tuwang tuwa ang pinsan ko
nakabili na rin nang condo ang junakees nya
makakalipat na rin nang bahay
matututo na ring tumayo nang mag-isa
tutal me asawa’t anak na sya
yung ngiti daw nya lagpas tenga
oo na, model family tong sanpitz ko
lahat nung junakees, napag-aral nang matino
ang maganda nito matino rin mga junakees
hindi gaya nung mga college graduates ko
mga walang trabaho, purdoy at mga kwago!
kausap ko sa phone sanpitz ko
“wala ka kanina nung tumawag ako eh!”
sabi ko
“ay! namalengke kami ni misis!”
“namalengke?! ilang trak bang grocery ang binibili nyo eh dadalwa lang kayo?!”
“eh alam mo naman tong pangkin mo, dito pa rin ang kusina”
“huh?! kala ko ba lumipat na?”
“oo, mga dalwang doors lang ang unit nya.”
“huh?!”
~kablag!~
Stumble Upon
Del.icio.us
Buzz







{ 12 comments… read them below or add one }
attached umbilical cord?
[Reply]
reynz Reply:
September 2nd, 2009 at 8:24 am
hahaha! siguro nga dahil sanpitz pa rin pala ang nag-luluto hahaha!
[Reply]
Thats one of the best and the worst trait among us Filipinos, ang laki ng pamilya at ayaw maghiwa-hiwalay. he he, malamang nga ang kusina nyan ay sa kanila pa rin. pero slowly but surely
[Reply]
reynz Reply:
September 2nd, 2009 at 9:10 am
naku! di ko pa naiko-kwento yong boung compound nang mga kadugo ko hahaha!
[Reply]
hahahahaha!!!
hmmmm…pag ganyan kasi kasalanan na ng parents yan noh!
tignan mo mga brothers ko? kung di labhan ni mother ang briefs nila?? nakuuuuu mabubulok sa balde na mat tubig kun sa ibinababad after hubarin!
tapos ngayon mga buntis ang GF!!!!
putek nag-huhuramentado na ako talaga, ilang weeks na. nakakahiya mang sabihin ang mga yan pero that is juts the truth.
who’s to blame?? eh di yung mother na sobrang spoiled sila! mahal daw ng ina, nasobrahan naman. ikaw na nga nagpapakain, kumuha pa each ng tig-2 na pakakainin (mag-ina eh, babaeng buntis, so dalawang tao). ayun sa bahay na namin halos nakatira yung isang buntis na manganganak na by end of this month. sabi ko sa brother ko, dapat nung january pa, nag-holdap ka na ng bank! para merong kang ibabayad pag nanganak. dapat kasi laging ready ka sa pera pag ganyan kasi di natin alam kung normal delivery ba?? eh pano kung ma-CS???
sinong mag-po-provide ng pera? eh di ako na naman. anong ibibigay ko? eh di mangungutang ako! kaya reynz..kung one day, mag-email ako sa buong barrio siete people na humihingi ako ng donation??? yan ang dahilan. sana di umabot sa ganyan manghingi ako sa ibang tao. kaso kung mangungutang, ano naman ang ibabayad ko? di naman puedeng slave ako for life ng isang tao. eh baka nga ganyan na mangyari sakin.
hayyyy sorry reynz, i ranted here. sorry talaga sayo at sa inyong lahat na nagbabasa dito. pasensya na kayo sakin.
[Reply]
reynz Reply:
September 2nd, 2009 at 9:09 am
hahahaha! kapatid ba kita Glo?! hahahaha! ba’t mo ba parating kinukwento ang buhay ko?! ano ba! hahahaha!
[Reply]
Glo Reply:
September 2nd, 2009 at 9:18 am
hahahahahaha!!!!!!!!!!!!
reynz…ikaw ang aking future. at ako ang iyong past.
kita mo, babae ka talaga noon pa!
hahahaha!!!!
[Reply]
reynz Reply:
September 2nd, 2009 at 9:59 am
nagtataka na nga ako sa buhay mo eh! hahaha! ikaw ang aking mirror? hahaha
Glo Reply:
September 2nd, 2009 at 2:05 pm
hahaha! wag isali ang mirror, magiging boy abunda ka nyan.
hehehe.
nakuuu…konting-konti na lang, as in konti na lang talaga. wala nang mapapalang anda ang pamily ko sa akin. siguro naman eh sobra sobra na ang mga naitulong ko. pano sila matututo if i won’t take a step back?
nina Reply:
September 2nd, 2009 at 2:43 pm
na-entertain ako Glo…I can relate. yong pinsan ko ayaw mag-abroad okay daw biz nya pero noong manganganak yong asawa nag-tetext pahiram daw ng pera. Ako naman kahit talak ng talak sa kapatid at tito ko, pinadalahan ko ng pera. Nag-discargo naman noong umuwi ako. Inuna lang daw yong binyag, tapos mag-iipon na raw ng pambayad sa akin.
nina Reply:
September 2nd, 2009 at 2:46 pm
at least glo, may maglalaba na ng briefs nila.
btw, dahil puro briton kasama ko, i’m learning lots of Britishms….pag yong brief daw na may mga marks pag hinubad, tawag daw dun SKID MARKS…bwahhhh kaya pag briton kausap nyo tinawag kayong skid mark batukan nyo.. hehehhehe
Reesie Reply:
September 3rd, 2009 at 3:45 am
agree ako manoy glo. ganyan na ganyan ang aking dakilang ina kaya umaasa sa iba (read:kapatid na magaganda) ang aking mga kapatid na lalake. kakainis talaga.
[Reply]
reynz Reply:
September 3rd, 2009 at 4:10 pm
gurls, gurls, gurls! hahaha community singing ang mga buhay naten hahaha i think we can come up with a conclusion on typical pinoy living hahaha
[Reply]
ano to part one and part two? LOL
ang nakaraan sa buhay ni glowing reyna..LOL
[Reply]
reynz Reply:
September 3rd, 2009 at 4:11 pm
@pehpot,
nabaliw lang ako dun sa condo na nabili hehehe, yun pala mga ilang doors down lang pala hahaha parang lumipat lang nang kwarto haha
[Reply]
Well, at least hindi na sa kanila natutulog….hehehe…nice story.
[Reply]
reynz Reply:
September 3rd, 2009 at 4:12 pm
at the very least snow hehehe pero ang kusina busy hahaha
[Reply]
Hi mudra, ganon talaga ang mga natatanging ina, di na ako lalayo, ako na lang, napag aral ko na mga anak ko, may trabaho, ngayon mga apo naman ang pinapag aral, hay life, now buntis na naman yung isang manugang kong hilaw, isang barangay na kami, at syempre ang mudra na nasa alemanya ang magbabayad pag nanganak, nirarayuma na ang lola, dami ko iskolar at mga indigents, hay life part 2
[Reply]
reynz Reply:
September 3rd, 2009 at 4:13 pm
marami pa akong kwento sa pinsan ko na yan hahaha mahal na mahal kasi namen yan eh hahaha
[Reply]
bwahahaha! akala ko pa naman independent na. at least noh tipid ang junaks sa lafang. hehehe
[Reply]
reynz Reply:
September 3rd, 2009 at 4:13 pm
malaking tipid ang grocery noh?
[Reply]
Ate Reynz naloka ako sa RSS mo, may crown! bwahahaha
[Reply]
nina Reply:
September 2nd, 2009 at 8:49 pm
teka balit yong rss ko ng reyna wala atang crown?
[Reply]
reynz Reply:
September 3rd, 2009 at 4:14 pm
mel,
through the ingenuity yan nung tiga Fort Worth na si Mr. Social Media hahaha
[Reply]
bakit ba ganun, kainis di na ako nakakareceive ng e-mail notification for new comments…
[Reply]
reynz Reply:
September 3rd, 2009 at 4:14 pm
hindi ba gumagana? i check mo yong box when you comment para me subscription ka
[Reply]
hahaha. buti na lang bunso ako. so wala akong kapatid na kelangan pag-aralin. dahil both my parents are retired and my eldest kuya is blind, i don’t mind giving them financial aid. i think it’s high time magbayad naman ako sa ginastos saken ng mga magulang ko. atsaka, nagpagod sila ng todo-todo when we were kids, panahon na nilang mamahinga sa pagkayod. hehehe.
yan ang major reason ko why i can’t leave my work kung saan feeling ko slave ako. hahaha. kung kami lang ni hubby, i could easily resign. di ko magawa agad kse may pamilya akong sinusuportahan (partial support lang naman).
at least proud ako na di ako tulad ng relathieves mo reynz. since i started working, di na ko humihingi ng pera sa mudra.
[Reply]
reynz Reply:
September 3rd, 2009 at 4:15 pm
good for you chona hahaha ang dysfunctional family ko magkakasakit ka sa puso nakuuuu!
[Reply]
nakoooo!!! nakakarelate ako!!! yung mga kapatid ko napaka dependent sa amin. nakakapagod ang ganon! sabi nga.. don’t give them fish, teach them how to fish.
[Reply]
reynz Reply:
September 3rd, 2009 at 4:16 pm
nakaaa! hahaha mas lalo na na tiga merika ka ‘day the more na asa yan seyo
[Reply]
hahahha!ganyan din kami. katabi ng bahay namin bahay ng lola ko-father side. tapat naman, bahay ng auntie ni papa. oh diba? pero dati un, nung buhay pa si lola parang kabuteng magsusulputan sa bahay nila at dun kakain, dun pa matutulog. hahahha!
now, vow namin ng kapatid ko, let us move out! kaya ayun, bro in cebu, ate in dubai. sis na lang naiwan kay mama… atsaka ung bulinggit ko pala.hahaha. nakadeposit muna sa lola eh.
mas masaya pag malayo, may miss factor na eh!
[Reply]
reyna elena Reply:
September 3rd, 2009 at 4:25 pm
ok lang yong malapit pero wag naman a few doors down dahil ganun din yon hahaha
me kwento ako sa brother naman ni fadir hehehe watch out hahaha
[Reply]