Ang dating meyor sa bayan namen

by reynz on July 16, 2009

Corruption is evil. Trapos are evil. Ang mga nakaupo na me mga porsyento sa kontrata nang gobyerno are evil. One of the most blatant corruption shit I have ever experienced in my life in the barrio which to this day na-trauma talaga ako was during one mayoral election sa bayan namen nung panahon nang hapon.

rural_road_philippines

One candidate tagged as no-read no-write has the money. Of course, he has been the mayor forever. He was running for re-election at parating talo sa bayan namen because he’s got no accomplishment and worse, binitbit ba naman ang munisipyo sa barrio nila. Tuloy, naging barrio bigla ang bayan namen. Demoted nang leche. Reason? Hindi raw progressive ang bayan namen. At baket hindi progressive? Dahil kahit na kakaramput na development walang ginawa ang impakto for years. Kahit man lang gawan kami nang tulay sa ilalim nang tulay. That’s why I call my barrio, the 7,107th island dahil pag umabon, baha ang ilog, isla na ang bayan.

During the re-election campaign, one of his most famous quote dahil nag-pumilit na uminglis was this… “If you vote for me! I will die one cow and I will cement you!” Ganun. Kakatay daw sya nang baka at ipapasemento ang aming kalsada.

To prove his point, tinambakan nang buhangin at graba ang aming barriong mala-engkantada. Sumunod na linggo, nag-datingan ang mga lata-latang aspalto. Bawat kanto, akala mo mayon volcano. Pero dahil sa init, mistulang alkitran ang kapaligiran.

Dumating ang lecheng election. Natalo ang tarantado. Pero sa buong bayan, nanalo ang gago. Pagkatapos nang bilangan, lahat nang graba, buhangin, aspalto at bato eh pinahakot nang impakto.

Mula noon, wala nang tiga-barrio na nani-niwala sa kung sino mang pontio pilato ang tumakbong kandidato.

Related Posts with Thumbnails

Reyna Elena Dot Com is Powered By Thesis

Thesis Theme

With Thesis, you need not worry about your in-site SEO. All you have to do is "just add killer content". From beginners, to the most advanced WordPress developers, Thesis makes it easy for anyone to customize it.

{ 9 comments… read them below or add one }

fatherlyours July 16, 2009 at 6:16 am

hahahaha! Grabe naman. Uso pa pala ang ganyan.

[Reply]

malensky July 16, 2009 at 8:58 am

‘day, ganyan-ganyan sa talahib hiway namin. kung ako lang ang may pera, ako na ang magpapagawa!

[Reply]

lee July 16, 2009 at 9:58 am

nyahahaha sana sya sinemento mo kamahalan, yung kalsada namin dati e dimo na kelangang mag polbo dahil sa alikabok palang (di sementado) talo mo pa naka foundation.
my ganyan pa ring mga kalte samin sa mga looban pa bukid.

[Reply]

onetamad July 16, 2009 at 10:24 am

Kadiri naman ang pagka-corrupt niyan.

[Reply]

Mahalia July 16, 2009 at 10:54 am

Ano? Kahit na matigas na yung aspalto pinatanggal? Galing ba yun sa bulsa niya o sa bulsa ng taga-barrio?

[Reply]

dencios July 16, 2009 at 1:35 pm

sa bulakan uso ang ganyan noon. yung politikong tatakbo nagpa aspalto ng kalsada tas nung dadaanan na yung harapn ng kalaban nya huminto din ang aspalto kasi daw naubos sa budget. itutuloy daw pero natapos na ang term e hindi pa din tapos. ang ending yung tapat na kalsada ng kalaban nya e baku baku pa din

[Reply]

lee July 16, 2009 at 1:40 pm

langya, installment, itutuloy nalang kung tuluy tuloy ang term.
samin sa bulacan din, sa busit ng mga tao e sila sila nalang nagpasemento ng harapan nila.
yung main road na napakaliit sa bagbaguin dina talaga lumaki samantalang dun lahat ang daanan ng sasakyan ng lahat ng galing barrio paluwas.
at kahit mayat mayat isemento di talaga titino dahil dun lahat ang daan ng mga naglalakihang trucks ng mga nagku kwari.

[Reply]

jeri July 16, 2009 at 2:59 pm

Yan ang tunay na anyo ng pulitika….. sila’y mga plastikMan. laging nakangiti kuno pag maraming tao, pero ngiting “aso” naman.

[Reply]

Monique July 16, 2009 at 9:58 pm

Naku! Buti na lang di ginagawa yan nung Tongressman naming lahat ng porjects ay thru his initiative! =))

Kundi, lahat ng basketball court, shed, at kung anik anik pang “initiative” nya ay baka nasa 7,108th island na din kami… hahaha.

[Reply]

Leave a Comment

Previous post:

Next post: