“Southern Decadence started thirty-eight years ago as a simple going-away party. As a top gay Labor Day Weekend destination, it has now evolved into one of the world’s major annual events. One of the largest annual celebrations in New Orleans, it has become known as the “Gay Mardi Gras.” People begin to arrive on the Wednesday before Labor Day, and generally don’t even think about stopping or going home until the following Tuesday. With over 100,000 gay, lesbian, bisexual and transgender participants, and an economic impact estimated to be in excess of $100 million, the city has recognized its importance with an Official Proclamation to welcome the event. “Source: Southern Decadence
Pero hindi lang mga bading ang andito. Napakadami na ring mga deretso sa lugar na to. Di ko na maintindihan kung sino ang sino. These activities are happening at the French Quarters mga kabarrio. New Orleans is French Quarters. Oras na lumabas ka sa area na to, ‘ala na. That’s it. I mean, there are of course areas na me makakainan at maiinuman, but fun is here sa French Quarters. Ganun lang. Ingat lang at baka ma-chugi ka. I am not kidding. Laswik, naimbitahan yung gurl by a stranger sa bar, iniwanan nang gurl ang mga barkada nya, to this day, indi na makita si gurl. Yong guard dito sa apartment complex namen never fail to remind me na hawakan ko lang daw parati ang bola bola ko baka madekwat nang kung sino sino, isama pati katawan ko.
But, I can’t help it. Kelangan pa bang tuklasin ba’t ako nama-magnet sa event na to?! Kaya gora ako sa actividades para ma-sight kung ano ang mga pinapakita. Dahil nga sumablay ang Labor Day Weekend Trip ko, eto ako, nag-iisa sa apartment ko, parang trompo, paikot ikot, kumakanta at sumasayaw nang Nobody Bachuu.
Pagdating ko, anak nang tikbalang oo! Me prayer rally?!
Matagal na rin akong di nagkukumpisal. Nilapitan ko.
Panay ang sermon nung naka-green. Kesyo, magbago na raw kami dahil sinisilab na ang kaluluwa namen sa impierno. Me panahon pa para magbago at magpakaderetso na lahat nang mga misguided daw kuno dito. Eeeeek! Ako?! Mag-de-date na nang babae?! Ngak! Malaking problema to! At anong gagawin ko sa mga babae aber?!
Ang role naman nang sang to is sound pollution. Wala syang ibang sinasabi… “wa! wa! wa!” repeated over and over and over, kaharap nya yong nag-sesermon.
Naguguluhan ba kayo? Dito kasi sa New Orleans, especially here in Bourbon Street in the French Quarters, gay area to at dito parati ang mga exciting activities, like today, Gay Mardi Gras, kung saan ka makakakita nang siete hanggang dose pulgadas, live and raw. Dito ka rin makakakita nang kepyang, zuzu at wetpaks. Yung iba pwedeng touch. Eh kahit na nong February 2009, sa regular Mardi Gras, dito rin sa Bourbon Street, me mga nakita akong medyo di umabot nang dose pulgadas. At dahil ganito ang mga gawain sa lugar na to, irita to the maximum level ang mga konserbatibo. Lasyir, me mga nagsapakan daw dito. Kaya andaming pulis ngayon.
Gora ako sa bar na tugma sa kabaliwan ko. Bumili nang beer dahil mag-lalakad lakad baka me makita ako.
Meron nga. Mga magnanakaw nang korona ni reyna elena
Eeeek! Pansabong ata ang pantasya nang sang to.
Momma mia!!! I want! I want!
Siguro tinamaan to nang kidlat. Kawawa naman. Pati aso, nadamay.
Napaka ordinaryo nang street na to mga kabarrio. Sight nyo naman, me mga bata dito. Buong family andito.
Drama lang na I was admiring this street mall. Hinahabol ko actually yong guapo sakaling madekwat hehehe!
Ooops! Me nakapansin sa ganda ko! Hehehe!
Body art kunyari.
Oo mga kabarrio. Pag nagawi kayo dito, enjoy kayo sa sights, music and drinks. This is a fun place sa New Orleans. Dito lang. Sa area na to. Hindi na pinapansin nang mga tao ang mga to dahil pang turista na lang ang mga sight na nakikita nyo. Tanggap na nang City Hall na over $100 million ang kinikita sa mga activities na ganito. Aba! Kelangan den nang lugar na to nang empleo noh?
Ayan. Now alam nyo na ang sights nang Southern Decadence na sinasabi.
Photo Credits: My camera. My very, very own camera.













Stumble Upon
Del.icio.us
Buzz







{ 1 trackback }
{ 2 comments… read them below or add one }
Ang saya naman diyan! Kaaliw mga pics…
[Reply]
reynz Reply:
September 7th, 2009 at 8:55 pm
mas brutal ang mga yan pag medyo madilim na, me mga “ginagawa” na sa kalye hahaha ayoko lang mag-stay kaya maaga ako pumunta hahaha
[Reply]
so mag papagaling ka na lang wag ka nang punta doctor hindi na man
magaling ang mga doktor sa totoo lang hindi ko kailangan ang doktor sa ngayon kung masakit ang ulo mo inuman no na lang ng tylenol
gagaling ka agad at mag rest ang kailangan wag trabaho trabaho kailangan mong matulog na mahimbing at kumain ng mga frutas okey at isa pa wag mong pansinin ang mga walang damit at baka ka malunod amen
[Reply]
reynz Reply:
September 26th, 2009 at 3:23 am
wrong entry naman ate patty ang response mo ano ba? hehehe
[Reply]