Love story nang babaeng habulin

by reynz on February 12, 2009

Maganda uli ako senyong lahat mga kunichiwa! Sana, naka-dekwat na kayo nang pang-valentine’s na si malakas at si maganda. Kung wala, magdusa kayo at kainggitan ang mga love letters na to dahil ako eh tinakot na naman nang sang to:

Ito ang Dear Ate Charo Story ko na kailangang ipublish mo dahil kung hindi, ipagsisindi kita ng kandila sa Quiapo hanggang sa Roma.

Habang si Annie at si Bebot ay diez anyos nang nag-lolokohan, kahit masakit man ang dinanas ni PantasyaGurl, maligaya naman si AhasGurl sa kanyang butanding. Today, eto naman ang liham nang isang busy hectic gurl which is medyo lito ako. Parang kasing me mga askal na naghahabulan. Eto:

Habulin sya nang askal

Dalagita pa lang ako, habulin na talaga ako.
Gago! Hindi ng aso, noh!
Ng mga lalaki.

Ako raw kase eh Me tulo
Ekskyus me?! hindi yong nasa utak mo.
Yon bang sinasabing Widow’s Peak.
Yong ang mukha mo eh hugis puso.
Yeap, hugis puso kasi ang mukha ko
kaya lang may kasamang palaso ni Kupido.
Tsaak!

Siete anyos pa lang, kumalantare na

Pitong taong gulang pa lang ako, meron na akong “boyfriend”.
Siya ang partner-in-crime ko sa paglagay ng thumb tacks sa upuan ng mga titsers
Kasama ko pa sya sa pagtago ng mga gamit ng lecheng mga kaklase namen.
Mahihiya si Bonnie and Clyde kung nagkatuluyan kami.

Ang ganda nye eh katumbas nang balut

Grade 5 ako, nang me umakyat ng ligaw.
Mas matanda lang ang fadir ko nang ilang singhot at paligo.
Matandang binata. Me dalang regalo.
Balut.
Matapos kunin ng fadir ang balut, ayun – pinalayas.
Sabi niya ipapakasal raw ako sa anak ng presidente at hindi sa hampaslupang balutero!. Hehehe

Nang-uuto nang kaklase

Grade six ako nang ako ay magkacrush.
Empleyado siya sa opisina ng aking fadir.
Wafung-wafu. Kapitbahay siya ng aking kaklase.
Kaya naman ang drama ko, sinusundo ko kaklase ko na neighbor nang crush ko.
Siempre, para makasalubong ko sa daan ang gwapong to. ~*Kilig*~

Na-karma, crush nya, nag-pipiko pala

Tapos, isang araw, may kuwento sa akin ang aking kaklase.
Napikot daw si Wapo ng kanilang katulong.
Ang mga hudas, pag gabi pala eh naggapangan silang mga barabas. Huli.
Nadurog ang puso ko… nang ilang araw lang naman
kasi sa school, panay ang dala ng bulaklak sa akin ng isa kong kaklase.

Hectic ang schedule nang gurl na to

High school ako. Tatlo ang sabay-sabay ko
So meron akong pag M-W-F na sundo.
Libre pamasahe tapos libre pa burger and coke.
Minsan nagkasabay-sabay

“Pa-fire ko secretay ko. Sablay scheduling.” (reynz)

Sa labas ng school pareho-parehong naghihintay
Gusto kong mag-disappear kaya lang ayaw gumana nang aking aking anting-anting.
Naubusan ako nang baterya! Nyahaha.
Buking Ate Charo, muntik na silang maglabo-labo.
Dumaan ako sa back gate. Sumumpa akong hindi na uulit.
Hindi na uulit kong hindi lang naman sila Wapo.

At kung kelan nag-college, saka nagmahinhin

College, may naging kaklaseng malapit sa akin.
Pero di naman siya nanliligaw.
Kung niligawan niya sana ako,
bagsak kaagad ng ang sampunlibong oo.

“Eh ba’t naman kasi di mo sinagpang?!” (reynz)

Nakapag-asawa ako Ate Charo.
Sa isang reunion naming mga barkada na kasal ng isang kaibigan,
nagkita ulit kami ng aking kaklaseng yon.
Nagkalasingan.
Nagkabukingan.
Mahal raw niya ako.
Kaya lang, takot daw siyang layuan ko, oras na nalaman ko.

“Baka nga naman ma-shock ka dahil me suso din sya ano?” (reynz)

Hitsura nina Bea at Lloyd sa aming drama.
Pahiram nga ng Kleenex. Prssst.

Secret lover nya, mahilig lang sa karoling

Hindi pa siya nag-aasawa.
Ano ang hinihintay niya Pasko?
Eh an dami na kamong PAskong nagdaan!

“Pabayaan mo sya kung ang hilig nya eh karoling!” (reynz)

Nag-abroad siya Ate Charo.
Nag-abroad din ako.
Nagkita ulit kami.
Freeze frame.
Sa isang restraurant sa Estados Unidos.
Kasama ko ang aking asawang Puti.

“Stoker? Ni-report mo sana sa Homeland Security.” (reynz)

Love for all seasons

Niyaya namin siya sa aming table. Kumustahan.
May asawa na ba siya? Wala pa.
Ako, nakadalawa na.
Bago kami nagkahiwalay, inabot niya ang isang table napkin.
Nakasulat,
I still love you.
How romantic diba?

“Oo. Pero,duda ko greencard hanap seyo hehehe!” (reynz)

Divorced na kami ng asawa ko.
Nagkita ulit kami.
May kaakbay siyang babae.
Misis niya.

“Eeek! Naka-dekwat sya?!” (reynz)

Ate Charo, sumumpa akong dina iibig.
Tatapusin ko na ang aking sulat.
May tumatawag kasi,

“Eeek! Dedekwatin ka?!” (reynz)

~*Kilig*~
hahaha
reynaelena_signature

Related Posts with Thumbnails

Reyna Elena Dot Com is Powered By Thesis

Thesis Theme

With Thesis, you need not worry about your in-site SEO. All you have to do is "just add killer content". From beginners, to the most advanced WordPress developers, Thesis makes it easy for anyone to customize it.

{ 15 comments… read them below or add one }

bebot February 12, 2009 at 12:47 am

hahahahahaha…..ano ba ito? hahahahaha…baka naman sa susunod na pag kikita nyo mag-katuluyan na kayo…sya divorce na at ikaw nag-hi-hintay naman sa kanya! tutal nanligaw na syang paunti-unti sa susunod na pag-kikita nyo….sagpangin mo na!!!! gud luck
babaing may tulo….este…babaing habulin pala….hehehehe at kita kits ulit tayo dito sa palasyo ni Tita Reyna for updates.

[Reply]

reynz Reply:

hehehe daz right – dapat nun, sinagpang na nya si torpeng lalaki – eh kaso torpe naman kasi eh

reynz´s last blog post..Love story nang babaeng habulin

[Reply]

ahasgurl February 12, 2009 at 2:01 am

terrorista pala kayo sa elementarya LOL aliw!!!! frequent visitor tyak kayo sa principal LOL

[Reply]

reynz Reply:

eh leche naman noh? thumbstacks ba maupuan mo pag di ka tirahin nang principal hahaha

reynz´s last blog post..Love story nang babaeng habulin

[Reply]

Silver February 12, 2009 at 2:38 am

Ang kulet ng estori…hahahahha

Ang galeng galeng magstory-telling ang mahal na reyna!

Winner ka talaga!

[Reply]

reynz Reply:

actually this time sya talaga sumulat, medyo nilagyan ko lang nang subheadings hahaha

reynz´s last blog post..Love story nang babaeng habulin

[Reply]

bluepanjeet February 12, 2009 at 2:57 am

LOL LOL Pwede ka na inang sa abante as Xerex hahaha

“High school ako. Tatlo ang sabay-sabay ko
So meron akong pag M-W-F na sundo.”

kakatuwa itong mga kwento dito oo hahaha

bluepanjeet´s last blog post..The Petals of Lipa: True story of the Virgin Mary’s apparition in Lipa (Part 1 – The Gun)

[Reply]

reynz Reply:

hehehe pasado na ba? sa radyo na lang hehehe

reynz´s last blog post..Love story nang babaeng habulin

[Reply]

annie February 12, 2009 at 4:12 am

babaing habulin,
minsan, pag sobra kang gusto ng isang lalaki ay hindi maka-pag-alay ng kanyang niloloob…lalo nat nag simula kayo sa pagiging mag-kaibigan…siguroy kabisado ka nyang pilya at baka sya’y mapahiya. Kaya itinago na lang nya ng husto ang kanyang damdamin sa iyo…sayang ano?palagay ko mahal kang tunay nun! kasi nasundan ka pa sa Amerika….hehehehe ganda sana ng ending kung nag kita kayung muli at nag ka-sagpangan! hahahaha

[Reply]

reynz Reply:

kung ako si babaing habulin? sinagpang ko na yong guy, nakkwelyuhan at iginapos na. hehehe naku sabi sayo, pasa pasa saken ang lalaking yan hahaha

reynz´s last blog post..Love story nang babaeng habulin

[Reply]

Reesie February 12, 2009 at 4:17 am

waaaaaaa.. graveh namn na lovestory to.. pangMMK.!! We have the right love at the wrong time at we have the wrong love at the right time ang drama..

[Reply]

reynz Reply:

somewhere down the road pa rin ba? hahaha! swak ang theme song mo hahaha

reynz´s last blog post..Love story nang babaeng habulin

[Reply]

eMz February 12, 2009 at 4:44 am

nakakaaliw! may 3rd husband na kaya sha? feeling elizabeth taylor! XD

eMz´s last blog post..FS ChowNow: The Stock Market, Bonifacio High Street

[Reply]

reynz Reply:

that’s right hehehe elizabeth tailoring. well, sabi nya sa sulat ayaw na daw muna nyang umibig. so must be alone again naturally hehhe

reynz´s last blog post..Love story nang babaeng habulin

[Reply]

Maldito February 12, 2009 at 7:42 am

ahahahaa..laff trip to mahal na reyna…kung ako nalang sana ang yung minahal..di na sana muling luluha pa..ahaha..ang drama

Maldito´s last blog post..Serr

[Reply]

reynz Reply:

eeekkk! indi ako to maldito! hahahaha! sabagay ilang beses na rin akong diborysodo noh? pero pede naman kitang mahalin hehehe

reynz´s last blog post..Love story nang babaeng habulin

[Reply]

roni Reply:

pasingit, hahaha!

roni´s last blog post..prends na kami-updated

[Reply]

an2nette February 12, 2009 at 11:49 am

Hi mahal na ate charot, talagang kinarir mo na ang pagiging host ng maala ala mo kaya, blog version, bakasyon lang talaga kami dito sa pinas to supervise the nipa hut, happy valentine. an2nette

an2nette´s last blog post..Golf Buddies

[Reply]

reynz Reply:

hi an2nette!

uber ang vacation mo day! you had one great uber fun talaga! alam mo namang i followed all your chorva sa manila hahaha leche an yaman moooooo kung mabwisit ka’t ayaw mo na, andito lang ang wallet ko hahahaha

reynz´s last blog post..Love story nang babaeng habulin

[Reply]

brotherutoy February 12, 2009 at 12:16 pm

totoo ba ang istorya na ito? parang masyado namang ma-experience ang nagkukwento, 8 years old pa lang, may syuta na! hehe…

tawa ako ng tawa sa side comment.
at may mga titles pa talaga ang chapters.
teka’t makapag-carolling na nga! hehe…

happy valentines!

brotherutoy´s last blog post..Seminarians Exposed!!!

[Reply]

reynz Reply:

totoo po to brother utoy hahaha, sent by one blogger – true to life love story nya, inokray okray ko lang hahaha

reynz´s last blog post..Love story nang babaeng habulin

[Reply]

roni February 12, 2009 at 1:23 pm

sarap ng buhay pag andyan ka your heightness. calling all readers, share your one heck of a love story to reynaelena.com. pramis, itatago nya ang inyong mga identity, yata. bwahahaha!

roni´s last blog post..prends na kami-updated

[Reply]

reynz Reply:

ngak! hahaha! jolens and marvin? hahaha

reynz´s last blog post..Pokpok unto others n others will pokpok unto u

[Reply]

AbbyGurL February 12, 2009 at 4:11 pm

Ay Ms Habulin, di naman pala tayo nagkakalayo. 6 years old ako nang unang gumarutay. Kung yung mga classmates ko eh nagpipiko at nagkukulitan, Maria Clara Chenelin ang drama ko, kaya ayun, lapitin din naman waihihih. XD

Dumating din sa point na may naghahatid pa saken sa house after school. Ang lola ko muntik ng atakihin sa puso, ang bata ko pa raw eh kumekerengkeng na. Sabi ng tyahin kong kachokaran ko, “ano ba mama friends lng sila” – nyemas showbiz ang sagot.

Nung minsan nagkasabay sabay din sila, no pressure ako. Eh heller wala naman akong sinagot, lahat sila suitors. Oha lusot da bah?! ^_^

Kakilig kayang balikan. ^^ Yun nga lang enap is enap at baka maumbag ako ni Vaness Wu ko :)

I’m sure magkikita pa kayo ulit. Who knows baka kayo rin naman pala in the end. Nang iinggit ka pa eh ang suma tutal nyan kayo pa rin naman hehehe.

[Reply]

bebe February 12, 2009 at 5:15 pm

feeling ko kayo pa rin ni mr. torpe ang magkakatuluyan….pag sitenta anyos na kayo hehehe

[Reply]

roni February 12, 2009 at 5:25 pm

quote: ”Ate Charo, sumumpa akong dina iibig.
Tatapusin ko na ang aking sulat.
May tumatawag kasi,”

ineng, wag mong sasagutin, me tulo yan!, hahaha!
peace sis!

roni´s last blog post..prends na kami-updated

[Reply]

marjo February 20, 2009 at 7:59 am

nice one,,,parang aq lng wah,,nagkasabay sabay sa pag sundo,,hehehe

[Reply]

Leave a Comment

Previous post:

Next post: