayong nasisigawan parati. Especially pag long driving. Say you’re going to Bikol. Nasa SLEX ka, harabas lahat nang mga gagong tao dun.
You: Driving sa SLEX. Bigla mong kinat ang pobreng nag-momotor.
Navigator: Sira-ulo! Sira-ulo! Baliw ka ba? Baliw ka ba?
Taz otomatik na nag-dial ang Navigator sa pulis. Copy furnished ang asawa mo.













{ 2 comments… read them below or add one }
hahahaha winner ung pinoy version hahaha.
mura lang dito yan, mga $150, like mo? yun nga lang intsek ang feature lol lol
[Reply]
reyna elena Reply:
November 5th, 2009 at 1:09 am
iisa lang naman ang highway saten di mo na kelangan navigator hehehe taz yong mga kalye naman, nawawala, biglang nagiging compound na sya hahaha
[Reply]
hahaha parang ako yung navigator sa aking asawa nag tatalak ” ang tigas talaga ng ulo mo humpt”!
[Reply]
reyna elena Reply:
November 5th, 2009 at 1:10 am
ay oo noh! walang tigil nang talak yang navigator mo! ambilis magalet haha
[Reply]