Duda pa rin ba kayo kung gano ka-impluwensyal nang Barrio Siete? Pwes, bakit pina-plano ni Gloria Arroyo na mag-karon nang SONA sa Hulyo barrio-siete este bente-siete?! Ba’t nya kelangang gayahin ang aming State of the Barrio Address? Walang originality talaga oo! Hmpt!
I don’t know if you are noticing something, but pour moi? Oo. Maraming kaduda-duda-detch na mga happenings kung titigil muna kayo nang mga iringan dyan sa tabi. Pero, ano pa bang pag-uusapan sa SONA ni Gloria? Well, maraming mga ka-ba-balaghan na nangyayari ngayon mga kabisyo. Paunang balita, eto muna ang ratsada sa White House:
“The president (Obama) will receive President Arroyo at the White House on July 30, where they will have an opportunity to discuss ways to enhance US-Philippine cooperation on critical global issues including counter-terrorism and climate change, as well as further the traditionally strong alliance and bond between our nations,” the White House said in a statement. “President Arroyo will be the first leader from Southeast Asia to visit the United States under the Obama administration.” Source
Wagi ang Gloria! For all those trips na kakahabol ki Obama para man lang makamit ever ang photo op, sa Chicago, yung nabulilayasong New York trip, yong tawag na di dumating and many more. Finally, right after her SONA, mag-meet man sila ni Obama. This time, hindi na scrap book. Full blown album. Pang homecoming style. Inggit kayo di ba?
Tipo bang, all the stars are aligned. Ang lecheng Madame Auring, nag-pa-part time pala ki Gloria. O baka naman talagang everything are under the baton of an orchestra? Hindi kaya? Napansin ko kasi that the State of the Nation Address is already in full swing. Eto ang mga napansin ko:
-
Una – biglang nagkaron nang opisyal non-working chorvaley ang mga Iglesia ni Kristo. Hehehe! Sori Pinsan! Hahaha! Read: maraming tiga-falakfak. Obvious ba? Yong El Shaddai ba nabigyan na rin nang holiday? Para fair, kelangan ubusin lahat nang relihiyon. Pati na yong sumasamba at sumasampal-latay-a ki Reyna Elena.
-
Pangalawa – Si Eugenio Vagni, yong Italian worker nang International Committee of the Red Cross (ICRC) na dinekwat nang mga extremist na muslim na rebelde sa Sulo mula pa nung January, eh biglang nakalaya. Money changed hands lang naman pala, ba’t di pa ginawa noon? Ba’t itinaon sa SONA na darating?! Obvious ba?
-
Pangatlo – Ba’t lumalabas ang cheezmaks na sabi ni Sen. Manuel Roxas II eh nakipag-deal or no deal daw si Gloria Macapagal-Arroyo sa mga transnational drug companies? Para ba to sa SONA? Para me maipahayag sya na cheaper and accessible chorvaley eklavu? Obvious ba?
-
Pang-apat – Ba’t biglang may I pray ang Arroyo for Cory Aquino at hindi sumabay noong kainitan nung healing prayers for Cory? Photo-op? Nakalimutan ba that July SONA was coming at hindi pedeng kalimutan si Cory? Obvious ba?
-
Pan-lima – Ba’t biglang nagkaron uli nang bombahan? Sinadya ba yon talaga? Hmpt! At mega-prepare ang metropolis. Wag na lang. Pass na na lang tayo sa isyung to. Hehehe! Baka ma-dyubus tayo! Hahaha!
Pero halatang halatang nag-ka-cramming si Gloria. Tandaan nyo ang nakalistang yan. Fafalakfakan yan sa SONATA. Yan ang ating State of the Nation. Hehehe! An saya di ba?!

Stumble Upon
Del.icio.us
Buzz







{ 1 trackback }
{ 36 comments… read them below or add one }
ahaha standing ovation ako sa SONA mo!!
pag may SONA may milagro? hmm namiss ko bigla ang pagpunta ng UP para makichika sa SONA hehe
Make or Break
[Reply]
Reynz, marahil hindi sasang ayon ang ibang taga barrio pero ang politika ay parang sarswela. Nasa isang malaki enteblado tayo. Merong mga artista, direktor at mga manonood. Maski eleksyon natin, naka plano na yan.
[Reply]
hehehe malapit na rin ang aming 6th State of the Barrio Address na ginaya ni Gloria hehehe, aabutin namen yang 8th SONA nya har har har!
[Reply]
i’m sure me konek konek yong mga milagrong nangyayaring to Rob, at babantayan ko sya sa SONA, at sigurado akong falakfakan yan nang todo hahaha
[Reply]
I agree Rob to a certain extent. Conspiracy theorist din ika?
[Reply]
And Gloria will go down in history as the greatest crook who assumed the Philippine presidency… move over Marcos!
[Reply]
Di naman Mahalia. Nung nag uumpisa pa lang ako sa pag social climbing ko, sinuwerte lang akong makapag silbi sa iilang mga tao na matatawag nating mga direktot at nakilala ang ibang aktor. =)
[Reply]
sa masalimuot na plot line ng pulitika, kailan ng konting crowd control at ilang mga script writers. Nakapag-silbi rin ako sa–low-time lang naman–local government opisyales. Kahit ng mga baranggay project, naka-gear na yan sa eleksyon kahit na four years to go pa ang eleksyon. Di naman ibig sabihin na masama ang layunin ng mga political strategist. ganon lang ang playing field ng politika. Kaya nga sang ayon ako sa iyo.
Na-immerse lang ako masyado doon sa History Channel ng Secret Societies that Rule the World. Katakot naman!
[Reply]
secret societies that rule the world, na-miss ko ata yan, parehas ba yan nung economic conspiracy book na published by new york times ata yun! hahaha! i was reading all these foreign donations, matindi pala ang mga nakakabit doon kaya nga nung nag foreign aid ata ang china sa pinas – leche alam ko na kung ano yong nasa likod nung aid na yon
[Reply]
Reynz, di ko narinig yung libro. Hanapin ko sa amazon. Yun namang sa History channel wala pa silang airing in the next two weeks raw. I’ll email you kung makita ko ang schedule of airing.
[Reply]
matagal na yong book na yon, nabasa ko ata 2003 pa or sumtin… i’ll check, pero very provocative yong sinabi nung diplomat turn tsismoso at ginawang libro. yun nag tinatawag na pulitika. kaya now, iba na ang tingin ko sa mga World Food Aid chorva na yan, pati na yong mga sinasabing US Food Aid, or kung ano anong me kabit na Foreign Aid
[Reply]
Mahalia: I found it. Confessions of an Economic Hit Man. I love this book. An tagal ko nang nabasa, kelangan basahin uli hehehe
[Reply]
Baka interested din kayo dito.
http://www.zeitgeistmovie.com/
[Reply]
Aruuuuu nag post ako ng may link di na approve. Any how, try ninyo watch yung zeitgeistmovie dot com. Maaaliw din kayo.
[Reply]
Amen to that!
[Reply]
Ang Diwa ng Pinoy ay Laging gising sa mga Pangyayari sa bansang Pinas, ngunit patuloy pa rin na nagbubulagbulagan at mas gustuhin na lamang ang manahimik, marahil ang madlang pipol ay Pagod na sa mga nagdaang pagyayari na pagpapalit ng lider ng bansa, bagama’t may mga ibang lider ng oposisyon na kumokontra sa mga baluktot na sistema sa kasalukuyang administrasyon, ay wala rin magawa dahil karamihan sa mga diputado sa mababang kapuluan at kaalyado ng pangulo.
naka-ilang SONA na ang kasalukuyang administrasyon mula nung nang-agaw ng kapangyarihan?..Ano ba ang mga dapat nyang ipagmalaki sa taong bayan?
PAra sa akin ay wala.. puro panlilinlang sa taong bayan..
YUng mga binanggit at napansin ni Kapitana mula una hanngang panlima, ay kulang pa yan kung tutuusin. Maraming pera mula sa kabang-bayan na pinapamudmod ngayon para suportahan ang kanyang SOna, (ukinawajapan)
Ang Alam ko pag may SONA si GMA, ay araw ng pabonggahan ng mga kasuotan, mga mamahaling “Damit” na gawa ng mga tanyag na fashion designer. puro papormahan lang, payabangan, at pasikatan ng kasuotan.
Mga dress to kill ‘ika nga…mga “pambu” as in Pamburol na kasuotan.
[Reply]
Maraming mga anomalya na nangyari na sa mga nagdaang taon mula nung naupo si GMA, mga iba-t ibang klase ng SCAM na kinasasakutan ng kanyang mga alipores lalo na ang kanyang esposo, siguro hindi lingid sa inyong kaalaman ang lahat na ito… dagdag pa dyan sa mga paglikida sa mga bumabatikos sa kanya lalo na yung mga kolumnista o mga press people na nag exposed ng kanyang maling sistema ng pamamalakad. mga katakot takot na tong-pats sa mga nagdaang proyekto at marami pang iba na sangkot ang mga karamihan ng opisyal ng gobyerno.
Hindi ito kathang isip lamang bagkus buo ang aking paniniwala na ito’y may katotohanan… tulad ng sabi ko noon, pag may usok, ay may apoy.
[Reply]
Nagbubunyi ngayon ang malakanyang dahil sa pag-imbita ni Pres. Obama kay GMA.. sige lang matuwa lang sila sa galak!
Ngunit hindi maalis ang haka-haka ng taong bayan na hihingi ng basbas si Gloria kay Pres. Obama ng supporta para sa planong pagbabago ng saligang batas na idadaan sa Constituent Assembly, na ang espekulasyon ay kalakip ang pagpapalawig ng termino ni Gloria sa pagka-pangulo.
Pag nagkataon, dito na sisiklab ang naglalagablab na galit ng mga mamamayang pilipino…
Malaki ana aking paniniwala na hindi ito hahayaang makalusot.
Pag Puno na ang salop, dapat ng kalusin.
[Reply]
Thanks Reynz, maghahanap na ako ng used books para makibasa rin ako kahit na di marunong magbasa. hehehe. Wala pa ang sched nung show. Baka next month pa. I’ll keep you informed.
[Reply]
i’ve been meaning to watch that movie Rob, parating na-uudlot. that was also sent to me by a friend
[Reply]
napakahaba na nang listahan nang unresolved corruption charges sa kanila pati na asawa nya. if you were following her trip abroad, andami at bakit nag-side trip sya sa south america?
[Reply]
nag-bubunyi sila dahil matagal na nilang ina-asam asam na makapag pa piktyur ki obama given na sunud sunuran sya ki bush.
[Reply]
UPDATE:
Ano fa nga ba sabe ko? Eto na, nakabalandra na sa Inquirer:
Basahin dito:
http://newsinfo.inquirer.net/breakingnews/nation/view/20090713-215214/Drug-firm-offered-govt-P100M-of-discounts
[Reply]
eto ang limerick para seyo kamahalan—
There once saw a girl Rheyna
And her beauty looks like Latina
And her friends likes to see her Tuwina
And make her feel like a Prima
[Reply]
eto ang limerick para seyo kamahalan—
There once saw a girl Rheyna
And her beauty looks like Latina
And her friends likes to see her Tuwina
And make her feel like a Prima
[Reply]
hmm ang ibig bang sabihin neto ay wala ring kwenta kung ako ay boboto?
anak ng! pumila pa naman ako para mag parehistro!
Make or Break
[Reply]
mahina ang utak ko pero kung ganito kasimple at kalinaw ang paguulat sa mga usaping politika interesado ako magbasa, salamat inang.
inaabagan ko na ang SOBA.
[Reply]
hmmmm….syempre di papayag ang pharma giants na magkaron ng cheapr medicine act sa pinas.
pero kung tutuusin, puedeng diktahan ng gobyerno (kung maino ito) ang pharma giants na ibaba ang presyo ng gamot. eh putek, tubong lugaw naman sa gamot!
that’s all i can say…di na akong puede mag-reveal. kasi malapit na akong maging “alila” ng big boss sa isang pharma giant na merong planta dito sa pinas!
hehehe. trabaho lang , walang personalan.
[Reply]
Same Old Nuts Again (SONA) mga panaginip ni gloria na SANA natutupad kaso yon sa stats o sa pigura lang na isinulat sa papel de hapon, laging success pero sa totoo lang fail. iba talaga pag bulok na pulitiko ang tumitingin sa mga bagay, imbis na tingnan ang problema sa kaukulangan at msaikip na classrooms, gagawa na lang ng bago computation sa papel na gagamitan ng ratios and percentages at kung ano pang ek ek, at yon pronto, wala ng shortage sa classrooms, nabawasan na ang nagugutom at naghihirap at dumami pa ang employed.
last sona nya 2008 na meron trilion pesoses na value, mga bagong classrooms daw sa mga eskwelahan na may 100 students na ginagawang sardinas sa isang classroom. Pero papaano kaya ipapaliwanag yong ipinalabas sa the correspondents. this school-year alone, marami schools na umabot sa 150 students per classroom, tatlong shift pa. di ako magtataka kung mapabalita na merong na namang minamaligno sa mga schools na ito kasi sa araw araw na pagdidikit dikit ng mga kawawang estudyanteng pinoy, malang pati mga mukha nila ang magkakapalitan na rin.
Kaso meron pa isa problema, ang mga karamihan namn ng mga pinoy, patuloy pa rin sa paghalan ng mga bulok. so, papaano na.
Same Old NUTS Again.
[Reply]
lee, i am seeing dobol. hehehe
[Reply]
oo toni. as usual, iniintay ko ang SONA ni Gloria. Alam mo naman, ginaya ang concept nang SOBA. hehehe!
[Reply]
nyak, diko napansin hahaha churi po paki delete po ang isa.
[Reply]
Mahalia,
I love the history channel. At naniniwala akong may secret societies sa mundong ito, ika nga, there are always men behind the curtain.
[Reply]
bwahahahha…..
Tapos sinasabi nila noong Edsa Dos e corrupt si Erap….
Sinasabi ko na nga bang propaganda lang ang Edsa Dos para i-install si Gloria. Hahahaha.
Kaya di ako naniniwala dyan sa Edsa Dos na yan. E puro mga elitista lang ang nakita ko dun. Hmpt!
[Reply]
Ano ba yang SONA? Status Of the Negligible Augmentation? Stalking Obama Never Again?
[Reply]
Korek ka dyan, Your Highness, pang SONA ang lahat ito, Gusto niya may ma-announce siya sa July 27 that will top Mar Roxas 22-drug package.
50 raw ang sa kanya.
But why is she competing with Mar? Candidate din ba sya sa 2010 elections?
[Reply]