From whatever chuvalais to Federalism. Yan ang current headlines ngayon mga kunichiwa. Mainit na tagizan nang mga hati-hatian. Pero one thing is sure, one thing is definitely not working or bali-bali talaga ang Presidential System, tama ba ang analyntek nang lola? Otherwise, ba’t kinakating maging Federal? Ay, sori – meron palang MOA na pinapaligaya! O baka extending? Hehehe Pero, kung me mali sa Presidential System, is it the sytem? Or the kurakot and paternity system? I guess, kung Pinoy ka, alam mo na ang sagot.
Pero, eto ang pag-usapan naten mga kabisyo. Federalism.
Let’s start with America: National versus State Government
Dito po samen sa Amerika mga kunichiwa, ang dating gobyerno here was based primarily on State Government. Wala pang Fede-Federal Government noon. Kanya-kanyang States, kanya-kanyang laws, kanya-kanyang chorva. Which was good, dahil alam u, sa State level pa lang, na-testing na yong laws, para bagang incubator and if it worked at gustong angkinin nang Federal level, ginagawang batas sa National. Winner.
So, bago nag-draft nang Constitution at pinirmahan sa Philadelphia (na-late ako sa pirmahan!), ang dating Amerika has only 13 colonies then. Etong mga colony na to was ruled by England. Ayan, getz nyo na ang connection nang England sa Amerika. Baka kasi nahuli kayo sa balita or indi ninyo napakinggan sa World History nung high school kayo.
During that time mga kunichiwa, dahil mga states pa lang sila, nag-karon nang Revolutionary War. Ano pa nga bang pinag-aawayan, eh di teritoryo at ang mga natural resources sa mga teritoryong yon. Kaya, for World Peace, nag-friendship sila at nag-pirmahan nang MOA called Articles of Confederation.
When they created the Articles of Confederation, they were afraid na baka yong Central Government eh mag-mistulang England pa rin. Imperyalista kasi masyado ang arrive nang England. Sa mga na-birth nong panahon nang Kastila, tipong ganun. So, afraid ever sila na baka gayahin ang very strong central governing chorva that was implemented by England. So, dahil sa takot na baka weakling ang government na iniisip nilang itayo, they decided to draft the Constitution. Eto yong sikat na Constitution na pinirmahan sa Philadelphia.
Basically, ang laman nang Constitution na to mga kunichiwa were this:
• Naka-define at naka-saad ang limitasyon nang powers nang National Government.
• Naka-define ang relasyon at friendship between the national government at ang bawat state governments, and very, very important
• Ang constitution na to eh naka-guarantee ang rights nang bawat citizens nang Estados Unidos.
So ayun na, nabuo ang United States. Kaya bibilib ka sa framers nang Constitution nang United States dahil ang iniisip nila ang kapakanan nang mga citizens across states and is really paano na di mapunta lahat nang powers sa National Government. Bottom line nito mga kunichiwa is that para World Peace, Friendship forever, Unity together, Share to be Merry the natural resources, end result BFF – best friends forever. Ganun.
Para ma-maintain ang stability, nag-decide sila na, the best government para sa kanilang lahat is a government based on federalism. Ayun.
What is Pidalism? Ehek! Federalism pala!
Hindi sya isang uri nang autism. Ang foremost characteristic na pino-protectahan nang federalism is power – power sharing – shared ang powers between the national and state governments.
Kaya kung i-apply saten mga kunichiwa, by sharing power, it will allow all of us (Bikolano, Ilocano, Bisaya, Moro, Kristyano, Aeta, Muslim, Bakla, Tuli, Supot at Siete Dos) to enjoy ang benefits nang diversity or ang pag-kakaiba-iba natin. Of course, lahat naman has some great great vision and mission. Nagkakapal-pakan lang sa execution. Eh kasi dun na lumalabas ang mga kaeklavuhan ever at mga dyitims na plano. Diva? Puro lang magandang adhikain. Pagdating sa execution nang plans ang programs, sume-semplang. Ilang beses na ba naman nating nakita yan ano? Kahit na bulag, nakikita.
Presidential
Ang present system karon nang government of the Flippines mga kunichiwa, for those of you who doesn’t know is Kurakotism. Imperialism. Pidalism. Charing hehehe! Believe it or not, kahit na iisa ang nag-de-desisyon mejor, we actually have a Presidential form of government, wherein ang government is centralized. Yeap, andun lang sya sa Mendiola. Ganun lang. Period. Result? An daming diktador. Punyeta, kahit na katulong nila, diktador na rin siguro!
Parang centralized air-con. Feel mo na lang lalamig sa kuarto mo pag like ka nang mekaniko. Pag indi? Wezz, magdusa ka sa init. Ganun ang centralized. Result? NFA. No food available.
Powers nang State at National Government
So, mag-tatanong ka. With so many governments – me state na, me national pa, ano ano na ang kani-kanilang drama? Dito samen mga kunichiwa, ganito ang rules nila:
Ang ginagawa normally nang National government is this one:
• Makipag-pirmahan nang treaties at foreign policy
• Declare war
• Gumawa nang pera as in, mag-print nang anda
• Gawin at ayusin ang Postal System
• Kumulekta nang federal taxes
• Mag conduct national elections
• Gumawa nang rules at i-regulate ang komersyo between states at international
• Sila ang bahala sa army, navy at proteksyon nang territorial integrity
• Gumawa nang laws para i-carry out ang mga yan sa taas
Sa State level naman, eto naman kalimitan ang ginagawa nila:
• Mag-issue nang drivers licenses, business permits, use and occupancy at ano pang state taxes
• I-regulate ang tinatawag na intrastate (within the state) commerce
• Mag-conduct state ang local elections
• Mag-establish nang local governments
• Mag-ratify nang amendments sa Constitution
• Sila ang bahala sa public health and safety
So pano yun? Labo labo na ba ang mga batas?
Not really. Kasi bawal na mag-conflict ang batas sa State level dun sa National level. Ang generala rule, pag me conflict ang state laws sa federal law, mas bida ang federal law, pero aayusin yan nang State or Federal Supreme court. Pag hindi maayos, dinadala ki Judge Judy. Hehehe! Kilala nyo sya di ba?.
At dahil nga “sharing” ever ang drama nang Federalism na to, share sila sa mga areas na to:
• Establish courts at ilagay ang pamilya nila
• Make and enforce laws pero pag sila, exempted
• Take private property at kanila na for public purposes, with just compensation sa bulsa
• Build roads sa tapat nang bahay nila
• Borrow money at ideposito sa bank account nila
• Gastuhin ang public money for (their own) general welfare
• Collect taxes at ibulsa nila
• Charter banks and corporations na mga engkanto
• Spend more money for the relatives general welfare
Maganda ang arrive nang Federalism kung… well… you know…. Alam nyo ba kung bakit? Nasabi ko na dun sa naunang paragraph na ang laws sa State level eh parang experiment kung ok sya. Pag pumatok ang it worked, ina-apply sya sa National level. The other thing, essentially because of this word: empowerment. Yeap, na-i-empower ang local level na ayusin nila ang mga dapat ayusin sa local level.
Pero, teka, diba meron na tayong local government? Meron. Sa Presidential System, meron tayong mga Congressman sa bawat Distrito, Governor sa bawat Probinsya, Mayor sa bawat Town, at Reyna Elena sa Barrio Siete. Yeap, dapat sila ang nag [fill in the blanks], at inayos din nila ang [fill in the blanks] para maging maligaya ang [fill in the blanks]. Kaya ang labas, mayayaman sila lahat dahil sa [fill in the blanks] dahil ewan ko kung ano talaga ang mga drama nila. Hmpt!
Ngayon, curiosity ever lang ako kung magkano ang magiging operational budget chorva nang isang State. Siempre, there is going to be a State Capitol, a State Legislature at kung ano ano pang state chorva. Hindi pa kasali dyan ang Miss Binibining Capitol State. Magkano ang taxes na makokulekta sa bawat State? Aabot ba? Ano ang matitira sa health, education, transportation at mga State programs? I guess, the bigger question is sino at saan kukunin ang pondo para maging operational ang isang State Government? At pag natuloy ang Pidalismo , Federalism pala na to, ano ang matitirang pondo sa bayan?
Uulitin ko ang opinyon ko sa kabilang entry: Personal belief ko lang to mga kunichiwa na pag ang isang tao kurap, no matter what kind of Victoria’s Secret ang isalpak mo sa baklang Victorino, kurap pa rin. Presidential, Federal, Parliamentary o kahit na Federasyon nang mga Tunggero sa Kanto, it really doesn’t matter to me. It’s corruption, stupid. It’s quality of education stupid. It’s highways and bridges stupid. It’s winning a gold medal at the olympics stupid. It’s sincerity stupid. It’s the economy stupid. It’s wag mong iwa-tak wa-tak ang pagka-liit-liit na Pilipinas stupid. It’s rice. It’s gas. Its’ all those things. I honestly don’t believe it’s the system that’s broken. What do you think? I believe its the people who runs the system.
Nagtatanong lang po, WORLD PEACE na ba kung magiging Federal Republic tayo? Titino na ba ang mga pulitiko sa bansa na unahin nila ang kapakanan nang karamihan instead na pamilya nila at ibulsa ang pera nang bayan? Otherwise, ano ang susunod sa Federal Republic na i-i-experiment uli naten? I think, we need to consult Judge Judy.
Stumble Upon
Del.icio.us
Buzz







{ 27 comments… read them below or add one }
tumpak! mas malaki ang kakailanganing pondo kapag naging federal state tapos hindi pa tayo sure kung magiging effective nga at mawawala ang “pera mo, gastos ko” system. Kung ipapatupad to kung makakakalap tayo ng pondo (if ever lang naman, otherwise mangutang at ipambayad ang mga sanggol na isisilang mula 2009) at bumagsak ang experiment? anong mangyayari sa mga lab rats? ibebenta rin ba para gawing betsin?
personally hindi talaga ko agree sa planong dahil parang ang mapapaboran lang jan e mga moro which is against the federal rule as according to what you have pointed out.
on the other hand, ano ba talaga ang ibig sabihin ng win santo nino? yung mga nagsusulat jan sa pader, paki-explika lang po at mula pa elementary e bumabagabag na sa isip ko ang ibig sabihin nyan.
Kotsengkuba’s last blog post..Our Chinese Super Hero failed, Liu Xiang out of the Olympics
[Reply]
*ina-absorb*
shucks, ‘day alam mo..you could really run this government. seryoso. walang halong biro. BWAHAHHAHAHAHHAHAHHAHHAHHA
chuvaness’s last blog post..10 Scrolls of Successful (Paid) Blogging
[Reply]
Agree ako Reynz, it is the people who runs the system ang HINDI TAMA. Ang meron lang sila ay VORACITY for more power and most of all MONEY. Ang dapat sa mga yan ay pagsabay-sabaying ikulong doon sa cage ng mga buwaya sa crocodile farm.
Beng’s last blog post..Indefinite Hiatus
[Reply]
ang galing, tinalo mo yung the explainer, kaya lang, parang nakakatakot kang governess o senatress!
[Reply]
Hoy! Kung anu-anong sinusulat mo ayun pala at nagsusunugan-bahay na sila dun sa kabilang ibayo!
Ramon Zamora’s last blog post..Our Chinese Super Hero failed, Liu Xiang out of the Olympics
[Reply]
tama po kayo reyna… it is not the system… nasa nagpapatakbo ng sistema lang talaga… Sana nga lang dumami ang maging PUBLIC SERVANT natin na for public service ang dahilan ng pag-wiwish ng political position… sa ngayon, PARANG GUSTONG mag-politics ng mga KURAKUTONG GANG para yumaman.
Galing talaga… napapaintindi mo ang seryosong bagay sa isang malinaw at nakaka-aliw na paraan.
*bow…*
adz’s last blog post..i’m ok now…
[Reply]
I forgot who said this, but I agree to a certain extent:
All forms of government are good on paper.
Pero pagdating sa aplikasyon ng teorya, dun na nagkakatalo, gawa na rin ng mga taong nakaangkas sa mga iba’t-ibang pwesto sa gobyerno.
[splice]‘s last blog post..Tornado Los Baños Style
[Reply]
You are nominated for the PINOY GAY BLOG for the Month of SEPTEMBER
You may cast your votes at>> http://binowgaylater.blogspot.com
JAB’s last blog post..GUJI LORENZANA on Spotlight
[Reply]
hi naku.. mamita…. sana ikaw na lng ang maging presidente ng pilipinas.. buti ka pa maraming alam… sigurado pag ikaw ang mauupo.. mapapatupad ang world peace… at tlagang bff – best friends forever ang mga tao sa earth…
sobra na tlga ang mga nakaupo sa gobyerno natin…deeefuuungal cla… ang dmi nilang gingawang isyu para mapagtakpan ang mga kabalstugang gingawa nila.. ayan my federal ecklavarva na naman cla… nwala ang zte.. meralco at mga kachenesan nila.. ito ipapalit nila.. para paikutin ang mga dukhang katulad ko grabe na cla… hayyyy.. naku mamita sana nababasa ng mga difungal na opisyales na yan ang blog mo ng malinawan cla…
____
p.s. mamita salamat sa paglagay ng bilbord ko sa edsa este sa bhay mo pla… awww.
[Reply]
i have no clue kung ano yang win santo nino yan baka coded messages hahaha mga fundamentalist deng katoliko? kaya?
[Reply]
hmpt gustuhin ko man, kulang ppp ko pambili nang boto! hahaha gusto ko talaga maging senatress!!!
[Reply]
sinabi mo! dami pa rin buaya uy! talo pa yong sa crocodile farm!
nga pala! send me your phone number in germany! nakabalik ka na ata?
[Reply]
bwahahaha at bakit? eh at least kung maging diktadura ako, puro lang naman kurot ang aabutin nang tao hehehe
[Reply]
hay naku Ramon anoh? ba’t ang GRP makikipag-piece sa isang groupo na ginagawang pieces ang mga tao sa mindanao? yan and di ko magetz, lumalabas na pati GRP takot sa MILF
[Reply]
maraming salamat adz, kaya di ba meron tayong kasabihang, ang kabataan ang pag-asa nang bayan – puta naman – tumanda na yong mga kabataan – puro naman kurakot! di ba? hahaha!
[Reply]
yeap, gaya nga nung sinabi ko, pagdating sa execution, parating sume-semplang hehehe
[Reply]
maraming salamat! sana iboto ako nang mga readers ko hehehe
[Reply]
ewan ko ba ba’t mga buaya ang nasa gobyerno! deeffuungal ever! uy! bikolana ka? deffyungal eh parang sorsoganon hahaha
[Reply]
Kung ikaw kamahalan ang magiging reyna ng Federal States of the Philippines payag ako. Kung ikaw ang presidente ng Pilipinas kahit wala nang pidal este Federalismo. Nasa mga tao po iyan at wala sa sistema. Sa akin po lang ,na abang pag-analisa.
Colegialagirl’s last blog post..The Tragedy of Screwing the Peace Process (Ano ba talaga kuya?)
[Reply]
egsaktimo ateng, parehas lang ang paniniwala naten, kahit na anong DikNi, Gutzi at Armazni ang idamit mo sa mga buaya, buaya pa rin. Unless na magbago ang mga budhi nang mga hayop na yan, walang kahihinatnan ang pidalisimo na yan.
reynz’s last blog post..Chicago, Oh Chicago: The Interview
[Reply]
Nakabalik na kami since Saturday pa. Brrrrr….putsa ang lamig dini. Ito pala ang phone number namin sa bahay
+ xxxxxx
September 13 pa ang lipat namin to Ziesar and I will keep you updated sa bago naming address and phone.
Beng’s last blog post..Indefinite Hiatus
[Reply]
got your number beng! dinelete ko dahil me tiga UK na parating binibisita ako hehehe
reynz’s last blog post..Chicago, Oh Chicago: The Interview
[Reply]
you mean yong prend natin na mukhang inodoro? hehehehe.
Beng’s last blog post..Indefinite Hiatus
[Reply]
oo, for some reason, nakakapasok pa rin ang gago hahaha
reynz’s last blog post..Chicago, Oh Chicago: The Interview
[Reply]
yap mamita may dugong bikolano aketch.. heheheh..tga cam sur aketch
[Reply]
tatao ka pa mag-bikol ‘neh? hahaha!
reynz’s last blog post..PERA could be one great investment retirement vehicle
[Reply]
Libre lang mangarap.
Filipinayzd’s last blog post..Libre lang mangarap
[Reply]