One ahas love story

by reynz on February 10, 2009

Dear Ate Charo uli ang drama ko!

Magandang umaga uli senyo mga kunichiwang nagbabasa nang blog na to! Tuloy-tuloy na ata ang aking pagiging Dear Ate Charo. Me isang sulat na natanggap ang ate nyo sa isang nag-nga-ngalang ahasgirl. Pinag-bantaan pa ako, wag ko daw syang ibubuko, or else! Kaya wag na kayong mag-tanong kung sino ang malditang to. Ini-isahan pa ako. I checked the IP, leche, wala sya sa listahan nang nagbabasa dito! Hahaha! Pumunta pa ata nang internet cafe para di ma-trace ang sang to! I edited the sulat pati na format kaya mistulang reyna pati na ang language. Eh nana-nakot kasi eh! Kaya, eto ang sulat nang maldita!

Dear ate reynz,

Me kondisyon tayo at ikaw eh nangako
Na ako eh di mo ibubuko
Dahil ang lecheng asawa ko eh nagbabasa den nang blog mo! LOL
Naging berde ang mukha ko nung nabasa ko ang love story ni bebot at ni annie
Ayokong magpahuli
Kaya ako’y sasali
Eto naman ang aking estori

Isang ahas ang sumulat sa reyna

Pauunahan na kita.
Ahas ang tawag saken nang mga maldita kong kasama.
Kiver.
Sinunod ko lang naman ang payo nang mga kebigan ko.
“Pag mahal mo daw ang isang tao, ipaglaban mo ang puso mo.”
Pwes!!!

“Ayufff! At tino-too naman nang leche! Hahaha! (reynz)”

Warrior gurl

Di naman ako masyadong kagandahan.
Medyo kamukha ko lang si Marian Rivera.
High school pa lang, maldita chikadora at pakealamera na talaga ako.
Mahilig akong mang-asar at madalas ako eh me kaaway. Parang ikaw!

“Lecheng to! Dinamay pa ako! Hmpt!” (reynz)

Minsan, naisip ko na yan nga siguro ang reason
Kung bakit takot mga lalaki na ligawan ako

“Eh sino ba naman ang liligaw seyo kung parati kang me dalang punyal?!” (reynz)

Manggagamet nang kebigan

Pero me bespren ako. Sya talaga maganda.
Sexy na. Matalino pa. At higit sa lahat nagpapakopya.
Kung tumaas man ang kilay nyo.
Mali po ang isip nyo.
Hindi ako lesbyana.

“Di ka nga lesbyana. Mangagamet ka naman! Haha!” (reynz)

Isa syang bantay-salakay

Ang kaso, shy ang lecheng kebigan ko na to.
Pag high school ka, uso ang mga tulay tulay.
Leche, ba’t ako pa?!
Eh kursunada ko rin ang type nya?

Irita ang anak ni Galema

Ang hirap kamo nang ganun.
Masaya ako dahil masaya friend ko.
Pero leche pag magkasama sila, ba’t iritang irita ako?
Tinago ko feelings ko sa kebigan ko.
Pero nahalata nang gago.

Hehehe
Hehehe

Hehehe
Hehehe

“Tangina oo! Inahas na nga ata! Haha!” (reynz)

Duda ko? Sya ang pumisil!

One time, inabot ko yong sulat nang kebigan ko
Nung kinuha nya yong sulat sa kamay, me nangyari
Di ko alam kung sinasadya – pero duda ko sinadya nya
Mabilis nyang pinisil yong kamay ko habang inabot ko yong sulat
Para akong nakoryente.
Nagpasalamat sya at nag-smile. Haaaayyy! Hihimatayin akooooo!!!
So, yun, naging mag-syota na sila.

Stoker ang gurl?!

Nag-college na kami. Ang kebigan ko go nang Manila.
Nagkikita na lang kami pag pyesta o kaya pasko.
Di ko na nakitang muli ang crush ko.
Hanggang one day isang araw…

“Mama… paabot po nang pamasahe!”

“Eeeek! Sya!”

Ngumiti sya.
Shock ako.
Yun pala, dito din pala sya nag-ka-college sa isang city na napuntahan ko.

Everything starts with a text. 143

Nag-palitan kami nang number.
Hangga’t sa naging textmate ko sya.
Nag-break pala sila nung kebigan ko.
~*~kilig~*~
Pero wala namang nai-kwento ang friend ko.

So….

Hehehe
Hehehe
Hehehe

Nakahuli sya nang butanding

Ibang school kami. At medyo malayo ang boarding house nya. Nasa dorm kasi ako sa city. Pero parati na kaming magkasama. One time, punta kami nang barkada sa Donsol. Dun sya nagtapat nang pagmamahal. Swerte talaga! Nakakuha ako nang sarili kong butanding! LOL!

“Lecheng to! hahaha di ko alam kung baklita ka o babae ka! haha!”

Gurl! Parati na kaming magkasama! One time, ROTC night, ako pa kamo ang kanyang partner! Tandaan mo me mga ring ceremonies pa? An saya nang ahas queen na to! Hahaha! Feel ko kinakasal kami!

Ahas wedding

Pwes! Naging mag-syota kami. 4 years. A year after college, kinasal kami.
Dun ako kinutya kutya na isang ahas.
Kiver.
Maligaya ako.
Maligaya asawa ko.
Besides, maligaya na rin kebigan ko kahit di na kami naguusap.
Tatlo na rin anak namen.
Mabuhay ang mga ahas na kagaya ko!
Happy Valentines sa asawa ko and to all of you!

Hehehe!
reynaelena_signature

Ang sabi nang reyna

“Ahas Girl, hindi ko alam kung ano ang moral lesson nang istori mo hahaha! Parang gusto kitang ingud-ngud sa kalye. Siempre hindi naman perpekto ang mundo. Tingnan mo nga naman, at least tanggap mo sa sarili mo na ahas ka hahaha eh panu kung makarma ka at ahasin den ang asawa mo? Pag nangyari yun, update mo ang story na to ha? Hahaha!”

Related Posts with Thumbnails

Reyna Elena Dot Com is Powered By Thesis

Thesis Theme

With Thesis, you need not worry about your in-site SEO. All you have to do is "just add killer content". From beginners, to the most advanced WordPress developers, Thesis makes it easy for anyone to customize it.

{ 1 trackback }

The day she learned the meaning of “I need space!” (Part 1) : reyna elena dot com
February 10, 2009 at 6:52 pm

{ 26 comments… read them below or add one }

annie February 10, 2009 at 12:35 am

iyan ang sinasabi ko…kung para sa iyo at ukol ay talagang bubukol…kitam..nag pamartir-martir pa sya at naging tulay….iyun pala sila rin ng kanyang itinutulay ang mag kakatuluyan!!!! congrats! at least hindi mo na pinakawalan ang pag-kakataon!!! mabuhay tayung maliligaya sa piling ng ating mga esposo…hehehehe…pssst…katulad ko …painitin mo rin ang gabi…..hahahaha
at lalo kang mamahalin ni mister!

[Reply]

reynz Reply:

ibig sabihin walang ukol saken dahil wala pang nagkakamaling matisod sa harap ko?! waaaa!!!!!!!!!

[Reply]

Dinah February 10, 2009 at 1:14 am

he he, i love your stories ate charo!
uy, pero ahas ba yun? break naman na sila nung frend nya bago sila naging nung boylet di ba? parang meant to be naman a.

Dinah´s last blog post..I Love My Car But…

[Reply]

reynz Reply:

hahaha yan ang di ko alam ba’t ahas ang tawag sa kanya nang mga friends nya, baka naman niretoke nya kwento saken! wait naten baka mapadpad uli ang gurl

reynz´s last blog post..One ahas love story

[Reply]

Silver February 10, 2009 at 1:34 am

Roller coaster talaga ang mga love story ni Reyna Elena…:)

Gusto kong gumulong sa katatawa sa mga inserted lines ng lola…ROFL..

Parehas kami ng comment ni Dinah:

Bakit naging ahas yun e hiwalay na pala ang boylet at frend-lalu nya???

*kamot ulo*

[Reply]

reynz Reply:

hahaha ako i think alam ko, di ba bawal sa magkakaibigan ang mag-date nang “ex” hahaha

[Reply]

Silver Reply:

Nge…

Ang mga nagsasabi nun e bitter…hahahhahaha!

kidding!

Of course, konting delicadeza whatever…siguro palipasin muna ang panahaon sabay hop aboard the ship na…hehehhehe

[Reply]

reynz Reply:

naka! sa mga bading, matindi ang rule na yan! alam ko yan dahil sa group namen here in philly, machi-cheezmaks ka once na you dated an ex! eh ako nga leche malalaman mo ang kwento ko sa neks hahaha

reynz´s last blog post..One ahas love story

Silver Reply:

Oo mga mother highness…napansin ko yan sa mga gay friends ko…

Parang bawal kataluin ang kinatalo na ng friend mo…

In other words:

Dont use the things that are already used!

HAHHAHAH….

an2nette February 10, 2009 at 1:50 am

Mahal na ate charing thanks sa pagbisita mo sa blog ko at least kahit papaano may visitor ako from the royal kingdom, wish ko talaga maging mainit din ang gabi ng valentine mo kaya agahan mo ang rampa, tapos na vacation namin, almost 4 months din kami at next week balik na kami sa hitler land at balik lungkot na rin, di bale anjan ka naman na magpapasaya sa aking mga lonely days, very proud talaga ako sa bago mong role, reyna advisora. an2nette

an2nette´s last blog post..Our SM North Edsa Trip

[Reply]

reynz Reply:

naka! akala ko for good na kayo sa Manila dahil nagpapatayo ka na nang palasyo! babalik ka pa rin pala sa Germany?

ewan ko ba ba’t ako naging Ate Charot hahaha

reynz´s last blog post..One ahas love story

[Reply]

chuvaness February 10, 2009 at 2:38 am

DEAR ATE CHAROT!!!!

hahahaha love the stories. Keep them coming!!! kaloka tong si ahas gurl, nakabingwit ng BUTANDING hahaha eh endangered na yang mga yan di ba.

parang gusto ko mag send ng LOVE NOTES hahahha pwede ba kahit hinde happy ang ending??

chuvaness´s last blog post..May Quota Daw Ang Pag Ibig

[Reply]

reynz Reply:

leche an laki siguro nang butanding na yon hehehe – send it in! share mo ang love story mo habang nasa kainitan ang mga puso story hahahaha

reynz´s last blog post..One ahas love story

[Reply]

chuvaness Reply:

love this AHAS and BUTANDING love story!!! HAHAHAHHA. anubah, hinde ako maka move onnnnn

chuvaness´s last blog post..May Quota Daw Ang Pag Ibig

[Reply]

reynz Reply:

sino ba?! leche! gusto ko ring makahuli nang butanding ano?! hahaha!

reynz´s last blog post..One ahas love story

lcm February 10, 2009 at 3:24 am

Happy Valentine’s to you and your readers, basta ang aking peborit song is : love is a many splendored thing,

[Reply]

reynz Reply:

or love is a many splendored butandings hehehe

[Reply]

ahasgurl February 10, 2009 at 3:38 am

mahal na reyna, tumawag aking butanding hehehe siya pala ang nakabasa nang pinadala ko, ni-leche-leche ako sa telepono hehehe nagtanong muna kung sumulat ako saiyo, ang sabi ko – hindi ah! nagtanong, bakit daw alam mo ang butanding? ang sabi ko eh reyna yon eh, maraming alam! hehehe! pero huwag ka kinikilig kamo ang butanding noong nabasa niya – maraming salamat pala at salamat sa pagretoke mo sa kuwento ko – sa mga nagtatanong, basta ang bentang sa akin ay inahas ko daw po ang butanding ko, ang totoo po nito at walang halong gin tonic, mga two years na silang break nung kinalantare ko na siya hahaha

[Reply]

Silver Reply:

Hi ahasgurl…

2 years na pala ang nakakalipas eh…so anong problem nila dun??

Bitter lang sila…HAHHAHAHA…

Kidding!

Natuwa at natawa ako sa story mo…magaling talaga ang mahal na reyna sa story telling,….hehehe…

[Reply]

ahasgurl Reply:

salamat talaga sa reyna kasi anlabo nang kwento ko sa kanya

kagaya na nga noong komento sa itaas bawal sa barkada ang mag date nang ex he he he kaya tinarayan ako na ahas daw ako – ok lang nakamit ko naman ang aking butanding

[Reply]

Silver Reply:

Oo nga napansin ko nga yun..

Pero ang maliwanag naman sa parte mo e naging kayo na after 2 years at may bf na pala ang friend-lalu mo…

Hindi naman siguro masama yun kasi its 2 years na din..

And pag love talaga e love nga… :)

reynz Reply:

aliw ka ahasgurl heheeh baka naman meron ka pang is
story dyan na nambugbug nang babae dahil sa lalaki, share mo na rin hehehe duda ko kasi butangera ka nung high school hahaha

reynz´s last blog post..One ahas love story

[Reply]

adz Reply:

kinalantare talaga ang term?hahahah

wla alng… natawa lang ako ng malakas…

BWAHAHAHHAHA

adz´s last blog post..Talk to My Hand

[Reply]

Reyna Elena Reply:

bakit? kala mo ba mga badingerzie lang ang nanga-ngalantare? hahaha

Reesie February 10, 2009 at 3:55 am

ahasgurl, ikaw ba ang bestfriend ko noong high school? ganito kasi talaga ang nangyari sa akin eh.. the difference is hndi ako nagpapadala ng love letters.. hehe..may anak na din ung bestfriend ko at ex ko ngayon.. pramis..nakakarelate ako..

anyways, hndi ka namn sguro ahas kasi wala na sila noong naging kayo na..

[Reply]

ahasgurl Reply:

reesie, sa bikol ako nag-high school hehehe, nag-usap na kami nang friend ko pero di na kami close masyado, dalawang taon na silang break noon. me bf na nga friend ko noong kinalantare ko na butandeng ko

[Reply]

bluepanjeet February 10, 2009 at 6:27 am

“Irita ang anak ni Galema”

hahaha – anak pala ni zuma.. Ilang taon na yang si ahas queen? mukhang ka edad ni Malen yan ah at may ROTC pa nun haha

ayus ang love letter ng readers mo inang hahaha. Ingat ka baka iakw naman matuklaw haha

bluepanjeet´s last blog post..Galit Ka?

[Reply]

reynz Reply:

kala ko nga si malen to eh, mukhang hindi, ROTC kapanahunan ko rin kamo yan hahaha sa totoo lang noh, sana me tumuklaw na rin saking butanding hahaha

reynz´s last blog post..One ahas love story

[Reply]

bluepanjeet February 10, 2009 at 6:29 am

Binasa ko ulit letter ni ahas gurl haha ang galing ng buhay nya parang pwede isa pelikula. Nice one ahas gurl.

bluepanjeet´s last blog post..Galit Ka?

[Reply]

reynz Reply:

hehehe aliw si ahasgurl, relate ever am sure madami dahil nakakaloka ang high school hahaha

reynz´s last blog post..One ahas love story

[Reply]

Silver February 10, 2009 at 7:20 am

Mahal na reyna,

Pwede ka ng bigyan ng Pulitzer Prize sa magaling mong pag-story telling…hehehe

Panalong panalo ka talaga!

Waging wagi!

[Reply]

reynz Reply:

ano? pu-LECHENG prize?! hahaha! nilagyan ko lang nang mga karatula ang kwento nya hahaha

reynz´s last blog post..One ahas love story

[Reply]

Silver Reply:

Baka marami ng ma-encourage na magpadala ng kanilang true to life stories dahil sa nakaka-aliw mong retelling…hehehhehe

Tinalo mo talaga si Ate Charo at Mel Tiangco…

hahahhahah!

[Reply]

reynz Reply:

ngak! eh eto nga! hahaha! me nagpadala! hehehe! wag ko rin daw ibuko, eto at ini-edit ko pa, leche talaga, diary ba naman ang pinadala nang leche hahahaha

reynz´s last blog post..One ahas love story

Silver Reply:

Wahahah….

Go mahal na reyna!

Hinihintay ko ang mga stories mo! Yeba!

kengkay February 10, 2009 at 9:02 am

ahas tawag sa kanya nung mga taong hindi makapag move on. kasi nga dati dun sa kaibigan nya tapos naging kanya.

hindi nila ma-tanggap na pwedeng maging maligaya ang dalawa ;D

kengkay´s last blog post..itatanong ko sa boss ko

[Reply]

reynz Reply:

ngak hahaha baka me iba sa barkada na kursunada den si butanding kaya ganun hahah

reynz´s last blog post..One ahas love story

[Reply]

Lalaine February 10, 2009 at 10:54 am

Nakakuha ng sariling butanding. Impressive! (Dambuhalang ahas ba ito? :D Peace)

Lalaine´s last blog post..Three years

[Reply]

reynz Reply:

hehehe ibang klaseng butanding siguro un, hehehe

reynz´s last blog post..One ahas love story

[Reply]

Chadchad February 10, 2009 at 12:24 pm

Hello po hindi po ako masugid na tagsubaybay pero bumibisita po ako paminsan
minsan, ang nais ko lang po ay humningi ng picture niyo po na may autograph niyo
po it sounds awkward pero po napili ko po kayong hingan ng picture kasi po it is
part of my 101 things i should do before I die, your one of the 20 persons I
choose over the blogosphere. Hope you will grant my wish.

[Reply]

reynz Reply:

ow? totoo ba to? sabihin mo muna kung sino sino tong 20 persons na to hehee inggetera ang lola kasi hehehe

reynz´s last blog post..One ahas love story

[Reply]

roni Reply:

eeeeeeee, (tili, tili) pakurot, (me dalang sampagita) hahaha!

roni´s last blog post..prends na kami

[Reply]

Reyna Elena Reply:

ngak! hahaha! hellooo! san maimbitahan muna ako sa red carpet hahaha

chuvaness Reply:

BWAHAHAHAHAHAHAHA

artista ka na ‘daaaaay!!!!

chuvaness´s last blog post..May Quota Daw Ang Pag Ibig

[Reply]

reynz Reply:

ano baaa! baka matakot yong nag-iisang fan ko! i have a picture here kelangan ko lang nang address nya hehehe

ikaw? gusto mo nang otographed picture ko???

reynz´s last blog post..Hanggang kelan iiyak ang mga tala? (Part 3)

[Reply]

bebot February 10, 2009 at 1:35 pm

abababababaaaaaa…….talagang sikat na ang tita!….may humihingi na ng autograph…hehehe…..mai-tago nga ang mga picture mo at baka maging millionaire ako balang araw…hehehe..ibibenta ko sa paparaziiiiii…..hahahahha

[Reply]

reynz Reply:

ngak! hahaha! pag sumagot si Chad, malay mo baka ino-okray okray lang ako nang mga yan noh?

reynz´s last blog post..One ahas love story

[Reply]

Jules February 10, 2009 at 1:59 pm

ay ang saya naman basahin ng mga istorya de un amor ng mga letter senders mo! may i read muna ko nung kay annnie tapos ito naman :-) swak na swak para sa balentyms haha

kung tapos na ang relasyon, di ahas yon.. kapag ka-on o karelasyon tapos makikisawsaw, di lang ahas ang tawag dun kundi anaconda’t ulupong

[Reply]

reynz Reply:

jules, eto 3rd letter coming up. hehehe! love story mo ibalandra mo na rin hahaha

[Reply]

bebe February 10, 2009 at 2:32 pm

dear ate charot,
congratulations to your new found career, sana dumami pa ang tagasubaybay ng iyong story telling. wag mo kaming kaming kalimutan pag may tv program ka na. i can’t wait to see the next post…..

[Reply]

reynz Reply:

hak hak hak hihintayin ko ang mga offers bebe hehehe

reynz´s last blog post..The day she learned the meaning of “I need space!” (Part 1)

[Reply]

roni February 10, 2009 at 3:55 pm

reyna charot, hahaha! for sure, marami pang mga readers mo ang magpapadala, I can sense them, hahaha! pede ka na kumuha ng sponsorship, for advertisement dito!

roni´s last blog post..prends na kami

[Reply]

reynz Reply:

nag-dilang angel ka ba?! me nakalinya! dalwa pa hahaha

[Reply]

adz February 10, 2009 at 5:08 pm

ano nang nangyayari dito? tuloy2 na ba ang pagiging love blog nito? or dahil valentines na kaya ganito ang mga entries?

pero natawa ako…heheheh

tanong lang…. sure ka bang babae si ahas gurl? or girl siya na may ahas?hahahah joke lang po…..

nice story here… nakakatawa na cute….

Keep them coming… :)

adz´s last blog post..Talk to My Hand

[Reply]

reynz Reply:

hindi ko alam kung ba’t naging LOVE BLOG ang bahay ko! hahaha! ang lensyak kasi na Bebot! nag-drama sa asawa nya hahha

si AhasGurl eh talagang tunay daw na GIRL na nakadakip nang butanding hahaha laban ka? hahaha!

reynz´s last blog post..The day she learned the meaning of “I need space!” (Part 1)

[Reply]

migs February 10, 2009 at 5:48 pm

Cool…. ok ang pagka edit ng story nakz…. sorry ngayon lang nakadaan dahil busy. I have my lunch noon binabasa ko ang story mo at muntik na akong mabilaokan. hahahaha. Pareng Bebot ok to ah nakakaalis ng stress….

Congratulations………………………

[Reply]

reynz Reply:

thank you for dropping by migs! kaibigan ka ba ni Bebot?

reynz´s last blog post..The day she learned the meaning of “I need space!” (Part 1)

[Reply]

migs Reply:

Reynz,

Yup he’s my friend and kumpare ko sya dahil anak ko ng binyag yung panganay nya….

[Reply]

bebot February 10, 2009 at 7:21 pm

oo pinsan, iyan ang pinakamamahal kung pare..ay ano ba yan? hehehehe..isa sa pinakamabait na ninong ni alysa (bukod sa iyo syempre….hehehe …sisipsip na ko ngayun…at baka makalimutan mo ako pag tuluyan ka ng naging sikat!) may-ari ng banko sa toronto!

[Reply]

reynz Reply:

ow? naka-inuman ko na ba yan? hahaha! eh nasaan na nga si john! ano ba! hahaha!

reynz´s last blog post..The day she learned the meaning of “I need space!” (Part 1)

[Reply]

reynz February 10, 2009 at 7:40 pm

UPDATE: email ni ahasgurl:

sa mga reders dito, butanding ang tawag ko sa mahal ko kasi hindi naman mataba pero medyo chubby lang nang konti na po sya ngayon hehehe

tita reynz charot, swerte ka sa buhay ko hihihi idinate ako nang mahal kong butanding at buong gabi ikaw ang pinaguusapan namen ang sulat ko sa iyo at nauwi sa sumting-sumting (pahiram nang linya mo) at pag nabuo to gusto ko lalaki at panga-ngalanan kong “rainier” hihihie hapi valentines hihihi tulog na uli ako me pasok pa bukas

reynz´s last blog post..The day she learned the meaning of “I need space!” (Part 1)

[Reply]

nina February 11, 2009 at 12:02 pm

break naman na noh nung naging sila. So what. Hindi sya tunay na best friend. Hay. kilig ako.

Grabe…tita reyz charot, may premyo ang best love story. kaloka. eto na ang bagong task mo. pero mas bagay ata ang dear friend kaya lang kasi sa dear friend 2 sila – si jolens at si marvin. kunwari kaw si jolens tapos hanap ka na lang ng parang marvin – one of your ex siguro kasi di ba mag ex si jolens at marvin.

nina´s last blog post..More Cravings…

[Reply]

reynz Reply:

haha di ko kilala yang si jolens at marvin hahaha ginogul ko pa napunta ako nang youtube at jolina ang nakita ko hahaha

reynz´s last blog post..Hanggang kelan iiyak ang mga tala? (Part 3)

[Reply]

nina Reply:

si jolens, si jolina nga – si jolina magdangal…..sila marvin agustin ang host ng Dear Friend. Mga love stories ng sumusulat sa kanila. In fairness, sa laptop nila binabasa ang sulat meaning through e-mail. Hindi kagaya ni Charo na ewan ko ba hanggang ngayon snail mail ata ang mga nagpapadala doon, binabasa pa rin nya eh papel. May isa pang show sa channel 7, Ka-Blag. May mga ganyan din tungkol sa love life. Doon naman parang ginagawa nila yong wish ko lang. May sulat din pero iba-iba may love story, may family ekek, studies kaya mas swak talaga ng Dear Friend.

nina´s last blog post..More Cravings…

[Reply]

reynz Reply:

nakita ko na hehehe wala na pala akong originality kung ganun hahaha

reynz´s last blog post..Hanggang kelan iiyak ang mga tala? (Part 3)

itchyfeet February 11, 2009 at 1:53 pm

match pala ang ahas at butanding!hehehe. ma-try nga! hehehe

[Reply]

reynz Reply:

hahahaha di ko kamo ma-imagine ang ahas at butanding hahaha

reynz´s last blog post..Hanggang kelan iiyak ang mga tala? (Part 3)

[Reply]

AbbyGurL February 11, 2009 at 5:21 pm

Nakakalurkey mga singit lines ni Reynz wahahaha. Dun ako natatawa e. :)

As for the story, di naman yun ahas. Nagkataon lang na sila ang mas pinag ukol ng tadhana. Yun yon. :)

[Reply]

reynz Reply:

sa mga bading ahas ang definition noon hahaha ganun katindi hahaha

reynz´s last blog post..Hanggang kelan iiyak ang mga tala? (Part 3)

[Reply]

AbbyGurL Reply:

Ahahaha. Gay werld naman pala ang tema. :)

[Reply]

lee March 26, 2009 at 9:25 am

hahaha ako kasi walang kalatoy latoy at walang kabuhaybuhay ang akong lab stori at boring i share kaya kahit ako ayoko ng maalala pa hahahah

lee´s last blog post..What we exactly dream of ?

[Reply]

Leave a Comment

Previous post:

Next post: