Tanging si Annie ang tuksong kinagat nya

by reynz on February 9, 2009

Ewan ko, ba’t ako naging Dear Ate Charo

Magandang umaga senyo mga alipin sa mundo! Wala akong alam kung ba’t ako eh naging “Dear Ate Charo“. Pero pani-nindigan ko na rin to! At habang kayo eh namamahinga sa pag-lalampaso nang mukha nang mga bisor nyo, na iniisip nang sibakin kayo sa trabaho, meron po tayong sulat galing sa isang masungit masugid na tiga subaybay nang reyna elena. Bwan nang mga puso ngayon, at nais lang ipahiwatig nang ating pagka-sungit-sungit sugid-sugid na reader ang kanyang taos pitakang pagmamahal sa kanyang asawa. Hiling nya sa Valentine’s Day, nawa’y madagdagan ni Misis ang allowance nyang pagkanipis-nipis.

Dear Tita Reyna,

“Alam kung na-andiyan ka sa nag ye-yelo mong palasyo, at hindi makalabas makarampa dahil sa sobrang lamig…. at dahil malapit na ang Valentines Day, gusto kung i-alay ang aking magandang kwento ng pag-ibig sa aking mahal na kabiyak ng puso, at ina ng aking mga anak. Isa syang masugid na taga subay-bay ng iyung sikat na sikat na Reyna Elena dot com…… hehehe….”

here goes my story…

Donya Buding

Si Ate Pat, na kung tawagin ng iba ay Donya Buding ay maraming naubos na calling card sa pag-tawag sa isa ko pang Dear sister na si Ate Veron. Oo, minsan, sinanla nya bahay nila para lang makabili nang calling cards. Inuutangan ka kasi reyna, tinakbuhan mo. Ayuff ka talaga. Nag simula ang pag karamdam ko ng pangungulila at pag-iisa ng mamatay ang minamahal kong ina…. naalala kong sumulat kay Ate Pat na nasa Canada. Nagpaturo kung pano maglaba at mamalantsa. Nangumusta at kung meron sana bigyan nya ako ng magiging kaibigan sa panulat…. Kaibigan na marunong maglaba, mag-luto at mamalantsa.

“Leche! Katulong pala ang hinahanap nito! Hahaha!”

Pst! Me sumulat na seyo!

Dumaan ang ilang buwan, heto at tumawag na kay Ate Veron, sulatan ko raw itong dilag na ito…. nasa Manila ako nuon at nag tatrabaho at si Ate Veron ay nasa Bicol… nagkataong busy ako sa trabaho… madalas ko kasing ingud-ngud muka ko sa desk ko. so, ignore ko ang message ni Ate Veron… ang hindi ko alam, ito palang si Ate Pat ay kinukulit ang dalagang aking magiging kasulatan, laging tinatawagan umaga at gabi kung sumulat na ang kanyang kapatid, laging sagot naman ng dalaga ay “wala”…. hehehe

Di marunong manligaw

Ang totoo nito, ni hindi ako marunong kung papano ko sisimulan… Isang araw galit na si Ate Pat.. “leche ka! sulatan mo na ito, baka makakawala pa! mag bi-birthday sya sa Nov. batiin mo!”…… so ganun ang ginawa ko. Nagpadala ako ng birthday card sa kanya, very simple merong bear na may hawak na balloon… hehehehe… cute at parang pang bata…

Ginamet si co-worker to write a love letter

Lumipas ang dalawang linggo, laking gulat ko sumagot sya sa akin! Wow! Ngayun lagot pasubo na ako…. mabait sya iyun agad ang first impression ko sa sulat nya. So….sinagot ko agad ang kanyang sulat…hehehe nag pagawa ako ng sulat sa aking co-worker (type written pa!), introduction… dahil iyun ang mga tanong nya… very curious sya… konti lang ang sagot ko dahil kakahiya naman sa co-worker ko ano? Basta nasagot ko lang ang iba nyang tanong….

Q&A (Isang tanong: Isang sagot) pala ang ligawan nila

After a month heto naulit ang sagot nya… madami syang tanong, madaming kwento… tungkol sa buhay nya at kung anu-ano pa… again sinagot ko ulit iyung mga tanong nya …. sabi ko liason messenger ako….hehehe (iyun pala dakilang janitor messenger). Magaling ulit ang presentation ko, nilagyan kong pulbos ang papel para mabango at may picture na rose ang stationary…. at type written pa rin….

Love letters naging thesis sa haba

Because the mail takes 2 weeks galing ng Pinas, at 2 weeks galing ng Canada…. every month ang interval ng sulat namin… hanggang sa humaba na ng humaba ang sulatan namin….sya 3 pages (harap at likod) ako nakakabuo na ng 2pages… hehehe… at this time enjoy na ako… parang nag-karoon ako ng buhay… pero syempre hindi ko lahat ipinag-tatapat ang lahat-lahat sa buhay ko…

Niligawan ang tatay

Makalipas ang 6 months….tanong sya kung may telepono ako…. bigay naman ako ng telepono ng aking tinitirhan at ibinigay nya ang telepono ng kanyang pamilya sa Pinas…. duon nag simula ang pag-tawag ko sa mga kapatid nya… naging kaibigan ko ang buo nyang pamilya. Una kung nakita ang pamilya nya nung birthday ng kapatid nya…. well, that was Aug., naging mabait ako sa kanila laking pakisama talaga ang ginawa ko…. lalo na sa kanyang Ama…. maganda naman ang naging resulta, recommended ako…..

Mag M.U. na sila

heto na….naging mag-on na kami after my visit to her family……. dumalas ang pag-tawag nya sa akin, usually alanganing oras sa gabi at madaling araw…. hinuhuli ako kung ano ang ginagawa ko…. well… nag kakataon, hindi nya ako mahuli… hehehehe Kilala mo ako mahal na reyna, ako eh talagang very attractive meztiso. Maraming tukso sa paligid ko, pero di ko kinakagat dahil ang puso ko eh naka-reserve na ki Annie.

Sagot sa “Will u meri me” – “Ah, ok!”

Heto na, nagyaya akong mag-pakasal kung uuwi sya…. aba nagulat ako ng sabihin nya sa akin na O.K!…. nginig ang tuhod ko… naku! Pano ba yan? Napasubo na naman ako…. para maniwala sya na serious ako… namanhikan ako sa kanila, kasama ko ang uragon kong kuya Sonny…. hehehehe… lakas ng loob ko no? (baka makakawala at mag bago ang-isip kaya ina-pura ko!)

Walang lagnat nung nag-propose

Aba!!!! madali palang kausapin…. napasubo na talaga ako! Habang nasa kanilang bahay tumawag sya, kina-usap ako ng ama nya kung serious ako at walang lagnat (hehehehe)… set ang kasal…. December, uuwi sya at mag-papakasal kami…. naging busy ako sapag ayos ng aming lisensya, simbahan, venue ng handaan, imprenta ng imbitasyon, listahan ng mga abay….. etc….. hay naku! Akala ko biruan lang ang napasukan ko…..

“Her instructions” Under de saya agad sya

Through her instructions, iyun ang mga sinunod namin…. And wheewww would you believe Tita Reyna, naka-lagpas ako sa pag subok na ito? Hindi pa rin ako maka-paniwala na may nabingwit ako at ikakasal na!….. December na!!!!………nag-sisimula na akong manginig sa nerbiyos…..(wala akong pera, saan ako kukuha ng pang gastos?)

Wa eat, wa sleep. Pers lab?! Nah. Wala lang pera.

Naku talagang nag hagilap ako ng mahihiraman…. meron namang nangako…. huh, pangako lang iyun! Heto lagging tumatawag si Mahal…. “kumusta na?” dalawang linggo na lang darating na sya…. isip ako, hindi na ako makatulog, hindi pa makakain….dumadami na ang gitla sa nuo ko!!!! Saan ako kukuha ng pera?????

Mukhang isnabera

Heto na ang araw ng pagdating nya… susundo ang pamilya nya may dalang sasakyan… ako duon nalang kami mag-kita-kits… ilang oras ang dumaan… lumapag na ang eroplano…. naku!!! nangi-nginig na ako… mag-papakita ba ako?… huh… bahala na!….. ni-review ko miriam dictionary baka inglisin ako – nakita ko ang pamilya nya tumabi na ako sa kanila. “Heto na, heto na si Ate” sigaw nila… wow, wow, wow…. heto na ang aking magiging missis!!!……..naku! Mukhang isnabera! Hahahahahaha….

Lasing sa excitement

hindi ko alam kung papano lumipas ang araw na iyun… ang alam ko nalasing ako…. umuwi… masakit ang ulo kinabukasan, may trabaho……. after my work… tawag ako sa mahal ko… “yung appointment natin sa simbahan bukas ha?”…

Mukhang tao na sya

Hindi ako makatulog excited ako, mag kikita ulit kami at sigurado na dahil sa simbahan meron kaming pipirmahan…. nag pa-pogi na ako…. ahit ng bigote na mukhang Max Alvarado, naligo, at nag bihis ng grovy….. wowaweeee… pogi na si ako….hehehe… Kaya, laking gulat nila ng makita nilang malinis ang mukha ko at ako eh nag-mukhang tao!!!! Hehehe pati siguro si mahal na in-love ng tuluyan.. after ng simbahan… hirit si mahal… o di ba ang pangako mo sa akin mag babakasyon ka ng ilang araw at mag -i-spend ka ng time sa akin, at i-di-date mo ako?….. hehehehe… ayos…..

10 years na silang nagba-bahay-bahayan

Well, mahaba na pala ang aking sulat… to make it shorter… ikinasal kami at mag te-ten years na kami sa December 28, 2009… nakarating ako ng Canada at nag karoon ng 3 magagandang anak…. madalas din kaming mag kita ni Ate Pat… sa pagdaan ng panahon, lalong tumitibay ang aming pag-mamahalan at pag-sasama.Naging mabuting may bahay si missis, huminto ng trabaho at nag-alaga na lang amin…. hinihintay lumaki ang mga bata para maging full time sa school, at sya’y back to work (kung merong work…hehehe) ulit….

Mini-memorize nila ang mga entry nang reyna

Pinag-pupuyatan naming basahin ang mga entry mo Tita Reyna (dahil late na akong umu-uwi at double job ako), sabay kaming tumatawa sa mga naka-katuwa mong mga entry.

Produkto nang kanilang pagmamahalan

Salamat Tita Reyna sa iyung matiyagang pag-basa ng aking sulat…..gusto ko lang ihatid mo ang aking walang patid na pag-mamahal sa aking one and only!!!! Annie ang pangalan nya…. at eto ang aming mga produkto.

From bebot to annie batungbakal

Happy Valentines Mahal!!!! Kasabay nito ang aking matunog na halik… tsup!

reynaelena_signature

Ang sabi nang reyna

O, Annie! unang-una, an laki-laki nang pasasalamat nang angkan namen na nahuli mo at di mo na pinakawalan si Bebot. Gurl, you have no idea hahahaha! Alam mo bang new year’s celebration kami nung kinasal kayo? Charing! Hahaha! Sorry nga pala ha? No return, no exchange at no refunds. Sarado na rin ang Complaint Center. Hehehe! I wish you both so many more 10 years ahead of you! Hahaha!

Related Posts with Thumbnails

Reyna Elena Dot Com is Powered By Thesis

Thesis Theme

With Thesis, you need not worry about your in-site SEO. All you have to do is "just add killer content". From beginners, to the most advanced WordPress developers, Thesis makes it easy for anyone to customize it.

{ 22 comments… read them below or add one }

vhonne February 9, 2009 at 12:50 am

ahaha… ayos ung kwento ah.. naaliw ako dun sa mga inserted lines nio.. ahaha….

vhonne´s last blog post..FerPect!

[Reply]

reynz Reply:

hahahaha glad you enjoyed this one hehehe kasisingit ko lang nang music hehehe

reynz´s last blog post..Tanging si Annie ang tuksong kinagat nya

[Reply]

chuvaness February 9, 2009 at 1:33 am

ang shweeet ni kuya bebot (naki-kuya hahaha)!!!! ang kyut ng mga junakees. and to annie, you are such a lucky woman to have such a shweet hubby. all the best to yah and yer pamily.

pwede palang VALENTINE BOOTH ang blog mo ‘daaay! HAHAHAH

ako din, may message to ex hahaha send ko sayo ha, paki post dito. uy, pwedeng pandagdag kabuhayan yan, VELANTINE SERVICES. LOL

chuvaness´s last blog post..May Quota Daw Ang Pag Ibig

[Reply]

reynz Reply:

ay sia! ipadala yan at ma-okray okray na iha! hahaha! am sure mas exciting ang love story mo, action film na horror ata yan hahaha

reynz´s last blog post..Tanging si Annie ang tuksong kinagat nya

[Reply]

mtoni February 9, 2009 at 3:13 am

naunahan ako ni ate malen sa sasabihin pero di bale..
inang di ka ba naiinggit sa mga kyut angels nila?

[Reply]

reynz Reply:

wala eh, mahirap ang buhay sa barrio siete, sa kaka-igib ko nang tubig, nahulog ang obaryo ko sa kalye. eto di na ako magka-anak.

[Reply]

annie February 9, 2009 at 4:22 am

thank you Mahal na Reyna sa iyong pag-po-post nitong sulat ng aking malambing,mapag-mahal at masipag(gumawa) hehehe….na esposo…kaya naniniwala ako na kung para sa iyo at ukol ay talagang bubukol….ang pag-ibig ay kusang dumarating…….at dumarating sa hindi mo ina-asahang pag-kakataon….and to everybody na nag sasabing cute ang aming makukulit……thank you very much……. and to everybody…HAPPY VALENTINES DAY!!!!!

[Reply]

reynz Reply:

walang anuman annie. alam mo naman kung ano ang bayad nito. palitan nyo ang binigay nyong si John na naglahong bigla. hindi maaaring walang lalaking kabayaran to hehehe

reynz´s last blog post..Tanging si Annie ang tuksong kinagat nya

[Reply]

bebe Reply:

hi annie, ang ku-kyut naman ng inyong mga “labor of love” baka madagdagan pa!!!

[Reply]

reynz Reply:

naka bebe! tiga Toronto ka pala! hahaha!, andyan lang ang mga yan sa Toronto pati pala bespren kong dating PMA’er eh andyan sa Toronto hehehe

reynz´s last blog post..Tanging si Annie ang tuksong kinagat nya

[Reply]

bebe Reply:

nahihilo ka na siguro sa location ko hehe minsan taga europe, minsan taga boston (depende kung anong server ang down hehe) toronto po ako talaga pero i work in missisauga kaya pag dinalaw mo yung bespren mo dito magparamdam ka naman.

Reyna Elena Reply:

i sure do! basta ang alam ko nasa Toronto area ka hahaha
yeap, napupunta kami dyan sa Mississauga haha

sen February 9, 2009 at 7:04 am

Kakainis, pangatlong try na to. Palaging error padala sa website mo. Hehehehe.. Uy talagang masuwerte pinsan natin Bebot kay Annie. si Annie kaya maswerte din talaga? Kung sabagay maganda halo nila. Maganda daughter and sons nila. At totoong masipag at marunong magtrabaho yan, malambing at mabiro pa.

Anyway Happy Valentine! Sana may mabingwit ka na Valentin ahh sa February 14. Enjoy d day! Malamig sobra dyan. Kelangan Uminom! Miss u insan.

[Reply]

reynz Reply:

nakaaaa! ang ate salve! pumasok na hahaha! welcome sa palasyo nang isang pantasyadorang reyna hahaha best regards to al the beautiful people of L.A. (Legazpi Albay!) hahaha

lahat nang nabi-bingwit ko leche nabibingwit den nang iba! hmpt! yong isa kong nabingwit andyan umuwi na sa Legazpi grrr! uuwi ako’t hahanapin ko yon hehehe

reynz´s last blog post..Tanging si Annie ang tuksong kinagat nya

[Reply]

reynz Reply:

nga pala, tama ka…

si bebot? para syang nanalo sa lotto.

si annie? wala naman kaming reklamong natanggap kasi puro delete ang complaints nya. hehehehe

reynz´s last blog post..Tanging si Annie ang tuksong kinagat nya

[Reply]

an2nette February 9, 2009 at 11:30 am

Dear mahal na reyna, sumulat ako para sabihing enjoy ako sa sa mga post mo, aliw ka talaga, cute ng love story nila at ng mga bunga ng kanilang pagmamahalan, naway ikaw naman ang makatagpo ng isang tunay na magmamahal sa iyo, sisterly yours, an2nette

an2nette´s last blog post..Our SM North Edsa Trip

[Reply]

reynz Reply:

hello an2nette!

glad to hear naman na you enjoy all the kalukringan here! hahaha! saw your husbandry with his lecture sa school! good to hear you’re doing great sa pinas gurl!!! at sana magkatotoo sinabi mo hehehe nang mga tatlo at marami pang beses hehehe

reynz´s last blog post..Tanging si Annie ang tuksong kinagat nya

[Reply]

Colegialagirl February 9, 2009 at 12:02 pm

Hehehe kulang na lang maisadula ang mga kuwentong ito at may pakontest kung ano ang title ng bawat episode. At sino nga ba ang hindi maaliw kay mahal na Reyna. Baka mainsecure pa dito si ate charo ha, hehehe.

Colegialagirl´s last blog post..Sonata No. 5 in C Minor, Opus 10 (Gabi ng Pamamaalam)

[Reply]

reynz Reply:

hak hak hak kelangan ko ba talagang palitan si dear ate charo? hahaha! baka mag-rebelde ang mga advertisers hahaha

reynz´s last blog post..Tanging si Annie ang tuksong kinagat nya

[Reply]

Fatherlyours February 9, 2009 at 1:30 pm

Kahit mahaba ang istorya natapos ko rin. Ganda ng love story. Ganda ng mga kids. Wala bang premyo yung sumulat. hehehe

Fatherlyours´s last blog post..Pinoy Toilet Habit Cause Job

[Reply]

reynz Reply:

meron, binigyan nila ako. John ang pangalan. leche, nung men nalaman tungkol sa reyna, naglahong bigla. hehehe

reynz´s last blog post..Tanging si Annie ang tuksong kinagat nya

[Reply]

bebot February 9, 2009 at 2:01 pm

THANK YOU Mahal naReyna sa pag po-post mo sa aking abang liham….hagikgik ng tawa si missis koy! at ang bonus…..hulaan mo?????
mainit na gabi at maagang Valentine ang regalo nya!!!! panalo na naman
si AKO!!! hahahahaha…….wish ko na masaya ang iyung araw ng mga pusa…este puso pala….hehehehe

[Reply]

reynz Reply:

ngak! eh kaya naman pala natunaw na mga ice sa kalye ninyo! sige lang! poultry ba ang tinatayo nyo? hahaha

reynz´s last blog post..Tanging si Annie ang tuksong kinagat nya

[Reply]

bebe Reply:

kaya pala uminit bigla ang panahon dito, yun pala ang dahilan hehehe

[Reply]

reynz Reply:

poultry ata ang balak nang dalwa hahaha

reynz´s last blog post..Tanging si Annie ang tuksong kinagat nya

bebe Reply:

naku baka madagdagan pa ang inyong mga cute na junakees at paglabas kamukha ng mahal na reyna. dapat lang noh! kasi sya ang dahilan kaya ka nabigyan ng bonus ni misis. congrats!

[Reply]

reynz Reply:

naka! me kwento kamo yan bebe!

nung nag-pabinyag? puno ang simbahan.

lahat puro ninong at ninang.

hehehe

reynz´s last blog post..One ahas love story

[Reply]

bebot February 9, 2009 at 2:07 pm

ay mali!!!! naunahan pala akong mag – comment ni missis….hindi ko nabura ang pangalan nya….paki-edit nalang mahal na reyna….hehehehe masyado kasi akong masaya ngayung araw na ito!!!! hehehehe

[Reply]

reynz Reply:

sandali, kulang ang entry ko. kelangan natin nang music. sandali lang ha?

reynz´s last blog post..Tanging si Annie ang tuksong kinagat nya

[Reply]

Silver February 9, 2009 at 2:36 pm

haha..

may music pa talaga ha!

Natawa ako dun sa Donya Buding…hahahha…

at pati na din sa inserted lines ng mahal na reyna…hahah!

[Reply]

reynz Reply:

hahaha naghanap pa kamo ako anng music leche hahaha sumasakit ang panga ko dito ki eva eugenio hahaha

reynz´s last blog post..Tanging si Annie ang tuksong kinagat nya

[Reply]

bebe February 9, 2009 at 2:42 pm

No return, no exchange at no refunds. Sarado na rin ang Complaint Center.

naaliw naman ako dito hehe. sounds familiar kasi, ganun din ang sabi ng pamilya ng husbandry ko hehehe

[Reply]

reynz Reply:

oo meron lang kasi 15 days return policy. eh kaso nasa canada na ang bebot. eh siempre, pag binalik ang product, mahal ang pamasahe pabalik sa bicol hahahaha

reynz´s last blog post..Tanging si Annie ang tuksong kinagat nya

[Reply]

Ely February 9, 2009 at 3:12 pm

sarap naman ng love story…. nainggit ako bigla! I hate valentines day pa naman. hehehe

Ely´s last blog post..I am Rin on the Rox-ing!

[Reply]

reynz Reply:

love story mo na lang ely ang hinihintay ko hehehe

[Reply]

bebot February 9, 2009 at 4:40 pm

@ninang Salve, wag mo ng tanungin kung masuwerte si mahal ko sa pag pili sa akin..dahil kitang kita naman sa aking mga katas ng pag-mamahal di ba? masayang masaya sya kaya magaganda ang resulta…hehehehe

@bebe, oo nga damang-dama ang init ano? isang linggong iinit……at parang nakikita ko na ang susunod na kulit ko!!!!!…….kamukha nga ni mahal kong Reyna Elena…hehehehe

@reyna elena, hamo…isang araw wag kang magugulat tagahanga mo na rin si John…babalik ang pag mamahal nya sa iyo…hehehehehe
napag hahalatang fans ka ni eva eugenio…sa ating bario siete!!!! hahahaha
at bago ako pumasok sa aking trabaho…heto ang isang matunog na halik sa iyo mahal kung pinsan…….tsup……you are the best! have a good day!!! at sanay mai-patawag ka na duon sa isa sa mga nag interview sa iyo…..as in …YOU ARE HIRED! good luck!!!!

[Reply]

reynz Reply:

tinanggal ko ang music nyo! nagloloko ang site ko hahaha!

reynz´s last blog post..Tanging si Annie ang tuksong kinagat nya

[Reply]

kengkay February 10, 2009 at 9:16 am

amoy valentine’s day na talaga dito sa site mo :D

hay, sarap maki chismis sa lovelife ng may lovelife, moree, hehe

kengkay´s last blog post..itatanong ko sa boss ko

[Reply]

reynz Reply:

oo kengkay,

pumuputok sa love story leche ako na lang ang walaaaaaa

[Reply]

antuken February 10, 2009 at 5:25 pm

ang sweet naman. pero hanga ako ha. they decided to marry even without meeting each other? naalala ko tuloy yung bunsong kapatid ng lola ko. ang nanligaw eh yung magulang ng girl. panalo di ba?

[Reply]

reynz Reply:

oo chona! napakaswerte nang bebot ki annie!
si annie naman… ahhhh hehehehe

nakaka-kilig ang love story nang dalwang yan
buti na lang si annie super bait
kahit walang ginawa ang angkan nameng mga lukaluka
asarin nang asarin
hahahaha

[Reply]

nina February 11, 2009 at 11:51 am

hay ang cute naman ng mg achikiting nila. di ba mahal na reyna may nagpapaako sayo ng baby? nasan na baka mamaya sa’yo nga….bwahahahahahha….

nina´s last blog post..More Cravings…

[Reply]

reynz Reply:

heheeh kaya malimit akong mag-change address at baka ibalibag ni bebot yong isang anak nya saken hehehehe

reynz´s last blog post..Hanggang kelan iiyak ang mga tala? (Part 3)

[Reply]

itchyfeet February 11, 2009 at 3:08 pm

haay… kaka-inlaB! mahal na reyna dapat may lab story ka rin. cge na magkwento ka na rin. : )

[Reply]

nina Reply:

marami na syang lab story andyan sa archives. may pulis, may native, may under probi, mayroong may accent. hehehhehehe

nina´s last blog post..More Cravings…

[Reply]

reynz Reply:

hak hak hak hak nakalimutan mo ang boss ko hahahaha

reynz´s last blog post..Hanggang kelan iiyak ang mga tala? (Part 3)

[Reply]

AbbyGurL February 11, 2009 at 5:14 pm

Ang sweet. <3
Love is in the air talaga. XD
Bitin ako sa details ng wedding day. Kala ko hihimatayin si Kuya Bebot. :)

[Reply]

reynz Reply:

baka naman pwedeng ishare nang konti ang love story na nakatago seyo abbygurl hehehe

reynz´s last blog post..Hanggang kelan iiyak ang mga tala? (Part 3)

[Reply]

AbbyGurL Reply:

Uwo bah. Susulat din ako sayo wahahaha. Ang title – Nang Mabingwit Ko Si Vaness Wu (Este Kamukha Lang Pala) :)

[Reply]

bebot February 11, 2009 at 5:47 pm

abbygurl,
baka lalong kiligin ang mga readers ng ating Reyna Elena….kaya hindi ko na dinala hanggang sa aking honeymoon….hehehehe
the wedding day was a lovely-lovely day…..humamog nuong umaga(may kasabihan na masagana daw…saan? siguro sa anak….hahahaha) at nuong hapon sumikat ang nakangiting araw.
Wag mo ng itanong kung akoy hinimatay…sa totot lang ngatog ang tuhod ko habang nag hihintay sa simbahan…at akoy naka-hinga ng todo ng dumating ang aking mahal…..

[Reply]

AbbyGurL Reply:

Wahehehhe. Sabagay baka nga naman langgamin na ang buong blog ni Reynz pag complete details pa. :)

Sarap ng feeling pag nakakabasa ako ng mga ganitong love stories. Kakainspired.

Happy Valentines po sa inyong dalawa ni Ate Annie. ^_^

[Reply]

reynz Reply:

hahahah buti kamo sinipot ka nang mahal mong si annie! dud ko nananaginip si annie noon kinasal kayo at nagising lang
nung nakarating ka na sa canada hahahahaha

pasalamat ka pinutol namen linya nang telepono para walang reklamo ang annie hahahaha

reynz´s last blog post..Hanggang kelan iiyak ang mga tala? (Part 3)

[Reply]

brotherutoy February 12, 2009 at 12:48 pm

talagang dapat may title ang bawat chapter ano?

ang galing naman ng sulat na ito. akala ko dati hindi posible yung naiinlove sa penpal, pwede pala talaga.
naku, kaya nga ba ayokong mag-facebook eh. hehe…
God bless!

brotherutoy´s last blog post..Seminarians Exposed!!!

[Reply]

Tenggay April 10, 2009 at 2:03 pm

Grabe! Naiyak ako dun. Matagal na nga ang valentines at ngayon ko lang nabasa, buti na lang at ma-emote kasi ako kapag araw na yun, kundi bka nagbaha na dito.

Ipapakilala ko sarili ko, ako po e pinsan ni (Ate) Annie. Pinabasa nya sa akin to, while sabay bilin na dadating din ang para sa akin.

Napakaganda! Hindi ko alam kasi na ganito pala ang lovestory nya. Nung nagdadalaga kami, siya nagturo sa amin ang kakikayan, pakikinig ng lovesongs at pagbabasa ng komiks. Hangan ngayon naalala ko pa kung paano nya ako turuan na linisin ang cuticle ko.. hahaha

Nasa Singapore na ako nagtratrabaho at wala ng contact sa kanila until nung umuwi ako ng December sa Pinas. Nakita ko mga picture ng dyunakis at talagang ka ku cute at kamukha nilang dalawa.

Alam ko na magtatagal pa ang marriage nila, puno ng pagmamahal dahil sabi sa akin ni Ate Annie na napakabait at napakamapagmahal ni Kuya Bebot. (Ahem..)

Wish ko lang makatagpo ako ng kasing bait at mapagmahal ni Kuya.

Thank u Reyna sa paglagay ng story nila..

[Reply]

Leave a Comment

Previous post:

Next post: