One big reason why I suddenly went home was because I was so infuriated by what my nephew had done to my condo unit. Ginawa nya tong motel and beach resort. I was nearly gonna get a heart attack when I saw iba’t-ibang babaeng natutulog sa kama ko. Shit! I never brought women in my bed! Damn shit! Kaya sinunog ko lahat nang bedsheets sa condo sa galet ko! Now, some of my closest blogfriends have been sa munting balay ko in Pasig City. I love my tiny little palasyo. I wished my payrents experienced condo living in Ortigas. Bunga yan nang mga pani-nip-sip ko sa mga bossing ko sa Amerika. Bunga yan nang pagdurusang paghihirap at pagluluhod na mga overtime. Truly one blood sucker ang lola sa opisina. At kiver, masarap ipagmayabang ang bunga nang mga kaokrayang ginawa saken dahil nagpumilit pa ring makabili nang balay ang lola kahit na uber kalechehan ang dumarating sa aking what is life. So, come! Lemme invite you to check out ang bunga nang paghihirap nang reyna! Who knows, baka me matutunan kayo sa aking good moralicious character!
You like? That’s the Clubhouse. This is where you’ll find me nag-babasa nang porno sa internet.
Everytime na nagagawi ako dito, lumalabas ang mga palikpik ko. One time, naka one-piece akong naligo. Na-isyuhan ako nang tiket nang gwardya. Bawal pala magsabon at maghilod sa pool. Sori. Malay ko ba. Di ko naman alam. Pasalamat sila, di ko binitbit ang labada ko.
Makapal daw dati ang mga tanim na yan. Nung di pa ako dumarating. Alam nyu naman. Pag ako umuwi, parating lasing. Kaya ilang beses kong napagdiskitahan ang mga halaman na yan. Pag alas tres nang madaling araw, kangkong sila sa paningin ko. Marunong naman akong magluto nang sinigang. Pero ba’t kaya parating papa-itan ang dating?! Ba’t ganun?
Naglalaro kami nang taguan pung dito.
Di ko lang maintindihan, ba’t nakikipaglaro nang habulan ang guard?
Kahit saang condo ka pumunta, maraming bawal. Bawal mag-park dun!
Here’s the gym.
Where I maintain my beauty and do my kaliskistenics activities.
The 2nd floor of the Clubhouse is where the bar, billiard and the karaoke is. Maraming beautiful memories ako dito with Jeff. Ok, pati si Dondon. Leche, pati si Obet. Ok, fine pati na si Rolly and Charlie and… hehehe!
~Prssst!~ *hikbi* naglaho na silang lahat nung nalaman nila ang sikreto ni Victorino. And this is the spot kung saan ako nag-eemote.
Muntik ko nang ipa-baranggay yung nag-se-serve nang fud sa Clubhouse! Haller! Kala ko, me senakulo! Leche naman!!! Walang karapatan ang kulay pula na yan! Grrrr!
Kasing-gulo nang buhay ko ang kusina ko.
Leche! Pati bigasan nakalimutan kong tiklupin! Pinamalita ko pa namang puro lang ako salad! Grr!
Eeeeekkk! Hehehe! Social Climbing 102! Humarbat nang pedeng maglinis! Sa Jeymerikah, oras na naglinis ka nang balay ko, kelangan alisin mo damit mo for health purposes. Sight nyo mga kunichiwa? Lahat nang kantong nakatago nilinis namen. Di yan makakalibre sa lola.
“Ano pang ginagawa mo’t nakadamit ka pa?!” sabi ko sa native.
“Eh kung me religion po kayo, meron din ako. At bawal talaga. Hehehe!?!” sabi saken.
Ang walanghiya at nang-insulto pa! Leche, nag-iisa lang kasi syang applicant sa vacancy.
Lahat nang porno magazine, ipinasok namen sa isang kwarto. Saan ka nakakita na nangawala yung mga Harvard Business Books ko? Ano yun? Babasahin sa jeep?! Porter’s Books! Nawala! Kilala ba nila kung sino sya? Baka pinangbalot sa tinapa! Mga litraks at piktyurakas ko! Nangawala den! I guess binenta na sa mga tabloid papers! Powtah!
What pissed me off was yung mga souvenirs ko from all of my travels abroad! Yung Jesus Christ I bought in Notre Dame Paris, nawala yung ulo. All of the souvenirs I bought from Paris, the Eiffel Tower, the Arc de triompe, naubos – walang natira. Yung bakya that I bought in Amsterdam, sa liit ba naman na yun gagamitin pa nila? Yung Big Ben pati na ung replica nung ferris wheel in London, wala na rin! Putaaaaa!!!
Kahit na I enjoyed my time in Manila, habang nililinis namen ang condo, masama talaga ang loob ko. Eto, pinasok na rin namen sa karton ang mga martilyo, tinidor, kutsara pati na mga punyal!
Negative 32 degrees, kelangan ko pa rin nang electric fan. Sabi ko naman senyo, I’m a really hot gurl!
Sa wakas! Malinis, matiwasay na ang powder room kung saan ko ginagawa ang paint job sa muka ko! Kung alam nyo lang ang sukang nagkalat sa bawat kanto nito! Ang mga tarantado, kahit linisin man lang nang mga demonyo! Kaya pala nag-babaras yung mga ipis na nag-bedspace sa condo ko! Grrr!
Nag-mukhang matinong kusina na talaga sya! Malayo sa Makati Shangrila, but for me, paraiso sya.
Gaya nga nang turo kong Social Climbing, ang kabinet ay inimbento para dun isalpak ang mga nakakairita at nakaka-bwisit sa mga mata!
Naayos na rin ang dining table. Pati dun sa kanto me mga nakatago pang mga kalechehang naiwan nung mga nagparty sa bahay ko. Piko ang ginamet namen para malinis sya. Sinabugan ko nang alkampor para magsipaglayas ang mga batalyong ipis.
Mabait ang mga neighbors ko sa condo. They look out for me and for us. Nagkataon na some of my neighbors are also working abroad. Me mga tiga-Australia, London at Amerika. So, yong mga katabi ko ang aking eyes and ears. And I am really thankful dahil uber-bait nang mga neighbors ko, especially si Ging. If not for them, di namen malalaman na naging Circuit Asia ang condo unit ko every weekend. Natuto ba naman nang social climbing ang lecheng pangkin ko!. Kairita! Minsan, what you teach is sasambulat ever sa muka mo. Leche!
Hayyyy! Uwing uwi na naman ang lolaaaaaaaaaaaaaaaaaaa!!! I wish I could find a job in Manila! Grrr!
Stumble Upon
Del.icio.us
Buzz











{ 28 comments… read them below or add one }
ang swerte sa native, talgang ipinaglinis ang kagandahang lowla!
shet kumikinang na ang condo mo sa linis amoy clorox na!!!
tara mama mag guro ka na nga lang dito, dami naman boylets to compensate un karampot na sweldo LOL
pusa’s last blog post..the one who owns the mysterious shoe
[Reply]
Hi Reynz. The place looks very familiar. I think maka-neighborhood mo ang sister ko. She also got a unit there but ipa-rent niya.
[Reply]
eeeeekkk! may tattoo!!! hahahah pero i commend your boylet. ang sipag at ang humble…ang haba ng hair mo ‘daaay. i actually like him for yah. low maintenance ‘to day. mukhang hinde demanding AHHAHAHHA
iniwan mo ba kay native ang susi ng condo mo? LAGOT. HAHAHHA
super ganda talaga jan sa EOM mo.. walang wala ang condo-condohan namin dito hahaha
come back for good na.
PS. am sure, may nakita akong banig somewhere AHHAHAHAHHA
chuvaness’s last blog post..The Fruits of Social Climbing
[Reply]
ayyy knows ko yan!! dyan nakatira ang sisteret ko sa alicante bldg. bongga nga diya
, di masisi ang nephew gamiting pangsocial climbing ddahil pangyabang naman talaga ang venue… pero parusahan pa rin ang hitad!!!
arlo’s last blog post..View from the Nosebleed Section: MASTER CLASS
[Reply]
Ok Lola,este Pamangkin pala,
Pupuntahan kita sa Kondo mo, siguro magkapitbahay lang tayo. I stay at Parc Chateau sa Onyx St., right across the Union Bank Bldg. in Ortigas. Did you fumigate the place, you need a new bed. Brand new and next time do not trust anybody with your key. Visit mo uli ang nitzkitchen.com the ParcChateau is in the website, I stay at the top floor, 19th. So next time we should have a party together. I love parties.
Tita Nitz
[Reply]
hay…grabe, na-high blood din ako sa entry na ito. Grabe naman pamangkin mo, walang malasakit! I pad lock mo na lang condo mo. Kesehodang mag gather sya ng 1-foot na alikabok. O kaya i-storage mo na lang gamit mo, pa-rent mo tapos twice a year ka lang naman umuuwi, mag rent ka na lang sa iba.
[Reply]
wowowowwow! ginawa talagang motel ano?
joshmarie’s last blog post..D best and the perfect aren’t always what make you happy…
[Reply]
naku reynz, at least naayos na ulit ang iyong condo. maaliwalas na siya ulit.
snow’s last blog post..Thanks To My Top 10 Entrecard Droppers This October
[Reply]
Hi Reynz, grabe nga init dito sa bayang magiliw, pero enjoy talaga dito, ang ganda naman ng palasyo ng mahal na reyna wala akong masabi, kulang na lang talaga ng prinsipe, best regards, an2nette
[Reply]
natawa ako sa entry tungkol sa swimming pool. ako naman noon nasita dahil nakatapis ako. may daladala pa akong batya at palu-palo. mo hahahaha
The Ca t’s last blog post..The how-to-hunt-ghosts guide for dummies
[Reply]
lowla…pretty the place….kumikinang….did you change your lock?! La lang…tanong ko lang
Brenda Mage’s last blog post..Cable TV
[Reply]
gusto ko sanang bayaran “in kinds” bawal din daw sa relihiyon nya hehehe
[Reply]
Hey Janette! Small world! Interesting kung ma meet ko sister mo there! Did met quite a few expats na pina-pa rent ang place there.
[Reply]
banig?! meron hahaha! mawawala ba yun eh pilit na lumalabas ang barrio siete culture? hahaha!
pag medyas lang ok saken. pag umabot sa sapatos, break. hahaha sana nga makauwi na noh?!
[Reply]
yeap alicante yung unang bldg pagpasok di ba? wala na ang pangkin! busted na ang visa sa gwardya!
[Reply]
definitely tita nitz! basta ba ikaw ang magluto at tiga siba lang ako hehe!
[Reply]
nakapadlak na sya haha yun talaga inuwi ko kasi di ako makatulog and that was it. no more relathieves na papasok dun. iba na ang tumitingin dun.
[Reply]
you bet! sundan mo yung link! hangga ngayon pag tinitingnan ko yun, alam mo nag-iinit pa rin ako! grabe!
[Reply]
i know! and all those expenses para lang ayusin at linisin and everything! pamasahe lang grabe na! leche talaga ang mga relathieves!
[Reply]
am sure meron kang maibibigay saken hehehe
[Reply]
hehehe masyadong mahigpit sila dyan which i don’t mind, bihira naman ako umuwi and sameng dwellers den un, binawal na nga alak sa pool dahil one time, me mga gagong binabato sa pool yung lata nang beer taz basag basag mga bote sa gilid, ambabastos gumamet nang pool. me mga ilang residents na ginagawang beach resort ang pool na yan on weekends, me paparada ilang batalyong jeep, buong baryo! leche talaga! buti nga parang natigil na!
[Reply]
yeap! everything! at iba na ang iniwanan ko nang susi although thanks dun sa mga neighbors ko, sila ang tumitingin!
[Reply]
basta ang alam ko, kapag may kasama kang puti, kahit anong labada pwede mong gawin sa swimming pool, haha. sempre kasi alam nila may malaking tip na bigay, so tingin agad sila sa kabila
dun sa condotel kung san kami tumitira e halos buong barangay ang kasama namin parati mag swimming, wala silang say kasi kundi wala silang tip after that day, hahaha. anyway, pwede ba akong humiram ng books mo? at pwedeng sa kama mo rin ako magbasa ng books, hehe. uwing uwi ka na talaga? ako din, waaa
kengkay’s last blog post..helowin
[Reply]
bwahahaha pwedeng pwede u borrow books at pwede rin sa kama, at habang binabasa mo, ako naman eh nag-nonobena hehehe (na sana pormal ka heheehe)
[Reply]
Wow ang ganda na ulit ng condo mo! Wala na bang bakas ng nakalipas?
Your story sounds family (pamilyar) din ha. Meron din kasi akong kakilala na ayaw nyang pinapatulugan sa iba yung bed nya, tapos kailangan bago sya matulog doon bagong ligo talaga, pero noong nasa esteyts na sya, naging iba na ang sitwasyon, kung sinu-sino na rin natutulog dun without her knowing, parang gusto ko nga magsumbong kaya lang mati-trace ako na ako ang nagsumbong.
Amor’s last blog post..Sean?s Trick or Treat
[Reply]
hahaha! alam mo, naka-ugalian na kase namen sa ‘merika na private ang bed na yan at masyadong personal, kaya once na medyo me mga foreign bodies, iba na ang feeling namen – ako lang talagang minsan di na makatulog. ewan, dala siguro nang influence nang pagkatagal tagal nameng nakatira sa amerika.
ewan ko ba sa pangkin ko. me kwarto naman sya dun, me clubhouse naman, ba’t pa binuksan ang kwarto ko’t ginawang public place. kung ako ang gumawang public place yun, ok lang. pero pag di ako, grrrrr!
kung friend mo yun, if i were you sumbong mo.
reynz’s last blog post..What to Watch for Tuesday
[Reply]
Ang ganda ng condo, Reyna, DMCI ba yan? sana maimbitahan mo ako jan someday. Thanks for giving us a peek (palikpik? ) of your lovely, kikay home
ajay’s last blog post..What is it with birthdays?. and food?
[Reply]
hey ajay! thanks for visiting! yes, that’s DMCI and it took me months to find a place. nakita ko to, a day after i was going back home sa US. no worries, next time na uwi ko hehehe
[Reply]