Purita

by reynz on March 7, 2009

So, nag-sweldo ang lola ngayon, right? Officially employed na talaga ako. I worked for 2 weeks na. Kaso, siempre ang sweldo nang lola is only for 1 week. Pwede ko nang sabihing, I am a good US Citizen for contributing taxes to the gobyerness para pambayad sa punyetang gyera sa Iraq, sa Afghanistan, US Aid sa mga lecheng kontrata sa Pilipinas na pinatungan nang hayop na singko porsyento, at pampalamon at pampabahay sa mga supot na tamad sa Amerika na walang ginawa eh umangal sa gobyerness na akala mo eh responsibilidad nang gobyerness na buhayin ang sosyal nilang kademonyohan kahit na walang trabaho. Ang natira sa retirement ko? Eto. Otso sisenta y singko. Puta. Malapit na akong mag-resign.

purita_paycheck1

Bwaka nang hayop na buaya oo! Kahit insurance coverage, wala pa ako. Taz eto pa! Eh pano ako makakabili nang wheelchair at kortal nito?! Wala pa dito ang allowance nang mga boylet ko?! Leche! Purita ang lola! Kaya pala tinanggal na ako sa speed dial nang mga impaktong kebigan ko sa Philadelphia! Grrr!

reynaelena_signature
P.S.
Wag kalimutan. Chip-in chip-in sa retirement ko ha?

Related Posts with Thumbnails

Reyna Elena Dot Com is Powered By Thesis

Thesis Theme

With Thesis, you need not worry about your in-site SEO. All you have to do is "just add killer content". From beginners, to the most advanced WordPress developers, Thesis makes it easy for anyone to customize it.

{ 19 comments… read them below or add one }

Miles March 7, 2009 at 3:08 am

reynz, mag-charge ka kaya ng $$$/comment dito, tapos $$/viewing. Tingnan mo si silver, siya ang nangunguna sa mga commentators. hehe! ewan ko lang kung di ka pa naging bilyonarya niyan.

[Reply]

Silver Reply:

Wala namang ganyanan….HAHAHAHHAHA….Mas purita pa ako kay Mother highness. Hindi pa nga ako nakakasweldo. Litsi, aabutan na ng kinsenas ang sweldo ko ng katapusan, wala pa rin, as in NADA…hahaahaha…

Pay-per-comment scheme?? Hahahahaha….

Ikaw na lang Miles. You make pindot on the Paypal Donate button above tapos donate big! Hahahaha…Peace!

Silver´s last blog post..In Memory of Francis Magalona

[Reply]

reynz Reply:

@silver! maganda ata ang program na yon hahaha

pay per comment hahaha pero di ako ang magbabayad noh? grrrr

reynz´s last blog post..Disco lights!

[Reply]

reynz Reply:

hahaha good idea! eh pano yan
lalayasan ako nang mga fans ko
sinong tatawa saken? ako? waaaa!!

reynz´s last blog post..Disco lights!

[Reply]

Silver Reply:

Balak ata ni Miles na pagbayarin na ako kada comment
ko dito…hahahahhah…..

Problema nga lang, mawawalan ng audience ang reyna..

Hehehe…

Peace! :P

Silver´s last blog post..In Memory of Francis Magalona

[Reply]

Miles Reply:

hmmm…teka,teka,teka! dapat nga yata si mother highness ang magbayad sa mga comments natin. hehe! reynz, saan ko pwedeng i-mail ang bills mo?

ako, ayoko na lang isipin kung saan ang napupunta ang taxes natin. nakakasakit ng kalooban.

bebot March 7, 2009 at 3:25 am

buti yan wala kang pang-bigay sa boylet mo…..hahahahaha….ikain mo na lang sa burger king ang tira, at tipirin mo hangang sa susunod mong sweldo hahahaha ingat again!

[Reply]

reynz Reply:

hindi pwede bebot, tanggap ko na sa sarili ko na ang role ko sa mundo eh maging sugar daddy nang mga boylets ko waaaaa! di pede! kelangan kumita para pantustus sa kanila hahaha

reynz´s last blog post..Disco lights!

[Reply]

kutz March 7, 2009 at 4:45 am

Ganyan din itsura ng investment namin sa NYSE, waahhhhh!!! Ayaw ko na ngang tingnan eh. Parang ako na yata si Mathilde Loisel ni Guy de Maupassant, nagbabayad sa lagpas langit na mortgage sa property na ala namang value, huhuhuhuuu!

[Reply]

reynz Reply:

aba eh pare parehas na tayong mga tiga zimbabwe hahaha

reynz´s last blog post..Disco lights!

[Reply]

Snow March 7, 2009 at 4:56 am

hehehe….tama ka reynz maliit nga iyan…sobrang liit at kahit second hand wala kang mabibiling wheelchair….hehehe…

pero kidding aside, sobrang unfair noh – kahit sa pinas ganyan…ang SSS ko, naku wish ko lang kung mapakinabangan ko yun in the future…. :(

Snow´s last blog post..Farewell Master Rapper Francis Magalona…

[Reply]

reynz Reply:

toking about SSS sa pinas, di ba kumita daw kayo nang singko porsyento noong 2007? hahahah ganun lang ang kinita nang investment ninyo? ano kayang mga pondo naka invest ang mga yon? hahaha

reynz´s last blog post..Disco lights!

[Reply]

Elyong March 7, 2009 at 5:50 am

Mag comment na nga ako habang libre pa.. hahahaha!!!

Elyong´s last blog post..What Does It Mean To Be Financially Stable?

[Reply]

reynz Reply:

free mag comment elyong, kaso once na click mo ang submit, otomatik kaltas sa bangko mo to me hahaha

reynz´s last blog post..Disco lights!

[Reply]

nina March 7, 2009 at 9:21 am

may cash ka naman $77,000… bigyna kita supply ng ensaimada sa retirement mo. nag bake ako kahapon, masarap…

nina´s last blog post..Tough Four

[Reply]

reynz Reply:

imahinasyon ko na lang yan na panalangin kong magkatotoo hahahah biruin mo me mga taong ganun ang kita taz ako purita sa trabahong nakapako sa pwet ko waaaaa!

reynz´s last blog post..Disco lights!

[Reply]

nina Reply:

alam mo there’s the power of subconscious…malay mo bigla kang magkaroon ng 77T sa checking account…. darating din ang para sa atin. eto nag fill up ako ng raffle baka mapanalunan ko yong mercedes na e-500 pag bineneta ko yon malaking savings din…hahahahhaha 5 years na akong nag fi-fill-up nito di pa ako nanalo kahit consolation pero baka ngayon na ang chance ko :)

nina´s last blog post..Tough Four

[Reply]

reynz Reply:

gagawin ko yan nina! eto! araw araw kong titigan na puro syete ang checke ko hahahaha na me comma ha? hehehe

Silver March 7, 2009 at 11:17 am

Putek naman nyan mother highness..uber ginawa kang purita..heheh..

Tara, ilabas ang lanseta at sila’y kakalbuhin natin…pffftttt….

Parang tinalo mo pa ang mga contractual dito sa Pinas. At least ang mga yun, may SSS, Pag-ibig at Philhealth. (kaso nga lang ang ending e sa bulsa ng iba…hohoho)

Kung ako sa kalagayan mo, parang ayaw ko na makita ang payslip ko…hehehe..

Hwag kang mag-alala mother, pag nanalo ako sa lotto…hindi malayong hindi ko pindutin ang Paypal Donate button na yan..hohoho…

Silver´s last blog post..In Memory of Francis Magalona

[Reply]

reynz Reply:

itatago ko sya silver para ikokwento ko sa mga apo ko na noong kapanahunan, eto ang pagdurusang dinaanan nang lola ninyo hahahahahah

reynz´s last blog post..Disco lights!

[Reply]

The Ca t March 7, 2009 at 11:52 am

Tapos yang retirement mo, iinvest nila sa investment houses o kaya sa ponzi scam kagaya ng kaya madoff, tapos magcoconfess sila na nawala na..patay ang retirement mo.

nakakapaniginig ng buto ang nakikita mong nababawasaang retirement kitty lalo, pabgsak ng pabagsak ang Wall Street. arghh.

The Ca t´s last blog post..The Heavenly Light

[Reply]

reynz Reply:

sa kalkulasyon ko etong retirement ko eh pamabayad lang sa taxes once na nag vest na sya in udra wurds por my eyes only sya waaaaa!!!!

reynz´s last blog post..Disco lights!

[Reply]

The Ca t March 7, 2009 at 11:58 am

“pampalamon at pampabahay sa mga supot na tamad sa Amerika na walang ginawa eh umangal ”

Sinabi mo pa. kaya walang slumdog millionaire dito dahil tayong taxpayers ang nagbabayad sa subdidized homes nila, sa food stamps ng mga anak ni Octuplet mom na nang manganak pa ng walao, gobyerno ang nagbayad ng medical expenses na umabot na ng lampas ng milyones.

tapos ayaw niyang magtrabaho dahil mg-aaral daw siya–taxpayers na naman ang magbabayad..habang ang 14 na anak niya ay aalagaan ng mga caregivers at daycare na bayad ulit ng gobyerno dahil single parent siya–tapos nagrenta siya ng bahay na baka icharge ba naman niya sa subsidized housing program ng siyudad,

kainis di va.

The Ca t´s last blog post..The Heavenly Light

[Reply]

reynz Reply:

heheheh swak! swak na swak! me nakalimutan ka sa listahan mo. me tulong sa mga nasalanta nang bagyo noong naynteen kopong kopong. em mga lola nila ang tinamaan tapos ang mga lecheng mga hudahu eh tuloy pa rin ang assisteng walang tigil na tulong hanggang ngayon at magpa kailan pa man. di ko maintindihan kung kelan matatapos dumami tuloy ang mga tamad pati yong ginagawa pa lang sa kama another tamad na ilalabas sa mundo

reynz´s last blog post..Disco lights!

[Reply]

The Ca t March 7, 2009 at 12:43 pm

reynz,
nakalimutan ko nga yong mga linta diyan sa lugar mo. yong iba binilhan pa ng mobile homes, ilang libo yon. ngayon di nila magamit, hindi raw habitable dahil toxic ang materials. binili siguro yon ng walang PO, walang contract kaya hindi makasuhan yong nagbenta.

kaya patayo naman ng mga low cost housing at nakatira naman kamag-anak ng mga empleyado ng gobyerno na may mga kapit. hohawwww.

o kaya mga hotel at assisted living na kinonvert na subsidized housing ng mga victims ng bagyo kuno samantalang umalis na diyan ang 50 per cent ng mga tao at nalipat na ng ibang states.

in the meantime, class ang mga squatters sa amin sa California. mga colorful tents mismo sa baryo ni Arnold Swarz….

Para silang kabute. Mga na foreclosed ang bahay. Mga nawalan ng trabaho.
Bakit tents? para pag sinita sila, takbo kaagad. O kaya pag nagyelo o bumagyo, fold lang nila.

samantala ang daming nakakasuhang mga corrupt na pulitiko.

ang kaibahan sa pinas, ang corrupt sa atin di nakakasuhan. Grrrrr.

The Ca t´s last blog post..The Heavenly Light

[Reply]

reynz Reply:

ang tulong kasi dapat me kasamang responsabilidad as in – hanggang ganito lang at dapat me gagawin din ang natutulungan, ala mo tuloy akala nang mga nasalanta eh kasalanan nang gobyerness ang bagyo at eto namang mga hudahu eh ginagamet ang mentalidad nang mga tinamaan para gumanda naman pangalan nila. getz mo na yon divanetch? nakaka alta presyon!!!

reynz´s last blog post..Disco lights!

[Reply]

The Ca t March 7, 2009 at 1:06 pm

reynz,
sasamantalhin ko habangwala pangbayad ang comments dito. bwahaha

maraming nakolekta sa mga bloggers at mga tao all over the world para sa donasyon diyan sa NO.billion yata. kaya noong mga unang arangkado ng audit, nakikita sa vouchers ang mga expensive wines as substitute for water or refreshment. HAHO.

siyanga pala, sa pinas yong mga taong hindi nagbabayad ng taxes dahil dinodoktor ang kanilang income (aminin ala Cristy Fermin), sila pa ang mareklamo.

Tayo dito sa States na takot magdoctor ng ating ITR nahbabayad ng halos 40 per cent pag tayo ay nasa taas ng income bracket tapos single, divorced o married but filing separately.

Kaya nga ba ampunin mo na ako para maging head of the family ka. HAHAHA mabawasan ang iyong taxes.

[Reply]

reynz Reply:

juice koh! matagal na akong head of the families nang mga lecheng boylets ko, ginawa pa akong madrina, ninang at kung ano ano pa basta matawag lang na kumare, kumpare, kumadre leche hahahaha

lahat nga nang sweldo ko puro taxes. at pag maka-alpas? penalties and surcharges naman. amfffttt oo!!!!

[Reply]

Silver Reply:

“Kaya nga ba ampunin mo na ako para maging head of the family ka. HAHAHA mabawasan ang iyong taxes.”

Pwede tong idea ni The Cat…

What if kung ampunin mo na kaming mga fans mo…declare mo kaming mga dependents mo…bwahahaha..

Malay mo, makabawas nga naman sa taxes mo…bwahahahha!!!

Silver´s last blog post..In Memory of Francis Magalona

[Reply]

lechonhalohalo Reply:

ang mga pusa eh puso ninyo, take a deep breath dahil tantararan etoh na ang California, drought kami kaya kami ang susunod na hihingi ng donation, plus mamahal ang mga gulay and other fresh produce, siempre pati gatas, kung walang damo, walang kakainin ang mga baka, masarap pa naman ang cheese dito sa Cali. pinabawa ko na lahat ng dapat ibawa, long term, 401k, flex elect, para talagang sagd to the bottom na, tutal sanay naman ako sa kahirapan,

[Reply]

Silver March 7, 2009 at 3:51 pm

Mother highness,

Pwede kayang wala ng tax system? Kasi inaabuso ng mga governments yung tax system eh…

Parang may nagkwento sa akin ng friend ko (he’s a business man btw) na in essence, wala naman talagang diretsahang batas na nagsasabing magbayad tayo ng tax ek-ek…

Napaisip nga ako. Parang naalala ko ang “TRIBUTO” days ng mga ninuno natin nung time ng mga Espanyol…Heheh..

Silver´s last blog post..In Memory of Francis Magalona

[Reply]

reynz Reply:

mahirap ata yon. chaos ang dating nyan dahil mawawalan tayo nang social services. ang dapat talaga nyan chugihin bawat kurap na demonyo.

[Reply]

kutz March 7, 2009 at 4:15 pm

HAHAHA, ako nga few two months ago, alalang alala kasi nanga foreclose nga itong mga kapitbahay ko, iilan na lang kaming natitira sa aming habitat for humanity, huhuhuhuhuuu… nagtataasan na ang damo sa paligid dahil di na kaya ng homeowners na i maintain. Tapos this week as in parang mga kabute naman na puro SOLD SOLD SOLD at andaming nag move in. Akala mo ba sasaya ka pag ganun? Hindi rin kasi halos magkakamukha kayo ng habitat eh kaso ang mortgage nila less than half ng mortgage ko, uuhhhaaaaa!!!! ZHOKHET GANUN ANG KAPALARAN KO??? WALA BA AKONG KARAPATANG MA ISTIMYULEYT DIN???

[Reply]

reynz Reply:

eto kutz, maloloka ka sa frogram na to. lipat ka dito. sa mga tinamaan nang bagyo noong kopong kopong, pede ka buy balay nang 120k. yong 60 forgive 1st mortgage. yong 60, tres porsyento. yong closing libre. saan ka pa? hahaha yan ang nadinig ko dito

[Reply]

nina March 7, 2009 at 6:25 pm

silver dito ka pumunta. tax-free ang sweldo at wala ring VAT. pag okay ang company, may pa-bahay or housing allowance, libre schooling ng mga bata at may car allowance din :) pagkain na lang ang gagastusin at gimik. Libre din ang pa-ospital lalo na kung emergency. Tiyaga ka lang sa amoy ng mga pana lalo na kung katabi mo sa opis. hahahahahhahaha…

nina´s last blog post..Tough Four

[Reply]

reynz Reply:

pwera si imran abbas hahaha

reynz´s last blog post..Disco lights!

[Reply]

Silver Reply:

Bwahahaha…

Yan ba yung sa Qatar ate nina??

Ang sabi sa akin e binibili daw ang working visa dyan..

Ang problema ko eh di ako sanay sa uber init na talaga – kaya ko ang init sa pinas. Ewan ko lang ang Qatar…hehehhe…

Silver´s last blog post..Not In My Zone Today

[Reply]

nina Reply:

yes silver, dito sa qatar. maraming bumibili ng visa pero i wouldn’t advise that. mainit dito pero dry di gaya sa pinas, nakatayo ka lang pinagpapawisan ka. pero pag summer nagiging humid din. kung office work namnan okay lang. hindi mo masyado mafeel yong init. saka lahat naman dito at buong bahay naman air-conditioned minsan pati kitchen. mura ng kuryente. mura rin ng gasolina mas mura pa sa mineral tubig.

nina´s last blog post..Tough Four

Silver Reply:

Oh I see…di ko alam yun ha..

Yun lang ang sabi ng friend ko sa akin na nag-work dyan
na binibili daw ang visa..Kamot tuloy ako ng ulo ko…ampf..

Naalala ko na, parang naicommercial sa CNN ang ganyan
sa Qatar…hihihi

Silver´s last blog post..Not In My Zone Today

nina Reply:

mahabang paliwanagan yong visa silver. magkaka-PhD ka ulit noh! Saka na lang….heheheheh…

nina´s last blog post..Tough Four

nina March 7, 2009 at 6:26 pm

bwisit na askimet yan, kung babae lang yan sinabunutan ko na…..grrrrr…..

[Reply]

Silver Reply:

hahaha….

Natripan ka na naman ni Akismet ateng…hahaha…

Silver´s last blog post..Not In My Zone Today

[Reply]

nina March 7, 2009 at 6:27 pm

bakit ganun yong unang comment naka-moderate nung galit na ako kay askimet hindi na naka moderate. may engkanto ata dito sa blog mo. pati multo umabot na dito….

nina´s last blog post..Tough Four

[Reply]

reynz Reply:

paborito ka nang spam. hahaha ewak ko ba kung anong meron ka hahaha

reynz´s last blog post..Disco lights!

[Reply]

bloggista March 8, 2009 at 7:36 pm

Hehehe, duling ata ako akala ko monthly salary mo 77K USD, di mo pa diniclare buo mas malaki pa jan alam ko. Hehe

Buti nga jan ano may fund for retirement, dito, sabi ng gobyerno, bahala na kayo. Baka pag nagkaltas pa sila on top of SSS/GSIS, naku, eh di ang daming funds na pwedeng kurakutin.

Kelan kaya sila magsawa sa pera ano. :-)

bloggista´s last blog post..Passive Income Spotlight: The Health and Wellness Billion Dollar Business

[Reply]

reynz Reply:

ayan, me idea ka na kung magkano isosweldo mo saken. $77k per week. hahahahaha!

walang kasawaan ang mga impaktong yan oras na pera nang bayan ang pinagusapan. baka mamaya $77k per hora ang kurakot nila. hmpt! grabe talaga oo!

reynz´s last blog post..Disco lights!

[Reply]

Reesie March 9, 2009 at 3:22 pm

wowowwwweeee.. $77k for checking? pahingi reynz! wiinidraw ko lahat ang 401k ko kasi dahil sa -10000000 market na yan, lumiliit sya..sobra!!! kainis!!!

Reesie´s last blog post..3 Million Pesoseseses for a Bag

[Reply]

reynz Reply:

hahaha can you imagine kung weekly kong kita eh ganun?! leche! dalwang linggo lang retire na ako hahaha tigilan na ang mga investments na yan! si maddoff 150 years dapat lang hahaha

reynz´s last blog post..Disco lights!

[Reply]

FEndi March 11, 2009 at 12:25 pm

Ahaha! KAsali ba talagang ang allowance ng mga boylets jan sa retirement?!
Bka gusto ng mga boylets mo lump sum pay-out pano na talaga yung wheelchair mo sister?!!! wawa ka naman oh!! Sige saan kaba gusto mag retire ako na bahala sa beautification ng yung garden!! Gusto mo makasama yung mga japanese retiree doon sa tagaytay?!! ahahaha!

FEndi´s last blog post..Fendi for Paris Hilton

[Reply]

reynz Reply:

wala akong magagawa! mataas na ang asking price and prizes nang mga mokong at tanggap ko nang sugar daddy ako ateng waaaa!!!!

kung mapunta man ako sa tagaytay wid jap retirees, at least me experience na ako here! hahahaha! leche oo!

reynz´s last blog post..Disco lights!

[Reply]

Leave a Comment

Previous post:

Next post: