kelangan daw mag-hire

by reynz on July 16, 2009

so eto nga, binu-buo ko ang futbol team sa unit nang pabrika kung saan ako
nag-sa-salansan nang mga barko.
sampung pirasong ulo kelangan ko.
mahirap talaga trabaho ko
dream ko kasi “challenging”
punyeta! ba’t ganito binigay saken?! grrr!
so, yon nga. me nakuha sila.
malaking istorya
minsan, pikit mata
sinusunod ko sila
pero… saka na…

mahirap talaga Tita Charing ang proyektong na-shak ako
kahit bwisit ako’t di sinabi saken
kaya ko to
kaya ko talaga to
kelangan ko lang nang bilog at indi kudradong tao

kahapon unang pasok nang sang ulo.
ang role nya, pomorma nang listahang pinansyal
dahil nga ang impaktong dating kargador dito eh walang ginawa
komulekta lang nang bwez na walang deliveries

eto ngayon – ang unang advise saken nung ulo ganito:
“kelangan naten mag hire nang manidyer nang pinansyal papeles”

gulantang ako, umikot mata ko

“‘anong gagawin nya?”

“mag-prepare nang buwanang pinansyal na papel”

sabi ko, teka lang! di ba ikaw un? kaya nga kinuha ka namen?

dis time, ako na umikot…

naka-tatlong pakete na ata ako nang sigarilyo.

later ha?

maninigarilyo uli ako

~nag-pupuyos~

reynaelena_signature

Related Posts with Thumbnails

Reyna Elena Dot Com is Powered By Thesis

Thesis Theme

With Thesis, you need not worry about your in-site SEO. All you have to do is "just add killer content". From beginners, to the most advanced WordPress developers, Thesis makes it easy for anyone to customize it.

{ 14 comments… read them below or add one }

dFish July 16, 2009 at 1:16 am

Parang na-imagine ko, mas malupit talaga ang ganung sitwasyon kasi kahit sa kabila ng iyong naabot, parang these people are trying to run over you…Lutuan mo kaya ng lutong Bikol para umusok ang mga behind hahaha…
dFish´s last blog ..One Wild Day and a Wish My ComLuv Profile

[Reply]

reynz Reply:

eto kasi ang problema pag hindi ikaw ang pumili, biglang pasok nung tao ang tingin saken an liit.
reynz´s last blog ..kelangan daw mag-hire My ComLuv Profile

[Reply]

lee July 16, 2009 at 5:56 am

wow, ganun?e talaga ngang nakakausok ng bumbunan.

[Reply]

reynz Reply:

challenge na nga ang project na napasukan ko, challenge pa rin ang binigay na tauhan ko
reynz´s last blog ..kelangan daw mag-hire My ComLuv Profile

[Reply]

an2nette July 16, 2009 at 6:17 am

hi! mukhang kayo ang paiikutin ng isang ito at iluluto sa sariling mantika, ano job description at specification niya? mukhang kuwadrado nga, panay lang ang porma at ikot sa apat na sulok ng opis
an2nette´s last blog ..Litratong Pinoy- Basa (Dry) My ComLuv Profile

[Reply]

reynz Reply:

swak ang sinabi mo. malaki at masakit sa ulo ang sang to saken. loose canon na tinatawag at walang respeto. ang hirap oras na makatagpo ka nang ganito.

[Reply]

Yami July 16, 2009 at 11:22 am

Take it easy Reynz.. I hope ma-solve na ang problem mo with your pipol there. Mahirap talaga pag bossing ka na eh.
Yami´s last blog ..Litratong Pinoy: Tuyo (Dry) My ComLuv Profile

[Reply]

reynz Reply:

well, eto ang mga pang-araw araw na saket nang ulo ko
reynz´s last blog ..Mga Bayaning Mukhang Pera My ComLuv Profile

[Reply]

Dee July 16, 2009 at 11:53 am

Meron ngang mga panahon na ganyan. Take it easy lang. Smile ka pa rin. Remember mas important ang beauty… :)
Dee´s last blog ..Thanks To My Husband And To Clarissa, My Commenting System Now Works My ComLuv Profile

[Reply]

reynz Reply:

at salamat sa blog. kung wala ang blog dee, ewan ko na lang.
reynz´s last blog ..Mga Bayaning Mukhang Pera My ComLuv Profile

[Reply]

reynz July 16, 2009 at 12:00 pm

ps: i edited it, kasi kagigizing ko lang binasa ko uli, me nawalang importanteng sinabe ko. :-)
reynz´s last blog ..kelangan daw mag-hire My ComLuv Profile

[Reply]

boldstar July 16, 2009 at 1:32 pm

ay Renz ganyan ang manga kargador minsan minsan hindi aagawin ang korona mo kundi NANAKAWIN sa harap mo pa. kaya kung aku magabantay ka talaga day

ang problema nito ay mahirap magcomplain sa taas kasi baka sasabihing ikaw ang may “issues”

kung ako sayo magdadala ako nang mas pinakamalaking salamin at tingnan natin kung sino ang pinakamaganda abir kong sino ang mahiya sa pagpaparada niya

eh por dos por sengko wala sya sa wetpu mo.

Ako nga nilagyan ko nang thumbtacks yong upoan nang babaeng feeling princess na katulad ko. aba nakuba kuba na ako sa kapapas-an sa kanya nang tatlong taon. halos hangin sa kanya lahat daw. kaya bigla nalang ako nadapa buti nga nahulog sya sa may pangpang at may tetanus kaya goodbye nalang ang beauty nya.

[Reply]

reynz Reply:

salamat sa payo mo boldstar. gagawin ko yan. yaan mo. iba-blog ko. swak na swak ang sinabi mo. parang andito ka rin at alam mo ang mga nangyayari.

at oo, sumasaket ang ulo ko kung pano ko sasabihin dahil indi nga ako ang pumili nito. so alam ko na na ang sasabihin eh dahil hindi ko lang gusto.

nag-iisip pa ako kung ano ang best stratehiya pero kelangang umaksyon ako.
reynz´s last blog ..Cheap meds – GMA vs MAR My ComLuv Profile

[Reply]

Roy July 16, 2009 at 2:05 pm

hahaha! ayos!

aba, may initiative Reynz!

may anak na siguro yan ‘no?

kasi mukhang magulang na e :)
Roy´s last blog ..The Short Story Blogger My ComLuv Profile

[Reply]

reynz Reply:

thunderz na sya roy, tanders! alam mo ibig kong sabihin? tipong di matanggap na ako eh bente anyos pa lang hahaha
reynz´s last blog ..Cheap meds – GMA vs MAR My ComLuv Profile

[Reply]

Reesie July 16, 2009 at 10:25 pm

at naghire ka naman? bwahahaha

lecheness! baka gusto niya lang umupo sa opisina at walang gagawin. haha

kumusta na sya ngayon ateng? may improvement ba?
Reesie´s last blog ..Michael Jackson Pepsi Accident Footage My ComLuv Profile

[Reply]

reynz Reply:

oo ‘day, di ba gi-kwento ko senyo? ngayon iba na naman hinahanap ko, kelangan ko nang isang batalyon nang pinansyal sulsultant at meron kaming dalwang pinagpipilian yong isa hindi presyu tubigbahay pero yong abakada na nagsisimula sa letrang Ka at ang dulo eh Ga.
reynz´s last blog ..Cheap meds – GMA vs MAR My ComLuv Profile

[Reply]

roni July 16, 2009 at 11:18 pm

bakit ganun? e diba me hayrarki, asan ka ba sa flowcrart? kung under mo sila, wala kang dapat ikainis, ngayon, kung kalevel mo sa position, e di pagalingan na lang. nakuuuu, anung nangyari sa mother of social climbing???
roni´s last blog ..my page My ComLuv Profile

[Reply]

reynz Reply:

roni,

yung ulo pinansyal na yan eh nag-me-mey-ay-report saken. ako pa rin ang reyna. kaso me ere ang leche at feeling all nowing tipong luz kanyun wala pang isambuwan sa unit ko!!!
reynz´s last blog ..Cheap meds – GMA vs MAR My ComLuv Profile

[Reply]

mtoni July 17, 2009 at 3:41 am

bago pa nga lang tas gusto maghire ka ng gagawa ng trabaho nya, mukang tama sabi ni Roy..magulang.
tanggalan mo kaya inang ng upuan.

[Reply]

reynz Reply:

ano sa inglis ang “magulang” sa tono nang pinaguusapan naten? ganun nga sya, tipong ni-re-rail-road ako
reynz´s last blog ..RFID: Manghihimasok ba sa Pribadong Buhay? My ComLuv Profile

[Reply]

Roy Reply:

ano nga bang ingles ng ‘magulang?’

tawag kasi natin ‘parent’ din e, pero nagkakaintindihan na tayo :)
Roy´s last blog ..Are you in business or just self-employed? My ComLuv Profile

[Reply]

Maldito July 18, 2009 at 12:45 am

mahal na reyna..sunugin mo na nga yang opisina niyo at umuwi na dito..dito ka nalang magpatayu ng korporasyon..ha ha ha

[Reply]

reynz Reply:

wag! kelangan ko pa nang trabaho! marami akong boylets na sinu-sustentuhan hehehe

[Reply]

Kikay July 18, 2009 at 5:29 am

oyyy..ngayon lang uli ako napadpad dine sa kaharian mo reynz. Mukhang nagkaka wrinkles ka diyan sa mga tagasalansan mo ng barko. Ano ba yan… sabagay, tiis tiis lang muna hanggang bumuti buti ekonomiya dito. Mahirap kasi basta tumalon itong mga panahon na ito. Ilabas mo na lang dito ang sama ng loob mo.

Eto huggss… :)

[Reply]

reynz Reply:

kikay,

anofangaba! *hikbi* eto sunod sunod na na mga entry to, nagkamali pa ako nang post nung isa, napunta sa barrio siete hahaha
reynz´s last blog ..Driving Miss Crazy sa Metropolitan Manila My ComLuv Profile

[Reply]

lee July 21, 2009 at 2:21 am

sigh, i feel for you kamahalan, ganyang ganyan din yung dati kong company na muntik ko ng layasan kundi lang nila ko inunahan na palayasin ang buset bago ako lumayas

[Reply]

Leave a Comment

CommentLuv Enabled

Previous post: Amnesty sa Abu Sayyaf?!

Next post: Ang dating meyor sa bayan namen