Madalas na tanong pag Pinoy ka, di ba? “O tuksooo!!! Layuan mo akooo!!!!” Pakanta-kanta pa akong nag-lalakad papasok sa simbahan. Yeap, kanta. At pati sarili ko, kinakausap ko na rin. At sinasagot kamo ako! Huh?! Yeap! May I ask ka, simbahan?! Oh, yea, I do go to Church. Pramis. Under duress, coercion, intimidation and harassment from Chuva Chienes Dot Com. But, I don’t have to! Eh kasi nga, me 1st cousin na ako who is very close with us who has a really nice position here. Meron pang tiga Jersey. Me mga kebigan. Andyan si Fr. Bluepanjeet. And??? Meron akong 21 units of Theology sa college. So, safe na ako sa impierno. Di ba? That gives me a direct line to heaven. But for Chuva’s world peace, pinagbigyan ko. Matigil lang ang bruhitang to. So, I dragged my ass, drove 34 miles to Jersey kahit na $4 sum’tin sum’tin per gallon ang gasolina taz bayad ka pa nang tolls and went to Church with him today.
Fashionably late, we sat at the back. I don’t know what it is. Wait! Of course I do. Chuva should have not brought me to this place! Juicessss!!! How could I, in my patawarin nyo po ako momma, concentrate sa misa na to, for the love of god, with all these cute guys inside? How?!
Nag-sermon na ang pari… “And so my brothers and sisters…” … Me dumaan.. hmmmm, in my mind, it’s as if my brains were talking to me: “checked! boylet-material! yeah! picket fences? Naah, 2 nights perhaps.” Di ko mapigilan, umiikot ang mga mata ko. Nakakatawa minsan ang mga itsura nang nag-sisimba. Hehehe!
Patuloy ang pare… “And so my brothers and sisters…” … Me tumayo sa harap namen. Dalwang teen-age gurls. Pucha, yong shorts eh labas na yong guhit nung panty. Tingin ang Chuva saken. Nag-kasabay pa kame. Gusto na nameng bumungakngak. Pigil. Bat’ ang mga to? Ganito pumasok nang simbahan? Mga walang modo! Mga bastos di ba? Grr! Hahaha And so my brothers and sisters…” patuloy na sermon nang pari… Na-alala ko tuloy in my Barrio Siete noon. Me isang galeng Meynila nun. Nakalinya at mag-ko-komunyun. In a spaghetti. Pyesta eh, at talagang ang susu eh aalpas na. Indi binigyan nang pare nang loaf bread at bihon, yeap. Instead, pinagalitan in front of everybody. Hehehe! Biglang nasekwat ang borlogs na audience sa mala-labuyong sermon ni Padre. Dumating sa “I believe” nag-mistulang concert ni Andrea Bocelli ang community praying. Ganyan ang tao. Kelangang takutin mong pupunta nang impierno else, indi titino. Teka? sinong kausap ko?!
Samen sa Barrio nun, me isang pamilya, linggo linggo nagsisimba. Para ipakita sa mga tiga-barrio ang mga bagong bestida. Kaya pag absent sila, alam namen, walang pera. “And so my brothers and sisters…” … pansin ko yung nakaupo sa harap namen mag-o-offering… nanay, tatay, junak na lalaki, at dalwa pang maliit na mga junakees. Hmmm… gwapo nung anak na julaki. Grrr! Ilang taon na kaya sya? Bente? Bente dos??? Tres? Kwatro? Tinginan kami ni Chuva. Umandar na naman utak ko… “boylet material? anong material? possible na possible! picket fences? Hmmm… wafu, mahirap i-hawla.” Anong parte kaya yong “Peace be with you” at makalipat sa tabi nito! Hehehe!
I don’t know, is it just me? Or, me mga others others pa ba around who goes to Church para lang masabing nag-simba? Or, am I the only one who’s having some serious concentration moments right now? Ano ba?! “And so my brothers and sisters… in death comes new life.” Yun pala ang sine-sermon! HUH?! Nagulantang ako. At least narinig ko ang juice nong sermon kahapon. So, that means, counted na nag-simba ako, right?
Stumble Upon
Del.icio.us
Buzz







{ 14 comments… read them below or add one }
wehehehe kaya ako allergic din magsimba kasi antokers ako pag asa loob ng simbahan eh, kugn di naman lumlipad din yung utak ko at kung ano ano rin ang napapansin ko
pusa’s last blog post..the evolution of a cat
[Reply]
maraming nagsisimba na silay lang talaga ang gustong gawin nila.dapat dinala mo kasi yung iyong belo e para hindi ka maging makasalanan, ano ka ba.
dito sa oyropa, ang lalaki ng simbahan pero napupuno lang sila kapag may okasyon, kung hindi man matanda e super toddler naman yung masisilay mo, hehe
kengkay’s last blog post..kamayan
[Reply]
ang alam ko, dito samen, apaw ang simbahan sa araw na gughitan ang noo mo nang kruz, then takbo sa opis para i-advertise na krisyano sila hahaha at pag sunday? an lawak nang parking lot hahaha
reynz’s last blog post..Nag-simba ka na ba?
[Reply]
ganyan ako minsan hahaha tumatakbo ang isip at kung ano anong pumapasok sa utak ko hehehe
reynz’s last blog post..Nag-simba ka na ba?
[Reply]
Kakalungkot na kakaunti na nagsisimba ano?
Pero it’s good reynz that you have gone to church. With or Without concentration, it is already a start.
Ganyan din ako dati, di makapag concentrate, palagi iniisip assignemnts noong HS, lakad ng barkada, ninanamnam ang lambot ng palad ng ex gf ko habang nakikinig sa pari o di kaya naman nakatingala sa kisame at tinitingnan ang mga paintings etc.
Pero syempre lumaon at nabigyan ng grasya na magkaroon ng panimula uli sa pananampalataya. ayun di na issue sa akin ngayon ang pagkawala sa concentration.
Actually the mass itself is a prayer. Every pagluhod, pag kanta at pag sagot sa prayer is just part and parcel of the greatest prayer of the Church which is the mass.
It is totally understandable to be distracted haha kaya nga sa Archdiocese of Manila pinatutupad na ang dress code which I myself have some reservations in favor of the poor. Albeit the good thing about the dress code is it is not compulsary or mandatory. Just a guidline for the faithful. Sana nga ibalik ang belo kasi nung time daw ng mother ko (before the Vatican II council which renewed the church in a good way), lahat ng babae nakabelo. Kaya lang ang nangyari naman, pagandahan ng belo, pagandahan ng burda at lace… samakatuwid naging superficial uli…
Pero the point is at least sumimba ka, hindi nga lang 100% kasi dapat buong puso at diwa ang concentration haha pero pasasaan ba at maalis mo rin yang distraction mo. Para yang basketball eh, practice makes perfect. Kaya sama ka lang palagi kay Chuva sa simbahan at namnamin ang salita ng Diyos.
haha ayan nagsermon na ako.
Malaking issue talaga minsan ang pagiging superficial lalo na’t malalaman ng tao na palasimba si manang tapos tsismosa naman pala haha. Pero sabi nga, di natin dapat hayaang mangibabaw ang hiya at hesitation sa Misa kasi pag nasimba ka naman, in some way, di ka naman huhusgahan ng pari, husgahan ka man ng tao, eh sila din naman makasalanan, sapagkat ang dasal naman ay personal na pakikitungo sa dyos kahit na ang misa ay isang communal gathering.
The wisdom of the dress code is to avoid the prying eyes of the community from staring at the faithful haha tulad nung nakita mo na nakabakat ang panty. Kasi sa ating mga katoliko, si Kristo mismo yung nasa unahan, yung tinapay na tinataas at alak na nasa kalis. Its not metaphorical but a reality, the presence of the Almighty God, his body and blood, present in every Mass all over the world. So dapat lang talaga He should be the center of our attention and not the boylets and panty line showing girls haha.
Next week simba ka uli makikita mo, every week mawawala na yang distraction mo kasi maaaliw ka na kay Kristo. hehe
God will make a way when there seems to be no way…
Pax et Bonum Kapatid
PS. Thank you for your honesty. Natuwa ako sa post mo kasi you bared everything that you felt and experienced during mass. Tao ka lang, and normal yang mga ganyang bagay.
bluepanjeet’s last blog post..The 18 castaways of Survivor Philippines
[Reply]
hehehe! salamat po Fr. Bluepanjeet! hahaha! talagang honest to goodness laman nang utak ko yan sa loob nang simbahan and i honestly can’t help it hehehe
parati naman actually kami ni Chuva nag-sisimba and i do have a lot of experiences sa loob nang simbahan hahaha -= an sama ko talaga hahaha
reynz’s last blog post..My 4th job interview, by phone from Chicago
[Reply]
Hahahha!! “labas na guhit ng panty” hahaha! na-alala ko yun bigla akong natumba sa silya ko!!
Kasi naman pati ako nahahawa sa ‘yo eh! Tinanong ko si Reynz after the mass, “Did you like the sermon?” “Ano ba ang sermon?” Hahaha! Kung sino sino kasi ang tinitingnan… pati ko nagkakasala sa ‘yo sa simbahan!!
Hoy, in fairview – - yung trainer ko nagsisimba rin!! MAHAL KO SIYA!!!!!!!!!!!!!!! LOL!!!!
chuva’s last blog post..Charice sings a duet with Celine Dion at Madison Square Garden
[Reply]
mamita kakaintriga ang posing ng mga boylet mo dityo.. pero safe ka na tlga dhil sa 21 units mo sa theo.. panalo.. keri na yan ni san pedro sa langit
[Reply]
halller! ba’t ikaw ang nag-te-train sa trainor mo? hahaha anong tinuturo mo ‘day? hahaha!
[Reply]
muntik ba naman na ako maging madre sa theology ko hehehe
reynz’s last blog post..How home equity and home equity loan works
[Reply]
wahahaha shwaveh aman yun magaalpas na ang suso hahah
ehmm eheh errm giangawa ko po para makapagconcentrate sa misa, nagseserve po ako. hehehe masarap magsakristan kasi alam mo ang flow ng misa, alam mo kung kelan luluhod, iimik, tatayo, at susubo hehehe.
palab0y’s last blog post..Talangkang Nagpupusoy
[Reply]
hehehe nag-sakristan na ako nung sanggol pa lang ang lola sa barrio siete. dalwa kaming sakristan. hehehe. dalwa. kami. kaming dalwa. sakristan. HAHAHAHA
reynz’s last blog post..The Housing Tax Credits at ang boylet ni Reyna
[Reply]
marhay na aga po. magagayun ang blog mo po…feeling ko matali na ako after mabasa ang mga subprime ek ek chuva sa blog mo. ipagpatuloy po….
[Reply]
dati pumupunta ko sa st. jude sa may malacanang tuwing huwebes, dala-dala ko pati ball pen na gagamitin ko sa exam
[Reply]