I set my alarm at 4:30am ang linsyak at nakalimutan ko! Buti kamo bigla akong nagizing at around 5:00am! Nag-mukha akong patong naligo and I was on the road driving to the city 15 minutes later kasi my train leaves at 6:09am, eh pucha ang trapik sa I-95 noh! Grrr! I was headed to Washington DC. Ako lang ata ang tao sa 30th Street Station!
Madilim pa when I arrived. Penn Station or popularly known as the 30th Street Station is one of the busiest train station sa entire United States mga kunichiwa. If you like European architectures and everything, you will like this building. Minsan, muntik nang mag-gyera ang population nang Philadelphia when the City Council tried to rename this station into sum’tin sum’tin last name. Nag-wala ang city because they prefer the name “30th Street Station” which was the name given noon pang panahon nang mga sum’tin sum’tin. Dahil I was in a hurry, shot-shot lang mga kunichiwa para you could have a glimpse or our train station here. Sa totoo lang noh? Sana pinaganda ang Tutuban Station, ganito rin yun eh!
Even the ceiling, artsy arty!
Been here forever, pero hangga ngayon I have no clue what this was hehehe! Parang tomb of unknown sum’tin sum’tin! hehehe!
I’m sure nakita nyo na tong mga haligi nang kawayan nila diva? Intricate works of art and drama nung panahon namen!
We have a bullet train dito sa Northeast mga kunichiwa, it’s called Acela Express. Ang regular Amtrak price from Philly to Washington is only $44 and from Washington back to Philly is $63. Not sure kung bakit expensive ang pabalik – I guess, di ka na pina-pauwi sa Philly. Now, the Acela Express one way to DC is $120. Travel time nang Acela? 1 hour and 37 minutes. Travel time nang Amtrak? 1 hour and 47 minutes. Ano yon?!
Nakasakay na ako nang tunay na bullet train from Amsterdam to Brussels to Paris that runs at around 200kph. Etong Acela is probably 2,000kph at pag kinom-pare mo sa Chinese Mag-lev, ateng, walkathon ka na lang. I guess yong Acela Express namen here is saling pusa sa mga European na kunyari we have what they have. Ganun.
So, I took the Amtrak. Cheappanga ang lola, remember? Madilim pa sa loob when I arrived the Union Station in Washington DC.
So, nag-laro muna ako nang jackstone. Yan ang high heels nang reyna. Sabi ko sa mga officemates ko dati, I bought them in Hongkong. Charing hehehe! Binili ko lang yan sa Ever hehehe! Meron kasing Mendrez dun ang I have been wearing Mendrez for 100 years now!
I really love Union Station. Im fack, I think nung re-election ni Pareng Bill, dito sila nagkaron nang Presidential Ball.
Yong ceiling ang ganda ever! Palpak lang nga ang camera ko! Grr!
It’s really nice!
Para syang Art Gallery. Isang train station na ginawang mall.
At nag-pa-kodak na rin ako sa gurl na susunod sunod saken.
Eto yong sidewalk…
Eto naman ang harap which sometimes mukhang peryahan. An daming pulis here na me mga hatak pang aso. I saw one Korean with a boom box announcing na katapusan na daw ever nang mundo. Merong isang itim na naniwala, ayun sila, nag-dadasal nang mga kasalanan nila.
If you’re travelling on a one-day trip to DC, sa tapat mismo nitong Union Station are double-deckers and tour buses na iikotin ang buong DC tourist spots. There are two trams na yong isa goes uptown hanggan dun sa Georgetown University kung saan nag-aral si Pareng Bill. Yung isa goes hanggan dun sa libingan ni Kennedy. You just have to come early dahil, there’s no way for you to finish and cover DC in one day, pero at least marami kang mapuntahan.
Pramis, I’ll go back to DC and take some decent pictures for ya’all. I was planning to tour the city and go back to Philly around mid-nite, eh kaso, I must be back in Philly at around 4 or 5 para I could meet another appointment at 6pm. You’ll know it on the next entry.
In any case, mixed ang feelings ko sa job interview ko today. For one thing, napaka-init nang office nung guy. The office was about 4 blocks away sa White House at naliligo ako nang pawis habang gina-ask ako nang aking vital statistics. Anak nang white house talaga oo! So, I was not in my usual royal and intellectual demeanor! Bwisit talaga oo! Kaya wiz akong matinong update senyo! Grrr! Besides, nasa utak ko yong train sked pabalik sa Philly hahaha!. It was over in about 30 or 40 minutes. It was by far the shortest job interview na na-experience ko. Di man lang ako hinatid sa elevator. Grrr! Was that bad? I don’t know. Waaaaaaaaaaa!!!
Ciao for now!













{ 1 trackback }
{ 22 comments… read them below or add one }
LOL ang galing galing mo ng tour guide, para mo kong kasama sa DC
uhmm di palpak ang camera mo, un me ari lang ang me topak! hahahahaha
hay buti pa jan nare-retain pangalan ng mga kung anik aknik, dito mga nagising lang bigla maisipan uy palitan natin pangalan ng street na to, ipangalan kung kani-kaninong pulitiko kaya naman ang history nawawala na, hayyys
well, minsan pagka feeling natin pangit interview yun pa ang pasok sa banga
[Reply]
oy, di ko alam, meron ka palang mata at panlasa pagdating sa architecture, kala ko manicure at pedicure lang expertise mo! ang ganda nung ibang shots, na capture mo yung oras at tamang lights, love it! wish you all the luck! at alam ko, marami kami. keep shining!
[Reply]
ay naku, i love this place! nung mga unang araw ko sa maryland, dito ako dinala ni bossing. pagkalabas na pagkalabas pa lang namin ng union station bigla kong sinabi “eto! eto ang amerika!!!!” eh piano nga, kitang-kita mo ang tuktok ng congress from there. kaloka!
ang ganda-ganda nga ng 30th street, no? hehehe.. umasa ka pa bang gawing ganyan ang tutuban. hehehehe
ate sienna’s last blog post..Hello… Andyan Ka Ba???
[Reply]
di palpak ang camera mo, un me ari lang ang me topak! – BWAHAHAHA! hehehe buti nga matino ako dito noh? at wala po talaga akong hinalay na kundoktor sa tren! wala talaga. talagang banal ako roundtrip hehehe
reynz’s last blog post..The Journey Concert in Camden
[Reply]
kelangan kong imemorize ang mga european archi kahit ilang sentences noh para naman pag lucid interval ang lola hahaha! anong tamang lights, haller! ang cheap nang camera ko noh! sale kong nabili nung pasko hahaha walang ilaw adjustment yan, what you see is what you get! maningko kasi to eh!
reynz’s last blog post..The Journey Concert in Camden
[Reply]
ewan ko ba noh? 5 years ago ako napunta nang Tutuban as in mistulang dibisorya na sya, isang mall baga! hahaha! hoy! mag-pa barbecue ka! go ako dyan sa balay nyo sa maryland hehe
reynz’s last blog post..The Journey Concert in Camden
[Reply]
the best yung sidewalk tsaka high heels hahahahaha
chuvaness’s last blog post..Good and Bad Things Happen For Reasons
[Reply]
Feeling ko kinoconceptualize mo na kasi kung anong iboblog mo kaya during the interview mas preoccupied ka sa sumthin’-sumthin’ hehehe… kung talagang para sayo yung job, sa’yo talaga kaya keep your fingers crossed pati na rin toes(lol)
[Reply]
u like my heels? hehehe mura lang sya!
reynz’s last blog post..The Journey Concert in Camden
[Reply]
hehe siguro nga, i was just excited kasi, DC is just there, pwedeng balikan. Si Arnel hindi eh, di ko alam kung kelan uli sila magagawi sa Philadelphia area haha
reynz’s last blog post..The Journey Concert in Camden
[Reply]
natawa ako doon sa acela exrpess. 10 minutes lang ang difference. pag natapilok ka pa, late karin.’
diyan doon ako nagtambay sa union station noong interview ko 2006. pagbalik ko, daming police. may bomb threat kaya pala biglang cancelled yong appointment ko sa VP. uwian ang mga offices.
nakita mo na ba yong Washington DC version ng traysikel?
makikita mo yon sa labas ng museum. Day guwapo ang driver.
*heh*
The Ca t’s last blog post..Evaluation of the Feasibility Study Part 1
[Reply]
Ano ba yan, late na pictures pa rin for the blog ang inuna. Well, bakit nga kaya ang mahal nung bullet train kuno baka mas maganda ang seats. Hehehehehehe…
[Reply]
peborit ko rin ang mendrez na shoeseses… apir! pero hindi ko sya afford, weee
heniway, manay, taob talaga ang bullet train nyo sa oyropa ano. yung kaibigan ko galing sya ng cologne papunta dito sa balay namin, na late yung train tapos sempre dapat bilisan para on sked — ang train tumakbo ng 250 per hour — sabi nya hindi naman daw ramdam pero nung sinabi kung gano kabilis, parang inantay daw nyang magliparan lahat ng tao papunta sa harapan, hahaha
ano kaya nangyari sa interview mo?
kengkay’s last blog post..Sa Ulap ng St. Tropez at Nice
[Reply]
di pa ako nakakasakay sa linsyak na Acela na yan, ngayon ko lang tiningnan nang maige ang schedule ahahha natawa ako sa oras hehehe = di ko alam yang traysikel na yan ah? wala naman akong nakikita? saan sila start, sa Union Station den?
reynz’s last blog post..The Journey Concert in Camden
[Reply]
hehehe alam mo bang naka-ugalian ko nang to take pictures of anything at anywhere? hahaha!
yong acela? ewan siguro gold ang loob hehehe di pa ako nakakapasok, pero pag nabukas yong door, nakikita ko ang loob parang regular train lang hahaha baka me magic sa loob
reynz’s last blog post..The Journey Concert in Camden
[Reply]
ambilis nga nang mga tren nyo dyan, and yes, i hear na minsan umaabot daw nang 250 km per hour hasus, sa bilis nang takbo, parang eroplano den sa loob, di mo naman mapansin sa loob
hheheheh patagalan ang mendrez di ba? sulit na sulit sa bayad hahaha, wala na akong sinusuot na american or european shoes, puro kamo mendrez ako at ang tagal nang panahaon.
intay ko lang kung ano ang drama, kaya lang habang tumatagal na wala akong naririnig, parang duda na ako hu hu huhu
reynz’s last blog post..The Journey Concert in Camden
[Reply]
hindi ko alam kung gumagawi sila sa Union Station kasi nakita ko nakapark doon sa museum of natural history.
instead na pedicab ang nakakabit, korteng kotseng maliit.
sabi ko saiyo reynz maiinlab ka sa driver sa kaguwapuhan, pag di kita naunahan. ooops erase ,erase.
The Ca t’s last blog post..Evaluation of the Feasibility Study Part 2
[Reply]
hayaan mo tutal babalik ako dun hehehe hahanapin ko nasa mall lang naman yang museum of natural history hahaha
reynz’s last blog post..The Journey Concert in Camden
[Reply]
bonggang-bongga ang reyna, bonggang-bongga rin ang train station, at ang shoes ha, super dooper shinylicious, hehehe, nice pics mother…^^ ihope bonggang-bongga rin ang kalalabasan ng shortest job interview mo ever, hihihi…
lordmanilastone’s last blog post..KATRINA HALILI, MAGPAPAKASAL SA MILYONARYONG D.O.M
[Reply]
hahaha alam mo bang pinalis ko yan nang todo at dinura-duraan pa? malas ba yon? hahaha!
reynz’s last blog post..The Journey Concert in Camden
[Reply]
ahaha! mendrez…pumupunta pa ako ng libertad nun sa may taft from UP para lang magpa customize ng pekeng mendrez! sayang lang at nakalimutan kong bumili last na uwi ko eh…nice pixes by the way!
[Reply]
hey! pareng mogli! everytime na umuuwi ako, bumibili ako nang baon hahaha, talagang pang-matagalan tong mendrez na to dapat ako ang ginawa nilang model hehehe
reynz’s last blog post..Put Mayon Volcano at the top of the New7Wonders of Nature!
[Reply]