Keep social climbing alive Chiz!

by reynz on October 29, 2009

Congressman Francis "Chiz" Escudero
Image via Wikipedia

Where have all the leaders gone? Matagal ko na syang sinulat. Nung time na bagsak na bagsak ang ratings ni Gloria. Bagsak pa rin sya and will never make ahon talaga.

And to some, Chiz is the leader. Kaya lang, tumiwalag na pala si Chiz sa NPC. Ang cheezmaks sa FB me gusto raw magbayad nang P1 billion just for Chiz to give up his ambitions to run for President. Teka lang… hindi naman ata front runner si Chiz, so what’s the P1 billion for? I could declare not to run for President and I could be cheaper! A lot cheaper. In fact, I could accept payment in kinds. Like those stuff sa loob nang DSWD warehouse?! Pwede na yun. Sasaya ang mga boylets ko nun. Now, if you really want me not to join the 2010 Presidential Elections? Tanungin nyo ang babaeng to or ang isang to. Alam nila ang gusto kong payment.

The other cheezemaks was that, kulang ang pondong binibigay sa kanya nang NPC. Now that’s bad compared ki Noynoy where the people are putting in money for his presidential campaign. Big difference right there. Signs of a true leader? Dun mo makikita kung who’s got followers. And as I have said before, in leadership, pag wala kang followers, baka you are just strolling in the park for one leisurely walk. Hindi lider yon. Nagbebenta ata nan sorbetes and tawag dun.

Kaya kung naguguluhan ako ki Loren with her hard to getz strategy. Mas lalong nalukring naman ako ki Chiz. As in, ano ba?! Sasali ka ba or what?! At times, feel ko someone wanted to make this whole story na ma-sen-sationalize… you know to grab attention, to grab the headlines. Si Korina kasi, uber-ganda nung gown. Leche oo! Gusto kong rentahan.

So, in effect, what we have seen is what we have seen from Noli. Noli was front-runner 12 centuries ago. As in sure ball na si amigo, only to make postpone his intentions. Kaya nung lumarga ang mga barko, nawalan sya nang silya, naiwanan sa pantalan.

And this must be truly difficult sa NPC. Aba! Big investment nila si Chiz for all those years! And to say na they’re just doing fine, haller! How could you say that when your standard bearer eh tumalon sa pantalan?

So what do I see sa aking dalwang bolang kristal?

I think, if Chiz is totally out, Noynoy and Mar pa rin, Loren will probably bow out to Gibo dahil fwend nya si Gloria and Villar? Baka si Bayani kasi ayaw pa rin tumigil yong isa eh. What about Erap? Nakikita ko sa bolang kristal ko that he will give up. Kawawa naman si Binay. I think he should just ran as Senator. Now, si Ebdane? Ano ba yon. Nasa mapa pa ba sya?

An sabi ni Chiz:

“Ako’y lumisan dahil naniniwala po ako na mas matatanaw ko ang dapat kong gawin at dapat gampanan kaugnay sa darating na halalan. Di bilang miyembro, kundi ako lamang po, bilang ako (I left because I believe that I would know better what to do and what role to play in the forthcoming elections if I view things not as a member, but on my own),” he said.

“Hindi pupwedeng nakakadena ang kamay at paa sa partido. Hindi pupwedeng nakapiring ang mata at nakabusal ang bibig (It shouldn’t be that one’s hands and feet are chained to the party. It shouldn’t be that the eyes are blindfolded and the lips are sealed).” he added. (Source: Inquirer)

Read: ewan, hirap ma-getz nang datapwat subalit na tagalog nya. I’m glad me sub-titles.

I tend to disagree with the handsome gentleman from Sorsogon. Kelangan mo nang partido dahil hindi ka si Cory Aquino. Towards the end, its teamwork that counts and you’ll go back to the Senate and that’s exactly what you’ll gonna have to do anyway. Maki-ki align ka naman. No man is an island. You need them as much as they need you. In the long-term mahihirapan kang mag-isa. Kaya mo bang hipan ang sarili mong salbabida?

Maniwala ka sa motto nang Barrio: Keep social alive!

Reblog this post [with Zemanta]
Related Posts with Thumbnails

Reyna Elena Dot Com is Powered By Thesis

Thesis Theme

With Thesis, you need not worry about your in-site SEO. All you have to do is "just add killer content". From beginners, to the most advanced WordPress developers, Thesis makes it easy for anyone to customize it.

{ 14 comments… read them below or add one }

pinoy kasi eh October 29, 2009 at 1:56 am

Habang pinapanood ko si Chiz sa TV Patrol, wala akong maintindihan sa sinasabi kasi paulit ulit at obvious ang ginawang pagpakukunwaring makabayan. Nahilo ako sa kaiintindi sa pagiging makata nya. Tanong ko eh bakit ngayon lang? Bigla lang ba sya nagexperience ng epiphany dahil sa haplos ni Bro? Puro taong bayan ang binibigkas eh yan din naman ang sinasabi ng mga komunista tuwing nagrarally. Pustahan tayo, pag kinuha sya ni Erap na vice eh susunggaban nya. Sigurista kasi sya eh. If I were him, I’d rather give up the ambiton for now and wait until marunong na syang umintindi ng political dynamics. Nakalimutan nya ba ang “no man is an island” na kasabihan? Eh ano kung may partido sya na NPC. Pag sya na ang presidente, ano magagawa ni Danding kung ayaw nya ang mga hihilingin nito? Sino ba mas makapangyarihan? Si Danding o ang presidente?

[Reply]

art October 29, 2009 at 8:20 am

Favors, philippine style is for life – utang na loob, yan po is cultural. If u believe in evolution, maging part ng DNA natin yan;-) – scary. Tama po, no man is an island and life is a bitch. If chiz is honest, I admire his idealism and he’s got da balls to drop cojuanco and npc. He’s young, don’t count him out yet. Umalis ka sa frat mo or political party is HUGE, ask Francis Pangilinan – he left his frat in college; and he’s pretty independent too.

[Reply]

Dinah October 29, 2009 at 10:38 am

Kapag pinapakinggan ko siyang magsalita sa TV, iniisip ko kung kailangan nya pang ulitin ng 10x ang isang point para lang sabihing magaling siya managalog. this trick is getting old. kakainis na.
ako, will just wait how this pans out. so far, wala akong makitang concrete na dahilan bakit ko siya dapat iboto ke presidente or bise. kaya wait and see ako. i am still partial to villar or noynoy.

[Reply]

promking October 29, 2009 at 5:58 pm

bumibisita ba sa barrio si Chiz? hindi ata.. wala pa ata siyang alam tungkol sa social climbing.

pero hindi ako magtataka kung biglang tatakbo si chiz sa bise, pwede sa ilalim ni erap.

pero magugulat ako kung merong Villar-Escudero tandem.

[Reply]

reynz October 29, 2009 at 9:45 pm

hahaha i’d be surprised kung nagbabasa yun nang barrio. pero anyway, kakabasa ko lang nang latest NPC news, open na daw silang maki-alyado sa ibang party read: social climb hahaha and get this, pati admin! sabi ko na nga ba eh, baka kamulat mulatan nyan eh Gibo-Loren talaga hehehe

[Reply]

reynz October 29, 2009 at 9:46 pm

weird syang pakinggan speaking in that kind of tagalog naiilang ako at di ko maintidihan haha

[Reply]

reynz October 29, 2009 at 9:47 pm

well if you look at it, realistically tama nga naman talaga di ba? why live up to the dictate of your frat or your party – pero pag di sya maki-alyado, is he gonna make it? i doubt it. sinabi nya lang yon dahil frustrated sya sa maliit na campaign funds

[Reply]

reynz October 29, 2009 at 9:49 pm

just like here sa US, oras na ang speech eh me mga phrases na “to the american people” tumataas na ang kilay ko hahah puro mga all knowing do whats right morality chorva taz pag nakaupo puro na mga impakto

[Reply]

Alkapon October 29, 2009 at 10:09 pm

This is just my opinion.

Sang-ayon ako sa kanyang ginawa na pag tiwalag sa Partido pulitikal na kanyang kinabibilangan, kasi nga naman,mas malaya kang makakilos at magpasya kung walang mga demonyong nakapaligid.mahirap nga naman ang isang aspiring candidates na palaging may bumubulong, na parang naka kadena ang mga kamay, naka piring ang mga mata at busal ang bibig.

at higit sa lahat, kung sakaling siya ang pinalad at maluklok na maging presidente, wala siyang tatanawin na utang na loob sa mga tumulong sa kanyang bigating pulitiko, maiwasan pa ang padrino system at higit sa lahat ang magkaroon ng pwesto ng mga ibang trapo, lalo na yung mga corrupt.

[Reply]

Alkapon October 29, 2009 at 10:13 pm

mahirap mag byahe na may dalang excess baggage. dapat na itapon ang mga walang kwentang pulitiko na mahilig sumabit sa kasikatan ng ibang pulitiko.

Ganyan lang talaga ang buhay pulitiko sa bansa, kanya kanyang pautot.

Sa amoy na lang huhusgaan.

[Reply]

reynz October 29, 2009 at 10:18 pm

oo nga naman. of course pag sya ang naging presidente, push nya of course ang agenda ni cojuangco. but then, di ba dapat alam nya na yon since he’s been in that party for years? so, what gives now?

tama yong sinabi nya talaga. kaya lang… ba’t ngayon lang? makes me feel na me ibang dahilan. right?

[Reply]

reynz October 29, 2009 at 10:19 pm

pag sa amerika ang tawag sa mga ganyan eh mga lobbyists. taka lang ako dahil harap harapan saten.

[Reply]

Ajay October 29, 2009 at 10:48 pm

I think hindi sya nabigyan ng funding ni Lolo Danding for his presidential ambitions kaya tumiwalag sya.

[Reply]

reynz October 29, 2009 at 11:23 pm

At ang sabi naman nya:

““That’s not true. Money is not the issue and no money has been talked about in the party. Principle and conviction are behind my decision to leave the party,” Escudero said in Filipino over ABS-CBN’s morning show, “Umagang Kay Ganda.”

Money not an issue in NPC resignation—Escudero

Which to me does not add up dahil an tagal na nya sa NPC at alam na nyang me agenda naman talaga ang nagpapalabas nang pera. Right? Di ako kumbinsido hahaha

[Reply]

Leave a Comment

Previous post:

Next post: