“Can u imagine if they ban these crap, instead build public housing or send barrio people to school or cement our kalsada sa barrio na puro na lang talahib with the monies that goes to this shit political advertising?!”
photo by: carsim
I write a lot about my Barrio Siete. It’s funny, wacky, a bit sad but a rather beautiful memory that I will never forget for it shaped the curvatures of my sexy body. My Barrio Siete life. My Barrio Siete lifestyle. My Barrio Siete symbols of success, my Barrio Siete cum laude. I know ya?all can relate. Why?
Barrio Siete, the “concept”, exists up to today all over the Philippines. I?m sure, your Barrio Siete have talahib highways. Light rail transit pulled by a carabao. Clinics that are inhabited by malaria. Full of fantasy projects. But I?d give credits to politicos, at least me big priority project. Basketball court.
My Barrio Siete people is actually a town. Yeap, isang poblacion. Dahil natalo ang lintek na mayor samen nun, binitbit yung munisipyo at nilipat sa kanilang barrio. Yong kawawang poblacion namen? Ginawang barrio. Up to today, wala samen ang munisipyo.
I remember, one time nagkaron nang reelection. He made famous the election line ?I will die one cow and cement you, if you vote for me? Magpapatumba daw nang baka at se-sementuhin ang kalsada. Cheezemaks sa barrio, wez daw schooling si mayor. Panalo pa rin sya all over. Noon, kinikilo pati boto. Kaso, natalo sa bayan namen. Yong pinahakot na gravel and sand pati na aspalto? Hinakot uli. Sabi ko na nga ba, those were just for display.
All these comes to my memory everytime na me eleksyon, sa Amerika o sa Pilipinas. Here? Election is a normal thing. Walang projects done by McCain or done by Obama na nakabalandra sa mga naglalakihang billboards. Those projects goes kiver kung sino ang tumatakbo sa election.
In my turd world kawntri? Leche!
I remember pag malapit na ang eleksyon. Uma-apaw ang employment sa bayan. Lahat nang lapad gang, me trabaho. Sa dami nang trabaho, ultimo bilyaran, sarado. Anong klaseng work? Yon bang gagapasin ang talahib sa highway dahil me miting di avance ang mayor? O kaya naman pyesta! Leche! Piktapos nang drama apaw ulit ang unemployment! Pati pananim kong kamoteng kahoy, ninanakaw! Grrr!
The Philippines is comprised of 7,107 islands, tama ba? Kami yung siete sa dulo. Parating huli. That?s my Barrio Siete. Pag low tide, kita mo isla at paghihirap. Pag high tide, nakalimutan na kami, binalewala dahil wala kami sa mapa.
Stumble Upon
Del.icio.us
Buzz







{ 4 comments… read them below or add one }
hello po.. sige na nga cute ka
san po bang barrio siete kayo?
i agree, na imbes na naglulustay ang mga politiko ng mga banner, poster, print ads atbp(na karaniwan namang itinatapon din pagkatapos ng eleksyon) eh bahay na lang para sa mahirap ang ginagawa nila, at least naging mabuti kahit papano ang paraan ng pangangampanya nila na sa aking palagay ay may halong kamalian pa rin.
iba kasi yung tumutulong sa bayan kaya nahalal kesa yung tumutulong sa bayan para mahalal. diba?
kahit dito sa pilipinas ganyan ang nangyayare. dumadami ang proyekto pag eleksyon at malapit na ang eleksyon.
one time nga eh nakalimutan ko na senador pa pala si
sen. M _ _ R _ _ _ _. kung di ko pa ulit narinig yung libreng gamot at vitamins na pinamamahagi nya sa sariaya.
hindi ako fan ng politics at maaaring hindi ko rin po alam ang pasikot sikot pero malakas na rin kasi ang daing ng sambayanan sa kanila. pano kaya kung pati presidential candidates, tao na rin ang magdecide. walang filing of candidacy. kung sino manalo hala sige. pano nga kaya kung ganon.
palab0y’s last blog post..Ang Paglisan ni Kikay
[Reply]
at saka tigil tigilan na rin ng mga politiko yang mga baka bakasyon na kunyari e miting daw — sa ibang bansa ba buong baryo din ang kasama. pwede na silang sa webcam na lang mag usap, lintek, gusto yata ng mga ito ang makalibot ng mundo na mga pinoys na naghihirap ang magbabayad!
kengkay’s last blog post..Showbiz na si kengkay
[Reply]
my barrio siete is in bikol. maraming syang projects nang gobyerno na puro fantasy.
meron din kami actually mga ganyan sa america pero siguro one day or two days mo lang makita pag malapit na halalan. kasi ang pinaguusapan dito (at least di gaya ni mccain palin) mga issues.
dyan, leche! puro mukha at pangalan nila! ni minsan di pinaguusapan kung ano ang gagawin puro general statement! kaya ayan puro political ad na wala namang katuturan na dapat ibawal na lang.
reynz’s last blog post..Who incited these people that Obama is dangerous?!
[Reply]
that’s right! meeting daw sa Washington DC, taz nasa Philadelphia sa mga outlet malls at nag-sa-shopping! mga taxes naten gamet hahaha!!! tas buong angkan dinner sila leche haba nang mesa! kala mo kinasal na naman sa Amerika! hahaha!
reynz’s last blog post..Who incited these people that Obama is dangerous?!
[Reply]