Kangkong, cure for depression?
If you're new here, you may want to subscribe to my RSS feed. Thanks for visiting!
Ang hirap mag-move on! Para akong brineyk ni Jeff nang sampung beses to the 10th power!!! Medyo na-depress ang lola sa kagaguhang ginawa nang tarantadong pamangkin ko mga kabisyo. Di ko matanggap na ginawa nyang Anito Lodge at Bora-bora ang condo ko. Medyo apektado ang takbo nang isip ko ngayon. Alam nyo yon?!
Napanood ko na lahat nang YouTube ni Arnel Pineda. Alam ko na kung anong park sya natutulog. Puntahan ko kaya para swertihin din ako? Napanood ko na rin lahat nang YouTube ni Charice Pempengco. Mas lalo akong na-depress. Mahilig din kasi akong kumanta when I was a kid. And I can hit high notes just like her. Eh, tinubuan lang kasi ako nang adams apple. Eto bumara sa lalamunan ko, kaya sintunado boses ko.
Kaya pag de-press, lumamon nang kangkong.
O kaya, fried lobsters.
Kelangan ko pang i-harass at takutin ang Joey para lang pakinggan ang mga alipores ko. Eto ang kaibigan kong pagod na pagod nang pakinggan ang mga Dear Ate Charo moments ko.
- “Eh, an tanga tanga mo kasi eh!!” Yan ang normal at malulutong na linya nya.
- “So, balita ko, uuwi ka na naman. Please lang ha? Pag nangyari yun, wag ka nang bumalik” Sabi nya.
- “Bakit?” Mangha kong tanong.
- “Hallller! Pati retirement money namin, naubos na sa despidida mo, hangga ngayon andito ka pa rin”! Panunumbat nya.
- “Ayufff! Palitan na lang nga natin ang topic natin! !~!@#$%” Sagot ko naman.
Matagal ko nang di nakita si Joey. Sya ang nag-bitbit saken nun sa Remedios Circle nung December 2006 na nag-mukha kaming batang lansangan dahil first time kong napunta sa mga kabaklaan doon. Excited kasi ako dahil sabi nang Joey maganda talaga ako’t dudumugin ako don. Ipinarada ko ang kotse sa tapat nang Max’s fried sumtin’, dinumog nga ako. Nang mga pulubing bata. Gusto ko nang dagukan ang Joey noon. Naka-ngiting aso lang sya.
- “O balita ko, bumili ka raw nang bahay?”Tanong ko.
- “Oo, lilipat na nga ako. Dun ka na tumira saken”. Sabi nya.
- “Wag na, baka araw-araw mag-sampalan lang tayo.”. Sabi ko.
- “Bahala ka na kung magkano ang ibayad mo.”. Pagpupumilit nya.
- “$50 per month. Mahal na yan. Birada ko.
- “Kung kaya nang konsensya mo, ok lang. Panumbat nya.
- “Sa nangyari sa condo ko? Makapal na mukha ko. Wala na akong konsensya.
- “O, ba’t napunta ang condo sa topic naten?!
Ganyan kami mag-usap ni Joey. Maligalig. Tingnan nyo naman ang entry na to. Maligalig na rin. Di ko alam kung san ang takbo. Depress pa rin ako.
Popularity: 1% [?]
Viewed 65 times by 42 viewers























June 15th, 2008 at 6:08 pm
masyadong luto ang kangkon mare ..di na malutong..di na masarap ..tsk tsk tsk
Nakita mo bang nagtsuktsakan? hirap nun kapag ganun o basta lang me naiwan silang bakas kaya ka ganyan nadepress..di masyadon nakakadepress kung bakas lang ang nakita mo lol!!!
ulanya nagtitipid ang pamangkin mo? at ginamit pa condo mo? di mo siguro binigyan ng allowance at bakit meron syang susi aber? kaw me kasalanan nyan mare ….parusahan mo sarili hala lol!!
Remedios Circle? namiss ko yan..dyan kami nagparada pasan pasan ang napakabigat na krus pero okay lang kasi naririnig ko sa radyo habang nirereport yung bigat ng krus na pasan pasan ko e lol!
manilenya’s last blog post..Mutterings: Ham-sa (I am That)
[reply this comment]
reynz (4595 comments.) reply on June 16, 2008:
alam mo pag mainit ang ulo mo, malutong na rin yan, yang lobster nga, kala mo parang bakal, indi! nilamon ko na rin nang buo! hmpt!
ewan ko sa mga hudas na pangkin kong yan, pare-parehas story!
hahaha! maganda at masaya ang Remedios Circle, nagkalat lang nga ang mga homeless, homos, at mga homohobad na mga babae at lalake hehehe
reynz’s last blog post..When the loser wins, the winner loses
manilenya (261 comments.) reply on June 17, 2008:
hindi pa rin malutong….di mo na lang papansinin yung sobrang luto lol!
ganda ba? makapunta nga dyan sa pag uwi ko
manilenya’s last blog post..Mutterings: Ham-sa (I am That)
June 15th, 2008 at 6:27 pm
Hay naku, uwi na dali…uwi ako sa July 18th.
nina’s last blog post..LP - Kalayaan
[reply this comment]
reynz (4595 comments.) reply on June 16, 2008:
NINA! noted! hahaha! pag naka-alpas ako kasi dami ko assignment! me lecture pang gagawin kairita!!!
reynz’s last blog post..When the loser wins, the winner loses
June 15th, 2008 at 10:44 pm
OO nga,mukhang overcook ang kangkong.In fairness ,mukhang masarap ang partner ng kangkong.Depression kills,wag mo na isipin yan.ituring mo na lang nananaginip ka.Just dropping by.
pmonchet’s last blog post..Help Save Serena
[reply this comment]
reynz (4595 comments.) reply on June 16, 2008:
i guess nakisama ang kangkong sa sama nang damdamin ko’t nag-lupasay na rin… thanks for dropping by!
June 16th, 2008 at 12:37 pm
at saan ka naman nag ani ng kangkong? sosyal talaga kapag depressed, katapat ng kangkong e lobster, hahaha — alam mo nag work ako dati sa isang hotel dyan sa remedios at sempre ang tambayan namin, ang circle din na yan
kengkay’s last blog post..Orgasmus = Orgasm
[reply this comment]
June 17th, 2008 at 1:43 pm
wow sarap ng kangkong…ito kinakain namin with vagoong lalo na pag alang pambile ng food hehehe… totyal pala kc pede ipares sa lobster……
Diba Reynz, babalik ka at dudurugin cla? joke
sherliez’s last blog post..Thank You, PayPerPost
[reply this comment]
June 20th, 2008 at 1:27 am
Ek Reynz, nakausap mo na ba ung pamangkin mo?
Ayan na! Malapit ng pumayag na si Malen ang tumira sa mansion…hehehe!
Teka, anong luto ng Kangkong yan?
ruthie’s last blog post..harry and ginny hug from HBP
[reply this comment]