Palista ho!

by reynz on March 8, 2009

So, today (yesterday pala!) being saberdey, my goal was to find a Filipino Store in New Orleans. I took out my bolang kristal, nakita ko, Ely’s Philippine Imports along Andrew Higgins in downtown New Orleans. Gora ang lola. As usual, kawala-wala ako ano? Eh, eto nga kasing lecheng navigator ko, me topak. Ang alam lang ibulyaw nito to me was “Off-route!“. Pinag-ta-tyagaan ko lang until maka-harbat ako nang sum’tin friendly and new. Pero, buti nang nawala ako. Maganda ang mga nada-anan ko. Like this one:

dsc04339

Poydras Street. Eto pala ang kanilang Ayala Avenue, tree-lined at mga magagarang office buildings. But dito lang sila. You move one block sa gilid, you’d see reality. But downtown is clean and nice.

Eeeek! Eto ang W Hotel, where Yves and I stayed many years ago!

dsc04337

And this is the very popular Mother’s na nilinyahan namen noon for more than an hour makapasok at matikman lang ang best of New Orleans. I was not able to take picture of the entire line, pero paikot sya sa isang block at napakahaba nang linya.

dsc04342

Meanwhile, I found my destination. Medyo malapit na sa Missisippi River. Eto sya. Ely’s Philippine Imports.

dsc04336

Wagi! A Filipino Store. Kaso, medyo kinabahan ako, ba’t kaya walang sign?

dsc04328

Bakal na pinto. Bakal na rehas. Sarado. Pipindut ka nang sum’tin sum’tin. I looked around, me mga sign. “This area is under surveillance.“. Getz ko na kung ano ang ibig sabihin nito. Big brother area to. I introduced myself. Na ako ang reigning butangera shi-nip ni Aling Darna sa New Orleans to make a difference. Pakilala rin sya. Sya pala me ari. She’s the Ely in the Ely’s Philippine Imports.

dsc04334
Ka-aalis lang nang mga tiga-barko.
Ha?! Barko?!
Natuwa ako. Hehehe! Keyword yong binitawan nya. Hahaha!
Babalik pa ho ba sila?
Bukas. Mga alas diez. Dito sila kumakain.
Ngiting aso na ako. Hehehe! Nawala lahat nang lungkot ko. Hahaha! Meron pala syang karenderia sa likod at sya lang ang gumagawa at nag-luluto.

From Tanay, Rizal. Sabi nya madami daw syang relatives sa Tanay na mga Catulos and they live right around Wawa. Uber bait ni Aling Ely. Wala pa ako sa mundo, yet she’s been here 1958 at tagalog pa kamo kami (anong masasabi nang mga ipokritang Pinoy na mega-fake english accent?!). She bought this place at hindi sila binaha dito. I felt better. Mukhang I might have to move in this neighborhood, except for those signs na “under surveillance“. Pinakain nya ako. Libre. Sinagpang ko naman. Wala kasi akong pera. Nag-emote kasi ako na bagong salta at walang kakilala.

dsc04330

Pati tubig. Libre. Sinamantala ko. Namili ako. Buko juice. Ayoko nang tubig.

dsc04333

Wala talaga akong dalang anda. Dahil nga $2.75 per withdraw sa pera ko sa impaktong ATM machine sa apartment. So, debit card lang bitbit ko. Ok. Ok. Rewind. Fine. Wala talaga akong anda! Hahaha! Kaya hiyang hiya ako nang pinabitbit pa ako ni Aling Ely nang kahit na anong gusto ko. Haller! Kunyari lang yon. Kinapalan ko muka ko. Eto ang mga hinarbat ko.

dsc04335

Wag nyo akong ipa-barangay. Pramis. Pinalista ko. Kiver. Chief Fairy Officer, nawawalan din nang bala. Leche. Bukas, alas diez impunto, babayaran ko utang ko. Hehehe! Well… para na rin makilala yong mga tiga-barko. Kaya lang, nakakahiya! Baka malaman nila, nangutang ako! Hahaha!

reynaelena_signature

Related Posts with Thumbnails

Reyna Elena Dot Com is Powered By Thesis

Thesis Theme

With Thesis, you need not worry about your in-site SEO. All you have to do is "just add killer content". From beginners, to the most advanced WordPress developers, Thesis makes it easy for anyone to customize it.

{ 13 comments… read them below or add one }

Elyong March 8, 2009 at 2:18 am

hahaha… bakit ka mahihiya e na announce mo na nga sa buong mundo na nangutang ka.. hahaha.. ang saya naman, pilipino ka talaga, masaya kahit nasa gitna ng kahirapan.. hehe.. nakakatuwa na may pa lista din pala dyan..

Nakaabot pala diyan ang Ligo Sardines.. heheh..paborito ko sardines..

Pahabol, piktyuran mo yong taga barko.. hahaha

Elyong´s last blog post..What Does It Mean To Be Financially Stable?

[Reply]

Reyna Elena Reply:

eh siempre, alam ba nila ang mga pinag susulat ko sa blog ko? indi ah! hahaha

bukas! hehehe! sure ako! gora ako dun para makilatis tong mga tiga barko hahaha

[Reply]

ed March 8, 2009 at 2:31 am

I am a fan of your blog at naaliw naman ako post mo na ito lalo na kay Aling Ely! kakatuwa!

Lagi kong inaantabayanan ang bago mong post!

Malolos City, Bulacan, Philippines

[Reply]

Reyna Elena Reply:

naku! ipapa-kwadro ko tong sinabi mo ed! hahaha! thank you naman! paniwalang paniwala talaga ako, pramis hak hak hak

[Reply]

bebot March 8, 2009 at 2:58 am

naku naging mapula ang hasang mo pinsan! biglang nabuhay ang dugo mo ano? hahahaha iyan ang sinasabing ” after the rain theres a rainbow” at naaamoy ko ang pagiging masaya mo dyan! o sige keep on social climbing kay aling ely para parati kang busog! hahahahaha para kang tumama sa lotto ano?

[Reply]

Reyna Elena Reply:

hehehe! alas diez impunto! andun ako sa kanila! hahaha! malay mo! baka matulungan ko silang mag-salansan nang mga barko hehehe let’s see hehehe

[Reply]

mtoni March 8, 2009 at 4:43 am

hmmm di kaya laking tundo si Aling Ely? ayan nicapital letter ko initial nya dahil sa sobrang tuwa sa pagiging mabait nya seyo. pati sya mahal ko na rin. hanep nakahanap ka ng tunay na pinoi, ngsisimula na maging makulay ang yong buhay.

[Reply]

Reyna Elena Reply:

mistulang tondo area nga ang napuntahan ko. malalaman natin bukas kung gano kakulay ang buhay naten here hahahaha

[Reply]

Miles March 8, 2009 at 7:15 am

nalilitochiwa naman ako, eh! ba’t under surveilance ang area? ba’t walang sign? ba’t me security door? ba’t parang sekreto ang bisnis ni aling ely? ano ang bog brother area? ano’ng mga tiga-barko? hindi ko gets! saklolo!

[Reply]

Reyna Elena Reply:

ganetchiwa to acheng! hahaha! leche! baklita ka na rin! hahaha!

high risk siguro yong area na yun dahil ang crime rate nga ditech sa New Orleans is uber. tigukan nang tigukan here.

now, i don’t know about bakit wez sign. baka ayaw ipahalata sa mga bugok na tindahan yon na me pera.

big brother area sa US means, puro camera at CCTV ang bawat kanto. meaning madaming siraulo hahaha

barko? nasa misissippi river kasi, taz meron silang Carnival Cruise o kaya yong mga typical na barko na puno nang Pinoy seaman. ganetch

[Reply]

nina Reply:

pareho kami ng mga tanong ni Miles. O atleast nagbabasa muna ako ng comment ano bago magtanong. tawa ako ng tawa sa food blog ni connie v., ang kukulit ng question, paulit-ulit pano yong nagbabasa hindi binabasa yong comment.

nina´s last blog post..Tough Four

[Reply]

reynz Reply:

hahahaha! nasa tagiliran kasi sila nang Mississippi River at busy kamo ang river na yan taz an lalaki pa nang mga barko. grabeng lalim naman nang river kamo na yon, me Carnival Cruise Lines pa kamo hahahaha

reynz´s last blog post..Disco lights!

Miles Reply:

kakahawa ang lingo kasi rito, eh. haha! salamat naman sa mga sagot sa mga tanong ko. o, di ba kesa naman magkukunwari akong alam ko ang mga pinagsasabi mo? tingnan mo si nina, nakinabang sa mga tanong ko. kung meron nga lang akong baklita-english diksyunari dito, eh. hehe!

“big brother area sa US means…” aray ko! nasa US naman ako, ba’t di ko alam ‘yan? masyado na ba akong sheltered dito sa baryo namin sa tabing dagat ng san pransisko? :)

pinoy seamen! naalala ko na! ang bro ko, kapitan dati ng barko at dumadaon nga pala diyan ang mokong! ah…gets ko na.

masaya ka at me sugar mommy ka na :)

[Reply]

nina March 8, 2009 at 8:16 am

uy, may W hotel dito kakabukas lang. doon nga tumuloy sina Beckham noong nag-exhibition game sila last week. atleast may Filipino store naman pala dyan pero yong buco juice thai product yan. Yong prima – love ko yan. Kaya ko ubusin ang isang pack pero i feel guilty afterwards. Eh di ba ang daming butter/margarine saka asukal. Hay….

nina´s last blog post..Tough Four

[Reply]

reynz Reply:

yeah, it’s a very nice hotel, maganda kamo ang design pati sa loob, pang urban professional hahahah, kasama ko nun ang bf ko, at sya ang nagbayad dahil kung ako? weeezz! di ako mag-iistay dyan kamo hahaha

reynz´s last blog post..Disco lights!

[Reply]

Silver March 8, 2009 at 9:13 am

Ang saya naman nyan..O ayan, at least, hindi na mga alien na nakabusangot ang nakikita mo at mga ipokritang pilipino feeling-westerner-kuno-na-di-naman..(with matching thick pinoy accent naman..haha)

Ayan, may tao na magpapasaya sa iyo kahit papaano. :)

Silver´s last blog post..Time Quest at Sailor Moon

[Reply]

reynz Reply:

yeah, an swerte ko naman dyan ki Aling Ely hahaha, saan ka pa? bagong salta, halos pati grocery eh pinapahakot na saken nang walang bayad hahaha ano baaa!!!!

reynz´s last blog post..Disco lights!

[Reply]

Silver Reply:

Hahaha…natatawa ako sa experience mo but I suddenly realized one thing:

Even though you experience some hardships there, you are still in good graces pa rin.

RAMEN!

ay mali…

AMEN!…bwahahahah!!!

Silver´s last blog post..Time Quest at Sailor Moon

[Reply]

reynz Reply:

eh di sabi ni lord, kumatok ka at ikaw eh pagbubuksan?

well hehehe me pinoy store ako na kakatukin sa saberdey

sa isang suburb dito hahaha sana pakainin ako at magpalista din hahaha

reynz´s last blog post..Disco lights!

roni March 8, 2009 at 1:41 pm

keyword: barko, hahaha! naalala ko yung post mo na pinsan mo na taga barko.
labs ko na rin si aling Ely, ikumusta mo ako sa kanya. pulang hasang, hahaha, abang ka lang, andyan ang malaking isda! ikumusta mo na rin ako ke kapitan, if ever na makita mo, hahaha! naalala ko yang mississippi sa adventure ni sacajaweya.
me bagon kang alyas, missipsiptipti, ehek, edit edit!

roni´s last blog post..Everyday life 3: makulay!

[Reply]

reynz Reply:

sana magkatotoo ang bago kong alyas hehehe sana magkatotoo hahahaha actually pangkin ko yong seaman at isang boylet ko na pinagpalit ako sa GF nya is also a seaman hahaha

reynz´s last blog post..Disco lights!

[Reply]

The Ca t March 8, 2009 at 1:42 pm

reynz,
sana sinundan mo ng palista ho sa tubig. hehehehe

i wonder kung marami siyang lista sa pader kagaya sa sari-sari store sa pinas.

ang sarap nga diyan may Ligo. Dito sa amin ang sardina, kung hindi koreano, singkit din ang mata, nyehehe, hispanic.

kaya kahapon, nagdrive kami ng kapatid ko, napunta kami sa isang korean grocery pero may mga Filipino food pero iba ang pangalan nila.

yong bangus, white fish.

yong sardines na sa atin ay tamban nakalagay SALDINE hahaha
hinfi ko tuloy makilala.

yong talbos ng kamote, leaves of potato.

maloloka talaga ako dito.

The Ca t´s last blog post..My Anniversary as an OFW in San Francisco

[Reply]

reynz Reply:

nakakahiyang ipalista sa tubig nang mississippi river hahaha me tv cameras sa paligid at me record nang muka ko

hahaha ano ba yang leaves of potato? hahaha pwede kamo syang pangalan nang grocery, very catchy hahaha

reynz´s last blog post..Disco lights!

[Reply]

lechonhalohalo March 8, 2009 at 7:54 pm

me counterpart si Aling Ely dito sa eeessfff si Boying sa Mission na malapit sa Mint Mall, na nandoon si Nida na tagagupit ko ng buhok for 15 years, nagpapalista din ako sa kanila kasi they dont accept credit cards , me charges kasi yon, so I always have to go back the next day or I send my Nanay to pay, hanap pa rin natin ang pagkaing Pinoy kahit saan tayo makarating, oh di nakita ng mga readers mo from Inang Bayan, kung gaano kahirap ang maerica, hindi na siya land of honey, land of homeless, jobless, at suicidal people na ito ngayon, kasi sa movies yon lang mga downtown area ng New York and SF ( where a lot of movies are filmed) and La ang nakikita nila

[Reply]

reynz Reply:

hahaha hiyang hiya talaga ako nun, me pinay pa namang nakikinig saaken hahaha, nai-tsismaks na siguro ako hahaha pero di bale, fully paid na ako kanina hehehe

but Aling Ely was truly nice. kaligayahan na nya na binibisita sya on Sundays at pag ginawa mo yon, libre na fuud. can you imagine? hahaha (me binabalak) hahaha

reynz´s last blog post..Disco lights!

[Reply]

jhena March 8, 2009 at 10:21 pm

Ang swerte mo naman may pinoy store na, nakahanap ka pa ng mabait na lola, sana mag tuloy tuloy kabaitan ni aling ELY sa iyo, at im sure kung may boarding haws lang cy baka pinatira kana ny, hehehe.

ako hindi kinaya na hindi makatikim ng pinoy food d2 sa slovenia kc delmonte pineapple product at muscovado sugar lang ang pinoy product d2 na nakita ko sa mga tindahan, gora pa me italy para makabili ng ligo at pancit kanton, tuyo at bagoong, it tooked me 13 hrs sa train to rome papunta palang, sakit sa wetpaks kakaupo ha. nag pakabayani talaga me para sa tuyo at bagoong!!! hmmm.. kakagutom!

jhena´s last blog post..Philippine plaza and my colleague

[Reply]

reynz Reply:

naka! i was told na there are only 2 pinoy store here. i will find the other one which is nasa suburbs nang new orleans. so project ko sya next weekend. hahaha

baka kasi walang pinoy store sa slovenia dahil ikaw lang ang pinoy dyan! leche napapaligiran ka nang most beautiful people hahaha now, 13 hours is alooooongg time for bagoong gurl. am sure, tingi-tingi ang kain mo nyan. hahaha

reynz´s last blog post..Disco lights!

[Reply]

cheh March 9, 2009 at 1:19 pm

Sana may aling ely din dito sa alimango land,yung nang lilibre at nag papautang hahaha

cheh´s last blog post..Blaming speculators

[Reply]

reynz Reply:

wala ba? hahaha kahit sa Philadelphia, wala atang palista or sumtin’ hahaha naswertehan ko lang sa New Orleans heheh libre pa lunch at buko hahaha

[Reply]

ate sienna March 11, 2009 at 6:44 pm

pinakain ka na nga, nagpalibra ka pa ng buco. kaloka! pero salamat naman at may mapupuntahan ka nang pinoy dyan. panay ang bisita ko sa blog mo para lang malaman kung ayos ka pa o hindi na :)

ate sienna´s last blog post..Dreams, Wants & Needs (Platinum Linings Behind The Ulaps)

[Reply]

reynz Reply:

hehehe natutunan ko ang lecheng ugaling mapagsamantala sa mga impaktong nasa ahensya gobyerno nang pilipinas dahil sila ang mga demonyong role model ko hahahaha

so far ayos pa naman ako dito ate sienna! nakaka-ilag pa naman hahaha salamat sa pag-alala, pinadala ko na resume ko wait ko na lang hehehe

[Reply]

Leave a Comment

Previous post:

Next post: