Me kaya ang lola ko nun. Boung bundok VentiDoz pag-aari nila. Dahil walong dosena, hinati-hati, isang paso ang napunta sa madir. Kinarir namen ang kakarampot na lupang yon. Picture this: talahib, nyog, saging, kamote, kamoteng kahoy, kalabaw, walang baka, mahal eh. Ako yung unggoy. Nag-aararo ako, nakapayong. Me ambisyon na kasi akong maging Mutya nang Pilipinas. Prinaktis ko na ang pang talent portion ko. Singing. Dulce. ?Dito ba??? Dito ba? Ang dapat kung kalagyan? Sa isang putik sa nyogan?? Taz sabay hataw sa kalabaw! Leche! Hirap maging poverty! Grrr!
?Mag-aral kang mabote anak? say nang fadir.
Heavy melo-drama ang buhay namen nun. Ewan ko ba. Ba?t walang nakadiscover sa balikwang historia de mi familia.
?Eh ano fa nga ba. Sukang suka na ako sa mukha nang kalabaw na to? say ko sa sarili ko.
?Yan lang ang maipa-pamana namen seyo? famas nang fadir.
?Wala naman nang natirang mamanain ah. Naisanla na lahat.” whisper ko habang ngino-ngoya ang kopra.
Timang na talaga ako, kahit na noon pa. Masama ang tama nang lecheng poverty. Ultimo kamote, kinakausap ko.
Maliit lang ang bahay namen. Meron syang sementong pader. Pader?! Yeap. Pag tinatamaan kami nang putang super-typhoon, dun kami nakabalandra. Yun ang aming evacuation center.
Sa Barrio, walang Home Depot. Pag ang ding-ding nyo lawanit, improved housing kayo. Eh, lawanit ang ding-ding namen? Alam nyu yon? Yon bang pag nasabuyan nang kape eh natutuklap? Eto nga ang problema. Pag tinamaan nang bagyo, basa masyado, pucha! Maigi pa yong peryodikong ginamet pambalot sa tinapa! Talaga kamong mistulang kaliskis ang lawanit. (I know, indi kayo maka-relate! Grrr! Palibhasa mansyon ang bahay nyo! Hmpt!)
Eh kaso, dun nakapako ang aming mga medals. Medals? Yeap. Yung tatay ko binabandilyo sa buong baryo, pinagmamalaki ang mga honor chorvaloo namen.
Alam mo ba? Ultimo college diploma ko, nilaminate!!!! Lechhheeeee!!! Nung nag-apply ako nang work sa Makati, pinagtatawanan ang lola nyo dahil bitbit ko diploma ko na parang lapida! Grrrr!!!! Hiyang hiya akoooo! Picture out mo kabisyo? Naglalakad and lola sa Ayala, me bitbit na lapidaaaa!!! Rainbow colors and mukha ko sa hiyaaa!!! Grrr! Halatang halatang tiga-baryoooooo!!! ~*ngitngit*~ Waaaaa!!!
Meron akong:
Most Punctual. Eh kasi naman burong buro na ako sa breakfast na kamoteng kahoy. Sa school, me buns. Me margarine pa. Tandaan nyo yon? Ayun! Alas tres pa lang nang madaling araw, sama mga maligno, pila na ako sa school.
Most Religious. Yeap. Parati akong nagdadasal. Na tamaan nang kidlat ang neighbor naming super yabang. Nadale lang nang riles nang tren, tagalog na nang tagalog kahit na bini-bikol mo. An sama naman nang tono.
Most Helpful. Eh social climber na ako nun. Alam nyo yan dib a? Pag help mo classmate mo, may I borrow nya sayo ang libro. Bonus, pakokopyahin ka pa! Helllo! wala akong pambili nang librooo!!! Ganetch! Hahaha!
Kundi sa kamoteng kahoy, wez high school ang lola. One time, ninakaw pa yong pananim ko! Leche! Me lumabas na dalwang bola sa pagitan nang legs ko! Dun ako naging Darna! “Ipaghihiganti ko ang mga kamoteng kahoy ko!” Grrr!
Mahaba ang story kung ba?t ako nakapag-college. Madaming drama. Basta. Yun yun. Mababasa nyo na lang dyan sa ibang entry.
I have to maintain certain average sa college para di ako machugi sa scholarship. Hirap man ako, wez ako choice. Inglis pa namang turo sa klase. Oras na magbikol ka, bayad ka. Grrr! Para kaming mga bugok pa-inglis inglis pa, bigkas imburnal naman. Eh ayoko nang mag-araro! Helllo!!! Nevah!
Sa tamang pangongopya, cum laude ang lola.
Nagwala ang tatay ko. Ang nanay di mapigil ang tuwa. Akala nila, tumama ako sa swipsteks. Haller! Ilang milyon kami? As if! Saling pusa lang ako nun. Mga kasamahan ko karamihan, magna. Sila ang bida at di ako!
Tuloy, naglabasan ang mga relathieves na hindi ko kilala. Napudpud na ata ang noo kong kakahalik ever sa mga “mano po ewan ko!”
Nung umakyat ang tatay at nanay sa entabladders para isabit ang medalyang aluminum, na nung nabasa eh nangitim, abot-likod ang ngisi at tawa halos di ko na makilala.
Kaya laking taka ko, pati kaaway nang Tatay ko, sakay sa dyip, attend nang graduation ko. Shock ang lola. Kalahating laman nang dyip, hindi ko kilala. Sana naman, pinahiram nila ako nang kalabaw ano? Eh, wala naman kameng pera? Pano naka-renta nang dyip? Di lang yun. Piktapos nang seremonyas gora daw sa restoran. Restoran?! Ano na naman ang sinanla nang fadir?!
Hiyang hiya ako dahil, di pina-alis ang lecheng graduation costume na suot suot ko pati sa restoran. Eh, ang init noohh?! Mistulang Halloween party ang gathering. Ako lang nga nang naka-costume. Pati medalya, naka-bitay.
Haaaayy! Ang tatay at nanay ko talaga!!! I pray WORLD PEACE sila kahit san man sila ngayon.
Stumble Upon
Del.icio.us
Buzz







{ 42 comments… read them below or add one }
HAHAHHAHAHAHAA tawang-tawa ako sa post mo na to hahahah i can relate to you in sooo many ways
i love the barrio culture! hahahah! buns na may margarine? sosyal nyo dayyy. pers class yata ang barrio nyo….wala kaming ganun nung elementary
madami din akong kinaing kamoteng kahoy nun bata ako, pinangkukulot ko noon yung dahon nyan AHAHAHA.
as in, hirap maging poverty!!!
PS. hinde mo naikwento mo yung laminated na diplomaaaaaaa hahahahhahahah
lenski’s last blog post..Mynosebleed Dot Com Turns 1
[Reply]
hahah akala ko ano na. pero teka pansin ko pareho yung famas line ng fadir mo sa fadir ko. saka pareho din yung niyog kalabaw medyo angat ako 1 paligo kasi me baka kami hahahha katuwa, all in all relate ako minus the cumlaude part baka sumukonkarne ate ako noon.
[Reply]
Buti ka pa nga cum laude….ako, out of 150 students na gumradweyt…pang 151 ako! hahahahaha
Brenda Mage’s last blog post..KabaBloghan
[Reply]
HARHARHARHAR!!! Ang galing mo talagang magkwunto. Pero hoy noong kapanahunan na kamoti palang ang kausap mo ay DIYAMANTE ka na pala. Ang galing ng brain utak mo day, dapat mag go to the world and multiply ka para maibigay mo sa imong liwat ang katalinuhan mo. Hehehehe.
Miss Tokwa’s last blog post..Simply Yummy
[Reply]
yaan mo isali ko sya sa grandfather II hehehe
reynz’s last blog post..Oo, inaamin ko, cum laude nga ako? pero
[Reply]
hehehe ateng wala naman talaga kaming kalabaw hahaha, nanghihiram lang ba! hehehe! nagkaron kami nang baka kasi yong sisterrette kung tiga manila nag buy nang isa. yong pina-paalagaan ba. taz nanganak. leche nung binibenta na, away away na sa barrio ang mga pinsan ko! hahahaha!
reynz’s last blog post..Oo, inaamin ko, cum laude nga ako? pero
[Reply]
hahaha eh sukat an layo siguro nang hada mo kaya di ka umabot? hahahaha
reynz’s last blog post..Oo, inaamin ko, cum laude nga ako? pero
[Reply]
aray ang sakit ng tiyan ko.
naalala ko nga pala ang lawanit, ang copra at ang kalabaw.
The Ca t’s last blog post..Expiry dates of friendship and toiletries
[Reply]
lombod ang tawag namen dun hehehe, ewan ko kung ano ang equivalent sa tagalog hahaha! ang bwisit na lawanit namen, ka-cheap-cheapan hahaha tuklap pag nasabuyan nang kape hahaha!
reynz’s last blog post..Oo, inaamin ko, cum laude nga ako? pero
[Reply]
ow? really? ~kunyari nag-blush~ hehehe! dyamante?! eh ba’t wala pang prinsipeng pumipik-ak saken?! anong mali sa KANILA? hahaha!
reynz’s last blog post..Oo, inaamin ko, cum laude nga ako? pero
[Reply]
hhaha inidet ko sya, anofanga ba! bitbit ko laminated na diploma na mistulang lapida sa Ayala, naghahanap nang trabaho hahaha
reynz’s last blog post..Oo, inaamin ko, cum laude nga ako? pero
[Reply]
tawa ako ng tawa dito..napakagandang simula sa umaga. proud na proud sina madir at padir sa iyo…nakakatuwa. very heartwarming.
ang tawag sa amin dun sa “buns’ na tinatawag mo eh “notriban” hahahha. minsan me mga kung anik anik na hanip, insekto, bangaw etc na palaman hahaha. extra protina.
rhada’s last blog post..tid bits
[Reply]
grabe ateng! as in nakaka-relate ako sobra!
kinapos yata ako ng hangin sa katatawa kasi talaga namang tru tu layp itetch!
Most Punctual din ako kasi nanay ko ang titser ko! wahaha! Nutri-bun? waaa! yan din ang lagi naming almusal.
lafftrip sobra ang entry mo na ‘to!
)
MARU’s last blog post..Pampainit Ng Katawan
[Reply]
Nagtanong ka pa, eh di nasilaw sila sa kinang nang korona mo. Hubarin mo kasi paminsan-minsan, then play helpless ka kunyari at inosente sabay pungay mata ala Betty Boop.
Mrs. Cory Putt’s last blog post..Simply Yummy
[Reply]
ako most behaved noong grade 2, kasi di ako talkative, tahimik ako. paano akong di tatahimik, that time di a ko marunong magbicol kasi galing kami sa Tagalog speaking probins na nagbalikbayan sa bicol.
pero pinagbibili ako ng mga pinsan ko kaya nag-aral ako ng bicol. di ko sinasagot ang aking mader pag tgalog ang kausap niya sa akin.
para kitang nakikitang pumapangal ng copra. hahaha
The Ca t’s last blog post..Expiry dates of friendship and toiletries
[Reply]
wala! kaya ang best move ko eh lasingin na lang eh hahaha!
reynz’s last blog post..Oo, inaamin ko, cum laude nga ako? pero
[Reply]
hehehe malayong maging most behaved ako hehehe! lukaret na ako mula nung pinanganak ako hahaha!
naku kaya nga ang ipen ko eh mas malapad pa sa lagare dahil sa lecheng kopra na yan! hmpt!
reynz’s last blog post..Oo, inaamin ko, cum laude nga ako? pero
[Reply]
hehehe! ay naku! kiver yang mga bangaw na yan! hahaha! pinag-aagawan mismo! halatang hunger talaga hahaha!
reynz’s last blog post..Oo, inaamin ko, cum laude nga ako? pero
[Reply]
hahaha walang libre sa titser? pati sa bahay me assignment? linsyak hirap nun ateng!
oo noh! nutri-ban! ahaha! bangaw ang everything! kasali yun lahat! hahaha!
reynz’s last blog post..Oo, inaamin ko, cum laude nga ako? pero
[Reply]
loka ka talaga sa totoo lang!
[Reply]
Bwehehehhe… Loka loka! lols… *sakit tiyan ko*
diwatang_byaning’s last blog post..My revolution is,
[Reply]
haha! nabaliw ako! sana nag-warning man lang ang salve kung sino ka! hahaha natae ako at kinabagan! grabe ka! haha
[Reply]
Is this a true story?
[Reply]
Yes it is.
[Reply]
nice one…
hehe ang saya ng buhay barrio ano kahit puro kamoteng kahoy ang kain… samin kasi nilabong saging eh..
palab0y’s last blog post..Ang Paglisan ni Kikay
[Reply]
di ko nagetz yung nilabong saging, baka yan yung “nilusak” hahaha! we have it in variety either “nilusak na kamoteng kahoy” or “nilusak na saging”, saging ang gusto ko, although pag kamoteng kahoy, masarap pag me halong nyog hehehe
reynz’s last blog post..Who incited these people that Obama is dangerous?!
[Reply]
sa amin yon ay nilubak na saging. wag lang sanang niluray na
kamoteng kahoy hahaha.
The Ca t’s last blog post..Doppelganger
[Reply]
hahaha! masarap yong nilubak na saging lalo na pag medyo hinog, linsyak un ang baon ko sa school nun! hahaha!!
reynz’s last blog post..Who incited these people that Obama is dangerous?!
[Reply]
Dulce? Sweety pie!
Diva’t si Kuh Ledesma ang naga-sing-sing ng “Dito Ba?”
Bilib na sanako sa storyamo…pero nalusaw na parang lawanit ang credits ng singher sa song-hits!
All da seym…peace tayo, princess reynz.
[Reply]
tingnan mo nga naman! tsk! tsk! tsk! me tama ka Jim. siguro kinulang ako nang kamote. ehehehe!
reynz’s last blog post..In defense of OFW?s: ?Walang ganyan sa States?
[Reply]
yun pong nilubak, o nilusak na saging ang kinahihinatnan ng mga nilabon o nilaga sa tubig na saging. opo napakasarap ng kakaning iyon na halos hindi na ko makadumi sa dami ng kinain ko isang pyestang pagkarami raming saging. ito po ang pinakapaburito ko
palab0y’s last blog post..Ano ko? Lamok?!
[Reply]
hahaha. Natawa ako sa laminated na diploma na yan. Mga ate ko rin pinalaminate mga original copies. May friend ako, mula Baguio, pumunta ng Manila para apply ng trabaho. Nakalimutan ang diploma, pinadala niya dito, pagdating, laminated na rin., hehe
Ely’s last blog post..Corregidor
[Reply]
hehehe kaya tuloy ang xerox copy nang lintek na diploma ko, kala mo galing recto! parati akong nale-lechehan sa laminated na diploma na yan hehehe kaya yong mga diploma ko sa US, hinding hindi ko pinapalaminate hahaha yong naka-kwadro ay photocopy hehehe
reynz’s last blog post..The formula of success is inside you
[Reply]
masarap ang kamoteng kahoy sa kinayod na nyog.
relate din ako sa lawanit at diplomang naka laminate. hahahha. congrats manay, naiyak naman ako dito. chicago na pala ang beauty mo. was just reading it.
Gloria’s last blog post..my view on the reproductive health bill: don?t kill house bill 5043
[Reply]
Nakakatuwa naman as ever ang pagkwento mo Reynz. Nakakarelate din ako sa lawanit ha!
Amor’s last blog post..Web Host Ratings
[Reply]
hehehe baryong baryong kikay ako manay noon hehehe pero miss ko talaga so nilubak hahaha
reynz’s last blog post..Kung gusto mong magsaya, umuwi ka nang Manila.
[Reply]
improved housing din kayo kung ganun hahaha
reynz’s last blog post..Kung gusto mong magsaya, umuwi ka nang Manila.
[Reply]
panong warning? parental guidance ba? hehehe!
reynz’s last blog post..Kung gusto mong magsaya, umuwi ka nang Manila.
[Reply]
sige! pagtawanan mo buhay ko! hu!hu! hu! makaka-alpas din ako nito! grrr! hahaha!
reynz’s last blog post..Kung gusto mong magsaya, umuwi ka nang Manila.
[Reply]
nabaliw ako dun sa dalawang bola na lumitaw sa pagitan ng legs mo.. hekhekhek!
naligaw lang ako dito. kakaaliw mga post mo… hehe!
[Reply]
hehehe thank you for visiting dunkinsheik hahaha
reynz’s last blog post..Certified humor blogger goes on a watosi celebration!
[Reply]
at onlyn pala.. hehe!
plamis kanina ko pa binabasa to blog mo hanggang ngaun nde ko pa tapos (take note nasa opis ako ngaun ha, pinapagalitan ko nga boss kowe.. sabi ko wag istorbo.. hehe!)
on side note:
lamo mo you remind me of a dear friend na sya lang natira sa tabi ko nun time na kelangan ko sila. nakapag-istokwa pa xe ako nun (long story) tapos un mga akala ko na fren ko eh tiningnan lang ako mula ulo hanggang paa (paksyet). sya un kumupkop saken (naiiyak na ko.. huhu!)
malas nila “never say die” mantra ko eh. aun nakabawi ako at ang mga lintek parang sipon na gusto mo isinga na bumabalek.
san na kaya un fren ko na un? nawala na sya sa haus nya eh. gusto ko pa naman ibalik utang na loob ko sa kanya. i swear naalala ko sya nun makita ko un pix mo (nalungkot din ako kasi nde ko alam kung nasan na sya).
musta na un condo mo pala. nasunog na ba dapat sunugin.. hehe! astig pala mga relathieves mo.. hehe!
[Reply]