Ako po yan. Nakasilip sa dyalusi. (Tinanggal ko na po ang dyalusis! ~Reynz!) Shy dahil bigatin ang mga tiga-Barrio Siete. I’ve been reading Reyna’s blog for about 2 5 months now…. sorry kung late… huli man daw at magaling eh huli pa rin
.
I got to know about Reynz blog from Dona Victorina. Hindi dahil palagi kong binabasa yun kundi dahil sinundan ko ang topic about the MLQ3 lambasting the intelligence of some readers about the article written by someone named Chip Tsao from Hongkong hanggang sa mag apologise nga sya to Reyna.
From then on, regular na ako punta sa site ni Reyna reading all the back “issue”. The best article ay ang pagbili nya ng BISKUIT na nasa-LATA sa tuwing babalik sya mula Manila. Hanggang ngayon sa Cubao bus station may mga lata pa rin ng BISKUIT na binebenta….
I want (need) to be part of the (Brigada) Barrio Siete pero sa category B kasi baka di ko kayanin nag requirement “kalbuhin” mo ako…..hahahaha at di naman ako talaga Blogger, palabasa lang ako pero magsulat so far “for personal consumption” pa lang ang mga naisulat ko.
Isa po akong OFW na naka-base sa Jakarta Indonesia. Job? Kung di nag-aabang ng TSUNAMI, tumutugis ng Terrorist and totoo: GURO. Laking Barrio Siete ako at nagtapos sa isang AGRICULTURAL school ng Highschool.
Nagtapos po ako sa isang Mababang Paaralan ng elementary at naka-tsinelas pumasok kasi wala kami pambili ng sapatos. Tsaka di bagay naka-sapatos kasi nasa gitna ng bukid ang skul namin at nagdidilig kami ng halaman after skul…AT di naman ako anak ng Meyor.
High school, di kaya ng Mudra na papasukin ako sa Catholic School (yan ang Bongang school sa amin noon) sa bayan kaya sa Agricultural School ako pinasok ( again sa gitna ng bukid, pero Science class naman–di ba Bongga! Kaya lang Bobo talaga ako sa Maths kaya average student lang ako). Pumasa lang ako sa kaka-social climb. Read: Nanghihiram ako ng scientific calculator, protractor, logarithim chuva book sa mga kaklase ko na WELL-OFF para ma-solve ko ang Trigo at Analytic Geom ko nung 3rd at 4th year.
Nung ako’y nag Kolehiyo — napadpad po ako sa isang State University sa Taft (di na sa gitna ng Bukid pero sa tabi ng City Hall) Gusto ko man pumasok sa Kolehiyo ng mga YAMING isa lang ang tanong ni Mudra….Gusto mong mag-aral na may LAMAN ang tyan o mag-aral na lang na KUMAKALAM ang tyan. Mahirap naman yatang mag-aral na kumakalam ang tyan lalo pat DI naman ako ganun ka BRIGHT student…slight lang…..hehehehehehe.
Nakatapos at nag-turo kung saan-saan….Una sa AYALA ALABANG…..subconsciously nag-so SOCIAL CLIMB na ako, kaso di kinaya ng powers ko ang UBER sosyal na magulang at management …. tapos BLUE RIDGE sa KYUSI ganun din, nag-MAKATI pero napagod…pano naman lahat ng sweldo ko na pupunta sa LECHENG pambili ng STOCKINGS (SUPPORT) na nag ru-run tuwing sasakay ako ng BUS…..ayun napadpad ako sa Indonesia..pang 7 years ko na dito at lately kumakanta na ako ng “When you wish upon the star..makes no different who you are…..” habang naglalaba, naglalampaso at naghuhugas ng kinainan. Minsan nakakakita na rin ako ng “two blue birds at 3 daga na katulong sa gawing bahay pag di ako nag-tuturo”.
Pag-pasensyahan nyo na po kung ako eh parang engkantong susulpot na lang dito. Wala pong cable at internet sa barrio namen at wala rin po akong computer, kundi dumadaan lang sa isang internet cafe pag libre sa labada pero natutuwa po ako sa pagtanggap saken dito sa Barrio Siete. Maraming salamat.
Stumble Upon
Del.icio.us
Buzz







{ 1 trackback }
{ 41 comments… read them below or add one }
Welcome to barrio siete Cora.. medyo hawig ang ating kwento ng buhay..naglalakad na naka-tsinelas lang pag papasok sa eskwela..
Namulat sa buhay na salat sa karangyaan,lumaki na puro pangarap lang ang syang tangan…
[Reply]
mam cora bakit naman po pinatakpan nyo ang inyong magandang mata?
[Reply]
maam cora paano ka napabilang dito, gusto ko rin sana maishare ang maluho kong buhay sa barrio
[Reply]
Ang galing naman. Parami ng parami ang writers dito sa Barrio.
[Reply]
Cora,
Welcome sa Barrio Siete. Nakakatuwa naman yan litraks mo. Talagang may dyalusi. Hahahaha.
Sama ka din kay Lee na magparetoke kina Calamay at Belot para di mabuking ang tunay na kayo. Hahahaha.
[Reply]
nag-email na si Cora na pwede na daw tanggalin ang dyalusi hahaha ok na raw na ibalandra ang muka nya hahaha! later, ayusin ko!
[Reply]
Yung Mukha ko nga panay balandra sa naglalakihang billboard sa ibat-ibang bansa..ha ha ha, dalaw kayo sa blogroll ko makikita nyo dun yung pruweba. ha ha ha ha.
[Reply]
nyaahaha
naka-dyalusi!!! we welcome you here sa Barrio Siete ms. cora dolorosa!!! may career center and modelling school ka din ba?
[Reply]
Inang Kamahalan,
Kumusta na po kayong lahat dito pasensya na at umuwi ako at nandito ako ngayon sa BARRIO SIETE NAGBIBIGAY pugay sa aking mga ninuno.
Sure pwede mo na i-post ang litraks ko….OA naman di ba kung humindi pa ulit ako. Sure Ina post mo na at anyway super announce na naman ako sa aking mga kamag-anak at kapwa guro dito na read nila ang barriosiete site.
sya yung next article ko ..send ko ko next week pagbalik ko sa jakarta
cora
[Reply]
sandali lang at gibain ko muna yong dyalusis sa harap ni cora! hehehe!
[Reply]
Hello Cora and welcome to Barrio Siete! Woot! Woot!
[Reply]
teka lang po, dati ko na po nababasa mga entries ni mam cora dito ah? di ko malimutan yung OFW at Balikbayan, dahil ba sa bagong bungalow o nalilito lang akow?
[Reply]
nga pala ako din, dahil sa MLQ3, FV at TC kaya ko nasilayan ang ganda ng reyna, may connect?
ganda naman ni mam cora este yung story pala…
[Reply]
Hello Ate Cora. Ingat sa pagtugis ng mga terorista. Hihi. Anticipating for more of your stories.
[Reply]
Well, specialisation ko ang SOCIAL climbing..dahil sa kaatribidahan ko super tapang ako email sa Reyna..ayun pinansin naman ako at eto na nga ang start ng aking Blogging ( 2 articles pa lang nasusulat mula ng napasali ako ..buti na lang d pa nila ako pinapadalhan ng WARNING LETTER!) Try mo makipag-ugnayan sa Inang Reyna….for sure sasagot sila at may free kang isang latang biscuit!
[Reply]
yup, at wag bibitaw sa mga pangarap na yan– sabayan mo ng konting social climbing at laksa-laksang pasensya saan ba patutungo kung di sa TAGUMPAY. At siempre wag kakalimutan ang PINAGMULAN
[Reply]
Maraming salamat!
[Reply]
Uy na-guilty naman ako..MGA ENTRIES….dalawa palang ang naico-contribute ko mula nung mapasali ako dito….Paramdam ba yan na KAILANGAN ko na magsumite ulit…sige-PWAMIS next week
[Reply]
Pwedeng BOTH?
Di naman ako pihikan…hehehehehhe
[Reply]
Maraming salamat..maraming dating na bagong terorista at MEET ko sila bukas…..HMMMMMM…I smell BLOOD!
[Reply]
Sayang Di ako umabot sa DYALOSI MODE ng aking pix di ko tuloy na-sight. Kaya pala yung ibang comments ay nakatakip mata ko…Napaisip tuloy…anu yung tipong LADY JUSTICE may piring ang mata….buti na lang natanggal na at MULAT na MULAT ang aking malalaking mata.
[Reply]
Silver di ako umabot dun sa pix na may dyalusi (natanggal na bago ako nakadalaw ulit). BUt I have this mental image ..parang nung panahon na nakikipanood ako ng TV na nakasilip sa DYALUSI ng kapitbahay…hehehheheheehhe
[Reply]
wala pero contemplating of having one (AMBISYOSA! …joke wala) Pero “modelling school” para sa mga terorista…why not. Imagine ang mga terorista na naka-bob cut ang mga buhok tapos ang mga shades nila AVIATOR..aliw! At di na pwede ang “fatigue” type of clothing…dapat COLOURFUL…palitan natin ng pastel colours…di ba bongga! heheheheh at ang mga sapatos naka GLADIATOR mapa gurl or mhin at pa-mhin…baka mawindang ang Negotiating Panel kung may sinasagawang negotiations….
[Reply]
OMG..guilt is creeping in again… I get so “embarrased” to be labeled as WRITER…kasi dalawang articles pa lang napapadala ako. Pwamis..sususlat ako ulit
[Reply]
cora!
sandali lang at ilagay ko dito yong naka-silip ka sa dyalusi hehehe
eto sya:
[Reply]
Hahahahah..para palaakong “chop-chop” lady…..Aysus!
[Reply]
Amen ako dyan…dahil tulad ng kasabihan,.. na Ang taong sinasaniban, este! mali pala…. Ang Taong hindi marunong lumingon sa pinanggalingan, ay may stiff neck.. ay hindi pala… hindi makakarating sa paroroonan… ayun! natumbok din.
Kaya ako, habang lumalakad patungo sa gusto kong direction, ako’y lingon ng lingon. para hindi ko makakalimutan ang aking PINAGMULAN.
[Reply]
Welcome sa Barrio Ms Cora!
[Reply]
Na miss ko ata ang welcome address para kay Cora Dolorosa. Welcome na Cors! with my sound effect (alang alang sa kaligayahan ni freddie boy) at uungguyin ko ang monkey see monkey do ni Rob… woot! woot!
[Reply]
sus, yan pala ang jealousy. gets ko na. buti na lang may graphical representation of the word kung wala akala ko himala.
[Reply]
hi Mel, good to hear from you. now I remember si ate Cors pala ung sa you said, taga tugis ng terror doon sa may kabilang ibayo.
[Reply]
@dencios, dahil ang mata daw ang entrada ng kaluluwa. pero useless din kahit pinatakpan ang mata pero kung nakakasulat naman nababasa din ang nilalaman ng kanyang kaluluwa.
[Reply]
Cute naman… (puera buyag, kung sa bisaya pa)
[Reply]
@Cora Dolor, don’t worry ang alam ko is “PWAMISis” are made daw to be broken or fulfilled…
[Reply]
Applicable lang yan pag hindi Sodom at Gumora ang ang iyong pinanggalingan.
Sinabi pa nang anghel ng Diyos na Walang Kapatawaran na syang naghahasik ng mga Alabok, “wag lumingon sa pinanggalingan no matter what…
nilingon dahil ayaw kalimutan ang NAG LULUNING-NING SA CITY OF SODOM AT GUMORA…
Ang resulta ayon sa istorya, NAGING ABO TULOY O di kaya na assassinate tuloy doon sa NAIA pagbaba sa ayroplano.
[Reply]
Buti kayo naka tsinilas ako nakapaa sa putikang batuhon pa na di naman pueding tawaging kalsada…
[Reply]
woot, woot ba ay monkey sound….. akala ko owl…
[Reply]
Tumpak ka! Cheers
[Reply]
welcome sa barrio siete mam cora!
[Reply]
Thanks Reese
[Reply]
Maraming salamat po!
[Reply]