X-Games

by Mel on May 23, 2009

Noong weekend ay umuwi ako sa aming bahay.

Nakita kong naglalaro ang aking mga pamangkin sa kanilang mga laruang robot, barbie, transformers action figures, mga electronic toys na hindi ko ma-identify, at marami pang iba.

Ang suwerte naman nila, sabi ko, lahat ng gusto nilang laruan ay naibibigay ng aking dalawang ate. Yung sala namin pag nakita niyo mahihiya ang Toy Kingdom sa dami ng laruan.

Yung isa kong pamangkin gusto lahat ng merchandise ni barbie ay meron siya. Yung isa naman favourite si Dora. At yung nephew ko lahat ng laruan na may kinalaman ang robot at dinosaurs ay binibigay ni ate.

In fairness, hindi madamot ang mga pamangkin ko, they share their toys at tuwing December ay nagbibigay kami sa foundation ni Aga Muhlach.

Anyway, when I was just a little pa-girl, hindi kami nagkaroon ng mga ganoong laruan ng mga kapatid ko. Ang nakakaya lang bilhin ng aming parents noon ay yung makikita mo sa palengke at grocery. Hindi naman kami totally poor, kaya lang tamang-tama lang sa aming needs ang suweldo ni Mama at Papa. Walang allowance for luho, leisure and toys.

Marahil yun ang dahilan kung bakit binibigay ng mga kapatid ko ang anumang hingin ng mga anak nila kasi deprived kami nung aming early kabataan.

Actually, masaya naman ang aking childhood, hindi pa rin naman kasi uso ang pabonggahan ng toys noon sa barrio. Ang uso noon ay ang mga larong-sinauna gaya ng tumba-lata or tumbang-preso, tubig-tubig or patintero, taguan, shatung, tigso, taga-anay, at ang aking most favourite dahil I get to play the daughter role, ang bahay-bahayan with rape-rape, hahaha!

Pagdating ng pasukan ay maswerte kaming nakapag-aral sa isang private school bilang scholars ng mga madre. Yung mga kaklase ko tuwing recess ay naglalabas ng mga bonggang-bonggang toys. Lego, Play-doh, mga action figures na sing-taas nila, remote control cars, at iba pang laruang pang-mayaman. Doon ko na-realise how deprived we are pagdating sa mga ganoong bagay. I remember myself na nakatulala na nanunuod sa mga kaklase kong hawak-hawak ang nga laruan na akala ko noon ay sa tv lang nakikita.

Mabuti na lang at may swing at see-saw sa school. Doon kami naglalaro ng mga kapatid ko.

Noong nakapag-abroad na si father ay medyo nakakabili na rin kami ng matitinong toys. Yung dalawa kong ate may manyika na, sa brother ko jeep-jeep, at sa akin, robot.

Hello? Anong gagawin ko sa robot? Binigay ko na lang sa kapatid ko.

Pilitin ko mang gustuhin ang robot ay hindi ko magawa. Umiyak na lang ako sa sulok, walang alam si mother dear kung bakit.

Kinabukasan ay umalis si mother. May bibilhin daw siya na pamalit sa robot na una niyang binili.

Pagdating niya kinahapunan ay may bitbit na siyang supot.

May bago na akong laruan. Umiyak ako sa tuwa. Mahal talaga ako ng nanay kong kunsintidora.

Binili niya ako ng Barbie. Yung blonde.

At doon, ganap na ang aking pagiging girl.

mel_beckham1

Masuwerte ang mga kabataan ngayon dahil exposed na sila sa maraming bagay pagdating sa leisure, fun and games. Yun nga lang, sa sobrang modern na ng panahon parang nakakalimutan na rin nila ang mga sinaunang laro, which I think is not that bad at all.

P.S. Obvious ba na hindi ako mahilig sa online games? Hahaha! Paturo naman diyan!

Related Posts with Thumbnails

Reyna Elena Dot Com is Powered By Thesis

Thesis Theme

With Thesis, you need not worry about your in-site SEO. All you have to do is "just add killer content". From beginners, to the most advanced WordPress developers, Thesis makes it easy for anyone to customize it.

{ 23 comments… read them below or add one }

Silver May 23, 2009 at 9:04 am

Noong bata pa ako, hindi ako naglalaro ng barbie.

Serious. Gusto ko ang lego, transformers at tirador. LOL.

Hahhaha….

[Reply]

reynz May 23, 2009 at 9:12 am

hmpt! nung bata ako, wala ako nyan! nag-titinda ako nang kamoteng kahoy! hmpt! at pag naglaro na ako, leche hanap na ako nang tatay! hahaha!

[Reply]

The Cat May 23, 2009 at 9:52 am

basta ako piko ang laro ko at tumbang preso. baril-barilan pa.

[Reply]

Lalaine May 23, 2009 at 10:05 am

Great photo, Mel. And a good read, too. :) Hindi ako masyadong nakapaglaro ng piko, taguan, etc. nung bata ako. Kaya naman nung college sa UP-Diliman, Philippine Games ang isa sa kinuha kong P.E. Sobrang enjoy! Laglag-panyo at luksong-tinik at kung anu-ano pa. Ang saya!

[Reply]

Mel May 23, 2009 at 10:34 am

ay, na-publish na pala ang contribution ko. hihihi

thank you barrio siete for making me a part of your family. besos!

[Reply]

Snow May 23, 2009 at 11:25 am

Ay pareho pala tayo Mel Beckham, favorite ko rin ang manikang Barbie nung bata pa ako. Pero gusto ko rin ng lego at jackstones! ^_^

I like your pose! Mala-Jasmine Trias hehehe… ^_^

[Reply]

reynz May 23, 2009 at 11:32 am

hehehe! natatawa ako seyo! ano yong nasa tenga? waling-waling? hahaha!

[Reply]

roni May 23, 2009 at 11:41 am

nung bata ako, laruan ko mga blocks na kahoy, mga pinagputulan ng tatay ko sa pag-gawa ng cabinet. pinag-lilinya ko in one straight line, kaya ko na-realize na me spectrum pala ako ng autism, hehehe.

[Reply]

orphicpixel May 23, 2009 at 12:55 pm

sosyal kayo kung yan mga laruan nyo nung bata kayo, ako laruan ko alikabok, huhulma ako ng mga banga gamit ang ihi pangbasa ng alikabok

[Reply]

Mel May 23, 2009 at 1:34 pm

ate reynz calachuchi yan. bulaklak sa sementeryo. bwahaha

[Reply]

Mel May 23, 2009 at 1:37 pm

Snow, nag-iisa lang ang barbie ko. umiyak pa ako ng dugo bago mabili. hahaha! ang regret ko lang ay hindi ako nakabili ng Jolina doll, peborit ko din kasi si Jolina. extinct na pala yun sa market. hihi

[Reply]

reynz May 23, 2009 at 1:41 pm

hahahaha bulaklak sa sementeryo? kaya pala walang world peace ang mga engkanto senyo hahaha

[Reply]

Snow May 23, 2009 at 1:49 pm

fan ka pala ni jolina magdangal. :D

[Reply]

Snow May 23, 2009 at 1:52 pm

tulog na ako mga frends! 2.51am na, mapapalo ako dito sa amin! nyt to all. ;)

[Reply]

alex May 23, 2009 at 7:56 pm

patintero pag gabi sa kalsada dahil madalang na ang sasakya, at pag maliwanag ang buwan taguan sa mga puno(lalo na pag brownout)…

hay barrio, nakatingin sa itaas habang inaalala ang kahapon…

teka, may lakambini na ba ng barrio? I NOMINATE “Binibining” Mel!!!

[Reply]

mel beckham May 23, 2009 at 9:53 pm

thank u lalaine! oh ‘di ba, kahit delayed telecast ang paglalaro mo ay bonggang-bongga pa rin. hihi.

[Reply]

mel beckham May 23, 2009 at 9:57 pm

alex, anuvaah! don’t flatter me.. bwahahaha

i agree, da best ang paglalaro ng patintero sa gabi sa gitna ng kalsada. ginagawa pa rin kaya yan ngayon? i wonder… hmmmm….

[Reply]

alex May 24, 2009 at 5:49 am

hmmm sa mga bata sa province(nueva ecija) eh wala na ako nakikita… dahil marami na sasakyan na nagdadaan… tapos iba na ang mga naglalaro sa kalsado… habang ang mga bata nasa computer na nagtatagpo at naglalaro….

tapos ang taguan sa gabi hmm di na rin masyado kase iba na daw mag isip “kaming”(?!?!?!) mga kabataan ngaun… yan ang iniisip nila(peace ulit)

teka lang ulit? san ung “i agree”? sa nomination?

peace ulit!!!

[Reply]

malensky May 24, 2009 at 6:53 am

i had fun reading this. yah know, we should be friends lol.

ako nga, never as in nunca akong nag ka barbie. kya i envy you

[Reply]

Silver May 24, 2009 at 10:32 am

“baril-barilan pa.”

Hindi na ako nagtaka. LOL. :P

okay, tatakbo na ako….hahahahhaha!!!

[Reply]

mel beckham May 25, 2009 at 3:18 am

te malensky, friends na tayo. hihihi. yung barbie ko na yun ewan ko kung nasaan na, hahanapin ko pag uwi ko sa weekend.ü

[Reply]

johnonymous May 25, 2009 at 3:58 am

Mel, bff tayo… Kakosa!

[Reply]

mel beckham May 25, 2009 at 6:05 am

John! Oo ba, bff. It’s my honour. Hihihi

[Reply]

Leave a Comment

Previous post:

Next post: