The day she learned the meaning of “I need space!” (Part 1)

by reynz on February 10, 2009

Part 1 of 3

Napako na ko sa Dear Ate Charo!

Magandang araw nang muli mga kunichiwa! Walang katapusang Dear Ate Charo na to. Heto me natanggap uling sulat ang lola nyo. Matindi ang sang to. Tatlong chapters ba naman ang pinadala! Heto ang unang chapter: The day she learned the meaning of “I need space!”:

Dear Ate Charot,

Naantig ang damdamin ko sa mga beautiful love stories na padala nang mga readers mo.
Sana magustuhan ninyo ang love story ko at gaya ni ahasgurl, pauunahan na kita,
Don’t make tulog, dahil tatlong Chapters to
Isa, dalawa at tatlong mapait na love story ang karanasan ko
Eto, share ko sainyo

~*hikbi*~

Gagong genius

Hindi ako ang tipong tumitingin sa panlabas na anyo
Tall, dark, handsome at genius lang naman ang gago.

“tall, dark and very very dark???” (reynz)

Ipabarangay nyo man ako, type ko talaga mga lalakeng matalino
Kahit hindi sya masyadong gwapo, maganda naman ako
Kung Marian Rivera si AhasGurl, wez, Melanie Marquez naman ako!
At sa GDP calculation in finance, swak sa equation na magiging maganda mga anak namen.
Pero por dyos por santu, pano ko kaya mapapaibig at maging syota to?!

Me great wall of china sila

Pero, langit at lupa ang pagitan namin ng aking pers lab.
Langit ako.
Hampas lupa sya.

“Very confident! Hahaha!” (reynz)

Business plan

Nag-hatch sa isipan ko mga ilang golden business plan.
Kung ano-anong ginawa kong kalechehang calculations
Mapansin lang ako nang genius na to, ganun naman tayo, di ba?

“Leche! Ikaw lang uy!” (reynz)

Dinaan sa bolpen

Tuwing midterm, lagi akong may reding extra ballpen
Pati na yellow paper, reserve lang sa lalaking feel kong gwaping
Pag uwian, patay malisya – kunwari coincidence lang – ang aming pagkakasabay
kahit kamo Linggo, umulan man, bumagyo hanggang signal number 2 lang
kapag ROTC eh nakaabang na ako
Ang totoo nito – saulado ko kamo, lahat ng schedule nang loko

Dramatista at ka-aarte den ng mga lalaki

Mortal na kaaway ko lahat ng girls na may crush sa kanya.
Lahat yan, pinagtotoning ko’t pinagsisindihan nang kandila
Pero ba’t ganun ang gagong to? Frigid ata tong nililigawan ko
Eh kulang na nga lang mag somersault ako sa harap nya noh?
Bakla kaya to? Deadmaru kasi sa kanya ang beauty ko!
O ganito talaga drama nang mga lalaki???

“Hello! Eh ako nga kundi ko pa bilhan nang pridyidir di pa ako pansinin! hmpt!” (reynz)

Nag-sara ang bookstore!

Sa galit, bwisit at inis ko, ini-stylean ko nga,
hinde ko pinansin ang loko ng isang linggo.
No extra bolpen at yellow paper. Gusto ko nang batuhin nang mongol pencil
Hello! Mag-dyip kang mag-isa mo! An layo kamo nang National Bookstore!

Golden rule works

~kilig~
nakita kong mukhang nagalit pero golden rule
deadmaru from him, equals deadmaru from me
nahuli ko sya ilang beses, nagtatanong sa alapaap
ang puso ko naman, nag-uumapaw sa galak
why? akalain mo, swak ang mga calculations ko?.LOL

Love that feeling!

‘dayyyy lumapet!!! di nakatiis, an saraaaaaap nang feeling daaaayyyy!!!
pero todo arte pa rin ako, na feeling ko deadmaru na sya
nag-aya kumain, sinagpang ko agad!
haller! alangan namang palagpasin ko to noh?

High heavens

See?! nagbunga lahat ng kagagahan ko!!!
wala akong relasyon sa Alabang Boys, pero walang halong talcum powder
I’m high in heavens talaga
kilig ako hihihi dahil???
Naging mag ON kami! Weeeeee!

Pers kiss

Lumagpas ako sa stratosphere nung aking maranasan
ang tamis ng pers kiss na binigay nang pers lab kong kasintahan
in my mind Ate Charot, he’s my pers lab and he will be my last.
Picket fences na ang utak ko! Sure ako my love will never rust!

Gusto nang lalaki maging astronaut

Kaya shock ako one umaga. Meron syang drama.
I need space!
Gulat ko!!! Alam mo yon?! Gusto daw nya ng pakingshet space!
para makapag concentrate on his studies
at maging proud ang pay-rents. Valid naman ang reason diba?

“Gaga! Natuklaw ka na kaya lilipat na nang ibang rosas! Hahaha!” (reynz)

Banal ang loca

Napunit ang puso ko. ~hikbi~
Umiyak ang damdami ko
Nanikip hininga ko.
Gusto ko nang magsumbong pati na ki Ka Tulfo
Pero pinilit nang lola mong umasta
na parang Mother Teresa:

“those dreams of yours, are shining on distant shores, and if they’re calling you away…I have no right to make you stay.”

yun ang bigkas nang puso ko sa kanya.

The eagle has landed…

dumaan ang so many days
isang linggo pa lang kaming break..
Amputa~!@#$%^&!
Ayun!
Makita kita ko!
eh may kinakalantare na ang gago
sa kabilang section!
Waaaa!
AhasGurl! Ikaw ba yon?!

reynaelena_signature
Follow this story here:

Related Posts with Thumbnails

Reyna Elena Dot Com is Powered By Thesis

Thesis Theme

With Thesis, you need not worry about your in-site SEO. All you have to do is "just add killer content". From beginners, to the most advanced WordPress developers, Thesis makes it easy for anyone to customize it.

{ 2 trackbacks }

Sanggol ang naging jowa ko! (Part 2) : reyna elena dot com
February 11, 2009 at 12:21 am
Hanggang kelan iiyak ang mga tala? (Part 3) : reyna elena dot com
February 11, 2009 at 12:25 am

{ 11 comments… read them below or add one }

Snow February 10, 2009 at 6:58 pm

hello reynz…huwaw love expert ka na pala…hehehe…puede ka ng magka-show ng magpakailaman or maalala mo kaya….hehehehe…

hmmm, maabangan nga itong mga istorya na mga susunod dito. :)

[Reply]

reynz Reply:

hak hak hak! mga padalang sulat lang to Snow hehehe!

reynz´s last blog post..The day she learned the meaning of “I need space!” (Part 1)

[Reply]

bebot February 10, 2009 at 7:11 pm

waaaaa…..bitiiiiiinnnnn…hehehehe panalo na naman to!…hindi na ako mapalagay sa susunod na kabanata…hahahahaha

[Reply]

reynz Reply:

matagal pa to noh? part 1 pa lang, meron pang dalawang chapters na pinadala ang gurl hahaha – at alam ko na rin ang ibig sabihin nang mga lalaking nagsasabing “i need space” hahaha lecheng space na yan oo!

reynz´s last blog post..The day she learned the meaning of “I need space!” (Part 1)

[Reply]

bebe Reply:

i need space….litanya ng lalaking ayaw na sa yo….nag-iimbento ng kung anu-anong drama, pero ang totoo…..nakakita na sya ng ipapalit sa yo. korek ba ate reynz?

[Reply]

reynz Reply:

faflanggggg gurl hahaha! kunyari lang na “let’s cool off muna” kwidaw ka me mga nakalinya na hahaha

reynz´s last blog post..The day she learned the meaning of “I need space!” (Part 1)

bebe February 10, 2009 at 7:29 pm

“i need space”….ganyan ang linya ng boylet ko noon sa ex nya hahaha teka baka ako yung bagong gurl. kung ako nga yon, don’t wori, nakaganti ka na….’coz i dumped him long time ago na.

welcome to ‘lovenotes and lovelines’ by madam reynz (di ka lang si ate charot, si
joe d’mango ka pa)

[Reply]

reynz Reply:

linya nang boylet mo sa “EX” nya?

teka lito ako hahaha, akala ko ikaw ang nabiktima nang “i need space”?

reynz´s last blog post..The day she learned the meaning of “I need space!” (Part 1)

[Reply]

bebe Reply:

hinde no! yan ang drama ng boylet ko (na ex ko na din ngayon) dun sa gurlpren nya noon, that was before naging kami (magulo ba?)hehehe.

oy, hindi ko sya inahas dahil una syang naging akin (lalo pang gumulo ang kwento). kung paano naging akin syang una eh isang mahabang nobela. gusto mo ng 10 chapters? wehehe

[Reply]

reynz Reply:

leche ang gulo nang love story mo! pero at least it helps kung malaman mo ang history nang lover mo noh? kasi typically kung ano ang ginawa sa una, ganun den normally ang gagawin sa pangalawa at mga susunod pa di ba?

at pag pinadala mo yang 10 chapters na yan, maniningil na talaga ako hahahaha

reynz´s last blog post..The day she learned the meaning of “I need space!” (Part 1)

chuvaness February 10, 2009 at 9:06 pm

“gusto ng lalaking maging astronaut”

HAHAHAHHAHAHAHA

chuvaness´s last blog post..May Quota Daw Ang Pag Ibig

[Reply]

reynz Reply:

ibig sigurong sabihin nasasakal hahaha sinasakal or kasakalsakal hahaha it sounds more like he is one askal hahaha

reynz´s last blog post..Hanggang kelan iiyak ang mga tala? (Part 3)

[Reply]

fatherlyours February 10, 2009 at 10:05 pm

Ganda ng Love story. Kaka in love. Okay na ang format mo renz, huwag lang maging xerex ha. Favorite ko rin yun nung araw after tiktik. hehehe

fatherlyours´s last blog post..Pinoy Toilet Habit Cause Job

[Reply]

reynz Reply:

hahaha hindi ko alam ang xerex hahaha baka andito na ako sa amerika kaya di ko na inabot yan hehehe

reynz´s last blog post..Hanggang kelan iiyak ang mga tala? (Part 3)

[Reply]

roni Reply:

si xerex, yung writer na merong linyang, ‘hiyas at perlas, rurok ng alapaap at sukdulang walang kasing tamis!

roni´s last blog post..prends na kami

[Reply]

Silver February 11, 2009 at 12:28 am

PANALONG PANALO!

hahahhahaha….

I assume by now, after reading all the love stories sa “Dear Ate Charot” series ng ating mahal na reyna, binobomba na siya ng love letters mula sa kanyang masusugid na readers!

Hahahahha!

I cant wait for Part 2 and Part 3! Yay!

[Reply]

reynz Reply:

o baka naman gusto mo nang ibalandra dyan ang mga sama nang loob mo hahaha ilabas mo na para maokray okray na sya hahaha

reynz´s last blog post..Hanggang kelan iiyak ang mga tala? (Part 3)

[Reply]

Silver Reply:

Whahahahah…

Sing komplikado ng particle accelerator ang aking buhay mother highness…

Magulo pa sa dreadlocks ang mga sitwasyon ko sa buhay…

Hehehehe… :D

[Reply]

Ate Charot Fan February 11, 2009 at 4:53 am

Dear Ate Charot,

Ang harot-harot ng entry, kasing harot mo hahaha. Thank you for featuring my love stories Reynz.

totoo palang pers lab never dies…kase mahal na mahal ko ang pers lab ko pramis hihihi

[Reply]

reynz Reply:

honestly Ate Charot Fan,

i read the entire chapters listening to the music, leche, maluha luha ako hahaha
of kors, pers lab never dies
im fak, sya na mismo ang magiging standard mo
ganun
kaya nga every man i meet
hanap ko parati ang qualities nung pers lab ko sa kanya

pramis
i love this music playing hahaha

reynz´s last blog post..Hanggang kelan iiyak ang mga tala? (Part 3)

[Reply]

ahasgurl February 11, 2009 at 5:21 am

nakakatuwa ang story mo fantasygurl! sorry po hindi ako yun hahaha pero wish ko makahanap ka na rin nang sarili mong butanding hehehe

[Reply]

Ate Charot Fan Reply:

Hi ahasgurl, tuwang tuwa ako sa butanding mo hahahah

sana nga eh makapulot din ako ng butanding LOL

[Reply]

reynz Reply:

ahasgurl,

enjoy ang love story mo talaga hahaah salamat sa pag-share hehehe

reynz´s last blog post..Hanggang kelan iiyak ang mga tala? (Part 3)

[Reply]

Dinah February 11, 2009 at 8:52 am

part 1 pa lang, ibang level na kagagahan ng lola mo! inlababo kung inlababo!

Dinah´s last blog post..Valentine’s Day Is For Fathers Too

[Reply]

reynz Reply:

todo bigay kasi ang gurl kaya nasaktan nang todo tsk tsk tsk

[Reply]

nina February 11, 2009 at 11:21 am

hahahhahahahhahahha. isa lang masaasabi ko, day. Kalimutan mo na – wala syang interes. tinikman ka lang….hahahahhahaha

nina´s last blog post..More Cravings…

[Reply]

reynz Reply:

tinikman hahahaha ano yan parang sandwich spread hahaha

[Reply]

nina Reply:

ano, tinikman ang gatas nya sa labi hahahahahahah

nina´s last blog post..More Cravings…

[Reply]

reynz Reply:

hahaha baka lasang chinese milk kaya iniwan nung bata? hahaahha

reynz´s last blog post..Hanggang kelan iiyak ang mga tala? (Part 3)

Silver Reply:

Hehehe…

may melamine chorva?

hahhaha

AbbyGurL February 11, 2009 at 5:53 pm

Wapak. :)
I think sya yung best friend ni Ahas Gurl wakokoko. XD

Sana nung sinabi nyang gusto nya ng space eh sinampal mo ng bonggang bongga. XD

[Reply]

reynz Reply:

hahaha baka nga eto ang other half nang story ni ahasgurl hahaha

reynz´s last blog post..Hanggang kelan iiyak ang mga tala? (Part 3)

[Reply]

Leave a Comment

Previous post:

Next post: