Earlier, I said, “At sa bawat hatsing nang America, magkakasipon ang mundo. Pati kayong mga Filipino kasali sa hindi magandang santacruzan na to.” Kaya naman, nung bineyl-out ni Tito Sam ang mga impakto sa Wall Street, nag-santacruzan ang mga stock exchanges around the world. Look at them! Pati sa Russia, an sasaya nila! WORLD PEACE na ba? Not quite. I’ll explain it to you. But before I share you my royal explanation, let?s review the subprime and let me introduce you to these new buzzwords dyan sa mga investment forums kung anotong liquidity, bridge loan and bail-outs.
Here’s my subprime summary:
- Yong mga drug-addicts, unemployed, balikwa ang mga credit ratings, walang anda, pati mga chugi na, nakapag-apply nang mortgage. Hahaha!.
- Yong mga demonyong loan originators keri kung tao ka, kung buhay ka, kung me pera ka, kung totoo ang pangalan mo, kung me trabaho ka, pinapirma ka lang sa mortgage note and boom! Apprub! Why? They earn a fee. Pwede ba noh!
- Yong signed mortgage note goes to the bank or mortgage companies, pag-sasama-samahin ang ibang mortgage notes na galing sa Nigeria, they will bundle this say, by $1 million and sell them to other investment houses sa Wall Street.
- Eto namang mga impaktong investment houses sa Wall Street will re-packaged them at tatawaging fancy fancy high faluting vaka nina nyang name. Por ejemplo: “high-grade“, “highly-leveraged“, “enhanced”, “risk-free” at kung ano ano pang chorva.
- Ikaw namang investor, dahil swapang, ganid at tanga ka pa, nasilaw ka sa lecheng ?enhanced? stocks and mutual funds na yan, sinanla mo pati na kaluluwa nang byenan mo at binili mong buo ang isang sakong investments na uud pala ang laman.
- Nauto ka nang nagbenta sayo at sya ang wagi, me komisyon na ang gago, pinalitan nya na ang kotse nya na kung tumakbo eh pahalang, bago na naman ang kanyang Lexus.
- Yong lecheng pokpok nag-benta sayo, na-promote sa Wall Street, kasi mas ganid yong boss, pinadala sa Tokyo, Hongkong, London, Singapore at Manila. Kumikinang ang prospectus. Puro letsugas na “no-transaction fee” pero hayup ang komisyon nang mga gagu, “5-star rated funds” daw, at binalik uli yong lecheng ?enhanced?. Guapo. Blue-eyed. Blond hair. Buy ka. Sa totoo lang ano?! Ayaw mong bumili nang stocks and bonds sa itsurang aboridyinis. Halller! Aminin!
- Meanwhile, dumagsa ang investor nang impaktong investment company. Lomobo ang mga bugok na assets nila. Of course, an-daming na-uto. Tumaas nang tumaas ang stocks. Mas lalong dumami ang bumili. Yong assets nang balance sheet nya? Lomobo pa nang todo!
- Pa-anong di lolobo at bibili ang mga sophisticated at mga konyong tanga sa mundo dahil pinaniwalaan ang mga audited financial statements nang mga auditors dyan na kagaya nang Arturo & Andu CPA firm na sumakabilang buhay na. Hahaha! Nag-issue nang nag-issue nang unqualified opinions.
- Unqualified opinions? Oo. Inatasan nang Board of Directors na i-audit ang kanilang operations dahil independent sila. Dahil gusto ring tumabo nang anda walang ginawa puro ok daw ang mga papel nila. Nakabasa na ba kayo nang unqualified opinion? Ganito: “In our twisted opinion, the financial statements referred to above the kisame, presents a lot of fairies, in all material gurls, the financial position chorva chorva as of kahapon at magpakailan pa man ever, and the changes in its missionary position, for all the years na tumabo kami nang anda that will never end, in conformity with all the generally accepted chorva chorva nang mga manghuhula sa Quiapo guided by Madame Auring keri kahit puno nang haka-haka at mga baluktot na kompyutada.”. Ayan, ganun. Taz pirmado sya in 12 fonts, italic, times times new roman empires.
- Mas lalong dagsaan ang luminya at bumili nang mga uud na investment vehicle certificates kasi naman me mga tikbalang na ratings agencies gusto ring makadekwat at sinabing triple-A investment grade ang rango kahit na puro pulbura ang laman nang sako! Lecheng analintek review ang ginawa para ma-rate ang investments. Siguro binabasa sex life ni Paris Hilton instead na alamin kung ano ang prospects at strategies nang kompanya na ni-re-rate nila.
- Pumasok ang word na ?liquidity problems?. Liquidity problems? Intelektwal at pan-shock na word sa mga walang alam, na ang ibig sabihin, wala kang nakolektang pera at magbabayad ka nang koryente pati na interest dun sa mga nag-invest or nag-pa utang seyo. Bakit? Eh kasi naman ang mga pinagbentahan mo nang bahay eh wala naman palang mga pambayad. Kaya nga “lomobo assets” nila, kasi hangin lang pala ang laman! Hahaha!
- Pumasok ang word na ?bridge loan?. Anokamo? Nag-papautang nang tulay? Gaga hindi! Pan-litong word lang yan sa mga pwedeng ma-uto. Bridge kasi, in the meantime na me hinihintay kang pumasok na pera at di pa dumarating, aabonohan muna. Minsan nga, meron pang “subordinated loan“. Hindi sya loan sa mga subordinates. Saka na naten pag-usapan. So ang ?bridge loan? really is ?abono mu muna loan? Hahaha! Kelangan daw mangutang. Short-term lang naman. Huh?! Short term? Maniwala ka sa mga gagong yan! Pano magiging short-term eh ang average term nung notes karamihan eh 30 years? Haller!
- Ang totoo nito, they will
raise more capital?. Huh? Ano yon? ?Raise more capital? is just another fancy word na ang ibig sabihin, ?mangu-ngutang uli kami dahil leche kami sa swapang!?. Ganun. At dahil delikado ang sitwasyon nang mga ulupong, mas higher ang interest this time at karamihan nyan yong tipong ?pauutangin kita, pero akin na ang nobenta-y-nuebe porsyento nang business mo“. Diva???
That?s why ?merong? nag-bail out sa AIG. Bail-out? Me nakulong? Wala pa, gaga! Pero sana malapit na. So ayun, me nag-bigay nang bridge loan. Pinautang. At meron na ?syang? porsyento sa AIG“. Save the world dahil maraming mga sophisticated tanga sa mundo. Maligaya ang lahat.
Sino ang loser dito sa lecheng bail-out na to? Kami. Kami dito. Dito sa Estados Unidos. Dahil pambili namen nang kortal, sibuyas, wheelchair, viagra at pampala nang snow ang perang yan. Instead na mapunta sa social services namen, ayan, in a way, sinalba namen ang mga impaktong mga ganid sa Wall Street. Tutal, marami namang pera si Tito Sam, diba? Haller!!! Pension namen yan! Ang get this, inabante nang inabante ang retirement age para wez na kaming maka-dekwat sa sarili naming timba. Dati 65, naging 66 ngayon? 67. Pano pag nag-retire ako?t ginawang otsenta otso?! Pano na ang mga kaartehan ko? Mga leche kayo! Ako ang nagbabayad nang mga kademonyohang toooo!!! Grrr!
Fine! Me kasalanan den ako! Alam nyo naman ang lola, otsenta anyos na. Nabentahan nang investments, “Agressive Earnings” daw at “high-growth“. Ayan! Kaya siguro nagka-leche-leche ang buhay kooo! Waaaaa!!!
TO BE CONTINUED: MORE WALL STREET CHORVA NEXT…
BTW, just to give you a synopsis or reyna wall street readers, the averagel 80% Philippine readers has now been swamped by overseas readers:
As usual, eto na naman ang “wala akong kasalanan pag nalugi kayo dahil indi eto financial advice” statement. Mahirap na po! Baka ako eh madale nang dis-oras! Eto po are nothing but some personal chorva chorva lang! Hehehe!:
Because the US Securities Law is very strict on people giving financial advice, this entry which is my personal understanding of the US housing market and how the mortgage and mortgage-backed securities work all the way from homeowners to Wall Street to investors, is by no means a financial advice. Do not ever attempt to dump your stocks just because you read Reynz entry or I?ll smack the shit out of you! If you were rattled or feel uneasy with the financial news coming from New York, please consult your Financial Advisor and your doctor! Hahaha!
Stumble Upon
Del.icio.us
Buzz











{ 2 trackbacks }
{ 14 comments… read them below or add one }
reynz,
may nakalimutan, at kunsultahin nila ang crystal ball at ang mga manghuhula sa quaipo na pinaalis na ni mayor Lim. hohoho.
The Ca t’s last blog post..A Novel and Accounting for Dummies
[Reply]
tumpak! hehehe! sandali! i forgot something on the equation, nawala yong ratings agencies hahaha! ayusin ko hehehe!
reynz’s last blog post..Subprime Summary: Liquidity, bridge loan and bail-out, anoto?!
[Reply]
Kamahalan,
Dito nila kailangan si Madam Auring para sabihin kung malas o swerte ang kanilang aura sa investment hehehe. Sa negosyo bahagi na ang pagkalugi pero sana naman hindi ang katangahan ang sanhi ng pagkalugi.
Colegialagirl’s last blog post..Magbabayad ka rin! (The last Kiss)
[Reply]
pang “forwarded message” na naman ito!hahaha… seems like lugi talaga to the max ang mood mo to write such a piece. So that’s “worls market” is all about, kakatawa”….”?bridge loan?. Anokamo? Nag-papautang nang tulay? Gaga hindi!”(LMAO)
[Reply]
korek ka dyan! daanin na lang sa baraha! hahaha!
reynz’s last blog post..Subprime Summary: Liquidity, bridge loan and bail-out, anoto?!
[Reply]
well, so far ok naman ang mga naimbak kong kokonti dyan! tutal nasa wachovia naman sila, sana di tamaan hahaha meron din akong mga tatlong bumagsak, duda ko me mga uud den tong napili ko, eh kasi naman ano? puro mga lecheng “agressive” ever chorvalais daw sila! alam mo naman ang mga lecheng Wall Street na yan, gagamitan at gagamitan ka nang mga high faluting beautful shining ever! nakuuu!!!!
reynz’s last blog post..Subprime Summary: Liquidity, bridge loan and bail-out, anoto?!
[Reply]
Mahal na Reyna,
I found out na makabuluhan talaga parate ang mga pinag bubunganga mo dito. Madame akung natutunan kababasa ng mga blag mo. Ginawa ko na nga tong parang bible eh.
[Reply]
Ang mga chorvang nagkayaman sa AIG ang dapat managot…at di ang bail-out ng bobong GWB… America is now gone socialist…in the long run ang pansamantalang remedyo ito ay lalong perwisyo sa lahat ng sector at class ng tao lalung-lalo na ang mga WORKING POO_, MIDDLE _ _ASS, at HIGH INCOME TAX BRA_ _ _ _!
[Reply]
you found out?! you mean, pati mga hada entries ko makabuluhan? HAHAHA! teka lang at maiforward to sa lahat nang awarding chorvalais bodies hehehe!
wag mo namang gawing bibliya! magagalet si Lord! hahaha! thou shall not ever ever kasi di ba? I mean, ok lang na sambahin mo ako pero wag dyan baka tuluyan na akong tamaan nang kidlat hehehe!
reynz’s last blog post..What should I do with this $5,000?
[Reply]
ano fa nga ba! nasikwat na naman ang pensyon namen! mga hayup talaga! wait ko lang ang SSS statement ko’t alam ko bumagsak na naman ang estimated pension ko pag ako eh umedad nang siento trenta otso! grrr!
reynz’s last blog post..What should I do with this $5,000?
[Reply]
ito ang risk ng deregulation… sana lang nabantayan bago pumutok yung lobo. on the other hand, kapag naman too much regulation like yung sinasabi ni obama, parang nakikinita ko ng mawawalan na naman tayo ng investors dahil ang kakambal naman ng regulation ay ang walang katapusang madugong red tape na may tendency ding abusuhin ng iilang gunggung davah? so let’s just hope America will be able to rise above this crisis – it is still theoretically possible, actually, although mahirap talaga. Ang kailangan ng US eh isang bold move but I hope they will look closely at the possible repercussions and decide if it’s really worth the risk.
[Reply]
tumpak yong risk nang deregulation! eh ngayon nga if you look at the grand bailout of all the bailout, ateng, it’s like erasing the credit market at talagang titigukin ka pag umutang ka! how can we move now? i mean, an daming turnilyong inilagay pag uutang ka! regulated to the max! ewan ko ba! kaloka ever pakinggan tong mga to!
reynz’s last blog post..Palin?s fire is goner while Obama sizzles back and on fire!
[Reply]
Teka nga, sino ba nanalo dun sa Blog Awards na yun? Wag mong sabihing tinalo ka pa dun sa OFW category? Di ako papayag dun. Ang lakas ng loob magbigay ng Awards, ni hindi naman ma-update yung blog nila on time (parang ako).
Eniweys, totoo bang papalitan na ang USA ng People’s Republic of America?
TonGuE-tWisTeD’s last blog post..It’s a Moro-Moro, you Morons!
[Reply]
People’s Republic?! HAHAHA! leche! naubos oras ko sa mga pangbabato saken di ko alam na peoples ever na kami! san mo narinig to? hahaha!
Di ko alam kung sinong nanalo sa Blog Awards hahaha!
reynz’s last blog post..Plurk: No holds barred
[Reply]