Is the thrill in blogging gone?

by reyna23 on September 6, 2008

Blogging used to be thrilling. Ewan ko lang mga kunichiwa noh? This is just my own and very scientifically not experimented observation. Yon bang excitement na makita ang first entry mo that took you forever in the wee hours of the morning na i-compose and it’s out there for the world to see under sa www.pangalankoto.com.

At dahil sa cute ang comma, maganda. Kaya ninakaw nang iba para pagkakitaan nila. Pati title kinopya, pag pumirma, kanila na. Mga hayuuup talaga! Grrr!

Super exciting den to meet a lot of bloggers. Tao den pala sila and then, tagay-tagay friendship na. Yung iba?! Eh di others!

Then there was anda in blogging, so the more na motivated ka. Pambili nang gasul, NFA rice, load o kaya allowance nang mga fafa.

You never run out of ideas. You never run out of entries. Pati enemies mo inggit sa ganda mo. Honestly, pati ang ex mo na walang ka-malay malay, isinulat mo’t nila-it lait mo na rin, hehehe! Pati na rin nga yong GF nya, diba? Aminin! Hahaha! At pati na mga boys mo, inistok mo na rin! Hahaha!

Then you move to the kitchen, sa pader nang bahay nyo and beyond. Lahat yun, naisulat mo na. Im fack, pati anghit nang neighbor mo, walang paltos. Isang category sya.

Then one day, lahat nang kulay ni Ka Pepe, puro na gray. Meron mang opportunity, $5 for 300 words. Ang kapal di ba? Binarat ka na rin ni Sponsored Review. Nag-bid ka nang singkwenta. Counter-bid sya nang piso. Pati na ang presyo ni Review Me, bumagsak na rin dahil chinugi ni Pareng Oggle ang Page Rank mo.

Lahat na ata nang SEO tricks, na-i-tumbling mo na. Im fack again, lahat na nang pumapasok sa site mo, puro malilibog na ang hanap eh iskandalo. Ang a-arte pa kamo, dahil kelangan bigyan mo pa nang two cups.

Natigil bigla ang pagigi mong tambay. Nakursunadahan ka kasi.

Naging busy ka sa work na tres-sientos kada otro dia.

You fell in love, sa bakla.

Nagpakasal, sa lalaking me asawa o di naman sa isang viewduh.

At nanganak, nang di pa kasal.

Sinabi na kasing hugutin, sabi nang simbahan, yan ang yong tungkulin.

Ayan, magdusa ka. Sandosena na kasi sila.

I guess, yon talaga ang that’s the way, aha! aha! at mga because because kung bakit why at saka datapwa’t subalit some bloggers lost interest or lost steam in blogging. Pwede syang short blogging movie. “Tinakam ka’t nilayasan ka!” Charing lang mga kunichiwa! Hehehe! Tuloy minsan ang utak ko goes that the thrill in blogging is gone.

WORLD PEACE na ata.

You think?

Ganado ka pa rin ba? Kase ako ano eh… nag-mi-mid-life crisis na rin ang blogging life ko! hehehe!

But worry nut mah friend. Me niluluto and reyna. If there’s no more thrill in blogging, wez eh di gumawa nang thriller! Abangan! Hahaha! Brought to you by . . . . !

reynaelena_signature.JPG

Related Posts with Thumbnails

Reyna Elena Dot Com is Powered By Thesis

Thesis Theme

With Thesis, you need not worry about your in-site SEO. All you have to do is "just add killer content". From beginners, to the most advanced WordPress developers, Thesis makes it easy for anyone to customize it.

{ 1 trackback }

2008: reyna elena dot com: year in review | reyna elena dot com
December 29, 2008 at 3:21 pm

{ 64 comments… read them below or add one }

mocs July 25, 2008 at 12:52 am

hahahaha! i like this…u hit many bloggers on the head!

mocs’s last blog post..Dollar coins

[Reply]

chuvaness July 25, 2008 at 1:46 am

You never run out of ideas. You never run out of entries. Pati enemies mo inggit sa ganda mo. Honestly, pati ang ex mo na walang ka-malay malay, isinulat mo’t nila-it lait mo na rin, hehehe! Pati na rin nga yong GF nya, diba? Aminin! Hahaha! At pati na mga boys mo, inistok mo na rin! Hahaha!

HOY!!!! BAKET PARANG KILALA KO KUNG SINO TO!!!!!!

chuvaness’s last blog post..Guidelines In Choosing A Date

[Reply]

reynz July 25, 2008 at 1:58 am

hehehe! chika lang to hehehe

[Reply]

reynz July 25, 2008 at 1:59 am

HOY! indi ako yan ha?! hehehe! ni minsan! indi ko ginawa to! hehehe! EVER! hahaha!

reynz’s last blog post..Is the thrill in blogging gone?

[Reply]

chuvaness July 25, 2008 at 2:08 am

ano yang niluluto mo?? mag papa BINGO ka?? heheheh

chuvaness’s last blog post..Guidelines In Choosing A Date

[Reply]

reynz July 25, 2008 at 2:13 am

HAHAHAHA! basta! kelangan na naten uli nang drama! hahaha! ibalik ang trill! dennis trillo! hehe

[Reply]

chuvaness July 25, 2008 at 2:27 am

THRILL??? DRAMA??? MAMILI KA:

a. mag away tayo
b. mag pakasal tayo
c. tapos mag anak tayo
d. tapos mag DIVORCE

Bonggang bongga ‘day!!!!

chuvaness’s last blog post..Guidelines In Choosing A Date

[Reply]

reynz July 25, 2008 at 2:32 am

HORROR YAN ATENG!!! WAAAA!! HORRRORRRR!!!! WAAAAA!!!!

reynz’s last blog post..Is the thrill in blogging gone?

[Reply]

chuvaness July 25, 2008 at 2:35 am

THRILLER ang gusto di ba

hahhahahhahaha

chuvaness’s last blog post..Guidelines In Choosing A Date

[Reply]

reynz July 25, 2008 at 2:57 am

email ko na lang si ano… si pareng ano… hehehe at kayo na lang heheh mas thrilling ang matchingmaking hahaha

reynz’s last blog post..Is the thrill in blogging gone?

[Reply]

Glo July 25, 2008 at 3:20 am

HAHAHAHAHA!!! aray ko! hahahaha. well…abangan ko yang niluluto mo. ;-)

Glo’s last blog post..Friday in Photos: 11 July 2008

[Reply]

jojitah July 25, 2008 at 10:09 am

pwede ko bang i-copy paste ‘tong entry na ito? hahaha!

matagal ko ng obserbasyon ito, feeling ko nga seasonal ang blogging parang prutas. lol!

simulan na ang thriller ekek mudra!!!

[Reply]

Colegiala girl July 25, 2008 at 10:43 am

Dito nangunguna ang mahal na reyna… bow talaga ako sa bilis niyang magisip at magposte ng mga articles na talaga namang kakaiba at nakakainganyong basahi. Mabuhay ang mahal na reyna!

Colegiala girl’s last blog post..Lola Liberty; a Commentary of Contemporary Philippine Issues

[Reply]

reyna elena July 25, 2008 at 12:05 pm

hahaha! keri joji! hahaha! anytime all the time! hahahaha

[Reply]

reyna elena July 25, 2008 at 12:05 pm

malapit na hehehe!

reyna elena’s last blog post..Is the thrill in blogging gone?

[Reply]

reyna elena July 25, 2008 at 12:16 pm

naku kahit wala akong trabaho babaunin ko ton at ipagmamayabang sa pagta-tambay koooo hehehhe thank you! hahaha!

reyna elena’s last blog post..Is the thrill in blogging gone?

[Reply]

Kotsengkuba July 25, 2008 at 12:27 pm

may bago akong kuta, sa eksaktong year2 ng blogging career ko irereveal. hahaha, paimportante and dating. ganun ;-)

Kotsengkuba’s last blog post..I won Php800,000 from a Text Scam

[Reply]

reyna elena July 25, 2008 at 1:22 pm

pareng k! blocked ba ang reyna? daming mong feeds na pumapasok sa manukan ko hehehe puro 2007 entries! hahaha!

reyna elena’s last blog post..Is the thrill in blogging gone?

[Reply]

diwatang_byaning July 25, 2008 at 4:53 pm

Then one day, lahat nang kulay ni Ka Pepe, puro na gray. Meron mang opportunity, $5 for 300 words

-PFT! Kapal talaga sinsabi mo lol…

Anong bake mo Reyns?

diwatang_byaning’s last blog post..Tell it to my heart [G-Spot! What does G stands for? Gotcha!] Part 2

[Reply]

reyna elena July 25, 2008 at 5:12 pm

mag-intay ka lang! tatalunin ko yang $5 for 300 words na yan! pfftta yan oo! wala na naman akong kinita! grrrr!!!

reyna elena’s last blog post..Is the thrill in blogging gone?

[Reply]

diwatang_byaning July 25, 2008 at 5:16 pm

Hindi ka nagiisa pfffffffffffftttttt! hehehe… Anong alam ko sa Cell Stem Reserach chorvelais na yan – lalaki ako no! [Aray ko!]

diwatang_byaning’s last blog post..Tell it to my heart [G-Spot! What does G stands for? Gotcha!] Part 2

[Reply]

reynz July 25, 2008 at 5:32 pm

nakakuha ka nang stem cell research?! hay naku in fairness specialista na ako pagdating sa casino, online gaming, poker, texas holdiem, viagra hahahaha

[Reply]

reynz July 25, 2008 at 5:34 pm

anak nang 300 words yang stem cell research mo for $5!!! hahaha! ang kakapalllll hahahaha!!!

[Reply]

kengkay July 25, 2008 at 5:42 pm

alam mo minsan, parang ganyan na nga rin — walang gana kasi may ibang niloloto, hahaha… ako nawalan ng gana kasi yung niloloto ko e hindi ko maloto-loto, alam mo yun. yung tipong nag tumbling tumbling na at nagkadokleng dokleng ka na at nagkapaso paso ka na e di pa rin maloto-loto — e parang ayoko na ring tapusin lotoin esp kung ganyan na kababa ang bayaran sa lotoan. ano ba yun. naamoy ko na yung loto mo, mukhang malapit na masunog, waaaaa

kengkay’s last blog post..Kengkay’s Vineyard 2

[Reply]

diwatang_byaning July 25, 2008 at 5:57 pm

Pinatulan ko na, wala akong pambiling NFA risssess at gatas – maglakad man ako maghapon indi ko mapupulot sa kalsada ang $5 lol

diwatang_byaning’s last blog post..I love being a woman!

[Reply]

Ely July 25, 2008 at 6:54 pm

hmmmm, ano naman kaya yang pakulong yan? Tagal naman maluto. hehe

Ely’s last blog post..ilocano

[Reply]

reyna elena July 25, 2008 at 8:03 pm

aktwali madami na akong plinanong indi matapos tapos, puro na lang ako start den nawawalan nang gana hehehe minsan ni wala nang pumapasok sa utak ko, i guess ganito talaga pag charity event, else kung binabayaran tayo doing this, the feeling must be different. nagmukha na kasing work eh! hahaha

reyna elena’s last blog post..Is the thrill in blogging gone?

[Reply]

reyna elena July 25, 2008 at 8:04 pm

hehehe sana nga matapos dahil pang ilang beses na to noh? hehehe

reyna elena’s last blog post..Is the thrill in blogging gone?

[Reply]

Fitz July 25, 2008 at 8:24 pm

Kaya importante na hindi pera ang primary motivation mo sa pagsusulat ng blog. Kasi pag hindi ka makakuha ng matinong opp tatamarin ka ding mag-blog.

Sa tingin ko, dapat nagsusulat ka ng blog dahil:
1. madaldal ka at marami kang gustong sabihin sa mundo, wala kang pakialam kung may nakikinig, basta ang importante, nailalabas mo ang damdamin mo
2. gusto mong makakilala ng mga taong magiging kaibigan, sawa ka na kasi sa paligid mo at gusto mong maiba naman ang mga nakakasalamuha mo
3. nais mong ikwento ang buhay mo para meron kang babalikan at babasahin kapag ulyanin ka na at gusto mong maalala ang mga nangyari sa buhay mo

bonus na lang siguro ang kumikita ka ng pera sa pagbla-blog mo. :D

Fitz’s last blog post..Simple and Practical Ways To Save Money On Clothing

[Reply]

reynz July 26, 2008 at 1:33 am

aray kuh! hehehe! ansakeet! hahaha!

aktwali the other day, naburo ako, binalikan ko yong mga kalechehang pinag-susulat ko about my favorite boss sa New Jersey, na-alala ko tuloy, gwapo pa naman nun… hehehe

[Reply]

Hannah July 26, 2008 at 5:06 am

nabasa ko ito last night, nde ko na-absorb kasi antok na ako..

aabangan ko ang niluluto mo para ganahan kaming lahat hehehe

way to go your highness

[Reply]

kenjebz July 26, 2008 at 7:27 am

reynz, musta na. you qualify as nominee sa top10pinoy expats/ofw blog, guess you been there na sa site namin, but here’s the link pa rin, Http://jbsolis.blogspot.com please copy the html banner link at add sa sidebar mo so people can vote for you. wel add you sa voting widget and once naokay na sponsor namin, we’l give all nominees the widget so your visitors can vote for you right here. Please let us know if you added na the banner so we can verify your site. Sorry about kotseng kuba, he lost his site eh, kaya we can’t verify it.

[Reply]

rhada July 26, 2008 at 11:35 pm

aabangan ko ang makabagbag damdaming pakulo na sinasabi mo….masyado nga lang suspens….buti na lang wala akong sakit sa puso.

alam mo mahay na reynz, natumbok mo ang pilings ko…ewan ko ba, parang nawala ang latoy sa blogging, lalo na nung naging talamak ang ka PePe…syempre di ba sa totoo lang kaya tayo nagba-blog hop eh para makipag tsika tsika at makabasa ng mga latest chismis…kaso kadalasan eh patalastas lang nakikita natin (guilty din ako jan dahil may manaka-naka pa rin akong ka pepe kahit na tipis ko na mag hiatus).

buti na lang may mga blog pa rin na nakakaaliw basahin…like yours…hayyyyyyyyyyyyyyyy

rhada’s last blog post..Tsk

[Reply]

lovelyn July 27, 2008 at 12:43 am

Uyy, meron nga minsang finorward na message sa kin e nung binasa ko, aba familiar. Been thinking, san ko na ba binasa to? Ayyyy kay Reyna Elena!!! Pero alang credit sayo kahit na winord by word kong binasa sa una’t sa huli.

Don’t worry, baka PMS lang yan at hindi mid-life crisis hahaha….

Can’t wait sa ihahain mo!

[Reply]

reynz July 27, 2008 at 1:41 am

hehehe gaya nga nang sabi ni Fitz wag kasing mag-blog for money hehehe! kaso, honestly ako?! hahaha pag di ko nakuha sa blogging ultimo pambayad ko sa site, ipa-padlak ko site na to hehehe

nasanay din kasi ako na malaki ang kinikita ko sa blogging, ngayon? lintek! wala naaaa!!!

reynz’s last blog post..Meet Senator Barack Obama

[Reply]

reynz July 27, 2008 at 1:42 am

i think i did received a forwarded message that went around many times at ang nakakatuwa, ako ang nagsulat hahahaha, ayufff ehehe, i think naitago ko pa ang link hehehe antagal na kasi nun

reynz’s last blog post..Meet Senator Barack Obama

[Reply]

Thess July 27, 2008 at 9:26 am

Hi Reynz! tawa ako ng tawa sa entry na ito, swak na swak sa karamihan sa atin, umamin man at hindi…

to be honest, every 3 months nagmi-midlife crisis kami ng blogs ko eh LMAO!

keep smiling, byutipul ;0)

Thess’s last blog post..Andrea Bocelli and Charice Pempengco sing ‘ The Prayer ‘

[Reply]

reynz July 27, 2008 at 2:39 pm

hehehe reality check lang yan ateng hehehe been bored na rin ako many times, ewan taz yong ibang blogs kasi na nagustuhan ko na, nangawala hahaha

reynz’s last blog post..Control yourselves in bed, Cardinal urges couples

[Reply]

antuken July 28, 2008 at 3:51 am

ako ang problema ko, yung pc ko lagi tinotopak. pag di cpu, monitor… leche, palitan na! hehehe

antuken’s last blog post..kasuya

[Reply]

reynz July 28, 2008 at 4:17 am

anong ginagawa ni FAFA?! o baka naman pinambayad mo dun sa spa treatment hehehe

reynz’s last blog post..Meet Senator John McCain, 72 years old

[Reply]

antuken July 28, 2008 at 5:28 pm

ahahaha. libre nga spa ko di ba? gift ng friends… hehehe

antuken’s last blog post..kasuya

[Reply]

ruthie July 30, 2008 at 1:03 pm

Natulog lang ako ng isang buwan..me drama na ang reyna! hehehe…

infairness ha! na miss ko sobrang magblog hop!!

araw-araw na to!

ruthie’s last blog post..I’m Getting Married!!!

[Reply]

reynz July 30, 2008 at 1:46 pm

nawala ka nga! hehehe! ano yang nababasa ko sa buntot mo?! hmmmmm…. ma check nga! hehehe

reynz’s last blog post..SONA 2008, Part 3: Promo Queeng na nabuking!

[Reply]

reynz July 30, 2008 at 1:47 pm

balita ko dinala mo da sa “OR ELSE!” hahahaha

reynz’s last blog post..SONA 2008, Part 3: Promo Queeng na nabuking!

[Reply]

ding September 5, 2008 at 3:07 pm

manlolokoooo hahaha liar! liar! liar! andami mong nauto nung college alam ba yan nang mga readers mo? email kayo tanong lang kayo dahil alam ko ang drama nang reyna nyo hahaha

[Reply]

bluepanjeet September 5, 2008 at 3:13 pm

Hoy mga classmates kay ka pepe, di nyo nabasa ata yung alert na sira ang system nila. lahat ng blogs eh 0 ang PR sa control panel kasi nag u-upgrdae. Login kayo tapos silip kayo sa tab ng ka pepe na my blog. andun malaking zero–lahat tayo apektado.

bluepanjeet’s last blog post..Tanso

[Reply]

kotsengkuba September 5, 2008 at 3:16 pm

ding, ang bato!!!

kotsengkuba’s last blog post..Tuding’s Original Porkchop of the Rich and Famous

[Reply]

kotsengkuba September 5, 2008 at 3:20 pm

kainin nila ang PR nila, nyahahaha. galit-galit na kami ni pepe at pilar pilapil

kotsengkuba’s last blog post..Tuding’s Original Porkchop of the Rich and Famous

[Reply]

reynz September 5, 2008 at 3:20 pm

blue! ok naman ako ah! eto nga kina-karir ko tong mga $20 hahahahahahaha

[Reply]

reynz September 5, 2008 at 3:23 pm

NAKNAMPUCHAAAA!!! hahaha! PANO TO NAKAPASOK DITO! blinak ko na yan eh! sisterhood ko yan sa sorority hahahaha! ang walanghiyaaa! WALANG BUKUHAN! hahaha

reynz’s last blog post..Is the thrill in blogging gone?

[Reply]

reynz September 5, 2008 at 3:33 pm

hoy! ano ba? hahaha! ba’t ako ok naman dito! baka kayo dyan sa China at Pinas lang hahaha! discriminated na naman kayo! bwahahaha!

reynz’s last blog post..Is the thrill in blogging gone?

[Reply]

an2nette September 5, 2008 at 3:51 pm

Hi! natumbok mo mahal na reyna, sige, abangan ko ang bago mong niluluto, wag yong hilaw ha? aliw na aliw talaga ako sa blog mo, nakakawala ng pagod, have a nice weekend. an2nette

an2nette’s last blog post..Treasure Hunt at Floh Markt

[Reply]

kengkay September 5, 2008 at 7:22 pm

hala, ang tagal naman ng lutuan na yan. baka masunog na yan, hehe

kengkay’s last blog post..donasyon sa timba

[Reply]

reynz September 5, 2008 at 11:40 pm

selamat detang hehehe ipapa-kwadro ko tong comment mo, pang feed nang ego nang lola, babaunin ko to neks wik pag hanap ko nang trabaho hehehehe

[Reply]

reynz September 5, 2008 at 11:41 pm

wag kang maingay hehehe nangongopya ako nang recipe hehehe

[Reply]

nina September 6, 2008 at 6:10 am

oo, minsan nakakawalang gana na magblog :)

nina’s last blog post..Ramadan Starts Today!

[Reply]

reynz September 7, 2008 at 10:07 am

heehe mapapansin mong wala akong ganang mag-blog kasi uma-abante ang mga entries ko nang kusa hehehe

reynz’s last blog post..Aussies & Brits, hear me out! Mainland Mindanao is not on fire!

[Reply]

Amor September 7, 2008 at 5:20 pm

ano ba yung niluluto mo Reynz? Aabangan namin yan, haha!

Amor’s last blog post..Little Bowler

[Reply]

reynz September 8, 2008 at 1:33 am

hirap tapusin amor! alam mo naman naghahanap nang work ang lola hehehe asa kanto pagkagabi hehehe

reynz’s last blog post..Hate me but Imelda Marcos deserves the honor!

[Reply]

Froilan September 11, 2008 at 7:14 pm

Oist Reynz pag yang niloloto mo ay Kanton, wag mo akong kakalimutan ha, hindi ko pa natitikman yang Pa-Kanton mo : )

Froilan’s last blog post..Ramon Magsaysay Laureates spearhead Caravan of Good Governance

[Reply]

reynz November 9, 2008 at 8:37 am

Froilan,

hehehe leche, ngayun lang ako nagawe dito! sorry! postponed na muna ang niluluto ko habang unemployed ang lola! hahaha

[Reply]

Snow November 9, 2008 at 4:04 pm

Reynz,

Napakaganda ng entry mo rin na ito. Hay, that ‘Ka Pepe experience’ seems to be unpleasant. :(

Hindi bale reynz – aabangan ko yung niluluto mo at susuportahan kita (nyaks parang commercial!)

Keep on blogging ha? You’re one of the best. :D

Snow’s last blog post..Bloggery Buzz of the Week (11.09.08)

[Reply]

reynz November 9, 2008 at 5:48 pm

hahaha! glad you liked it! pag tinutupak ba taz wa pera, ayan kung ano anong sumasaksak sa isip ko hehehe

reynz’s last blog post..This week’s royal blog santacruzan: WE 11/09/08

[Reply]

pehpot February 9, 2010 at 12:59 pm

malay ko na may existing conclussion ka na pala ahaha.

in fernenes ganun nga talaga.. parang mangga lang, pag tag araw lang hitik.. ahahaa

at ang nakakatawa, hayok mode sa paid post para makabili ng laptap at ng makabili na, ayun nag ka bb na haha
.-= pehpot´s last blog ..Let’s Try SunSung =-.

[Reply]

Leave a Comment

Previous post:

Next post: