Once again, we received a letter from our imaginary P.O. Box addressed to all of us here in Barrio Siete. Kahit hindi sa akin ito naka-address ay binulatlat ko na ito dahil pakialamera naman talaga ako. This letter is from one of our avid readers, Trisha from Makati. I found her letter very appropriate with what has been going on in our country.
Here, she talks of her very painful experience in joining a beauty contest.
Read on.
Dear Ate Charing,
Itago niyo na lang po ako sa pangalang Trisha. 25 years old from the sushal capital of the Philippines, the wonderful city of Makati. Pero pinanganak at lumaki po ako sa Tuguegarao. Lumuwas po ako ng Maynila noong 2005 dahil sinama po ako ng aking pinsan upang maghanap ng trabaho para matulungan ko ang aking pamilyang naghihikahos sa bukid. Awa ng langit, pinalad naman akong maging kasambahay ng isang sushal na pamilya dito sa Porks Park. Ang Laurel-Leaf family. Mabait sila sa akin, lalo na si Mam Edith. Sushal na mabait si Mam. Yun nga lang medyo maarte. Hindi niya nagustuhan ang aking totoong pangalan. Kasi ang totoo ko pong pangalan ay Trinidad Biglang-Kandirit. Simula ng maging kasambahay ako ng sushal na pamilyang ito ay pinabago po ni Mam aking pangalan para maging sushal. Sa kasalukuyan, ang nakasulat sa aking late-registered birth certificate ay Trinity Sharmaine Hopper. Trisha for short.
Fan po ako ni Reyna Elena at simula nang itatag niya itong Barrio Siete ay naging at home na ako dito. Binabasa ko ang lahat ng artikulo ninyo lalo na nung mamayapa ang ating mahal na Tita Cory.
Sumulat po ako dahil meron po akong kuwentong ibabahagi sa inyo at sa mga readers.
Ganito kasi yun.
Sinali po ako ni Mam Edith sa patimpalak ng mga kasambahay dito sa Porks Park. In short beauty contest ng mga maids. Tinawag itong Porks Park Most Beautiful Maid of 2009.
photo hinarbat from: belonging.org
Ang pakontest na ito ay inorganise ng kaibigang matalik ni Mam na itago natin sa pangalang Georgina Torres. Mahilig kasing magpakontest itong si Mam Georgina. Noong isang taon ay nagpakontest din siya sa mga bakla dito sa amin, ang Porks Park Most Beautiful Gay of 2008. Next month, gaganapin din ang para naman sa mga sushal girls, ang Porks Park Most Beautiful Girl of 2009. Excited na nga ang anak ng amo ko na si Mimilanie, I’m sure mananalo siya kung walang lutuang mangyayari.
Which brings me to the reason why I wrote this letter.
Noong sinabi ni Mam Edith na sumali ako at susuporta siya sa akin ay hindi na ako nag-dalawang isip. Suportado din kasi ako ni Mam Georgina. Madalas nga siyang mag-email kay Mam Edith eh para suportahan ang lahat ng patimpalak na ginagawa niya. Siyempre, dahil likas na mabait ang amo ko ay hindi ito tumanggi.
Kasama ko sa paligsahan ang mga kaibigan kong sina Janina at Rochelle. Sila ang close friends ko dito sa Porks Park. Tuwang-tuwa nga kami nang mapasali kami sa finalists eh. Sampu kaming finalists Ate Charing. Kami ang tinaguriang Tough Ten Most Beautiful Maids of 2009.
Kakaiba ang contest na ito Ate. After madeklara ang Tough Ten ay hindi na lang pagandahan ang labanan. Kailangan din bumoto ang lahat ng residente sa buong Porks Park. Malaking puntos ang kukuhanin sa magiging boto ng buong village. Nakabalandra ang aming mga litrato sa Guard House upang makita ng lahat ng residente ang mga contestants at doon na rin nila ilalagay ang kanilang mga boto para sa Tough Three girls.
Kampante ako na makakapasok sa Tough Three. Inassure kasi ako ni Mam Edith na boboto sa akin ang lahat ng neighbours namin dito sa Badjao Street. In fact, noong first up to fourth canvassing ay pasok nga ako sa Tough Three. Masayang-masaya ako Ate. Mataas din ang ranking ko sa preliminary rounds na tinally ni Ms. Alexandra Rancic, ang head judge sa beauty and talent category.
Excited na ako sa coronation night Ate Charing. Pinatahian ako ni Mam Edith ng gown na gawa ng pamangkin niyang si Rajah Laurel-Leaf.
At dumating na nga ang coronation night Ate.
Unang tinawag ni Mam Georgina ang 2nd runner up. Si Zorlina, ang kasambahay ni Dr. Bernabe.
Sumunod ang 1st runner up. Si Rochelle, ang friend ko na kasambahay ni Donya Thea S. Bologna.
At nang i-anunsiyo ni Mam Georgina ang nanalo bilang Most Beautiful Maid of 2009 parang binuhusan ng malamig na tubig. Si Janina ang nanalo! Ang aking friend na kasambahay ni Madam Whitney Houston-Rockets.
Sa totoo lang Ate Charing, nalungkot ako at si Mam Edith. Nalungkot din ang friend kong si Tyra na kasambahay ng millionaire na si Don Arnaldo. Anyway, masaya pa rin kami para sa aming mga friends. Nanalo sila sa boto ng buong Porks Park. Akala ko ay doon na magtatapos ang lahat at makakabalik na ako sa aking normal life.
Hindi pa pala.
Hindi naging kuntento si Mam Edith sa resulta kaya nag-imbestiga ito.
Doon namin nalaman na nanalo pala sina Rochelle at Janina dahil sa boto ng ilang mga hindi residents ng Porks Park.
Nadiskubre namin na may kinalaman pala dito ang principal ng Porks Park Angelic School na si Mrs. Jennifer Isla-Berde na close friend ni Mrs. Thea Bologna and Madam Whitney Houston- Rockets. Pinaboto niya ang kanyang 290 students na hindi naman permanent residents ng Porks Park dahil mga boarders lang niya ito sa kanyang not-so-sushal apartment. Tumira lang ang mga ito sa Porks nang magsimula ang aming contest.
Mam Edith has proof Ate Charing. Sinulat nga niya ito sa Monthly Newsletter ng Porks Park pero dedma lang si Mam Georgina, pati na rin ang aking mga tinuring na friends na si Rochelle at Janina. Alam kong alam nila ang dayaang nangyari pero nananatili silang tikom-bibig dito. I admit Ate Charing na malamang lumabas akong bitter dahil hindi ako nanalo. Ang sa akin lamang ay ang issue ng fairness.
Sana naging fair sila sa pagboto. Alam ko at alam nila ang kanilang ginawa. Ang kapal ng mukha nila at nagpadala pa ng abugadang taga Nigeria na itago na lamang po natin sa pangalang Hallerina Jandalagubang. Pinadala pala siya upang kausapin si Mam Edith. Inaway nga namin Ate Charing. Hindi dahil nainis kami sa pakay niya kundi dahil sa kabobohan at kagagahan niya. Nakakaloka siya Ate. Abogadang tanga. Hahaha! Ewan ko lang kung masaya pa rin sila sa kanilang ginawang aksiyon. Mga gaga talaga.
I have move on Ate Charing. In fact, right now I’m packing my things because tomorrow morning, I will be flying to Nassau, Bahamas to represent my home country of Ireland in the Miss Universe pageant. Opo. Ireland. Irish po kasi ang nanay ko which is why I’m mestisa. Iiwan ko muna ang Porks Park pansamantala. Kaya para sa mga dati kong friends na si Janina at Rochelle: “mamatay kayo sa inggit!” Hahaha! Sana sa pagbabalik ko ay nasagot na ni Mam Georgina ang mga nadiskubre namin. Pero mas maigi sana kung tigilan na niya ang mga pakontes niya na ginagawa lang niya para manghakot ng koneksiyon.
To all Barrio Siete writers and readers, I congratulate you for your success. You are truly a phenomenal blog. You inspire me a lot but not maalat.
There you have it dear readers. I hope we learn something from Trisha’s story. Hindi siya pinalad sa contest na sinalihan niya dahil sa pamamanipula ng ilang tao but she learned that this kind of monkey business should not be tolerated. It should be condemned. Her voice should be heard.
Come to think of it, Trisha’s story is no different from our own country.

Stumble Upon
Del.icio.us
Buzz







{ 1 trackback }
{ 32 comments… read them below or add one }
LOL, ang ganda naman ng mga swimsuit!
[Reply]
bwahahahaha Art imitates life.. or the other way around hahahaha
[Reply]
Hanep Mel! Kung nagbabasa ka ma Trinidad Biglang-Kandirit, fly high! At dun sa mga nandaya, kung saan man kayo naroroon, dyan na lang kayo.
[Reply]
naku po… contest na nga lang ng mga katulong dinaya pa eh presidential election pa kaya… halos lahat ng mga presidentiabolbolss eh sabik ng maka upo… i think that the word fairness no longer exist here in the Philippines… its hard to admit but thats what we really are!!! what do we have to do para makatay na lahat ng mga taong ito… dont they have any conscience?? kakatakot naman makakilala ng taong ganito, they will do anything for their own good… yung tipong sagasaan na lahat ng dapat sagasaan… tsk tsk tsk nu kaya future nating mga pinoy nito??
[Reply]
Ang importante Trisha hindi mo niloko ang sarili mo at naging fair ka sa mga tao.
By the way, I want the world to know na PR 3 na po ang Barrio Siete. That’s a great accomplishment dahil 2.5 months pa lang po ang blog na ito.
Check Page Rank of any web site pages instantly:
This free page rank checking tool is powered by Page Rank Checker service
[Reply]
Aba taga TUGUEGARAO pala siya.. eh kababayan ko gayam, ayan apo! nagpa Kasta gayam isuna, ay na ket napintas nga balasang.. (magagalit yung mga bicolana dyan sa salitang kasta) he he he… di yan masama sa ilocano uy!
[Reply]
galing naman Mel.. hanep! simpleng kwento na patama sa mga damuho at mga impakta na nakikutsaba sa dayaan sa nagdaang elekyon. este! biyuti pajent! ehe! anu ba yan…..ahh! Impluwensiyang droga..ay! ano nga ba? nakalimutan ko na….. bluep, darbs, dencios, ano nga ba yung pamagat ng dinaya nila? masyado kasi ako makakalimutin.. bwesit naman kasi yung nan-JAN, ohh HOLLY shet..
[Reply]
dear trisha or is it trinidad (?),
next time kasi dapat merong DTI representative para kung magkaroon man ng anumalya eh pwedeng mabulatlat ng madlang people o di kaya ng mga kasali dun. Pwede din kumuha ng reliable accounting firm para naman ma-tally ng maige ang spreadsheets.
hahahaha.
panalo nanaman tong sushal mong entry mel.
[Reply]
ang mabuting aral: tuso man daw ang matsing ay matsing pa rin…
mabuhay ka mel!
[Reply]
ikaw naman kasi trish, kaganda mong bata e dun ka pa sumali sa pork’s park bueaty contest. pag alam mong may byuti and brain ka, dapat direcho agad sa miss u contest. ayan tuloy na-lutong makaw ka pa!
[Reply]
@Monique – anong DTI representative, DTI tax kamo hahhaaha limpak-limpak kinikita nya mula sa pakontes na to tapos walang basbas ng DTI? haha Tapos ayaw pa ilabas ang resulta haha
[Reply]
May ganyan ka naman di ba Mahalia? Nung sumali ka sa Miss Ohio contest. =)
[Reply]
Life and art inspires me kuya. Lalo na kung may ganyan ka-interesting na ‘cast’, puede na sa box office. Lol
[Reply]
naku @Bluep wala na bang promo ang DTI ngayon about sa pagsumbong ng mga ganito? baka pwede din nating ireklamo sa BIR, dapat nata-tax ito diba?! lol. di niya nadeclare ang lahat ng kanyang income! hahahah!
[Reply]
BWAHAHAHAH!
Ang mga lecheng Chem Bloggers at board and lodging pala sa Porks Park?! Hahaha!
[Reply]
Ate Reynz, wala akong sinabing Chem bloggers ha. Nyahahahaha! Mga uto-uto kasi, bumoto naman kahit hindi sila residents ng Porks Park. Charot!
[Reply]
Pablo Picasso quotes “Art is a lie that makes us realize truth.”
[Reply]
shhh wag kang maingay! hiram ko lang yon!
[Reply]
anak nang leche oo! hahaha! HOY JERI! etong word na to is absolutely bad na bad sa bikol hahaha tanungin mo si Tita Glow! hahaha
anong ibig sabihin nyan sa ilocano?
[Reply]
that’s another SOBA Snow! hahaha! ayan! so anong sinasabi ni Holly that we are grandstanding?!
[Reply]
Kuya Rob andun sa mga lungga nila. Nagko-crosstitch. LOL
[Reply]
Bongga! Hayaan na lang natin si Holly. She entertained us din naman. Hahaha
[Reply]
Kuya Jeri wala akong pinapatamaan noh. Fiction kaya ito. Nyahahaha! Siguro mas gugustuhin pa nila ang mahulugan ng durian kesa maging part ng isang fiction. Charot!
[Reply]
Para makatipid ay si Mam Georgina na rin daw ang tabulator, DTI rep, SGV, at BIR. Thrifty kasi siya. Kaya naman niya lahat eh ba’t pa magha-hire. Dagdag gastos lang yun at mapupunta pa sa iba ang talent fee. LOL
[Reply]
Mabuhay ka rin Rod! Hihi
[Reply]
ay sori hahaha! sukat kasi ART imitates PORKS hahaha hindi si Art na tiga Washington DC ha?
[Reply]
Grandstanding tayo?! Aba, aba, aba holly molly…
Gusto niya Reynz siya pa ang mag-check ng Google Page Rank ng Barrio Siete!
[Reply]
beri butipul istori mel! reminds me of once upon a time, not so long ago in a bario…. hahaha.
@ Trisha, don’t worry you’ll always be prettier than pretty….
[Reply]
Sorry po Ate Glow..he he he he
[Reply]
Nagpa kasta means.. nagpa bulog ehe! jowk.. ibig sabihin “napa gawi duon”. or “napunta duon”. ayun!
[Reply]
baliw talaga itong si Mam Georgina na ito… sana siya na lang din ang dineklara niyang nanalo para siya na rin tumanggap ng premyo! hmmmm…. sounds interesting…. parang may naisip ako dun sa Jedi na yun…
~isip mode~
[Reply]
@Chi-off topic…
Hindi ko ma-access ang iyong site.
[Reply]