Sobre

by reynz on August 23, 2009

dahil nga sa lecheng color coding na yan
twing myerkoles, nakatupi ang kotse ko
napipilitan akong mag-dyip
mag-taxi
mag-trayzee
at mag-bus.
naka-masskara.
nakakahiya kasing makita ang reyna
na isang cheapangga

ilang beses nang one times nangyari to
sa G-Liner na sardinas sa tao
byaheng Ortigas Robinson’s papuntang Rosario
me sasakay na ale
me kasamang administrative assistant na babae
mamimigay nang…

SOBRE

91975

(Photo Harbat: Nadekwat ko sa National Bookstore)

meyat meya, mag-li-litanya na sya
na kayong mga impakto sa mundo
pati akong isang anghel at kerubin, naisali nang tarantado
na magbago na dahil malapit nang mag-delubyo

sa galet ko
tinapon ko ang sobre
di naman na-discuss sa MBA ko to eh
kung ano ang reason nang lecheng sobre na yon

natapos ang prayer rally nung ale
kinukolekta pala uli ang lecheng sobre
sabi ko, tinapon ko
nagalet ang ale
sigurado daw sya
na sinisilab na ang kaluluwa ko sa impierno

bumaba na ako sa rosario

lumingon ako sa ale

at sinabi ko

magbago na kayo!

dahil malapet nang mag-delubyo!

~!@#$%^&*()_+

Related Posts with Thumbnails

Reyna Elena Dot Com is Powered By Thesis

Thesis Theme

With Thesis, you need not worry about your in-site SEO. All you have to do is "just add killer content". From beginners, to the most advanced WordPress developers, Thesis makes it easy for anyone to customize it.

{ 1 trackback }

Sobre « reyna elena dot com
August 23, 2009 at 12:40 am

{ 27 comments… read them below or add one }

Snow August 23, 2009 at 12:36 am

Hindi rin ako nagbibigay sa mga yan kasi parang sapilitan ang donasyon. I mean, tama ba namang mag-preach sa bus? Hindi tuloy nagiging sacred yung word ni God kasi parang nahahaluan ng commercialism.

On the lighter side Reynz, para sa akin tama yung ginawa mo kasi we really never know kung saan napupunta yung donasyon. Atta gurl! ;)

[Reply]

Irej August 23, 2009 at 2:55 am

Malinaw na sila ang tinutukoy sa Biblia na mga “Bulaang Propeta”.

At sila rin ang tinukukoy sa kantang “Banal na Aso” at “santong kabayo”.

Natatawa ako… hi hi hi. Sayo.

Sa aklat ni San Mateo, bersikulo 11 capitulo 25.. eto ang nasasaad.(hula lang)

Basa…

“Ang bulag na umaakay sa kapwa bulag, ay kapwa rin mahuhulog sa Hukay”.

Maliwanag po mga kapatid ang paglilinaw ni apostol Mateo…

Na ang ibig sabihin, papaano ka maakay ng isang nagpapahayag sa salita ng panginoon kung siya mismo ay hindi niya ikinapapamuhay ang salita ng Diyos.. di ba? Amen ba kayo????

At noong tinanggap nila ang salita ng panginoon na walang bayad, ay nararapat din silang magpahayag na walang bayad…

Ang tanong ngayon dyan… bakit kailangan pang may kakargahan na “SOBRE”.

Anu yan para sa kandidata ng Money & beauty contest sa Barrio nila?
Sila’y kinasihan ng diyablo na nagbabalat kayong mga Anghel.

[Reply]

pehpot August 23, 2009 at 5:48 am

AMEN!

[Reply]

reynz August 23, 2009 at 5:51 am

@jeri,

hehehe kakanta na ba kami nang cordero? hahaha i was reminded nung pumunta kami ni Malen sa laffline, first time kong narinig ang mga bading na kumakanta nang cordero ang mga litsi! shock na shock ako hhehe

[Reply]

reynz August 23, 2009 at 5:53 am

me iba’t ibang version yan di ba?

1.) yong sa EDSA, member nang union, nag-strike, wala pa silang trabaho, mega ask nang donation. tanungin mo kung anong company, ewan, mga never heard

2.) meron yong sa mga barangay, me mga namatayan daw, abuloy nang mga tiga barangay at me mga nakalistang nang-donate

3.) me mga nag-babahay bahay, humihingi nang donation sa mga charity at unang ipapakita seyo NBI ID hahaah

[Reply]

Glo August 23, 2009 at 6:12 am

hayy naku…nung medyo bata pa ako biktima ako ng sobre na yan. ngayon hmp! manigas sila. ibinabalik ko yung sobra nang walang laman.

may bagong gimik ngayon at nakarating ng din ng sorsogon. habang kumakain ka say sa chowking? merong maglalagay sa harap mo ng picture ni jesus o mama mary. tapos biglang 50 pesos daw para sa foundation nila.

yung isang gimmick: pipi kuno na bebentahan ka ng mga kakanin. mga kutsita, puto, etc. gawa daw ng mga pipi at bingi sa isang kumbento. merong sulat ng ilalagay sa harap mo na bilhin mo daw at matulungan mo mga may kapansanan.

yung dati kong housemate bili sya ng bili. until we realize na naloloko lang kami. eh di naman masarap yung kutsinta! pweh! saan kaya galing yon? buti di kami nagka-hepa at diaarhea.

[Reply]

Irej August 23, 2009 at 6:26 am

1…2…3… ready sing…

Cordero ng diyos na nakaka-alis,
ng mga kasalanan ng sanlibutan…

maawa ka….maawa ka… sa aaaaaamin….

repeat 3X

[Reply]

reynz August 23, 2009 at 7:57 am

yeah! i think you’re right about that glo! na-experience ko yan sa Chowking sa kanto nang Morayta and Espana! hahaha! kumakain kami and then i saw one woman, basta inilapag sa table yong parang mga religious objects, bawat isa samen meron.

eh bagong dating ako amerika. malay ko ba na relihyoso na pala ang chowking at biglang namumudmud nang mga imahen hahaha di ko alam, binebenta nya pala yun kasi nung nakita nung sikyo, pinatanggal at pinaalis hehehe

[Reply]

Dinah August 23, 2009 at 9:03 am

ako din ay hindi nagbibigay sa ganyan. maski yung mga kunwari ay miembro ng ganitong unyon at ang grupo ay nagwewelga at kailangan ng tulong. nakupo, scam! maski yung mga bata sa sta mesa na sobre din tapos pang aral daw? sus!

[Reply]

Mel August 23, 2009 at 9:03 am

tuwing may ganyan sa loob ng bus ay tinitingnan ko lang yung nag aabot ng sobre. yung look na ‘makuha ka sa tingin’. hahaha! naaawa lang ako minsan kasi yung bus na sinasakyan nila ay hindi humihinto para makababa sila ng maayos. one time nadapa yung girl dahil nagmamadaling bumaba. kawawa talaga.

[Reply]

Ely August 23, 2009 at 9:38 am

LOL. Ako din tinatapon ko mga sobre na binibigay, sa floor lang naman para pd pa nila pulutin. hehehe.

[Reply]

Glo August 23, 2009 at 10:53 am

yeah bad trip. simpleng pang-ho-holdap di ba???

[Reply]

reynz August 23, 2009 at 11:01 am

sta mesa?! hay naku! bus na naman yan galing cainta! hahaha! gliner sila sumasakay! kainis talaga!

[Reply]

reynz August 23, 2009 at 11:01 am

@mel, kung itsura ni sam milby ang magbibigay, baka pati si sam eh gawin kong dyos hahaha

[Reply]

reynz August 23, 2009 at 11:02 am

@ely, minsan nakaka-guilty dahil sa totoo lang, kumikita sila nang pera, pero lintek di ko kursunada ang panraraket nila

[Reply]

Silver August 23, 2009 at 11:48 am

Ramen!

[Reply]

Silver August 23, 2009 at 11:52 am

Kaya ako pag nabyahe ako lalo na sa bus, mega saksak ako ng Ipod sa tenga ko para di ko marinig ang mga yan. Lalo na yang mga nagwelga, union etc.

Yung sinabi ni Glo na mga pipi na nagbebenta ng kutsinta at puto etc, nakakainis ang mga ganun. Kasi naman, pati ba naman kapansanan e pinangraraket na.

Hay naku.

[Reply]

bluepanjeet August 23, 2009 at 11:53 am

kaya ayaw ko magcommute sa bus pag nasa manila na ako. pag tulog ka pipilitin ka gisingin tapos iaabot sayo ang sobre. buti sana kung tatanungin ka muna, hindi. ang ginagawa kukulbitin ka nang pilit at iiwan yung sobre sa kandungan mo. asar na asar ako pag ganyan. kaya ginagawa ko pinupunit ko yung sobre.

tinanong ko ata si malen (I dont remember kung sya nga) kung talaga bang ganun sa born again na nagcocollect sa bus. sabi nya hindi daw. minsan daw mga racket lang dahil ang totoo daw na born again eh hindi nagpupunta sa mga bus

[Reply]

bluepanjeet August 23, 2009 at 11:56 am

BTW

mamaya gabi (August 23) @ 10:45pm sa abs-cbn yung docu-drama na “THE LAST JOURNEY OF NINOY” sana manood kayo. It will be broadcast simultaneously on TV (the ABS-CBN TV network with ANC, Channel 2 and TFC) and through live Internet video streaming.

[Reply]

reynz August 23, 2009 at 12:10 pm

naku! i hope merong live streaming!!!

[Reply]

bluepanjeet August 23, 2009 at 12:22 pm

meron, sa anc. try nyo yung link nung dati kay cory, baka meron dun

[Reply]

an2nette August 23, 2009 at 11:48 pm

Hindi kaya kakuchava ng driver ng bus ang mga tao na nagbibigay ng sobre o may komisyon sila, lalo na yung mga worker kuno na nag iistrike, di pinapasahod, walang sss, walang benepisyo at kung ano ano pa, namemorize ko na nga yung speech nila eh kasi sa ibang bus na sinasakyan ko yon din ang talumpati at saka hindi lang sa bus nagbibigay ng sobre pati sa eroplano, yung stewardess nagbigay ng sobre in any currency daw para sa donasyon sa kung anong charity yon

[Reply]

promking August 24, 2009 at 6:11 pm

ako, minsan nagbibigay ako, lalo na kapag nakatulong sa akin ang sinasabi.. tsaka lalo na kapag pinagdasal ako at ang biyahe namin.

[Reply]

nina August 27, 2009 at 5:30 pm

umuwi ka ba?

[Reply]

reynz August 27, 2009 at 5:49 pm

nung lasyir di ba? i was there. nakasakay sa G-Liner pag color coding. hahaha!

[Reply]

nina September 2, 2009 at 8:53 pm

sa MRT, naranasan mo na ba sumakay kapag rush hour? santisima, kala ko nawalan na ako ng 20 pounds after….

[Reply]

Iwa Moto January 25, 2010 at 11:24 am

Correct, pati na nga rin sa Pangasinan may mga racket na rin sa bus papuntang La Union fawa mag renew ng passport. Ewan ko fawang nagbigay ata ako kc that tym umuulan ng malakas kaya super give na lang kc may nag pray for our safety…….At pati rin sa kakanin na iyan noong college ako sa UE, AKALA MO ANG SARAP NG ITSURA KC SUPER COLORFUL TAPOS CHAKA AT WALANG LASA PLA……….KAINEZZZZZZZ………..

[Reply]

Leave a Comment

Previous post:

Next post: