Tanong ni Kris Aquino, “Deal? Or no Deal?”
“Deal!” yan ang sigaw nang MILF.
“Kiki nyung blue!” sigaw naman nang mga tiga MgaKanyaLang Palace.
Hindi ako maka-move on sa mga nangyayari sa ating Lupang Hinirang mga kabisyo dahil marami ata saten ang mga walang ka-MOAng-MOAng sa repercussions nang MOAng to, like this?
Tagizan kami nang mobile phone static signal nang pinsan ko. Mala-bibliya na naman nito ang bills ko. Pero di bale. Lumuwas na pala nang Maynila yong ibang pangkin ko. I remember when I was still in Barrio Siete, nakitira sila sa palasyong barong-barong namen dahil nga sa gulo sa Mindanao. Karon? Ayun, maiiwan ang kanilang ibang relatives na bantayan ang kanilang ancestral domain.
Si Kutz, naloloka na sa Arizona. Gusto na nyang makipag-sabunutan. Malaki rin ang investment at paghihirap na ginawa nang ate nyo sa kanyang ancestral domain sa Cotabato. Balak nyang hilahin ang mga lupain at ari-arian nya at i-usog sa parteng Dumaguete, kaso pano nga to dahil nasa Arizona ang baklita?
Nag-salita na rin si Senator Manuel “Mar” Roxas na sibakin na ang tinamaang MOANg na Esperon na yan. Aba naman! Presidential Adviser on the Peace Process pero mukhang gyera ang laman nang pera o kahon. Worst ang reklamo ni Vice governor Emmanuel Piñol na indi raw ipag-tatangol nang military sila, kung di sila mag-agree sa memorandum of agreement (MOA). Pero, wait – sya lang ba ang dapat sibakin?!
Alam nyo mga kunichiwa, required reading ang “Art of War” ni Sun Tzu sa mga business schools. Pero, di mo na kelangang hiramin ang kapa at korona nang reyna at maging uberly talented at kasing-ganda ko para malamang palpak ang MOA na to. One word: Consultation. Consultation, BEFORE at indi AFTER.
Kaya ang MOAka-ninang to is not fair sa mga stakeholders for one single reason mga kunichiwa. Wala syang consultation sa mga tinamaan, tatamaan or stakeholders na me mga sarili ding ancestral domain. Worst, ang sakit pakinggan when you don’t know na suddenly you found yourself in a situation na parang useless ka dahil you also have some rights na indi man lang pinansin nang mga taong dapat pumansin. Feel nyu yun?
Siguro, engot talaga ang tingin saten kaya nga puro na lang sikreto, puro na lang cheezemaks at haka-haka ang mga nababasa ko. Isa na nga sa mga analysis eh kesyo balak talagang mag you think you can dance cha-cha ever nung isa dyan para ever ever na sya sa Pasig River.
“Ewan ko lang ha? Pero malaki ang duda ko na drama rin nang Malaysia yan para pag naging independent na sila, isasali nilang bigla yan sa Federated States nang Malaysia para wala na talagang habol ang Pinas sa Sabah. Tandaan mo, ba’t sila nasa negotiating table? Aasikasuhin ba nila ang interes nang Pilipinas?” Sabi nang winzan ko.
Hindi ako naka-reak.
For WORLD PEACE, “Don’t talk of war, please!”.
Stumble Upon
Del.icio.us
Buzz







{ 34 comments… read them below or add one }
that is so true. Malaysia has some vested interest sa bansa natin.
why bother meddle with the affairs if they will not get something out of it. It just shows how selfish this MoA is.
Sibakin na yang si esperon at isama na rin si Lorelei Fajardo. Puro mali ang sinasabi. nasabon tuloy ni joker arroyo
bluepanjeet’s last blog post..The WYD 2008 Final Statistics, Facts and Figures now released
[Reply]
Ang tigas talaga ng mukha ni Esperon….bwisit na yon. Parang gusto kong gawing pulburon si Espiron at lagay sa garapon na selyado ng biton, sa loob ng karton at lagay sa kariton.
Ayan na nga ba ang kinatatautan natin, nagsisimula na ang gulo sa Mindanao. Pihado ko mage-escalate pa yan, at baka yan na ang ikabagsak ni Doña Glo.
Ah’Kong’s last blog post..Happy Birthday, Mom…
[Reply]
history…yang malaysia na yan talaga….way back na ngcocompete na tayo sa torismo noong 90′s…duda ko tinulungan nila abu sayap na kidnapin sila burnham…pra bagsak torismo natin..d cannot take competition…gaganda kasi ng mga pinay eh…
now d r on the table brokering kuno to pordir expand der influence and probably territoty…hay…
baka naman mga “igno” lng negotiators natin? or baka naman naka ksa na ang chacha?
anyone…can take gma for another 6 to 15 years? dare? hehehehe
mocs’s last blog post..Selling the Soul
[Reply]
well, kung matino naman talaga ang Malaysia, dapat binalik saten ang Sabah! ba’t indi yong ang kunin nilang ancestral domain?
[Reply]
Looks like parang damn if you don’t, damn if you do ang bwisit na MOA na yan at walang kagandahan idudulot kundi gyera and mukhang ganun na nga dahil sa mga news na nababasa naten
reynz’s last blog post..MOA: Deal? or no Deal?
[Reply]
ewan ko lang mocs ano, but my gut feeling is telling me that Malaysia is not there to broker peace, they have their own interest and aspirations sa pilipinas or mindanao to protect. eto ngang deportation nang mga Filipino, me kutob akong political siguro ang reasons nang mga yan! at tungkol dun sa theory mo about tourism, baka nga! hahaha
reynz’s last blog post..MOA: Deal? or no Deal?
[Reply]
Meron isang incident na nangyari sa Sabbah nung panahon ni Makoy. Ito eh hwento sa akin ng tatay ko na galing naman sa Retired General na kakilala niya.
Dapat daw nasa Pilipinas na ang Sabbah, nakahanda na ang invasion ng Sabbah. Yung mga intelligence officer na pinadala ni Makoy nakapwesto na. Pero hindi natuloy ang invasion dahil may isang Senador na nag tsu-tsu sa Malaysian Government. Nahuli lahat yung mga taong pinadala ni Makoy at dedo lahat. Kaya hindi na nakuha ng Pilipinas ang Sabbah.
Yung Senador na nag-tsu-tsu, siya yung pinatay sa MIA.
Ah’Kong’s last blog post..Huli ‘kaw…!!!!
[Reply]
Very political ito. Di ko ma take! Chos!
Lyka Bergen’s last blog post..Project Runway: LTE Version
[Reply]
shocked ako sa cheezemaks na yan Ah’Kong! meron akong binabasa na Moro History done by a student, isang thesis daw sya at nabasa ko yan. and sabit nya, it’s this one:
THE JABIDAH MASSACRE. And claim nang paper na to was that Army daw ang bumanat. Meron daw Operation Merdeka sumting. The objective of Merdeka was to invade and reclaim Sabah from Malaysia. The incident tagged as Jabidah Massacre shocked the whole nation and angered Malaysian Prime Minister Datu Tum Mustapha Haron, and Moro leaders like Cotabato Governor Datu Udtog Matalam.
reynz’s last blog post..MOA: Deal? or no Deal?
[Reply]
sa totoo lang, pati ako hindi makatulog sa lintek na MOA na ito. gusto kong malaman na isang lamang syang masamang panaginip! ayokong maging malaysian… hindi ko kaya ang kanilang maanghang na pagkain! at hindi masarap ang mcdonald’s nila, waaaa.
ewan ko lang, ha — am sure may mga lalabas pang ibang isla na binenta ni GMA — kapag isla bonita yon, lagot sya kay madonna, hmpf.
kengkay’s last blog post..Piesta 2008 Part 2
[Reply]
hahaha pasensya ka na ateng, eto lang ang kontribusyon nang lola habang di pa ako nagiging senatress hehehe
reynz’s last blog post..MOA: Deal? or no Deal?
[Reply]
ewan ko lang, ha — am sure may mga lalabas pang ibang isla na binenta ni GMA — kapag isla bonita yon, lagot sya kay madonna, hmpf. – BWAHAHAHAHA!!! wag na wag nyang ibebenta ang Uragon Land at pag nagkataon mawawalan nang siling labuyo ang mundo! Iyak lang nila hehehe
wala rin akong intensyong maging Malaysian, haller! kung ayaw nga ni Beyonce doon, ako pa?! hahahaha
reynz’s last blog post..MOA: Deal? or no Deal?
[Reply]
Ah..kong, aba scandal yan, hehehe
malay, sya ko?
If “ancestal domains” are being given to the MILF? What about the:
T’boli
B’laan (or “Bla-an”,
Ata,
Bagobo,
Banwaon,
Bukidnon,
Dibabawon,
Higaunon,
Kalagan,
Mamanwa,
Mandaya,
Mangguwangan,
Manobo,
Mansaka,
Subanen,
Tagakaolo,
Teduray and the Ubo.
mocs’s last blog post..What about the indigenous people in Mindanao?
[Reply]
Maranao lang ang mabibiyayaan, kahit mga tausugs (mnlf), ayaw yata.
[Reply]
e pati dagat ibibigay, papano yong mga floating floating tribes dyan (ano nga tawag doon?)
[Reply]
dati when I visited Siasi island in zambaonga napansin ko most of their products are from malaysia so ibig sabihin nun ehh yng morolandia ehhh magiging malaysian to the max na? gulo ng hair ko kakaisip sa political problem na yan walang katupusan, kung yung past presidents ipinaglalaban ang ancestral domain na yan samantalang si bulilit ehh parang itinapon na lang ang lahat ng yun? saan kaya napunta ang kebebe shell nya kala ko pa naman graduate sya ng georgetown heheheh napunta na sa alma mater!
[Reply]
@Ah’Kong: oo narinig ko din yang kwento sa kaopisina ko na gurang. kaya nga inis na inis sya bakit daw ginawang hero si ninoy eh dahil daw sa kanya hindi nabawi yung sabah.
on hindsight. feeling ko hindi ako magiging masaya pag nabawi ang sabah by force. ewan. katoliko kasi ako eh. “we’re full of guilt” ika nga.
PromdiBlogger’s last blog post..Of Boogers and Pinoy Dream Academy 2
[Reply]
hello sasabat lang ako hane…
According to history, as what most social scientists and historians claimed, (at least as to what I have remembered from my history class in college) Ninoy’s intention in exposing Marcos’ plan regarding the Sabah invasion was actually commendable and understandable. You see, if Marcos pushed through with his plan, the Philippines would have surely gone into an all out war against Malaysia and its other Islamic Nation allies. Ninoy doesn’t want that to happen since he doesn’t believe in the use of force or in war. He exposed the plan in order to do the Philippines a favor by keeping its diplomatic relations with other nations intact. It make sense since if we did invade sabah by force, the economy will surely dwindle and we will be at war with another nation.
For a democratic country, Marcos plan was totally out of line since we have not enough capacity and wealth to finance such a war.
This may somehow answer your doubts regarding the heroism of Ninoy.
Of course, what you father said was part of the widespread misinformation campaign against ninoy at that time, perpetuated by Marcos’ allies and tentacles. Nasa atin nga ang sabah pero hanggang kailan? baka till now kaaway pa rin natin ang malaysia at sinusugod tayo ng mga kalapit na islamic countries. Di sya tsutsu… may common sense lang hehe
bluepanjeet’s last blog post..Ironnie’s web hosting service inquiry
[Reply]
Regarding the massacre, there was only one survivor who escaped out of the hundreds of people that were killed. That was perpetuated by Marcos himself to pave the way for the invasio of sabah. Yung survivor nung minsan eh fineature sa inquirer. Bewteen Ninoy and Macoy, I would go for the one who was killed in tarmac dahil nagtsutsu sya para sa kapakanan ng bayan hehe
bluepanjeet’s last blog post..Ironnie’s web hosting service inquiry
[Reply]
blue, eto ang nabasa ko (plus yong quote ko sa taas): Philippine Army trainers lined up and executed 28 Moro recruits after refusing to take part in Operation Merdeka.
http://www.geocities.com/mindanaoproblem/new_page_14.htm
looks like this was written by a muslim. eto talaga ang hinahanap ko, yong side nila because honestly, i need to ready about the story kung bakit sila ganyan. si Kuta pa ang nag educate saken and she was telling me about dun sa mga 12th century and everything.
in any case, shocked talaga ako about this Ninoy expose and for all these years, ngayon ko lang talaga narinig to! pramis
[Reply]
mocs,
isa sa mga naging kaibigan ko na here na dati reader lang is Kuta (Kutz) na tiga Cotabato and she knows a lot dahil laking bato nga tong babaeng to and she was telling me the same thing about these tribes na sinabi mo, including the lumads na ayaw nga sumali.
she also told me na ilang beses na nag-referendum parating talo ang MILF and di daw titigil until YES lahat and everything. of course, mga kwento lang to noh?
reynz’s last blog post..Hindi raw ako good role model!
[Reply]
alam mo na, me kasabihang what you see may not be the real thing hahaha
reynz’s last blog post..Hindi raw ako good role model!
[Reply]
@bluepanjeet – oo tama ginawa ni ninoy. gusto nakipagtalo nga ako ke tatang na kaopisina ko napagalitan pa tuloy ako kesyo wala daw akong galang. hehehe…
tsaka di naman tayo mga barbaro di ba? ke muslim p kristyano pare-pareho naman tayong tao. itong site magandang basahin.
PromdiBlogger’s last blog post..Of Boogers and Pinoy Dream Academy 2
[Reply]
@ Reynz, hindi ko alam kung ano yung accurate number dun sa jabidah massacre if it was 28 or hundreds. pero may isang nakatakas dun. sabi kasi sa history hindi lang daw 28 yun because some of the bodies were thrown at sea. at yung isa nakatakas eh akala patay na, di alam nung mga militar na nagkunwari lang patay. kaya nung tinapon dun sa dagat nakalangoy sya at nakatakas. nasa inquirer yun eh. nabasa ko.
@Promdiblogger, madami kasi nung black propaganda si makoy tulad nyang kay Ninoy. Actually di sya nagsumbong sa malaysia, sabi ng prof namin, he made a privilege speech in the senate and that was the time it was exposed. The media caught the story and somehow reached the prime minister of malaysia.
Kung susumahin natin yung sinasabi sa history, we can rightfully assume na nagsimula ito kay makoy. Because MNLF headed by Nur Misuari was only formed due to the ethnic cleansing that happened in mindanao in the 1960s
If Makoy did not do any hasty plan against the muslim, baka wala tayong milf, mnlf at npa ngayon.
chain reaction yan eh. Kung mangyayari na maibigay naman sa Bangsamoro ang Mindanao, mag aaklas naman ang mga christiano at baka bumuo din ng rebel group. viscious cyle yan eh. kaya talaga dapat lagi may diplomasya kahit nakakainis na minsan ang di pagkakasundo. kasi kung palaging force eh lagi tayong at war.
I smell war really. One entry in plurk said that the Bangsamoro people are now against Gloria. tingnan nyo ang nangyayari pag kapakanan lang nila ang nasusunod. ang daming apektado. kahit tayo nandito sa luzon apektado tayo. lalo na si reynz, bakit kanyo? eh di na makakatapak si reynz sa pearl farm haha
bluepanjeet’s last blog post..Ironnie’s web hosting service inquiry
[Reply]
andami ko palang di alam sa muslim problem na yan! akala ko kasi kaso lang yan nang mga landgrabbing na sana yun ang iresolve ang mga landgrabbing na yan, pero nung nabasa ko tong mga massacre na to juice koh! eto! nag-babasa pa rin! ayuf! tanda ko na di ko alam ang nangyari!
war naman talaga ang aabutan nyan dahil sa kagagawan ni gloria at esperon. pag di sign ang MOA, war. pag nag -sign sa MOA, war. kahit anong gawin – kaya ang theory dun kina Ellen is that drama talaga ni gloria to para makapag declare nang martial law at deretso ang power nang baka nang nanay nya! grrr
can u imagine? balak ko pa namang pumunta nang davao uli?! but eto blue, as in di ko na kamo mabibisita mga pangkin ko sa Zamboanga, at least ung mga pinsan ko naman sa Surigao eh malayo pero Mindanao pa rin, bigla silang magiging foreigners pag nagkataon hehehe
reynz’s last blog post..Hindi raw ako good role model!
[Reply]
im no good when it comes to politics pero i think Gloria should have just focused her administration with the development of the south. He could have turned Mindanao as the new mecca of industry ganun din ang cebu. di naman tayo maiingit kasi maunlad na naman ang mga bayan dito sa luzon. If Mindanao was given the attention it needs, there would be no abu sayaff i tell you. ASG was formed not because of rebellion, but because of the hungry stomachs that plagued our moslem brothers there.
bluepanjeet’s last blog post..Ironnie’s web hosting service inquiry
[Reply]
ang nakaktakot nito reynz, gloria is so desperate to stay in power that she has all the capacity to declare martial law. alam na ni gloria ang mangyayari bago pa man mangyari kaya lahat ng decisions nya may mga plan a at pan b.
if martail law will be declared, then I am write as to what I have written in my blog that after all of this is over, she will be judged by history.
may tsismis ngayon, pag nag martial law unang dadakpin ay mga bloggers haha. kaya pag wala ako update reynz sa blog ko na mahigit na 2 weeks at wala ako email sayo.. at di ako nareply sayo sa text, yun na yun haha
farewell motherland, welcome martyrdom!
bluepanjeet’s last blog post..Ironnie’s web hosting service inquiry
[Reply]
*I am right LOL not “write”
bluepanjeet’s last blog post..Ironnie’s web hosting service inquiry
[Reply]
Ateng unang plebisito pa lang nag NO na ang Cotabato province. Piktapos pinagbigyan ulit kasi sabi nila expansion daw, mas lalong overwhelming NO ang resulta as in 90% vs. 10% na nag YES! Tapos ngayon ulit another expansion na naman? With matching recognition pa ng kanilang sovereignty at mga rights rights chorva? The government and the MILF have absolutely no respect for the mandate of the people of my province!
Kung may another plebiscite sana, invalidate muna nila lahat ng naunang result ng plebisito. Then, isali pati yung mga provinces na nag YES! Kasi unfair naman na uulitin ng uulitin ang plebisito hanggang ma intimidate nila ang mga voters or ma manipulate ang resulta at lumabas ang YES! Alam mo naman dine sa term ni Gloria, andaming mga hello garci na cases kapag eleksyon/plebiscite.
Apat na provinces na nga ang nag attempt mag revert to their old regions eh! I bet my newly shaped ass Ateng, pag inulit nila ang plebisito at isinali LAHAT, baka walang matira sa ARMM kung fingernails, grrrr!
[Reply]
Eto ka pa, ala pa ngang plebiscite, pipirmahan pa lang daw ang MOA, may mapa na ng BJE ang mga tinamaan ng magaling!
At para mas maraming “ancestral domain” ang makuha nila, hindi na raw by province kundi by municipalities na raw ang bilangan. Tingnan nyo naman yung mga GRP – anong klaseng utak meron mga yan at bakit pumayag? Let’s say sa province of Cotabato alternating YES at NO result kada town. Can you imagine the itsura of the map of Mindanao? Talo pa ang balat nga Dalmatian sa dami ng batik batik, davah???????
[Reply]
Magdusa ka sa konsomisyon, iyang ang sabi ng aking kumare sa mga nagaalborotong MILF dahil sa hindi natuloy na pirmahan sa Malaysia. Unang-una mali na iyan from the start tapos sa Malaysia pa magpipirmahan, di dobleng mali, hehehehe.
Colegialagirl’s last blog post..Si Lola pumapatay ng press people, wow mali… (A joke that hurts the journalists)
[Reply]
ateng,
maganda ang explanation mo especially with the tingi-tingi strategy nang MILF, and these are the things na indi namen alam. pina-ngalandakan ko ang comment by posting it dun sa Ellenville (ellentordesillas.com)
reynz’s last blog post..Hindi raw ako good role model!
[Reply]
Ang me kaululan daw nang MOA na to is Dureza na tiga Davao at nag second the motion naman tong Esperon. Ewan ko ba ba’t balikwa ang mga utak nang mga to and to think na dapat nabasa nila ang Art of War ni Sun Tzu kung mga Executive sila! Punyeta ever!
reynz’s last blog post..Hindi raw ako good role model!
[Reply]
anofaflang gurl! who’s gonna pay dun sa mga sinunog na bahay? yong mga bakang ninakaw? mga peace advocates ba ang mga yan? sabi nga actions speak louder than voice, why would they do that? sabi nga ni Kutz sa taas, naka ialng referendum na, AYAW nang bayan, taz dadaanin sa bara-barangay? duda ko talaga Malaysia ang me pakana nito dahil dyan ki Dureza at Esperon
reynz’s last blog post..Hindi raw ako good role model!
[Reply]