Is adding 2 more years in high school improve Philippine public education?

by reyna24 on July 16, 2008

Big question these days mga kunichiwa: If you add another two (2) years of basic education sa public schools, will this improve the education in the Philippines? Isang malaking kestyon mark at disgustion, I mean, diskusyon karon because there is now a mandatory implementation of a 12-year basic education program for public schools na gina-revive ng Department of Education to improve the “level of learning” in our turd world kawntri.

Knowing ba you kung merong ngang scientific ek-ek chorvaloo studies na there is a big difference nga if you finish 10 years basic education versus 12 years? Trulalo or what, fack is, based on previous surveys, the Philippines out of 45 countries, ranked 41st and 42nd only in Math and Science, respectively. Heck! At least naay pa gyud three (3) countries na ga-pyerde natin di va?! Hahahahaha!

Ngayon was it because dahil subali’t datapwa’t 10 years lang ang basic edukeyshun chorvaloo naten? Or ang kalaban naten na mga countries like Korea, Singapore, Japan, US at UK that spends so much on edukeyshunalization? Comparable ba ang salary level nang mga teachers nila saten? Comparable ba ang educational facilities nila saten? Comparable ba ang government education budget nila saten? Comparable ba ang teaching abilities nang ating mga professora zora zorro? Babalik na naman tayo sa corruption! Hayyy naku!

I have nothing against the move nang Department of Ed na dagdagan nang additional two years ang public education kung eto na lang ang nalalabing paraan so that ang ating bansang Pinas would appear sa world map nang best in science and math chorva at hindi na lang parating Korea, Japan, Singapore at Barrio Siete.

But think about this: kahit na dagdagan mo nang isang dozenang taon ang public education if you cannot improve several other factors that contributes to making a quality education, papalpak din sya. It’s a whole lot of factors involved na dapat pag-tuunan nang pansin because each one contributes sa kalidad nang edukeyshun.

Por ejemplo:

1.) Foremost would be the kalidad nang mga titsers at professora zorro naten. How do you attract and would you be able to attract high-caliber professors and teachers kung ang sweldo still stands at what it is right now? Eh diba kaya nga naging domestic helper si Inday na dapat guro sya? Ano ang ginagawa nang Department of Ed sa problemang nag-sisilayasan ang mga titsers para maging labandera nang mga Arabo, Chekwa at Jyafon?

2.) Continuing sa punto uno, how do you attract people na lumipat nang teaching profession dahil sa sweldo? Haller! We all cannot be Mother Teresa forever and devote our time sa free teaching services when we know na ang ating mga politicians have millions of allowances whereas yong ating mga abang guro eh sensilyo lang ang per diem! Kelangan pa ba naten nang powerpoint presenteyshun nito?

3.) Lapis at monggol. Even if you increase it by two (2) years, ano ang gagawin ninyo sa libro, lapis at monggol na kelangang nila for this additional two years. Ngayon lang nga, I read on the papers na mali-mali pala ang mga textbooks na na-imprinta. Totoo ba ang nabasa ko?!

4.) School size at school infrastructure. Isa sa aking pangkin is professor sa isang public university sa Rizal. Sabinetch saken, yong isang klase daw nya eh umaabot nang sisenta katao. Halllerrr! Ano yon? Rock concert? Ano ngayon ang programa nang Department of Ed na eto ngang mga International Schools sa Manila eh they try to limit their class to less than 30 pero ang ating mga public school eh nag-mistulang Wowowee sa dami?

5.) Tuition. Pano na ako? San ako kukuha nang pan-twisyon nang mga boylets ko?! Pano ang ating mga abang mag-bubukid? I know for one thing na dun sa Barrio namen, can’t afford ang karamihan at ultimo kalabaw eh sinasanla just to send their kids to school. With additional 2 years? Eeeekk! Ilang kamote ang ititinda nang Tatay para pan-twisyon? Tataas kaya ang personal income nang mga ka-tribu ko so we would have enough anda to send these kids to school? Will the gobyernes help increase the per day arawan?

6.) Tumigil na nang kaka-experiment to use Filipino/Tagalog as medium of distrakyuns. Utang na loob! Inglisin nyu na! Ano ba kayo?! That does not mean na porque Inglis ang turo eh indi na tayo Pinoy! Hallerrr! Teach the teachers English. How to write and to speak it. Kelangan ko pa bang i-explain eto?!

Aware ang lola that our educational system is just ek-ek to the blues and this can’t be fixed in one chuvalais. Which is why, congratulate ko ever ang Department of Ed with the move to improve our system of education. Now, as to whether or not agree ako sa priorities nila, wez ko sasabihin! Hahaha Baka bawiin nila diploma ko at ako eh pabalikin sa High School! Hahaha

Wish lang nang lola, wag nilang kalimutan ang juice na kelangan to make this work. Higher pay, more budget for teachers, books and school materials, more buildings, more teachers for a small class size and cute Professors like me.

So be the first to call, I am available. For WORLD PEACE, I can be one heck of a lovely macho professor in heels.

reynaelena_signature.JPG

Don’t forget to vote for me kabisyo!

laffapalloza1x2.JPG

laffapalloza1x1.JPG

Related Posts with Thumbnails

Reyna Elena Dot Com is Powered By Thesis

Thesis Theme

With Thesis, you need not worry about your in-site SEO. All you have to do is "just add killer content". From beginners, to the most advanced WordPress developers, Thesis makes it easy for anyone to customize it.

{ 37 comments… read them below or add one }

bluepanjeet July 16, 2008 at 1:36 am

naku don’t get me started with ched and dep ed… bangag pa ako sa WYD sa sydney, ayoko masira ang festive mood ko hehe

masakit man sabihin pero kalimitan ng mga nasa posisyon dito sa ating bansa ay mga di nagiisip at di pinag-aaralan mabuti ang pros and cons ng bawat galaw nila.

tulad nyang biofuel ni zubiri na akala natin e environment friendly pero ang totoo nyan eh may halong politika at grave consequences sa environment pag pinatulan ng magsasaka ang biofuel.

Dapat ay itaas ang kalidad ng edukasyon sa pamamagitan ng pag-ha hire ng mas magagaling na teacher o mag karooon ng ceiling grade sa HS bago makapasok ng BSED tulad sa nursing na above 40% lang tinatangaap at hindi yung bumili lang ng suka sa kanto naisipan ng mag teacher—kya ang daming tanga na politiko at administrador sa atin eh tsk tsk

the sickness of Pinoy is that we always think short term—- hirap na hirap tayong mag isip ng long term plans. Ang tanging long term lang na nasasa isip natin ay kung pano mananatili ng matagal sa pwesto

bluepanjeet’s last blog post..150,000 strong attended the WYD Opening Mass in Sydney (WYD Day 1 Photo Highlights II)

[Reply]

bluepanjeet July 16, 2008 at 1:39 am

reynz kinati tuloy ako magsulat ng satire uli kaya lang di ko pa magagawa kasi pyesta pa sa blog ko haha

salamat sa entry mo na to… kinanti na naman ang natutulog na protesta sa aking katawan LOL

bluepanjeet’s last blog post..150,000 strong attended the WYD Opening Mass in Sydney (WYD Day 1 Photo Highlights II)

[Reply]

iRonnie July 16, 2008 at 2:18 am

comment na comment na ako di ko na binasa entry mo, title lang. :p

public education is poor not because we spent too short of time in basic education but because we have poor quality and poor learning condition.

saan ka nakakita ng mga estudyanteng nag-aaral sa ilalim ng puno? mga classroom na tila lata ng sardinas sa sikip? silid na konting ihip lang ng hangin, konting buhos ng ulan, konting yanig ng lindol ay hindi na mapapakinabangan? mga estudyanteng walang aklat?

i think one of the worst mistake of the govt is not paying attention to the country’s education system. in a society where those na may kakayahang magpa-aral y nag-aanak lamang ng 1 hanggang 2 samantalang ang mga walang maipampa-aral ay nag-aanak ng laksa laksa, dadating ang araw na majority ng pilipino ay mangmang.

iRonnie’s last blog post..Be A Blessing Today

[Reply]

Glo July 16, 2008 at 2:59 am

hindi ko na tinapos ang pagbasa ng post na ito. pero 2nd paragraph pa lang eh aatakin ako sa kakatawa sa banat ni reynz at the same time aatakihin ako sa puso sa galit sa systema ng pinas. matagal nang panahon di priority dito ng government ang education. thru the years nag-deteriorate ang quality of education sa public schools. dahil ang mga quality teachers ay umalis na at kung saan saan na nagta-trabaho. period. ganyan lang kasimple. ke 10 or 12 years mag-aral wala namang bago. ganun pa rin. magagastusan lang mga magulang dahil may additional 2 years sa school mga anak nila. bottomline ang quality education dito, dun sa merong mga pambayad sa mga matitinong school na ke-mamahal. bottomline. matagal ng privilege ang education sa pilipinas. never it has been a right. tama na nga to, baka masagasaan ako ng tricyle dito sa sorsogon! ;-) hahahahaha!

Glo’s last blog post..Friday in Photos: 11 July 2008

[Reply]

kutz July 16, 2008 at 4:26 am

Kung wala ng klasrum sa Manila, pauwiin sa probinsiya ang mga magpipipyer at siksyer hayskul o kaya grade seben and eyt depende kung san nila gustong idugtong and extra tu years! Daghan kaayo mga puno ng balete sa Mindanao lalo na sa jungle nga jolo at basilan, dun nyo isalansan ang mga estudyantes! Di problema ang lapis at papel, remember archipelago tayo, Teng. Mulami tayong wayt-send-bitches, dun nila pagsulatin ang mga estudyante@!

Sa lalaki ng sahod ng mga DepEd creatures na ‘to akalain mong mga walang kapararakang ideas pala ang pinag iisip?

[Reply]

Nagi July 16, 2008 at 5:01 am

Nag-research na ba yang mga taga-ched at deped?
nakakapang-init ng ulo.

[Reply]

chuvaness July 16, 2008 at 5:04 am

hell no!!!! i don’t think prolonging the basic education years will improve whatever it is na kelangan iimprove

tatamarin lang ang mga estudyante

it’s not QUANTITY ‘day…QUALITY – from infrastructures to improvement of facilities to salaries to textbooks to CRs!!!!

mag allot ng budget for education…at lupigin ang corruption!!! Pukawin ang kaisipan ng mga Pilipino sa mga maling kamalayan na pinapalaganap ng pamahalaang diktadurya!!!

IBAGSAK ANG PASISTANG KONTROL!!!!

*may hawak na plakard, sa may Mendiola*

chuvaness’s last blog post..He is carrying you through the worst times of your life

[Reply]

kengkay July 16, 2008 at 8:58 am

hay alam ng lahat kung alin ang dapat gawin bakit hindi yon alam ng kataas taasan? dapat simulan sa teachers — kung de kalidad ang mga teachers, kahit 2 years lang education e de kalidad na rin ang estudyante. at sempre magkakaron ng ganang maging de kalidad na teacher kapag may magandang benepisyo! pwede ba, baka sa kweba nakatira yang mga asa dept of edu!

kengkay’s last blog post..meron akong sasabihin

[Reply]

reynz July 16, 2008 at 2:21 pm

wala bang pros and cons? hahahaha! i think this is similar sa pag-gaya naten nang Japanese speaking Nippongo at naging 1st world nation, tayo naman noon, nana-galog para maging engot forever.

as if adding 2 years, biglang tataas at aangat ang standards naten when in fack, ganun pa rin ang nasa loob or kaya sa ilalim nang puno nang kamatsili classroom ang mga nagtuturo. no offense sa mga teachers, kaso halos given na na wala man lang silang additional resources and training to improve their capacities at babalik na naman sa budget sa education! haaayyy!

reynz’s last blog post..Is adding 2 more years in high school improve Philippine public education?

[Reply]

reynz July 16, 2008 at 2:22 pm

blue that was a nice post you have! para na rin akong nagbyahe to sydney!

reynz’s last blog post..Is adding 2 more years in high school improve Philippine public education?

[Reply]

reynz July 16, 2008 at 2:25 pm

iRonnie,

eye em one product of those na nag-aral sa ilalim nang puno nang nyog when i was in barrio siete, kasi nasira yong school namen nang bagyo and meanwhile kung saan saan muna kami at that time hahaha

forward mo in decades sa rizal, dun mismo sa school na pinagtuturuan nang pangkin ko and i heard na this is true all throughout the country, sisenta katao daw bawat klase! an in halllerr! hahaha! awang awa daw pangkin ko kasi yong iba nakaupo na sa paa nya sa unahan dahil nga nagmistulang rock concert na. ano ba yon?

eto na tayo sa point na ang mga junakees natin this time ang magbabayad nang kapalpakan nang education planning na puro palpak for all those years.

reynz’s last blog post..Is adding 2 more years in high school improve Philippine public education?

[Reply]

reynz July 16, 2008 at 2:31 pm

year after year after year after parating ganun naman ang discussion about education sa pinas and everything done is about nothing.

consider mo yong feeding program nila for kids. ginaya tong feeding program na to sa west. ngayon? me mga bumabatikos to teach them how to produce food. the kids?! i don’t know. di ko alam kung gano ka-effective tong feeding program.

sabi nga ni fidel ramos, it’s going to get worst. http://newsinfo.inquirer.net/inquirerheadlines/nation/view/20080716-148722/Ramos-on-RP-education-Its-going-to-get-worse

well, nothing against him, after all, malaki din ang contribution ni ramos sa pag-angat nang pinas nang konti economically, kaso, is this a don’t blame me statement?

reynz’s last blog post..Is adding 2 more years in high school improve Philippine public education?

[Reply]

reynz July 16, 2008 at 2:33 pm

ateng kahit sa probinsya, wala ring classroom! can you imagine, uugud ugud na lang ang lola, yong classroom namen noon eh yun pa rin ang classroom na naiwan hanggang ngayon, tagpi tagpi lang nga! wow! for all these years! ganun pa rin?! alam mo ba yong mga building na marcos type na tinatawag? hahahaha

reynz’s last blog post..Is adding 2 more years in high school improve Philippine public education?

[Reply]

reynz July 16, 2008 at 2:34 pm

yeap! nag-research po sila. sa friendster. :-)

reynz’s last blog post..Is adding 2 more years in high school improve Philippine public education?

[Reply]

reynz July 16, 2008 at 2:35 pm

PUP ever! hahaha! rally agad! hahaha! ayos ang mga “PUKAWIN” hahaha! na-reremind ako noong nag-rereview ang lola sa Recto at kame eh nasabugan nang teargas! hahahaha

reynz’s last blog post..Is adding 2 more years in high school improve Philippine public education?

[Reply]

reynz July 16, 2008 at 2:39 pm

hay naku! daming problema nang educationalekwazizkabum saten and its TAFF where to start and am sure tapunan nang sisihan ever to and the losers will always be the madlang junakees nang mga abang pinoy ever.

all those years na binalewala ang education naten, eto na tayo. paybak time. as is 2 years will solve le probleme.

kanya kanyang drama, gayahin ang US sa 12 years as if eto na ang solusyon. gayahin ang Japan by speaking our own language. pumalpak din. ano pa kaya ang magagaya ever sa mundo?

reynz’s last blog post..Is adding 2 more years in high school improve Philippine public education?

[Reply]

kutz July 16, 2008 at 2:52 pm

But op coarse, sa marcos type building din ako unang natutong magsulat, magbasa, magwalis, magplorwaks ng tinunaw nga kandila, at maglampaso nga coconut husk vacuum! Vonggacious pa yung mga building na yan Ateng at medyo naka elevate from the ground… ang ilalim eh ginagawa naming rest room, HAHAHAHAHAHA!!!

[Reply]

Aaron July 16, 2008 at 2:54 pm

kurek ka reyna. my mother used to be a teacher. sabi nga nya, kung hahabaan mo ang HS ngayon – at the current situation of the philippine educational system – dadami pa lalo ang HS dropouts!

Aaron’s last blog post..V is for

[Reply]

mnel July 16, 2008 at 3:01 pm

i have to agree. hindi naman additional years of education ang kailangan kung hindi quality. may budget ang pilipinas para sa mga pangangailangan ng mga citizens pero yung budget, kung kani-kaninong bulsa kasi napupunta. sabi nga ng doc-prof ko kanina, masarap naman tumira dito sa pilipinas, kung hindi lang sa mga pulitiko… and that came from a doctor who trained and had stayed in the US but chose to come back, cure the sick and educate the next batch of doctors.

kung tutuusin, maswerte pa ang education sector dahil kahit papaano napaguusapan ang budget nila pero ang health sector? susme. kelan ba huling napabalita na humihingi ng increase ng sahod ang mga manggagawang nagbibigay ng kalinga?

nakakalungkot talaga. :(

mnel’s last blog post..Positive

[Reply]

reynz July 16, 2008 at 3:06 pm

‘day! impiernes! buhay pa yong mga marcos type na yan! parang si marcos ever! ayaw matigbak! hahaha! ngayon cretive sa barrio namen, dahil nga super init pag winter, yong ibabaw dahil yero, nilagyan nila nang nipa, coconut at kung ano ano kalechehan. sila ang nag-imbento nang green roof na nauuso na sa amerika! hahaha

reynz’s last blog post..Is adding 2 more years in high school improve Philippine public education?

[Reply]

reynz July 16, 2008 at 3:48 pm

at alam kamo nila whey there are so many dropouts at i don’t think merong initiative ever ang Dept of Ed to resolve the dropouts. meron ba? kasi yong mga kaklase kong nag-dropouts eh talagan naiwan.

kung gagayahin nila ang US sa 12 years basic ed, then gayahin na nila lahat. at resolve na rin nila at bigyan nang solusyon ang dropouts eh kasi dito madaming program para ma tulungan ang mga dropouts like? student loans.

[Reply]

bluepanjeet July 16, 2008 at 3:50 pm

alam mo kung bakit gusto ng mga L****K na yan ang additional years reynz? Para makapangurakot na naman sila sa mga libro na may 400+ factual errors. LAHAAAAATTTTTTTTT ng ahensya ng pamahalaan may kickback. Ang pinagtataka ko lang bakit kaya di ginawa ng Dyos ang Lindol, Bagyo at pagputok ng bulkan na localized?

yun bang kung sino lang yung balahura sa Gobyerno sya lang ang lalamunin ng lupa, dadaanan ng lahar at tatangayin ng hangin kahit san sya magtago sa mundo…

Sana may magmutate sa atin na superhero (except ka kasi mutant ka na daw) para makagawa nun LOL

bluepanjeet’s last blog post..150,000 strong attended the WYD Opening Mass in Sydney (WYD Day 1 Photo Highlights II)

[Reply]

reynz July 16, 2008 at 3:52 pm

hi mnel,

ilan den ang pangkins ko who are in the health sector at yan parati ang buntonghininga everytime na nag-iinuman kame. yong dalwang doktor an actually come here sa US and join us, pero they opted to practice sa Manila at yong isa eh nag-tuturo part time.

unless na matigil ang hayop na mga kurap na pulitiko na ninanakaw ang budget, kahit dagdagan nila nang dalwang siglo ang high school wala rin. ewan ko ba dyan, ba’t di ina-analyze na merong mga bulate sa puno.

[Reply]

reynz July 16, 2008 at 3:56 pm

ewan ko kung anong klaseng risk management at risk mitigation ang ginagawa nang mga U**L na mga yan! brain drain ever! nangawala yong mga magagaling mag-isip nang strategic management direction para sa education naten at ganyan na lang mga desisyon!

they could have just hired some consultants (AKO hahaha) to help them decide! eh kasi, babalik sa sinabi mo, kikbak, RFP at contract na walang bidding, ang mga pinag-susulat mga walang research capabilities ever!

hehehe!!! ako pag naulanan say mo, as in nag-mumutate talaga akO! HAHHAAH

[Reply]

Colegialagirl July 16, 2008 at 11:45 pm

I was once a teacher, the way I look at the plan (kung lulusot)hindi ito magtatagumpay. Sa hirap ng buhay ngayon dumarami na ang high school drop outs… Sa apat na taon hirap na hirap na ang mga magulang na pag-aralin ang kanilang mga anak. Dagdagan mo pa ng dalawang taon na pahirap, school lang ang makikinabang iyan sa kanilang mga tuition fees, etc. Tanong bakit nahal si Congressman Katok e sa public school lang naman siya nanggaling at ang high school na tinapos niya ay apat na taon lang ang kanyang ginugol na pagaaral dito. Wala iyan sa number of years, nasa quality of teaching and learning iyan. Dito natin tutukan ang isyu hindi iyong pagdadagdag ng taon. LOL.

Colegialagirl’s last blog post..Dayana Mendoza the New Miss Universe 2008, Venezuela celebrates for the 5th title

[Reply]

Colegialagirl July 16, 2008 at 11:47 pm

pahabol, pasensiya na po sa mga errors. thanks.

Colegialagirl’s last blog post..Dayana Mendoza the New Miss Universe 2008, Venezuela celebrates for the 5th title

[Reply]

reynz July 17, 2008 at 12:26 am

colegiala, thanks sa pagdaan hehehe nakita kita dun ki cocoy’s delight! also, i added you na sa blogroll! nahiya ako hehehehe salamat sa links!

reynz’s last blog post..Is adding 2 more years in high school improve Philippine public education?

[Reply]

reynz July 17, 2008 at 12:28 am

sabi na nga yan ni kape’t yosi, madami talagang dropouts, kahet dun sa barrio namen, as in ganun pa rin kahit na nung panahon nang hapon namen at mukhang para na syang exlusive as in di na maabot nung mga mahihirap!

ewan ko ba ba’t taliwas ang mga priorities nang mga yan!

reynz’s last blog post..Is adding 2 more years in high school improve Philippine public education?

[Reply]

Beng July 17, 2008 at 4:40 am

12 years basic education din sa germany. pero kaibang-kaiba ang sestema. sounds like gusto nilang gayahin ito, pero hindi pa rin maabot ng Pilipinas ang standard sa labas.

for example:

Kathleen was in 8 grade (second year dito) in germany before we came here.

Her subjects there were Physics, Biology, Political Science, English, Math, Latin, Theology, German (parang Filipino dito), Sport (PE here sa Pinas) and Art.

ngayon sa Ateneo second year din siya, here subjects are (take note and compare the big difference):

Science, Filipino, Math, Social Studies, English, IT, CLE, Speech

Beng’s last blog post..Imbiyerna to the max si Tita Poorshya dahil sa basura atbp

[Reply]

reynz July 17, 2008 at 4:59 am

it looked like it na gusto nilang gayahin ang western curriculum. ibang iba nga ang curriculum nang Ateneo compared with her subjects in Germany. At least, in no time Kathleen will be back in Germany. Parehas lang ang curriculum ninyo in Germany sa US except for Latin.

nga pala, di ko pa rin pala alam kung kelan ako makaka-alpas here. dami pa ring kalechehan ang ayuf na ex employer ko!

[Reply]

roni July 17, 2008 at 5:15 am

hindi ba dapat nag-aaccelerate lahat? edukasyon, teknolohiya, ekonomiya, at iba pa, masyadong tradisyunal ang approach na yan, hindi sya nababagay sa makabagong panahon, Information Era I mean.

[Reply]

reynz July 17, 2008 at 5:23 am

hehehe eh saatin lang ata ang paurong hahaha! talking about acceleration, hahaha napag-usapan namen ni kutz yong mga marcos type building na common pa rin sa barrio siete hehehe! wala! dami talagang problema, kahit saan ka lumingon!

reynz’s last blog post..Reproductive Health Policy: Ba’t ba pinag-initan na naman?

[Reply]

Beng July 17, 2008 at 10:22 am

Reynz, sad to imagine na hindi tayo magkikita dito sa Davao but the thought na maari mo kaming bisitahin sa Germany cheer me up :) .

How was your lakad?

Beng’s last blog post..Imbiyerna to the max si Tita Poorshya dahil sa basura atbp

[Reply]

Beng July 17, 2008 at 10:33 am

By the way, there are three types of Secondary School in Germany.

After primary education, children normally go to one of three types of secondary schools:

1. Hauptschule (until 10th grade) – prepares pupils for vocational education and ends with a Hauptschulabschluss. The Hauptschule is designed for those who are less academically gifted. Graduates generally enter an apprenticeship ( Lehre) in a manual trade, sometimes combined with some part-time studies at a Berufsschule.

2. Realschule (until 10th grade) – offers a broader range of emphasis for intermediary students and ends with a Realschulabschuss. The Realschule is designed for those who will be entering an apprenticeship in a commercial trade or medical profession such as nursing, the emphasis is more on mathematics and language skills than on manual activities.

3. Gymnasium (until 12th or 13th grade) – prepares students for higher education and ends with the Abitur (a prerequisite for enrolling in university). This is the most demanding type of schooling, with 32 to 40 hours of lessons per week and lots of homework.

Kathleen was and will be in Gymnasium again when we go back.

Beng’s last blog post..Imbiyerna to the max si Tita Poorshya dahil sa basura atbp

[Reply]

reynz July 17, 2008 at 10:35 am

hay naku beng! kung pumuputok butse mo dun sa imburnal sa lote ninyo! gusto ko nang sabunutan ang hayup na benefits person namen dahil hangga ngayon di ko makuha pera ko noh! as in sweldo ko yon! punyemas ever! nagbigay ka na nang 2 weeks notice taz eto 18 na, wala pa news kaya mukhang di ako makauwi by this month!

reynz’s last blog post..Reproductive Health Policy: Ba’t ba pinag-initan na naman?

[Reply]

reynz July 17, 2008 at 10:41 am

alam mo yong pangkin ko (namesake nang junakees mo), we have to get the curriculum nang dalwang schools in Manila (wiz ko na sabihin pero top tier sya at wellknown), then pina-aprub pa namen sa Principal dito kasi nga babalik din nga sa US. Indi inap-prub nang principal kasi an layo nang curriculum hahaha

so, ayun naghanap kami at wa kaming choice kundi tingnan ang mga international schools. buti kamo, Reedley was just in Pasig kaya nung pinadala namen yong subjects nya, tinanggap nang principal nya here kaya napunta pangkin ko nang Reedley and stayed there for 3 years.

di ko kabisado kung merong ganyang tiers here sa US, although ang alam ko, bago mag bakasyon, kasi grade 8 na rin sya, meron syang series of exams para sa scholarship in high school nakalimutan ko ang tawag sa program na yun where they classify students as A or B or whatevah kaya sana pumasa to

reynz’s last blog post..Reproductive Health Policy: Ba’t ba pinag-initan na naman?

[Reply]

kengkay July 17, 2008 at 6:24 pm

may kakilala ako, he’s in gymnasium in germany tapos nag transfer yung papa nya sa US — ayun, tuwang tuwa yung bata kasi daw sobrang hirap daw sa germany. e sa US mas konti daw ang subjects unlike sa germany.

kengkay’s last blog post..meron akong sasabihin

[Reply]

Leave a Comment

CommentLuv Enabled

Previous post: Do you know where you money is?!

Next post: Reproductive Health Policy: Ba’t ba pinag-initan na naman?