Seat 1-B

by Rainier on October 14, 2008

Business Class is nothing new to me mga kunichiwa. Yeap, pag maarte kang kagaya kong piner-fect ang social climbing, you’ll try everything para lang wez malaman na you’re a promdi. Like the one time Chuva, Jellicoe and I went to London. On a weekend. Yeap, ganun katindi pag tinupak kame.

dsc02542xx3.jpg

We flew US Airways. Bumulaga samen si Tasha hila-hila ang kariton de lata. Puno nang mass produced foods. Ipapakain sa mga economic passengers. Kaibigan nameng alipin nang US Airways. Halos himatayin ang loka. Alam nyang gagawa kami nang iskandalo pag di nya kame inap-grade. Maarteng gaya namen, di bagay sa uring pangkaraniwan. Nakiusap ang loka na wait lang until sleep na ang mga passengers. At which time, para kaming mga daga. Rumampa sa disco lighted aisle lumipat nang Business Class. Iisa lang ang hiling ni Tasha. Na bigyan sya nang magandang recommendation. 5 years later. Eto, malapit ko nang matapos ang recommendation. Di ko lang maipadala kasi everytime na nakikita ko sya parati akong minumura!

“Business Class passengers, you may now board the aircraft.” Nasa airport ako. Bandilyo nang announcer!

Lider nang batalyong nakapila. Rumampa ang lola!

Seat 1-B. First Class. Dito ako bagay. Inayos ko gamit ko. Nilabas ko ang mga social climbing paraphernalias. Camera. Itim na berry. iPod!

“Would you care for some drinks, Sir?” bungad nung attendant!

“Of course. Orange juice, please.” sabi ko!

dsc02536xx2.jpg

Ayan sya. Ganda di ba? Isang higop ko lang yan!

Patuloy na pumapasok ang mga pasahero sa uring pangkaraniwan. What a pity. Tsk! Tsk! Tsk! Sinukbit ko na nag sinturong pangkaligtasan. Maganda ako. Baka bigla akong hablutin. Di ko ginagalaw ang otomatik sum’tin sum’tin sa upuan. Baka ako i-eject. Kunyari, tired lang. Sa totoo lang, bago ang eroplano. Maraming kaartehan. Ayoko ngang pag-aralan. Baka mabuko ako. Hmpt!!

“Would you care to have another one?” sabi nung attendant!

“Sure. Can I have one of those small red wine bottles?” sabi ko!

Dali-daling binuksan nung gurl ang cabinet. Binitbit in front of me ang red wine. Leche! Lasang pinigang crepe paper! Subprime talaga. Pati eroplano, nagtipid. Habang nilalagok ko ang walang kwentang red wine, me tumapik sa lola!

“Excuse me. That’s my seat.” Sabi nung matanda!

“Huh?” Gulat ko!

Pinakita nya tiket nya. Seat 1-B!

Nilabas ko tiket ko.

~

~

~

~

~

Seat 21-B!

Leche! Economy pala ako!!

Umusok ang tenga nung attendant habang nakamasid saken. Lumapet. Hinablot ang red wine.

Eh di lumipat ako sa column ko for WORLD PEACE! Leche! Hmpt! Uring pangkaraniwan! Grrr!

Eh ano ngayon?! Tao lang naman ang Reyna. Nagkakamali den gaya nang iba! Hmpt!

reynaelena_signature.JPG

Related Posts with Thumbnails

Reyna Elena Dot Com is Powered By Thesis

Thesis Theme

With Thesis, you need not worry about your in-site SEO. All you have to do is "just add killer content". From beginners, to the most advanced WordPress developers, Thesis makes it easy for anyone to customize it.

{ 1 trackback }

2008: reyna elena dot com: year in review | reyna elena dot com
December 29, 2008 at 2:37 pm

{ 34 comments… read them below or add one }

adz October 14, 2008 at 6:13 am

hahaha… natawa ako dito your highness…

Ikaw na jud ang gitakna!
hahhaha

Ingatz!

adz’s last blog post..100 hour Finishing Call Center Course for free

[Reply]

lenski October 14, 2008 at 9:48 am

nyahahahha ‘daaaaaaayy!!! hahahahah loka loka ka talaga. inuwi mo ba yung magazine tska yung kubyertos? HAHAHAHA

lenski’s last blog post..Love Poems and Love Letters

[Reply]

nina October 14, 2008 at 10:37 am

gaga ka talaga, sadya ba yon?

[Reply]

Anonymous October 14, 2008 at 11:22 am

Hahahaha kalerley naman yung experience na yan. Seating pretty na sana, umeksena pa yung lola. Di bale, it’s worth the experience naman.

[Reply]

Brenda Mage October 14, 2008 at 1:55 pm

;-)

Brenda Mage’s last blog post..Marriage Warranty?

[Reply]

anonymous (not the rockstar) October 14, 2008 at 2:35 pm

ang arte-arte mo daw kase!!!

anonymous (not the rockstar)’s last blog post..Lea Salonga sings modern day Asian Cinderella

[Reply]

an2nette October 14, 2008 at 3:07 pm

I believe you mahal na reyna, tao lang tayo na nagkakamali, hamo pag nanalo ako sa lotto, reregaluhan kita ng sarili mong eroplano, lahat ng seat first class at ang name ng plane mo, Reynz Air, oh di ba bongga, take care and God bless. an2nette

an2nette’s last blog post..Horseradish (Meerretich) Fest

[Reply]

roni October 14, 2008 at 6:43 pm

sumaboy sa boss ko yung kape dahil sa yo! pag ako na-tsugi, kasalanan mo, hahahaha!

[Reply]

ate sienna October 14, 2008 at 7:30 pm

anoba.. hindi ba nagche-check ang mga stewardesseseses??!?!?!

hehehehehe.. patawa ka, lola.

ate sienna’s last blog post..Blah-Blah-Blah-Blah-Blah

[Reply]

reynz October 15, 2008 at 12:36 am

lagi! hehehe! murag kay nindot man kaayo sa first class uy! hehehe!

[Reply]

reynz October 15, 2008 at 12:37 am

wala plastic dun sa column ko! leche talaga!

[Reply]

reynz October 15, 2008 at 12:38 am

hehehe nagbabakasakali kaso puno pala hehehe

[Reply]

reynz October 15, 2008 at 12:39 am

oo, nakangiti ang mga mokong nung umeskierda na ako hehehe!

[Reply]

reynz October 15, 2008 at 12:41 am

eh kasalanan nitong mge peryodista sa manila, gawin ba naman akong bomba star! eh di feeling na hehehe

[Reply]

reynz October 15, 2008 at 12:42 am

maganda yun! lahat nang upuan puro first class! hehehe!

[Reply]

reynz October 15, 2008 at 12:43 am

leche naman napahiya na nga ako sisihin mo pa ako! waaaa!!!

[Reply]

kutz October 15, 2008 at 12:43 am

Ateng bagong kodak ba talaga yang nasa unahan? Eh di ba yan yung nandun sa isang page ng inquirer, yun bang sa tingin namin nina Chuva eh kamukha ni Arnold Eskwarsenegur ba? Finotosyap mo lang yata ito eh kasi siguro gandang ganda ka sa kamukhaan mo dun. Look, ang pose at pati ang white shirt mo na laba sa tide, itong ito yun eh…

[Reply]

reynz October 15, 2008 at 12:44 am

hindi eh! wez! di ko na kasalanan yun. hehehe di ba?

[Reply]

reynz October 15, 2008 at 12:45 am

si arnold, burusko. ako baruka. hehehe! totoo yan! kahapon lang hehehe! andito ako sa Manila, nang-gugulo nang mga tahimik na tao hehehe!

[Reply]

reynz October 15, 2008 at 1:20 am

masama ata iniisip mo hehe gagayahin mo? hehehe!

reynz’s last blog post..Kung gusto mong magsaya, umuwi ka nang Manila.

[Reply]

chuva October 15, 2008 at 3:41 am

Bwahahahaha!! Hoy ditse, magsalamin kasi no kapag nagbabasa ng ticket! Hahah! Kalowka – - in fairness, todo ang galing ng delivery nitong entry na ‘to. AS IN!! Binasa ko talaga lahat… pramis! hahahahaha!

Enjoy kayo mga leche!! Huwag kalimutan ang mga pasalubong hane? Gusto ko pa ng TUYO with CAPERS!! Pakibitbit na lang.. ako bayad ng tax! hahahaah!

chuva’s last blog post..Tina Fey on Sarah Palin: ?If she wins, I?m done?

[Reply]

reynz October 15, 2008 at 4:48 am

teks teks na lang ang pasalubong hehehe

reynz’s last blog post..Kung gusto mong magsaya, umuwi ka nang Manila.

[Reply]

b@kekang October 15, 2008 at 9:09 am

natawa aq hahaha!!aq yung 1st tym q..pinainom aq ng sleeping pills ng flight attendants wahaha!

[Reply]

reynz October 15, 2008 at 9:53 am

buti di ka tinulak sa labas hehhe

reynz’s last blog post..Kung gusto mong magsaya, umuwi ka nang Manila.

[Reply]

b@kekang October 15, 2008 at 12:10 pm

d nila aq pde itulak palabas kc aq lang yung d trabahador dun wahaha meaning turista aq!mayaman!sosyalera!bwahahaha!

p.s naulakitan u na aq ah heheh

[Reply]

bebe October 15, 2008 at 5:24 pm

hahaha napurnada ang pagiging social climber mo. sus! kunwari ka pa eh talaga naman gusto mo lang makalaklak ng pulang alak before ka umupo sa designated seat mo. hehe.

nung ako ang nag business class, tinanong pa ng stewardess kung anong klaseng red wine ang gusto ko (aba sosi! may choices pa) eh kaso laking barrio siete kaya lambanog at tuba lang alam ko. pero syempre dahil nag-aral ng reyna’s ‘social climbing 101′ di nagpalahata at pinili ko na lang yung pinaka madaling ipronounce hehe leche! iinom ka lang ng alak pahihirapan ka pa sa pagbasa.

[Reply]

reynz October 16, 2008 at 2:20 am

dai tabi ako pagbasolon hahaha inom ka sana ki kortal, toktokon mo, mikscla mo sa tuba, ok ka na. hahaha

reynz’s last blog post..Kung gusto mong magsaya, umuwi ka nang Manila.

[Reply]

reynz October 16, 2008 at 2:23 am

hahaha ganyan ako, me listahan ako nang pangalan nung mga wines nun para di ako mahalata hahaha leche papipiliin ka ba naman nang mga pinyon nwar at shiraz cyrah sira leche hahahaha

reynz’s last blog post..Kung gusto mong magsaya, umuwi ka nang Manila.

[Reply]

Pinoy October 16, 2008 at 6:50 am

galing naman, parang artista and dating mo he he he

[Reply]

reynz October 16, 2008 at 8:04 am

huh?! i like honest people pinoy hahaha

reynz’s last blog post..Kung gusto mong magsaya, umuwi ka nang Manila.

[Reply]

Pinoy October 16, 2008 at 8:56 am

Bitaw uy! nalingaw jud ko sa pag basa sa imo blogs.
ha ha ha ha…..

[Reply]

reynz October 17, 2008 at 10:01 am

hehehe thanks for coming back ingat ka me mga hubad dito hehehe hubad na kaisipan hahaha

reynz’s last blog post..One spectacular world class chorvalais in Global City

[Reply]

kengkay October 17, 2008 at 11:45 am

hay… pinas!

kengkay’s last blog post..sana matapos na

[Reply]

reynz October 17, 2008 at 6:02 pm

hahaha napapauwi na naman ba? hahaha an saya ateng everytime i’m here hehehe

reynz’s last blog post..One spectacular world class chorvalais in Global City

[Reply]

Leave a Comment

Previous post:

Next post: