Occasionally, I get letters from readers. Alam nyo na yun. Wisik wisik ko sya wid my own language para itago ang engkanto nyang katauhan. Why they look at me as Dear Ate Charo, is beyond me. But as usual, pani-nindigan ko sya ever. Mas maganda ata ako ki Charo! Hmpt!

Eto ang sulat nya.
Dear ate charing,
Bagong salta ako ditech sa jerymerikah
Kala ko, maligaya. Leche. An lungkot pala!
Sight ko kasi mga mga litrato ninyo
Napadpad ba naman ako sa blog mo!
Mga impakto kayo! Pinaniwalaan kong paraiso kayo dito!
Mga manloloko! Hmpt!Pero, swerti, nakatapos din ako nang kolehiyo saten
Sorry, hindi ako yung tiga UPLB na summa cum laude
Buti sya me laude
Ako, pasang-awa kaya nakalibreTemp ako dati. Alam mo yon?
Yong bang kung saan ka ita-tapon tapon?
Di ko na mabilang kung ilang trabaho ako napadpad
Basta, gaya mitch, masipag ako at hindi ako makupadSwerte uli, napadpad ako sa permanenteng trabaho
Pero gulong gulo ang buhay ko dito
Gusto ko na syang layasan
Ditech kasi, andaming kalechehanPasok alas otso, labas alas singko
Pasok NILA? alas diez. Labas? Menos singko
Pagpasok? Akala mo mga kargador. Daming nakasukbit na bag.
Tipo bang nagbebenta nang ukay-ukay
O baka karneng baboy, benta benta por kiloTambak ang trabaho ko.
Minsan, umaabot ako nang alas siete
Minsan, di ko kaya.
May I go home akez at baka sumabog ulo koTo kasing mga kasamahan ko
Hirap akong magetz
Simpol simpol lang, umaabot nang ilang oras
Mistulang komperensya iksplika ko lang cedulaIsang hapon, meeting de avance pa kami
Para lang pag-usapan kung sino ang papadala nang liham
Sa lahat nang kinauukulan
Na medyo itigil ang mga katarantaduhan
Ba’t ako ang nasabak na dapat sila, di ko maintindihanAkala mo dear ate charing, me mga telepano ditez
Wag ka, pan display lang sila.
Wala kasing sumasagot sa kabilang linya.Gusto ko nang takasan ang impiernong to
Pero sabi nyo kasi, ako ang gumagawa nang aking kapalaran
Paka walanghiya nyo po. Ako pa sinisi nyo!!!
Tulungan nyo naman po ako.
Siempre kelangang ko nang sweldo
Eh leche, me hinuhulugan akong pridyidir ano?!Isang masugid yong tiga-basa,
ILLUMINADA
Nakikiusap ako senyo mga masungit kong nag-babasa. Bigyan nyo nang liwanag si Illuminada.

Stumble Upon
Del.icio.us
Buzz







{ 14 comments… read them below or add one }
hay life, akala nyo lang maganda buhay dito
akala nyo lang nagpapicture lang kami dito sa jerymerikah
akala nyo lang yun..maraming namamatay sa akala!
kaya illuminada, tumigil ka
dapat magpasalamat ka may trabaho ka
dahil sangkatotak ang walang trabaho ngayon
or kungdi mo talaga kaya
umuwi ka nalang at magtanim ng kamote.
seriously, hindi naman talaga natin mapigilan na magreklamo..lalo na pagpatayan na ang trabaho.. pero let’s look at the brighter side di ba.. na masuwerte pa rin tayo na may trabaho kompara sa iba.. ang hirap kaya maghanap ng trabaho ngayon!.
Reesie´s last blog post..Naki-Chika ang Lola Nyo
[Reply]
OO maswerte pa nga kayo kesa sa ibang walang trabaho. Marami dyan nakapagtapos nga ng kolehiyo wala namang trabaho.
Meron akong kaibighan graduate sya since 2007 –hanggang ngayon wala pa syang trabaho.. Sabi nga nila huwag ka daw mapili sa unang trabaho mo, kung anung meron dyan go …grab the opportunity.
Illumida, huwag kang magpaapekto sa kanila. Kailangang magtiis dahil may umaasang kapamilya. Don’t let go the opportunity. Trials lang yan sa trabaho.
Huminga ka na lang ng malalim at sabihing “Kaya ko ‘to!” at sabay ngiti…
Peace!
El Bloggero (bente uno)
El Bloggero (Bente Uno)´s last blog post..Death March: Isang sakripisyo para sa kanya!
[Reply]
hi Illuminada,
nuong nasa pilipinas tayo kala natin magaan ang buhay dito sa north america di ba? yun pala hindi ka naman mamumulot ng ginto sa daan, talagang dugo at pawis pa rin ang puhunan! at mahirap pa malayo ka sa kamag-anak na naka-gawian na nating parating nakadikit sa balat natin…wala na tayong kawentuhan after ng trabaho, mukmuk ka na lang sa sulok at kumain ng ubas at mansanas di ba? pero isipin na lang natin na masusuwerte tayo at may trabaho pa rin kahit papaano…kumakain ng maraming beses sa isang araw at para sa akin masuwerte tayo dahil malayo tayo sa magulong pulitiko sa pilipinas! hahahaha konting tiis lang ineng at ang pinaka maganda ay humanap ka ng kabarkada dyan sa lugar mo! humada ka tulad ni Reyna Elena at matuto kang makipag social climb….at mag basa ka lang ng mag basa ng blog ng Reyna Elena at sasaya ka parati at wag mo lang seseryosohin ang mag comment sa mga balasubas at kurapt na politician ng pilipinas! at isa pa….gayahin mo si reyna parating dala ang kodak…pag may nakita kang magandang lugar ….kodak lang ng kodak para akala sa pinas masaya ka rin di ba? o sige iyun lang ang masasabi ko….always smile…
[Reply]
Nakupo, ano ba yan talagang mahirap talaga ang buhay Illuminada… Ako nga nandito sa Pinas nahihirapang pakiharapan ang crab mentality sa corporate world dyan pa kaya sa Estates…Hay….
Alam mo, universal ang kahirapan…kahit saan mahirap…tayo talaga ang gumagawa ng ating destiny…
p.s ako rin balak ko ng mag-abroad this year…mahirap na talaga buhay rin sa Pinas pero hindi ako high hopes…pray ka na you’ll have good luck..ganun ako eh kahit minsan nawawalan ng pag-asa…hehehe..ano ba ito, napapa-ate charo na rin ako…
Hay…life..
Snow´s last blog post..8 Things Why Octomom is Undeserving of Media Fanfare
[Reply]
Illuminada,
Hanlungkot naman ng estori mo. (Tissue please…)
Pero totoo naman na malungkot talaga kapag sa ibang bansa ka nagtratrabaho. Hindi man ako nagtratrabaho sa ibang bansa pero ramdam ko ang hirap nyo dyan kasi marami akong mga kaibigan na nagtratrabaho sa Europa at Amerika at ako ang ginagawa nilang counselor-slash-psychiatrist (Pano ba naman, 24/7 ako sa YM…ja-buzz mo lang me anytime at may sasagot sa iyo…) Mukha daw kasi akong tableta na panlaban sa homesickness…
Mahirap man ang trabaho mo at patayang kalabaw ang iyong dinadanas, isipin mo na lang na isa ka sa mapapalad na nilalang na mayroong pa rin trabaho. Alam mo naman, ang buhay ngayon sa earth, tanggalan dito, tanggalan doon. Yung iba dito sa amin e nag-siuwi na ng probinsya dahil nawalan sila ng trabaho.
Mahirap, OO, pero be positive about your work. Kung gustuhin mo na talagang lumipat at maghanap ng ibang livelihood, pag-isipan mo ng 1 million times. Dahil nga, mahirap ang hanap ng work ngayon. Agawan sa job market.
Hang on, kaya mo din lampasan ang trials mong yan.
Silver´s last blog post..Perfect Time Waster: Daftpunk Keyboard
[Reply]
Silver Reply:
March 13th, 2009 at 9:52 am
Another thing,
Before you make decision na lipat ka..siguraduhin mong may work ka before you leave them..
pag decided ka na talaga…yung tipong deal or no deal…
Silver´s last blog post..Perfect Time Waster: Daftpunk Keyboard
[Reply]
kaw ba yan, reynz? hehehehehe….
illuminada, may mga panahong naramdaman ko rin yan. ako nga dati, utak at lakas gamit sa work ko. maghapon-magdamag ako nagwowork, nagtetest, nag gagawa ng report. On-call ako 24/7. halos nakatayo ako most of the time. pagkatapos ko magtrabaho sa lab huhugasan ko pa lahat ng ginamit kong equipment. kahit ubos na lakas ko, tatapusin ko pa report bago ako umuwi. pinaka-nakakabaliw eh yong kapag nag-breakdown ang equipment in the middle of the night, siyempre walang maintenance kapag gabi.
siguro maghanap-hanap ka ng work habang andyan ka at kapag may nakita kang bago go, layasan mo sila lahat. have fun pa-minsan-minsan…do some activities na pwede ka mag-enjoy para makalimutan mo ang lungkot at pagod
gud luck!
nina´s last blog post..Tough Four
[Reply]
reynz Reply:
March 13th, 2009 at 8:15 am
hahaha ikaw talaga nina para malupit ang analysis mo hahaah
when i read the letter, akala ko nga nagbibiro kasi parang hawig sa buhay ko. i checked the IP pero hindi sya tiga America, tiga Canada to. Baka si MToni or si Bebe hahahaha
pero hindi ako yan, sinabugan ko lang nang lenggwahe ko at nilagyan nang mantika hahaha pero ganun pa rin ang story nang buhay nya hehehe
reynz´s last blog post..Disco lights!
[Reply]
reynz Reply:
March 13th, 2009 at 8:16 am
at baki ayaw ako iwanan nang lecheng DISCO LIGHTS na yan? parating yan pa rin! hahaha
reynz´s last blog post..Disco lights!
[Reply]
Silver Reply:
March 13th, 2009 at 9:27 am
Baka minumulto na pati ang blog site mo mother highness…
At malamang baka gusto ding makakuha ng exposure at mag-social climb ang kasama mong mumu dyan…
Hehe..
Silver´s last blog post..Perfect Time Waster: Daftpunk Keyboard
reynz Reply:
March 13th, 2009 at 9:34 am
hahaha ano ba to silver?! eh leche di ko alam kung pano palalabasin ang mga bago kong entry at mukhang nakapako na sya sa disco! hahaha
reynz´s last blog post..Disco lights!
roni Reply:
March 13th, 2009 at 4:55 pm
law of attraction?
roni´s last blog post..ambon.
Bebe Reply:
March 13th, 2009 at 5:24 pm
i beg to disagree your highness, hindi ako yan. although bored ako sa trabaho ko, hindi ko maiwan kasi mahal ko ang amo ko. baket kamo? eh kasi wafuuu!!! hehehe
saka mababait po mga kasama ko sa trabaho. mga responsible at professional lahat. sa lahat ng napasukan ko ito ang pinaka da best ang mga tao. may quality ang mga employees. pramis tita reynz, gugustuhin mong magwork dito kase 80% ng mga boylets dito mga hunks at mababango hohoho. (pero sorry ka na lang kase they’re all taken)
if she’s from toronto, maybe (maybe lang ha!) i can help her. you have my permission to give her my email ad.
[Reply]
reynz Reply:
March 13th, 2009 at 6:29 pm
grrrrr!!!! ba’t mo ako ininggittt! waaaa!!!! kabaliktaran ditoooo!!! waaaa!!!
reynz´s last blog post..Disco lights!
Bebe Reply:
March 13th, 2009 at 8:02 pm
nye! ako ng aang dapat mainggit sa yo. isa kang chief fairy officer, ibig sabihin exciting ang trabaho mo. ako’y isa lamang hamak na alipin, pero at least napapalibutan ng mga wafuuu. dun na lang ako bumabawi hehe.
kidding aside, hirap humanap ng trabaho na makakasundo mo mga kasama at hindi masyadong toxic ang trabaho. kaya dito na lang ako, nakakatambay pa ako sa bahay mo. okey di ba?
reynz Reply:
March 14th, 2009 at 12:21 am
ngak! nakita mo ba retirement nang lola?! $8.95??? indi retirement yan nang chief fairy officer noh! aba! mas malaki pa ang bigay nang mga fafa ko noh? hahaha!
reynz´s last blog post..Disco lights!
iluminada,
naku ha ikalawa ko ng sulat ito. ang haba ng ginawa ko nawala.
eniwey, ulit, ikanga repeat again for the second time.
sa bawat opisina may workplace culture; yong mga mababait na may halo sa ulo at pumapasok ng maaga, nagtatrabaho ng maayos at hindi nagkukwentuhan, naghihingutuhan sa lloob ng opisina.
Ako nga noon sa pinasukan ko pwede mo akong bigyan ng most behaved medal dahil sa kapaligiran ko, yong isa ay abala sa kaniyang pakikipag bid sa e-bay, yon namang isa ay dala-dala ang kaniyang knitting needle na habang sinasabi ang purl, knit, purl, knit ay nakatutok ang mata sa computer nagbabasa ng romance novel sa e-book.
yon namang isa ay nasa telepono na nakikipagdedicate.nakikipagdebata at sumasali sa mga contest sa radio. Tangna na talaga, kung buntis ako, dinugo na ako.
itutuloy, baka maerase na naman.
The Ca t´s last blog post..Trip to Holy Land
[Reply]
Continuation:
Ang aking natutuhan sa mga ganitong set-up, ang mga abusadong empleyado na kung pumasok ay malapit na ang lunch at lalabas pa pag lunch break para magwindow shopping, isang bloke lang ang layo namin sa Union square kung nasaan ang macy’s neiman marcus at iba pang department store…
ang mga ito ay may mga malalakas na padrino na kanilang sinisipsipan, kaya kahit na pahiramin kita ng aking magic wand para baguhin sila, ipukpok mo man, pramis hindi sila magbabago.
so ano ang aking payo, tuloy mo lang ang pagpasok mo ng maaga pero huwag mong patayin ang sarili mo sa obertaym na walang bayad.Phulease.
isinusumpa ko sa aking mga Italian shoes, maiintimidate pa yang mga yan dahil makikita nag difference ng work ethics mo sa kanila. Kahit ang mga mukha nila ay balat ng kalabaw, mapapahiya pa rin sila.
tungkol sa pagturo mo sa kanila–iluminada, ang mga taong may utak, isang esplanasyon lang kuha nila. Pag simpleng bagay na hindi nila makuha, ibig sabihin niyan ay parang bao ang utak. Tubig ang laman. kahit magtutuwad ka at gamitan mo ng iyong mga powerpoint, spreadhseet at mga iba pang visual aids ang tanong pa rin nila ay what? kainis di ba?
payo ko, pagbutihin mong matapos ang iyong tatapusin, at habang ginagawa mo ito ay ipamudmod mo uli ang iyong resume.
ipakita mo sa kanilang malaki ang iyong tulong sa opisina kaya darating nag araw na ikaw naman ang hahabulin nila dahil pag nawala ka ay mapaparalitiko sila.
yan ang aking sikreto sa trabaho, pag-alis ko hirap silang bumangon, dahil hindi ko sinasabi sa kanila ang mga sistema na ako lang ang nakakaalam.
The Ca t´s last blog post..Trip to Holy Land
[Reply]
Snow Reply:
March 13th, 2009 at 12:27 pm
napagandang ideya yan bb. ca t..hmmm, nalalapit ko na ring iniisip ang pagbibitiw…magandang perspektibo ang iyong ginagawang hakbang sa work…heheeh… ^_^
Snow´s last blog post..8 Things Why Octomom is Undeserving of Media Fanfare
[Reply]
kengkay Reply:
March 13th, 2009 at 2:25 pm
sa yo ang sikreto ng bagong buhay, cat!
sa totoo lang, dito sa alemanya pwedeng pwede silang mag bakasyon ng two months kasi may gagawa ng trabaho nila. e sa pinas? isang araw ka lang mawala e tuliro na agad sila sa paghahanap sa yo
sa yo illuminada — positive thinking, yan ang solusyon ;D
kengkay´s last blog post..iskul masaker sa alemanya
[Reply]
snow,
kahit saang bundok may ahas. kahit saang dako ng mundo at opisina, may mga taongkontrabida. laban ng lakasan ng loob, ng pasensiya. hindi ka normal kapag hindi ka maapektuhan. may mga panahong kailangang umurong, pero pag-urong kailangan mayroon kang nakahandang espasyo ng uurungan.
may oras ng paglaban kaya nang pagtinapakan ang iyong kalyo at meron namang kailangan lang manahimik kagaya ng tinityempo nilang magbulungan pag daraan ka.
ang tama lang ay huwag kang makakatapak habang ikaw ay paitaas dahil darating ang araw na ikaw rin ay matatapakan. araguy.
The Ca t´s last blog post..Paraskavedekatriaphobia Revisited
[Reply]
kengkay,
sabi nga no one is indispensable in the organization, not even the president. pero pag may contribution ka sa org. it is not easy for them to let you go.
ang mga sikretong sinasabi ko ay mga self-designed strategies to make my work quicker and accurate which I time-tested in every work environments I had worked in.
sa amin din noon ay allowed kaming magbakasyon ng nahaba. if you’re not good, they’re not going to miss you. if you are good, they heave a sigh when you get back.
different cuntries have different culture, but human beings remain the same. may selosan, may intriga, may backstabbing, may sulutan. etc.etc. kahit magsuot ka pa ng malaking krus sa dibdib. kahit na nga akp ipakita ko ang aking pangil at sungay pag kabilugan ng buwan. ahek.
The Ca t´s last blog post..Paraskavedekatriaphobia Revisited
[Reply]
hahaha, parang ako din yan ah, nakakatuliro nga, ikaw ba naman ang tabunan ng isang bundok na buhangin, ewan na lang, samahan pa ng nagger na asawa ng boss mo, omg. Stressful, gusto ko na rin mag-layas!
Wala akong mai-papayo kay Iluminada na ubod ng kinang, preho lang kami ng kapalaran.
roni´s last blog post..ambon.
[Reply]
ms illuminada basahin mo mabuti mga payo nila.
eto maari ko idagdag, lahat ng bagay na kailangang mong matutunan habang anjan ka sa kinalalagyan mo eh pagaralang mabuti dahil karagdagang puntos yan sa bagong resume. pati mga bagay na halos hinde na sakop ng trabaho kung kaya din lang ng oras at katawan nde din masamang matutunan.
[Reply]
nakow, naranasan ko na yan noon! lalo na’t bago ka pa sa trabaho, itatambak lahat sayo ang workload na para bang aliping sagigilid ka. syempre, di mo naman matanggihan kasi bago ka pa’t pakitanggilas. hayz…
ang payo ko, tiis-tiis lang, darating ang panahon, aangat ka, illuminada, at di ka na maaapi. at syempre, may iba nang bagong hire na aapihin sa opisina nyo!ü pero syempre, wag ganun. basta try to find ways to enjoy work and afterwork.
labs,
utoy
[Reply]
kaya mo yan, Pilipino ka, ako nga naka14 years na dito ng pakikipagsapalaran, makaklimutan mo lahat ng mga masasama basta tuwing sweldo meron kang makikita na kulay green sa palad mo Happy St Patricks day to all. make sure na yong green na yon at least 30 to 35% go to your savings, tiisin mo muna ang mga karangyaan, huwag munang bumili ng mga designers trashure. your free entertainment will be the daily opera going on in the office. lahat ng mga tao dito spoiled pag nagtagal ka na rin, me sungay ka na rin like me Ca T knows. Keep your Faith in God and stay healthy. If you have family, share to them whats going on, don’t keep it bottled up, meditate God Bless you Kabayan
[Reply]