Hanggang kelan iiyak ang mga tala? (Part 3)

by reynz on February 11, 2009

Part 3 of 3

Ang nakaraan…

If you read PantasyaGurl’s first part, our love-struck gurl’s relationship ended with the guy asking for space station. Yon pala, me kinalantare nang iba. On the second part, swerte dahil gwapo’t matalino, sanggol naman ang naging jowa nya. Well, let’s see what happens next. Eto tayo ngayon sa Chapter 3, Versikulo Dos. Wakasan na ang tema ay: Hanggang kelan iiyak ang mga tala?

Pantasyadora

Ate Charot, ano bang kasalanan ko sa unang buhay ko?
Baka dati siguro akong Miss Universe at pinaiyak mga gwapo sa mundo
Saksakan siguro ang ganda ko at nagbubugbugan sila
Makamit lang ang pansin nang isang magandang dalagita

“Tigilan mo ang pantasya gurl, baka naman talagang masungit ka lang! hahaha!” (reynz)

Pati memorial plan, nagbenta na sya

Kaya nawasak man ang puso ko sa unang impakto
Maligaya naman ako sa konting panahon sa sanggol na to
Tutal working gurl na ako
Nagpaka-busy ako ki Ka Pepe, Review You at Snorty
On the sides, nagtitinda pa ako nang kawali
Meron din akong 5-6
At nagbenta na rin ako ng memorial plans
Para sa mga sawing gusto nang tuluyan ang wakasan

Animal lover

Pero ang last but not the least pers lab ko eh animalistic at hayop sa appeal.
Hearthrob kung hearthrob.
6 years na ang haba-haba ng hair ko noh.
Pero kasama sa sumpang pagiging hearthrob ang pagiging babaero.

Nagbabago pangalan ko sa gago

Kesyo gwapo, kaliwat kanan ang aming 3rd party!!!
Minsan? Tinawag nya akong ibang pangalan!
~*hikbi*~
Martir ang drama ko eh yun ang turo di ba?
Kaya pinalampas ko yun Ate Charot
baka kase magbago ang tarantado

Kinasal. Sa iba.

We were already planning our future…
pero hayup sya
hindi pala ako ang babae sa future nya!
nakabuntis at nagpakasal sa iba!!!

Ba’t daw sya naging tanga

Sa buong buhay ko…
sa kanya ko lang naranasan
kung paano maging tanga hahaha.
Joskoday, grabehng binagsak nang IQ ko.

In my 30 years of existence….3 lang ang naging seryosong EXBOYFRIENDS ko lol.

To all the men I’ve loved before

So to all the men I’ve loved before, kung mabasa nyo man to, syeet kayo.
Kung saang lupalop man kayo naroon ngayon, syeeet talaga kayo.
Dahil senyo, tuloy tumatanda akong bitter. HAHAHHA

Kung sino man sa mga readers mo ang marunong mag-voodoo, tawagan ako plis!
Happy valentine’s Day to you Reynz and to your readers. mwaah!

reynaelena_signature

Ang sabi nang Reyna

PantasyaGurl, shock ang lola sa love wreck-story mo. I have no clue kung ano ang sasabihin ko seyo. Dahil sawimpalad din ang lola sa pag-ibig. Andyan yong binilhan ko ang hudas nang pridyidir. Malaman-laman ko, ibinahay pala ang lecheng gurpren nya. Andyan yong pina-utang ko nang pam-biznis naman yung isa. Nung binisita ko, nag-laho ang tindahan, pati kamo bahay. Hindi ko na alam kung nasaan na ang mga impakto ngayon. At yong pinakamamahal ko? Kinukuha pa akong ninang. Sa lecheng kasal nila. Hmpt! Kaya duda ko, Miss Universe din ako sa unang buhay ko. Basta keep smiling and remember the social climbing rule, always say “I love you!” Maniwala ka. Tinesting ko nga sya dito nung umuwi ako. Paniwalaan mo. It works! Hahaha!

Follow this story here:

Related Posts with Thumbnails

Reyna Elena Dot Com is Powered By Thesis

Thesis Theme

With Thesis, you need not worry about your in-site SEO. All you have to do is "just add killer content". From beginners, to the most advanced WordPress developers, Thesis makes it easy for anyone to customize it.

{ 2 trackbacks }

The day she learned the meaning of “I need space!” (Part 1) : reyna elena dot com
February 11, 2009 at 12:27 am
Sanggol ang naging jowa ko! (Part 2) : reyna elena dot com
February 11, 2009 at 12:48 am

{ 14 comments… read them below or add one }

Silver February 11, 2009 at 12:36 am

Wahaahhah….

Grabeng rollercoaster na itech ang drama….

Wow…

Kawawa naman si pantasya gurl..sawi sa pag-ibig…

T_T

[Reply]

reynz Reply:

darating din yan Silver, she will soon see the light – sabi nga nang music sa background hahaha

i hope PantasyaGurl won’t give in, there’s somebody out there for her divanetch?

reynz´s last blog post..Hanggang kelan iiyak ang mga tala? (Part 3)

[Reply]

Ate Charot Fan Reply:

Hi Silver, ewan ko ba…some people are not just meant to be happy and lucky siguro hu hu hu

[Reply]

Silver Reply:

Hi Pantasya Gurl,

Nakakaiyak ang kwento mo…

Mega-relate ever ako…

T_T

[Reply]

Silver Reply:

Teka ang sipon ko…

Nagrollercoaster na rin…

*sniff* *sniff*

HAHAHHAHAHA!

reynz Reply:

anobaaa fantasygurl!

akala ko WE find happiness hahaha, i mean, oo, dinaanan naten ang mga lecheng kaeklavuhan na to, but ewan hahahaha basta! hahaha

reynz´s last blog post..Hanggang kelan iiyak ang mga tala? (Part 3)

[Reply]

bebot February 11, 2009 at 3:47 am

oo nga naman pantasya gurl tama ang mahal na reyna….ako nga lolo na ng mga anak ko…hehehehe….pero hindi ako gu-mib-up…see…ang cu-cute ng mga anak ko!…meron ding para sa iyo na nag hihintay lang ng sigaw mo….hehehe
mga loko sila! hindi sila para sa iyo, merong mas mabait ang nag hihintay sa iyo…payo ko lang….mabait na lang ang kunin mo…yung mga katulad namin ni Reyns……gud luck next time and cheer-up! bata ka pa naman 30 ba?

[Reply]

Ate Charot Fan Reply:

naku bebot sana magdilang anghel ka hahaha dahil sa totoo lang jaded na ako sa mga true love true love na yan

sinunod ko nga si andrew e., humanap na ako ng panget at inibig kong tunay, pero sadya talagang mailap ang pag ibig sa akin hahahah

[Reply]

reynz Reply:

Ate Charot Fan,

basta tandaan mo tong kantang to… :”one of these days” tatawag na lang yan seyo hahaha kaya dapat you don’t have to give up sabi hahaha

reynz´s last blog post..Hanggang kelan iiyak ang mga tala? (Part 3)

[Reply]

bebe Reply:

hay naku kahit pangit di ka rin nakakasiguro na hindi ka ipagpapalit. kaya go for the gwapings para ipagpalit ka man eh at least gwapo naman sya no! kesa naman syonget yung nang-iwan sa yo…syonget na nga iniwan ka pa…mas masakit yun hehehe

[Reply]

Ate Charot Fan February 11, 2009 at 5:07 am

Dear Ate Charot!

HAHAHHAHA I am so hopeless na, pwede mo ba kong ihanap ng date dito sa site mo? HEHEHHE

i’ll email to you my cellphone number. Thanks.

your #1 fan,
Pantasyagurl :)

[Reply]

reynz Reply:

am sure merong isang humahanga seyo dito hahahaha!

reynz´s last blog post..Hanggang kelan iiyak ang mga tala? (Part 3)

[Reply]

Elyong February 11, 2009 at 5:43 am

Nasaan ang part one? The link is broken… ayokong basahin ang part 2 and 3 kung di ko mabasa ang part 1.

Elyong´s last blog post..No Effem Please!

[Reply]

reynz Reply:

teka check ko nga, andyan lang kamo sya sa baba hahaha

reynz´s last blog post..Hanggang kelan iiyak ang mga tala? (Part 3)

[Reply]

Elyong February 11, 2009 at 8:01 am

Oi may music na pala tong blog mo… listening while browsing.. baka i’ll stay longer.. hahaha

Elyong´s last blog post..No Effem Please!

[Reply]

Dinah February 11, 2009 at 9:03 am

honestly, ang akala ko title nito ay hanggang kailan iiyak ang mga tanga. hi hi. apt din nman di ba?

Dinah´s last blog post..Valentine’s Day Is For Fathers Too

[Reply]

reynz Reply:

hanggang kailan iiyak ang mga tanga

bwa hahahaha eh di ba pag in love ka kiver kahit na anong presidential decree hahaha

reynz´s last blog post..Hanggang kelan iiyak ang mga tala? (Part 3)

[Reply]

kengkay February 11, 2009 at 9:27 am

hay eto ang seryosong payo ni kengkay. pumunta ng quiapo at magtanong tanong kung saan makakabili ng gayuma, hahaha

ginawa namin yan dati, hindi naman halatang desperado kami ano? hehehe, pero matatawa ka kasi sikret yang gayuma na yan sa quiapo, kunyari wala sila pero nungka, meron. at wag mo kalimutan yung instructions sempre, hehe

kengkay´s last blog post..napaiyak dahil sa pinas

[Reply]

reynz Reply:

that’s true kengkay hahaha i mean, the tricks, eh kahit nga chain emails minsan kamo kahit ako pinapaniwalaan ko, tingnan mo chinugi chugi nang mga friends ko ang email account ko hahaha

reynz´s last blog post..Hanggang kelan iiyak ang mga tala? (Part 3)

[Reply]

Aldrin Cabrera February 11, 2009 at 9:43 am

Hahaha, nakakatawa. Naalala ko tuloy yung narinig kong sabi ng mga bitter “VALENTINES, LOVE IS IN THE AIR… AND I DON’T CARE”

Hahaha!

[Reply]

reynz Reply:

nice one aldrin! hahaha i learned sumtin again hahaha nanakawin ko ang linyang yan hahaha

reynz´s last blog post..Hanggang kelan iiyak ang mga tala? (Part 3)

[Reply]

Lalaine February 11, 2009 at 10:20 am

Dear PantasyaGurl,

Maraming salamat sa pagbahagi ng iyong kasaysayan. Ito’y isang tanda na sa madaling panahon ay handa ka na muling tahakin ang matamis ngunit matinik na landas ng pag-ibig. Ikaw ay mapalad dahil sa loob ng tatlumpung taon, naranasan mo ang magmahal at mahalin bagamat panandalian lamang. Marami dyan ang tumatandang hindi man lamang nalaman ang tamis ng halik at yakap. Sigurado akong sa tatlong relasyon na iyong naranasan, mayroong mga mumunting masasayang alaala. Bakit hindi ito ang hayaan mong mamalagi sayong isipan? Ang mga nakaraang pagsubok ay matibay na inspirasyon sa pagharap sa kinabukasan. Huwag mong hayaang kalungkutan at pait ang manalaytay sayong buhay, bagkus ay pag-asa. Bata ka pa at maraming pang pagkakataon para lumigaya. Basta tandaang sa susunod na relasyong papasukin mo, hindi mo maaaring payagan ang iyong sarili na maging biktima. At the end of the day, dapat pareho kayong nag-enjoy. Nakakapagod managalog. Gayunpaman, sa maikling salita, bumangon ka at muling patuluyin ang pag-ibig. Gawin mong totoo ang iyong mga pantasya.

Sumasaiyo,
L

Lalaine´s last blog post..Three years

[Reply]

roni Reply:

applause ke Lalaine, galing naman, very positive. Pantasyagurl, take her advice, I’m sure, liligaya ka rin at malapit na.

roni´s last blog post..prends na kami

[Reply]

reynz Reply:

wow lalaine,

napahiya ata si Ate Charot sa sinabi mo hahaha

reynz´s last blog post..Hanggang kelan iiyak ang mga tala? (Part 3)

[Reply]

nina February 11, 2009 at 11:30 am

hahahha. marami akong kilalang may ganyang experience – ang masasabi ko lang, move on!!!

nina´s last blog post..More Cravings…

[Reply]

reynz Reply:

eh yan nga ang problema hahaha hirap kamo mag-move on haha

reynz´s last blog post..Hanggang kelan iiyak ang mga tala? (Part 3)

[Reply]

itchyfeet February 11, 2009 at 1:43 pm

think positive pantasyagurl! at least may pers kess ka! it’s better to be kissed than never ateng! hehehe

[Reply]

reynz Reply:

namannn! hahaha! pwes bago man lang sya dumapo sa iba, patikim muna hahaha

reynz´s last blog post..Hanggang kelan iiyak ang mga tala? (Part 3)

[Reply]

maxi February 11, 2009 at 3:49 pm

Ateng are you changing professional career? Di ko alam na biglang change lane ka pala! Ibenenta pa naman kita. I’ll let you know pag okay na ang negotiations.

[Reply]

reynz Reply:

maxi, di ko alam kung ba’t ako biglang naging Ate Charot hahahaha leche oo! hahaha!

reynz´s last blog post..Hanggang kelan iiyak ang mga tala? (Part 3)

[Reply]

Paul Farol February 11, 2009 at 5:51 pm

Ay ang sarap dito!

[Reply]

reynz Reply:

hi paul, thank you for visiting!

[Reply]

AbbyGurL February 11, 2009 at 6:02 pm

Eto na yata ang pinaka-nakakalokang lab chorvahness na nabasa ko. :)

Naku dedma na lang. Wag kasi mapressure. Di yan inaantay. Kusang dumarating.

Pag feel mo sya na, sugpangin mo agad! Wahahaha I love the term sugpangin. Swak na swak. :)

[Reply]

reynz Reply:

yeap hahaha gaya nung ginawa ni ahasgurl hahaha

reynz´s last blog post..Love story nang babaeng habulin

[Reply]

AbbyGurL Reply:

Sakto! Pag feel na nyang si Mr Right na yun, saka na mag transform at pairalin ang snake instinct. Susme. XD

[Reply]

Leave a Comment

Previous post:

Next post: