The power of love

by reynz on January 14, 2009

Sisterette ko si Ana.

Kors, di yan ang tunay na pangalan nya.

Sa Barrio Siete. Me kaya kame. Kaya naming tumanggap nang maraming labada. (Leche, irita ako pag na-aa-lala ko ang poverty! Hmpt!) But this is not a story about poverty. Standard sa Barrio Siete, Ayala kami. Kaya, makinig ka Conchita.

High school pa lang. Me boypren na ang Ana.

Si Boypren, walang trabaho. Meron syang maliit na Department Store. Ang tawag “Panoy’s Sari-sari Store”. Nagtitinda nang gin at watosi. Sa Barrio Siete, hindi yan empleo. Nasa column pa rin sya nang mga tambay at walang trabaho. Siempre usok bulkan ang pey-rents ko. Ayaw nila ki Boypren. Kaso, ang sister in love. In love den si Boypren.

Maliit pa lang ako. Ginawa nila akong kyut na kerubin kupido.

Oras na nakasakay ako nang dyip, socialite na ang feeling ko. Postmaster ang lola nyo. Limang kilometro paglalakbay ang layo. Bitbit ko ang lab letter. Ang bayad isang sinapot. (Ewan, di ko alam ang counterpart sa tagalog. Tanungin nyo si Cat.) Nag-ta-talon ang puso ko, pag na-amoy ko ang sinapot. Ganun kasimple ang weekend ko.

Parents Mother knows best

I know, I know, andyan na ako. Eh, ba’t ba naman kasi lahat nang pey-rents gusto mapangasawa nang anak nila, eh junakees ni Ayala. Eh, helllo! Non-existent ang wealthy sa Barrio Siete! Eh, ayoko namang sabihing, “Feel the coffee mother!”. Siempre, di pa ako marunong uminglis.

Wez ko knowing, si Brother eh ayaw den ki Boyfriend.

Kiver, mabilis akong suhulan. Isang kindat ni Boypren alam ko na ang what will happen. Picture this, tumatakbo ako, me nakabitay na sinapot sa harap nang mata ko. Bata pa ako, talagang mala-engkanto ang mga gawa ko. Ganun kabilis ang postmaster na to.

Blurry ang nangyari.

Basta ang alam ko, nagmistulang pyesta ang bahay kubo nang nanay ko. An daming bisita. Me gumigitara pa. Dalwang jeep ata sila. Me baboy, me baka, yong isda me palikpik pa. Lahat inilapag na lang sa mesa. Pormal na nag-uusap si Fadir at ewan ko kung sino yong tulisan. Si Boypren pala eh namanhikan. Yon pala ang tawag nun. Tsk! Tsk! Tsk!

Meanwhile, biglang nagkagulo.

Ang lecheng brother, itinakas ang sister tangay nang isang motorsaykel. Itinago sa Sorsogon. Haller! Sa Barrio Siete? An lapit kamo nun!

Day! Walang sinabi ang movie ni Marian River!

Ganun ka-traumatic saken ang kanilang love affer.

Nalungkot ako.

Di dahil cry ang sister. Kundi nawalan ako nang sinapot. Tsismis ang nangyari sa barrio. Laman nang Liwayway. Mga tsismosa, nag-aaway away, kung ano ang tunay na salaysay.

Inayos nang mga pinsan ko.

Ayun, nagkatuluyan.

Sa power of love.

reynaelena_signature

Related Posts with Thumbnails

Reyna Elena Dot Com is Powered By Thesis

Thesis Theme

With Thesis, you need not worry about your in-site SEO. All you have to do is "just add killer content". From beginners, to the most advanced WordPress developers, Thesis makes it easy for anyone to customize it.

{ 17 comments… read them below or add one }

lee January 14, 2009 at 1:49 am

hahahaha ok na love story yan ah, nakuh kamahalan salamat sa maagang tawanan hahaha

lee´s last blog post..Bayani ni Juana Change…

[Reply]

reynz Reply:

oo pag nagkikita kita kami nang mga sisterette at nauungkat ang love story na to hagalpakan kami nang tawa hehehe

reynz´s last blog post..From the Philippines: Lica de Guzman (of Switzerland)

[Reply]

Roy January 14, 2009 at 2:11 am

wala pang internet nun at SEO pero mabilis kumalat ang balita, hehehe…

ano ba yang sinaplot na yan? pagkain ba yan?

sensya na clueless talaga ako, pero curious ako bakit ang lakas ng hatak niya, hehe..

Roy´s last blog post..Pacquiao-Hatton match – in jeopardy

[Reply]

reynz Reply:

hahaha actually fried ripe banana sya na me arina, ewan ko kung ano sa tagalog hahaha binebenta yan nun sa barrio namen hehehe

reynz´s last blog post..From the Philippines: Lica de Guzman (of Switzerland)

[Reply]

Roy Reply:

parang turon na walang pabalat, hahaha!

Roy´s last blog post..Pacquiao-Hatton match – in jeopardy

[Reply]

reynz Reply:

roy, sorta turon pero walang asukal masyado, simple fry and dry hehehe

reynz´s last blog post..From the Philippines: Lica de Guzman (of Switzerland)

kengkay Reply:

maruya yata yang sinapot na yan e

kengkay´s last blog post..kakaibang tanawin :D

[Reply]

reynz Reply:

di ba napunta ka nang Gubat Sorsogon? madami dun sinapot hahaha

reynz´s last blog post..From the Philippines: Lica de Guzman (of Switzerland)

Snow Reply:

sa taguig ang tawag sa sinapot ay maruya…

back to the topic: grabe ang love story ng sisterette mo. pang-telenobela…naku, sino kaya sa mga child star puedeng mag-audition sa cupid role mo! ;)

Snow´s last blog post..Nominative Determinism: Is Your Name Destined To Be Your Job?

[Reply]

reynz Reply:

snow, sino kaya sa mga child star puedeng mag-audition sa cupid role mo – NGAK baka mag-resign lahat nang child stars hahaha! mapapagalitan na
naman ako dito as the wrong role model hahaha

reynz´s last blog post..From the Philippines: Lica de Guzman (of Switzerland)

[Reply]

Snow Reply:

hmmm, naku i bet karangalan pa nilang maging little
reynz noh…hihihi…teka, teka, si kapitan inggo dun sa
abs-cbn mukhang ok na gumanap sa iyo nung bata ka
pa or yung mga bata dun sa goin’ bulilits…

oh di ba, panalo :)

Snow´s last blog post..Nominative Determinism: Is Your Name Destined To Be Your Job?

BEBOT January 14, 2009 at 2:49 am

Oo nga makamandag ang power of LOVE. Kaya nga napunta ako ng Canada because of the “POWER OF LOVE”. And my love story is……..exciting!!!!!

[Reply]

reynz Reply:

aba! nabuhay ang bebot! tapos assignment ni misis seyo? yong mga labada? mga pa-plantsahin? natapos na ba? baka mawalan ka nang power of love ikaw den hahaha

reynz´s last blog post..From the Philippines: Lica de Guzman (of Switzerland)

[Reply]

maxi January 14, 2009 at 3:35 am

sinaplot?? yan ba yung me arina tapos budburan ng asukal?

[Reply]

reynz Reply:

hahaha hindi sinaPlot, kundi SINAPOT hahaha sagwa nang pangalan ano? fried ripe banana na binudburan nang asukal at arina hahaa yong iba walang asukal

reynz´s last blog post..From the Philippines: Lica de Guzman (of Switzerland)

[Reply]

nina January 14, 2009 at 5:12 am

Maruya ata yan. Kasi maruya yong parang breaded saging….Grabe nung araw noh…ibang klase ang mga peyrents. Meron pa talagang ayaw at gusto…

nina´s last blog post..Who is your first love?

[Reply]

reynz Reply:

confirmed! hahaha! MARUYA nga ang tawag sa tagalog. yan ang aming jolibee nung panahon nang hapon haha

noon grabe ang peyrents! kung pwede pa lang arranged marriage juice koh daming drama hahaha

reynz´s last blog post..From the Philippines: Lica de Guzman (of Switzerland)

[Reply]

nina Reply:

mabuti hindi ka na-arranged marriage?

nina´s last blog post..Who is your first love?

[Reply]

reynz Reply:

ako?! susko kong mahabaging langit hahaha!

reynz´s last blog post..From the Philippines: Lica de Guzman (of Switzerland)

nina Reply:

may Q ako – noon bang tumatakbo-takbo ka na may nakasabit na maruya eh kumekembot-kembot ka ? hahahahahhaha Gnayan kasi yong kapatid ko pag di kami nakikita kumekembot pero pag nakita kami diretso although tanggap naman sa bahay :)

nina´s last blog post..Who is your first love?

nina Reply:

hahahahhahah…nakamoderate na ang comments ko?

nina´s last blog post..Who is your first love?

Amor Reply:

Maruya nga yun, fave mo pala yan noon. Lagi akong bumibili nyan sa amin kapag may tinda. The last time nga na umuwi ako hinahanap ko pa.

Amor´s last blog post..Ayoko na Sana

[Reply]

reynz Reply:

hindi etong bagong lecheng WP na to
lahat nang comments sinasalpak sa Akismet kairita
hahahah

reynz´s last blog post..From the Philippines: Lica de Guzman (of Switzerland)

[Reply]

reynz Reply:

ANYWAY: bak to maruya:

“eh kumekembot-kembot ka ?”

‘Day indi! Lahat nung barkada ko deretso! Taz madalas pag initian ang mga badingerzie nun kaya nakasabit ako sa closet hahaha astig maton ang
lola nun akala mo ba? hahaha!

reynz´s last blog post..From the Philippines: Lica de Guzman (of Switzerland)

[Reply]

Dinah January 14, 2009 at 5:32 am

hala, telenovela kung telenovela ang lovestory!panalo! complete with pamanhikan and all the drama, ang saya ng buhay porbins no? at least, happily ever after ang ending nila di ba. hi hi hi.

Dinah´s last blog post..Eraserheads Reunion Concert Part 2?

[Reply]

reynz Reply:

hahah kahit saan maraming telenovela, kahit na nung nalipat kami nang murphy, leche, mga kapitbahay mas madaming drama! haha

reynz´s last blog post..From the Philippines: Lica de Guzman (of Switzerland)

[Reply]

Jufil January 14, 2009 at 6:32 am

HAHAHA! Parang kilala ko ang sisterette na yan! My lips are sealed.Nalokah ako sa Liwayway! ‘Yan ba ang equivalent ng Cosmopolitan at Vogue sa Barrio Siete in those days? At siyempre ang mahiwagang Sinapot. Hindi ko din alam ang equivalent sa Tagalog! Kakakilig pala ang love story chorva nung dalawa.

[Reply]

reynz Reply:

NGAK! hahaha! regular reader na kita?! hahahah! yang mga chorva rulings dyan ha? baka mapasama ang mga decrees nang reyna, wa ako ipasubo sa korte suprema hahaha

naikwento ba yan ni madir seyo? hahaha!

opo. ang Liwaway ang aming Vogue, Kislap yong Cosmopolitan. Madaming Oprah. hahaha

reynz´s last blog post..From the Philippines: Lica de Guzman (of Switzerland)

[Reply]

Jufil January 14, 2009 at 6:34 am

AYYY!!! Alam ko na ang equivalent ng Sinapot sa Tagalog. MARUYA! Salamat sa mga jologs dito sa opisina ko hehehehehe!

[Reply]

reynz Reply:

kalimutan ko ba na lecheng MARUYA pala ang tawag dun! hahaha! regards sa mga officemates mo!

[Reply]

Jason January 14, 2009 at 10:21 am

Parang “you ang me against the world”. Pag ganyan katindi ang pinagdaanan, parang hindi na maghihiwalay. hehe

Jason´s last blog post..I Just Want You (Lyrics) – AJ Rafael

[Reply]

reynz Reply:

hahaha matindi nga ang dina-anan nang love story nang sisterette eh strict talaga ang peyrents nun hahaha but lumigaya den sila

reynz´s last blog post..From the Philippines: Lica de Guzman (of Switzerland)

[Reply]

an2nette January 14, 2009 at 10:47 am

Hi mahal na reyna, you make my day again, maligaya na naman ang beauty ko, para akong luka luka na tumatawang mag isa, maruya nga tawag don, at dahil din sa maruya kaya kami napag aral ni mader, sa barrio sampaloc naman ako sa maynila nakatira dati, God bless. an2nette

an2nette´s last blog post..My Bestfriend

[Reply]

reynz Reply:

hahaha yang si Dirk ba pano ba yan namanhikan sa barrio ninyo? hahaha

reynz´s last blog post..From the Philippines: Lica de Guzman (of Switzerland)

[Reply]

Jules January 14, 2009 at 2:27 pm

ai pag-ibig nga naman..

sa isang comment ko naghanap pa ko ng trulily love eh eto pala yon at may pre-LBC version ka pala haha

[Reply]

reynz Reply:

hahaha matinding telenovela ang inabot nang sisterette bago nakasal hahaha

reynz´s last blog post..From the Philippines: Lica de Guzman (of Switzerland)

[Reply]

The Ca t January 14, 2009 at 7:18 pm

sorry i am late in posting. baduya sa amin sa barrio ocho or maruya in Tagalog.
Saging na pinaghihiwa sa gitna tapos pinirito. sarap.

The Ca t´s last blog post..A Superstition No More-How long is your ring finger?

[Reply]

reynz Reply:

that’s right! hahaha! sa Legazpi City, ganun nga ang tawag! Baduya! Thank you!

reynz´s last blog post..From the Philippines: Lica de Guzman (of Switzerland)

[Reply]

MsPinkbiik Reply:

sana sipagin si reezentot at gumawa ng maruya

[Reply]

Snow Reply:

huy patikim naman ng maruya niyo fellow bloggers kapag nagluto kayo… ^_^

Snow´s last blog post..Katrina Darrell – The American Idol ‘Bikini Girl’ Audition Video

Josiet January 15, 2009 at 12:42 am

Ang ganda naman ng love story nila! Or dahil magaling lang ang pagkakwento mo? :)

Josiet´s last blog post..Bound to the Beach

[Reply]

reynz Reply:

Ow? teka lang ha? lumaki ata ang ulo ko bigla ~inalog-alog~ hahaha

[Reply]

Jenny January 15, 2009 at 8:06 am

Winner. Ang galing. Sakto ang pagbasa ko. Napasaya mo ko Reynz hehehe :D

Jenny´s last blog post..Politicians are the WORST. Stay away from them

[Reply]

reynz Reply:

hak hak hak glad you liked the dysfuntional part but happy love story hahaha

reynz´s last blog post..From the Philippines: Lica de Guzman (of Switzerland)

[Reply]

cheh January 15, 2009 at 10:21 am

Naku yang power of love na yan maraming nabikma! Hindi tuloy mapigilan ang pagkakalat ng lahi hehe

aliw talaga yang stayl ng story telling ng reyna alang katulad!:)

cheh´s last blog post..The best job in the world?

[Reply]

reynz Reply:

hahaha thank you!

reynz´s last blog post..From the Philippines: Lica de Guzman (of Switzerland)

[Reply]

jeniffer January 15, 2009 at 10:28 am

still.. atliz nandun ka sa tabi ng kapatid mo.. habang xa ay down na down.. dba? very supporting yun ate elena.. :)

>a href=”http://painuminmoko.idlip.net/?p=104/”>

sinadya ko baliktarin yung > para magaapear dito.. :)

[Reply]

reynz Reply:

hahaha kinda sorta supporting role na me fee hahaha

reynz´s last blog post..From the Philippines: Lica de Guzman (of Switzerland)

[Reply]

Maldito January 15, 2009 at 1:14 pm

ampootang love story naman yan mahal na reyna…parang sharon cuneta lang at robin padilla..wahahahhaa..laff trip!

Maldito´s last blog post..Priesthood

[Reply]

reynz Reply:

hahaha eh si brother me pagkaleche kasi hahaha nadagdagan gulo hehhe

reynz´s last blog post..From the Philippines: Lica de Guzman (of Switzerland)

[Reply]

Leave a Comment

Previous post:

Next post: