SONA 2009: Party time sa Batasan

by reynz on July 26, 2009

Sanggol pa lang ako, mahilig na talaga ako sa SONA. Isa sa pinaka-swak na SONANG napuntahan ko ay ang Thermos Day at Thermos Night sa Amsterdam in Holland. Hehehe! Kaya nung nalaman kong meron den palang SONA si Gloria, nakahiligan ko nang bigyan nang analintek review ang bawat SONA nya. Lahat yun sinulat ko sa aking palasyo. Isa sa pinaka-mainit na sinulat ko yong How to write a SONA reaction paper. Kung saan ako binira nang binira ni Miss Alpay. Eto naman kasing mga lecheng estudyante, kopyahin ba ang summary na ginawa ko at sinab-mit ki Miss Alpay! Duda ko, estudyante nya ang GMA Writer dito. Eh di nasapak ako nang dis-oras nang lola nyo?! Grrr! Hindi ko kasalanan kung mahaba ang hair ko! Hmpt!

Nagkaron na nang Prelude to the State of the Nation Address ni Gloria. Pero, bukas, Gloria is back to report to the people her “accomplices” (ibaba ang kilay! korek ang spelling nyan!). Yes, it’s SONA 2009, the most awaited extravaganza to some trapolitas and trapolitos to show off. And what can we expect from this show?

  1. Oskar de la rentahan gowns
  2. saksi_072808_gownDidn’t you noticed? SONA has now become a shit spectacle of who’s got the priciest and leche-gantly designed gowns? Who knows baka mamaya, kaban pa nang bayan ang ibinayad to all of these Oskar ni-rentahan gowns! Make no mistake about all these gowns, hindi patatalo ang ibang mga meyor dyan! Tirahin ka ba naman nang budget cut! Ayun, wala syang gown. No offense sa mga Igorot, I hope, nadagdagan ang pork and bariles nya because nasusuka ang lola sa itsura nya.

    quirinomayor

  3. Uulan. Kikidlat kahit na hindi habagat
  4. Oo. An sabi sa walang Pag-Asa, Metro Manila and Southern Luzon will experience moderate rains on Monday, at pag nagsalita na si Gloria Macapagal-Arroyo sa kanyang final State of the Nation Address, mag-wawala ang low pressure area at magkakaron nang bagyo, babagsak ang ulan at magkakaron nang munting delubyo. At kahit na daw ang weder weder na to extends from Catanduanes to Bataan, the areas that are “likely to have rains… due to LPA” ay sa Senado, yan ang sabi nang chief of the country’s weather bureau. Pramis, yon talaga ang nabasa ko. Check nyo.

  5. Ano ang nangyari sa 10-Point Agenda?
  6. Oo mga ka-barrio! Kung si La Kapitana ang mag-so-SONA, I would touch and explain sa aking mga ka-barrio what happened dun sa 10-Point Chorvalais na pina-ngalandakan nang Gloria nung una. The most that i remember, which you will agree with me was, the target on employment. Asan na yong one million jobs a year? Look mga kabarrio! Dahil nga there is no employment in Manila or all around the Philippines, tinakasan ako nang boylet ko at pumunta ng Dubai, bitbit and pridyidir ko! Grrr! Eh tayong mga Pinoy pa naman, kultura na aten ata to that we don’t seem to care or we’re not really very entrepreneurial. Agree? Mas importante sa aten ang isang secured (kahit na wala nang security ngayon, pwera security guard) at well-paying job dahil yan ang ating susi na maka-alpas sa kalechehan nang poverty!

So, ke FOR or AGAINST ka ki Gloria, let’s all tune in to her last chorva, at sana last na to talaga dahil sukang suka na rin ako sa mga ginawa nyang mala-engkantada pati na nang asawa nya. More on Reyna Elena!

Related Posts with Thumbnails

Reyna Elena Dot Com is Powered By Thesis

Thesis Theme

With Thesis, you need not worry about your in-site SEO. All you have to do is "just add killer content". From beginners, to the most advanced WordPress developers, Thesis makes it easy for anyone to customize it.

{ 1 trackback }

Fire: SONA 2009 ang wakal nila « EXODIANS
July 28, 2009 at 11:11 am

{ 29 comments… read them below or add one }

jeri July 27, 2009 at 1:19 am

Bakit may buteteng Igorot sa kamara. ha ha ha ang sagwa.

[Reply]

jeri July 27, 2009 at 1:21 am

Isa na namang panibagong kaSONAlingan ang mangyayari.

[Reply]

Snow July 27, 2009 at 2:18 am

I concur jeri. I concur. May nakikinig pa ba talaga ng seryoso sa SONA huh?

[Reply]

Chi July 27, 2009 at 2:55 am

reynz, SONAta ba? hehehe
@Snow, syempre me nakikinig ng SONA no, kaw nman… nong nsa gobyerno pa ko sa tin lagi ako nakikinig ng SONA, syur marami pa ring nakikinig ngayon especially gov’t employees. Y kamo? kasi laging me part sa SONA tungkol sa Increase of Salary pay sa Gov’t EEs. hehehe.

[Reply]

jeri July 27, 2009 at 3:55 am

naalala ko na, nakita ko na yan sa Ifugao nung araw, siya yung ingkong ni Machete. he he he

[Reply]

mtoni July 27, 2009 at 4:25 am

esmyuski! manong jeri di hamak namang mas disente jan karaniwang suot ng mga kapatid kong igorot. di ko nga maisip kaninong superhero sya nanggaya ng salawal eh.
eh kahit sa iba ko pang kapatid na aeta di rin papasa suot nya.

[Reply]

jeri July 27, 2009 at 4:54 am

mtoni, marami na rin akong nakitang Igorot at Disente naman tignan,atractive pa nga, di katulad yung nasa picture na yan, bukod sa lawlaw ang salawal dami pang borloloy sa katawan.. tingin ko tuloy nilaspastangan ang tamang kasuotan ng tunay na Igorot.. gusto lang yata umagaw ng pansin.. ala eh! anu ba are? di naman gay-on.. halatang busog na busog sa mga pagmudmod ni Gloria.

[Reply]

jeri July 27, 2009 at 4:59 am

Di kaya Statue yan at sagisag ng pork Barrel sa Kamara, titigan mo yung kanyang tiyan, punum-puno ng karne de POrko..ania nga bussot nan apo. pakawanem!

[Reply]

Ely July 27, 2009 at 5:08 am

I agree. Ndi ganyan ang suot ng mga igorot, baka iba ung nakita mo. Balik ka ulit sa Ifugao. LOL.

[Reply]

jeri July 27, 2009 at 6:08 am

Ely, hindi naman siya mukhang igorot di ba? alam ko ang hitsura ng igorot eh, attractive tignan at hindi katulad ng isang ito… tingin ko parang Canibal na lumalapa ng buhay na manok sa peryahan.. he he he.

[Reply]

reynz July 27, 2009 at 6:34 am

hak hak hak! now you know! kung AKO pa di ko nagustuhan, ikaw pa! hahaha! ano baaa! hehehe!

[Reply]

reynz July 27, 2009 at 6:34 am

ako makikinig ako. irerecord ko sya at i-a-analintek review ko sya hehehe

[Reply]

reynz July 27, 2009 at 6:35 am

that’s very true! salary increase!!

[Reply]

reynz July 27, 2009 at 6:36 am

even then jeri, why would you dress up like that sa occasion na yon unless na truly aboridyinis ka? i read na hindi naman daw na sya ganun eh

[Reply]

reynz July 27, 2009 at 6:37 am

also ba’t me headband na pula? ano yan? mandirigma? hehehe! are we seeing a dozen of them this time around? sana pumasok na lang si piolo pascual na naka-bahag hehe

[Reply]

Maldito July 27, 2009 at 7:09 am

nawala comment ko mahal na reyna…grrr….hanapin sa spam at baka mag declare ako ng all against war!ha ha ha

[Reply]

reyna elena July 27, 2009 at 7:40 am

maldito,

ayan na sya, nahuli ko. bading ata si akismet hehehe bigla kang dinakma! hehe

[Reply]

Glo July 27, 2009 at 8:44 am

hahaha! oo nga manong jeri, ang sagwa tignan! ;) hahaha

[Reply]

yami July 27, 2009 at 9:22 am

Excited na kong makita gown ni Mam. hehe kanino kayang creation isusuot niya ngayon? Wala lang, bakit ba? hmppt!

Hindi ako makikinig sa spits niya, bibilangin ko lang palakpakan ng mga ass-kissers este supporters pala. hak hak hak!

[Reply]

DInah July 27, 2009 at 2:22 pm

Tutal wala na namang naniniwala sa SONA ni GMA, yung mga suot na lang nila ang okrayin natin!

[Reply]

yami July 27, 2009 at 3:23 pm

Mukhang sinusuwerte ang SONA ni Ate G, blessing ba ito? At bane naman sa mga rallyists?

Dinah, ‘yan ang aabangan ko sa news mamaya. Parade of gowns…

Idlip muna…zzzz

[Reply]

dencios July 27, 2009 at 7:52 pm

puede bang ako na lang ang magkostyum ng igorot na yan pero dapat oscar dela nirentahan din ang tatak? haha

with regards to SONA, mamaya ko pa papanoodin sa link dito sa barrio. busy pa ako kaka side line para kumita ng extra haha.

OT:
12 ang online, dame!
nasa 500,000 + na ang ranking, wooot!

magandang hapon from dubai

[Reply]

pehpot July 27, 2009 at 8:23 pm

ang mga politikong nangangarap maging pasyonista.. isang malaking GUDLAK!

[Reply]

reyna elena July 27, 2009 at 9:25 pm

hindi ako papayag dencios unless na its for my eyes only hahaha

[Reply]

reyna elena July 27, 2009 at 9:25 pm

i heard! binagyo nga! hahaha! nagkaron ba talaga nang munting delubyo??? hahaha!

[Reply]

reyna elena July 27, 2009 at 9:26 pm

you should have seen yong gown ni Legarda – bakless!!! hahaha!

[Reply]

BURAOT July 28, 2009 at 3:04 am

walastik! inantok na ko kagabi. di ko tuloy napanood.

[Reply]

BURAOT July 28, 2009 at 3:17 am

cool nga yang meyor na yan eh. pang-asar! kung ako din mag susuot ako ng Mangyan costume. wehehehe!

[Reply]

dFish July 28, 2009 at 2:37 pm

Sabi nila – hitik na hitik daw sa istadistika ang SONA. Nakakaintindi ako konti ng stadistiks. Pero pwede ba, anybody home in the Barrio Siete – mapaliwanagan ako tungkol sa isang naka T-back dito?

[Reply]

Leave a Comment

Previous post:

Next post: