Barrio Halloween

by Mel on November 1, 2009

Undas na mga ka-barrio.

photo credit: AP via daylife

photo credit: AP via daylife

Ano bang ginagawa niyo to celebrate this holiday?

Well, in my case I attended a birthday party on a Halloween. Buti na lang at hindi costume party kaya hindi na ako nag-effort to come as a Victoria’s Secret Angel. Hahaha!

Anyway, sa mga ka-barrio natin diyan sa Amerika, normal na eksena na ang makakita ng mga costume parties everywhere. Costumes ranging from a Dracula costume to a Playboy Bunny. Pati Kate Gosselin costume ay pinatulan na rin ng mga tao. Hahaha! Normal na rin ang makakita ng mga bata in their little costumes doing trick or treat sa kani-kanilang neighbourhood. Nakasanayan na yan nila for the last 48 million years.

Dito naman sa Pilipinas nakikiuso na rin ang mga kababayan natin lalo na yung mga nasa siyudad attending costume themed parties sa mga bars and discos arounf the city. Medyo napataas lang ang kilay ko dahil pati mga batang Pinoy ay nakiki-trick or treat na rin sa kani-kanilang neighbourhood.

Haller?!

Kelan pa nauso ang trick or treat dito a Pilipinas?

Wala talaga tayong originality noh?

Pati tradisyon ng mga westerners ay pilit na ina-adapt na rin natin locally.

Ewan ko lang ha, hindi sa pagiging nega-star but I only see those trick and treat eklavoo ng mga bata sa mga upper and middle class communities lalo na yung nakatira sa mga villages and subdivisions.

Kumbaga, hindi ito practiced throughout the country kaya medyo uminit ang dugo ko when some of mainstream media declares that trick or treat is a tradition na sa Undas.

Hoy walang ganyan sa amin sa looban noh.

Nakakaloka!

Ang tradisyon naming tuwing Undas ay manguha ng bulaklak na tanim sa paso or sa hardin ni Mother. Bumili ng kandila sa kanto at dalhin ito sa sementeryo.

Tradisyon sa amin ang maghanda ng makakain dahil malamang magtagal ang stay namin sa sementeryo dahil magsisidatingan din ang mga kamag-anak from somewhere else.

In short magkakaroon ng instant family reunion sa sementeryo.

Sabay-sabay ang pagdarasal at pagrorosaryo sa harap ng puntod ng mga namayapang minamahal. Pagkatapos ay sabay-sabay ding kumain ng mga baon. Oo, sa ibabaw ng puntod nakalatag ang aming mga dalang pagkain.

Ganito ang typical Pinoy tradition tuwing Undas.

Hindi ang Trick or Treat!

Leche oo!

Umiinit ang dugo ko.

Hahaha!

Happy Undas mga ka-barrio.

Huwag niyong kalimutang bisitahin ang mga mahal niyong namayapa na sa sementeryo. Huwag niyo nang hintayin na sila pa ang bumisita sa inyo. Kayo rin. Hahaha!

Related Posts with Thumbnails

Reyna Elena Dot Com is Powered By Thesis

Thesis Theme

With Thesis, you need not worry about your in-site SEO. All you have to do is "just add killer content". From beginners, to the most advanced WordPress developers, Thesis makes it easy for anyone to customize it.

{ 2 trackbacks }

My hapi halloween 2009 entry « EXODIANS
November 1, 2009 at 1:56 pm
Undas | reyna elena dot com
November 1, 2009 at 8:33 pm

{ 15 comments… read them below or add one }

malensky November 1, 2009 at 12:29 pm

HAHAHAHHA

“i only see those trick and treat eklavoo ng mga bata sa mga upper and middle class communities…”

trulili, kami nga sa familia eh naki-MIDDLE CLASS na din haha pinilit namin pag costumin yun pamangkin ko para mag attend ng trick or treat somewhere in eastwood. naloka ako sa dami ng kendi. kareeran ito ‘day, yun mga bata kering-keri mag mukhang bampira hahaha

iba na talaga ang panahon, masyado ng westernized, effect siguro ng call center bwahaha…

noong panahon ko, nagtitirik lang kami ng kandila sa labas ng bahay at nanonood ng regal shocker HAHAHAH

[Reply]

reynz November 1, 2009 at 12:29 pm

hahaha! hindi ako lumabas ngayong gabi! leche ang ulan! kairita. nanood na lang ako nang world series. delayed den! inulan! ano ba! haha

natatawa ako sa sinabi mo, and i was trying to make pilit imagine, sa loob nang compound ninyo, kids doing trick or treating hahaha

eh kasi sa barrio namen ginawa yan nung neighbor namen, she dressed like one truly horrific character at kumatok den nang bahay, anong ibibigay namen kundi kamoteng kahoy haha eh haller ang mahal kamo nang chocolates noh? akala mo ba, pagdaan nya sa kanto sa may sari-sari store hinabol nang mga impaktong nag-iinuman dahil (paligsok) daw (di ko alam ang tagalog word hahaha) basta inviting something dreadful daw ang character, naawa ako dun sa gurl sa sobrang takot na kakatili at takbo pauwi haha

[Reply]

reynz November 1, 2009 at 12:32 pm

nung panahon ko ‘day sa sa barrio iba ang gawain namen nang barkada ko hehehe, lima kami, nagpapabayad kami mag-o-ora-pronobis hahaha taz yung kinita namen, binibili namen nang lapad nun! ta mo! kahit lasengga ang lola mo nun, at least pinag-hirapan haha

marami kaming suking mga tiga kabilang barrio den hehehe

[Reply]

Monique November 1, 2009 at 1:05 pm

Sa mga classes D and E, parang di naman nabubuhay talaga ang trick or treating. I thought I will be able to bring my daughter around. kaya lang we are miles away (sabay kanta), di din pwede trick or treating this days kung sakaling nasa pilipinas ako, bday kasi ng nasirang lola ko on the 31st, o diba? SO tradition na namin na sa sementryo kami 31 pa lang ng gabi.
Dito sa Dubai, expect mo na ang mga villa where filipinos live eh sa harap ng pinto may mga nakatirik na kandila. sa flat namin, baka magtirik din kami, we will match yung indian na katapat ng aming flat na naglagay ng kandila for 3 days para sa diwali festival nila. hihihi.

[Reply]

Rocky Garcia November 1, 2009 at 3:32 pm

Visiting our passed love ones in the cemetery and offering flowers and candle.

[Reply]

Silver November 1, 2009 at 9:02 pm

Matagal na may trick or treating. Lumaki kaya ako sa ganun. Hehehhe.

Nakaka-tatlong plastik bag ako dati ng punong puno ng kendi. Yung malalaking plastik bag ng SM. :)

[Reply]

reynz November 1, 2009 at 9:11 pm

alam mo ba, dapat dito sa Amerika mauso ang Undas dahil me mga sementeryo ditong truly nakakalungkot dahil ni hindi man lang malinisan yong iba di ba? at least saten, once a year man lang nakikita kung asan ang sementeryo sa gubat

nga pala, igno talaga ako. now ko lang nalaman sa mga comments mo tong tradition nang mga indians about kandila

[Reply]

reynz November 1, 2009 at 9:12 pm

and i have never done this in a very very long time kamo

[Reply]

reynz November 1, 2009 at 9:13 pm

‘day, subukan mong mag-trick or treat sa barrio hahaha babatuhin ka nang mga sanggano haha

[Reply]

Silver November 1, 2009 at 9:29 pm

Baka batuhin ako ng lapad at bilog na gin. Hahhahahha.

[Reply]

Snow November 2, 2009 at 1:49 am

Hay naku, naging busy ako these past few days due to Trick or Treat sa aming opisina at sa workplace ng hubby ko. Grabe, tuwang-tuwa ang aking anak sa ‘Trick or Treat’ from October 30 to 31!

May isang linggo siya tuloy supply ng candies at chocolates.

Hay, ang sarap maging bata…

Happy Halloween po sa inyo. By the way, I accept donations for my suspended blog to make it run again…hehehe…Just kidding…Medyo depressed lang ako dahil nawala bigla sa ere ang balay ko. Medyo nahihirapan tuloy akong magbloghop. Wala kasi akong bloggie…huhuhu.. :(

[Reply]

pehpot November 2, 2009 at 6:15 am

noong bata ako ganun din, madaling araw pa lang sa sementeryo na, at akala mo may piknik sa dami ng dalang pagkain.. pagdating naman ng hapon sa mg fwends na hehe.. akala mo kamg anak din kase nakikitirik ng kandila..

ngayng may mga bata na ako.. e nainggit ako sa mga nag ti trick or treat sa mall.. di kame makasali at wala akong kotse, kaya nag imbento ako ng trick or treat namin dito sa street namin.. at tama ka mel, di talaga uso dito ang trick or treat (doon pa lang sa uber susyal na subdivision), mabuti na lang at bumili ako ng sako sakong kendi kaya kahit paano may laman ang basket ng mga junakers ko..

[Reply]

bluepanjeet November 2, 2009 at 11:08 am

ako din, I was asking why the heck do we have trick or treat here. As usual pauso ng mga taga exclusive village. Feeling naman nila eh nasa tate sila. Baka naman 10 years from now eh mauso na rin ang THANKSGIVING AT COLOMBUS DAY hahaha

[Reply]

reynz November 2, 2009 at 11:56 am

baka nga ang susunod nya eh yong bayang magiliw eh america da byutiful na hahaha

[Reply]

Monique November 5, 2009 at 6:32 pm

Ateng meron kasi silang Festival of lights, they call it Diwali. bongga, parang Christmas at new year saten. Promise! we call it christmas lights sa pinas, sa kanila kaya anong tawag nila dun?? hehehe… may fireworks pa sila.

kung maraming pinoy sa middle east sobrang dami ng indians, palibhasa kapitbahay lang nila tong mga lugar dito.

[Reply]

Leave a Comment

Previous post:

Next post: