Akyat Bahay Gucci Gang!

If you're new here, you may want to subscribe to my RSS feed. Thanks for visiting!

Mga kabisyo, sorry if I have to bring this entry back up on top. My relatives in Australia and California can’t find the entry daw, pasensyahan nyo na, di sila masyado nag-iinternet and they want to know what happened, kaya eto, inuna ko to make it easier for them. Me mga balak kasi ang mga to na bumili rin nang condo and are looking for caretakers. Lesson numero uno tong nangyari saken. Reynz 6/13/08.

Eto na ata mga kabisyo ang tinatawag na shitty day of all the bad days sa buhay ko. You see, I bought a condo in Ortigas dahil nga, my goal is to go back home. I really want to live, work and play there. Matagal ko nang binabalak to. Nilait-lait na ako nang mga kebigan ko and I honestly don’t care. I know what I want in life. Kaya, I always plan ahead and I take care of what I own. At dahil nga pinag-hirapan mo, you wanna make sure na, everything will be ok once na andun ka na. Of course, I share that with my family. That’s where my sister and my niece from the US lived for three years, when my sister was going to school in Fatima for her nursing and my niece was over at Reedley naman.

So, when my niece and my sister went back to the US in November of 2007, I went home dahil inasikaso ko nga ang pagbalik nila sa US at binalot ko namang lahat ang gamit namen. Ako lang, mag-isa. None of my nephews at nieces dyan ang nag-prisintang tumulong. They only call pag me sakit, me tigbak o kung me kelangang pera. So, pinalitan ko lahat nang kandado at nag-prisinta ang isa kong pamangkin ko to be the caretaker. I pay him monthly. Extra pa dyan ang mga added bigay$ and in kinds. Pa-aral pa and everything, pa-review pa sa nursing. Sa totoo lang, itinakas ko pa ang isang to sa Bikol which is a story in itself

Maliwanag pa sa araw ang instructions ko. Ayoko talaga nang ibang tao sa condominium, period. Other than that, sabihin mo lang saken if you need something, that’s what I told my nephew. So, yun. When I got home this afternoon, I was alerted by my sister. “Nakita mo ba yong mga litrato ni JB sa Friendster?” My niece told me, “Oh, JB’s got all of his friends in the condo all the time! Sleeping in your bed!”. Shock ako! Binigay nang brother-in-law ko yong link. Pinuntahan ko.

PUNYETAAAAA!!!

BINABOY ANG PRIVATE PLACE KOOOOOOO!!!
Who is this fkn’ bitch in my bed and what is she doing here?!
trespasser1x.JPG

This bitch looked totally fckd up! Does her parents know about this?!
trespasser2x.JPG

I have no idea who these people are!!
trespasser3x.JPG

No wonder, nagtaka ako when I was there, kasi nga binalot ko ang chair na to because I was not expecting anybody there. Binalot ko sya, not because Ethan Allen sya, but because sabi ko, I don’t want anyone in my house. Punyeta!!!
trespasser4.JPG

Kita nyo? Pa-wine wine pa ang mga hayup na Akyat Bahay Butse Gang na mga tao! As in, nakatago yang mga royal kupita koooo!!
trespasser5x.JPG

Hayup! Buong batalyon ata nang Akyat Bahay Gang ang pumasok!
trespasser6.JPG

At me mga engineer pa na member nang Akyat Bahay?!
trespasser7.JPG

This is my house! Pinag-hirapan kong trabahuin to sa mga hayop na bulyaw sa trabaho ko and I just felt so damn violated mga kabisyo!
trespasser8.JPG

Tangina! Inggit kayo mga kabisyo?! Ni indi nga ako nag-paparti sa condo kahit na ilan ang nagpupumilit na magpaparti ako! Hayup!
trespasser9.JPG

Punyeta talaga! At home na at home ang dalwang to! And I noticed, nadag-dagan ang pictures dun sa wall! Kaninong litrato ang nakalagay dun? Wala yun dun nung umuwi ako?!
trespasser91.JPG

And who’s this other fckng gurl here?!

trespasser92.JPG

At dun pa sila until morning!!!
trespasser921.JPG

And all they do is get drunk! Haller! Ni minsan sa uwi ko, walang drunk sa kwarto ko! Hayuupp! Eh meron namang clubhouse! Pag ang sister ko nag-pa-party, dun sa clubhouse at hindi sa condo! Haller! Eh kaya nga me clubhouse! Ba’t sa kwarto ko pa?! Hayuffff!!!!

trespasser923.JPG

I just felt so damn violated mga kabisyo! Eto yong feeling na parang ni-rape ka nag mga demonyong to! I called my nephew at ni hindi na sinagot ang phone. I am just so angry! You have no idea! I am making a lot of calls in Manila at the moment. Pati na yong nephew ko sa Camp Crame tinawagan ko na!!! Yan ang dysfuntional kong family mga kabisyo! Wala ka nang mapagkatiwalaan!

P.S. Captions in the pictures are not mine. That’s how they were labelled on friendster.

Your Ad Here
Your Ad Here

Did you liked it? No worries. On my next entry, I'll make you laugh. I'll be naked. Pramis. Don't miss it! Subscribe to Reyna! NOW na!:

Delivered to you by my cute boylets! Paid with load & cellphones!

Popularity: 2% [?]

« Previous EntryNext Entry »

114 Sweet Responses to “Akyat Bahay Gucci Gang!”

  1. kulot (43 comments.) Says:

    yes, party people! ansama naman ng kapalaran mo,

    mainit pa ulo ko ha..

    tulad ng mga ayaw mo ayaw ko rin ng sinusuway ang utos ko, which is very simpleng utos, wag magpapasok ng iba.

    nako naman pinsan bakit naman ganyan.

    putik at may inuman pa ha, e paano kung may nakalimutan kayong upos ng yosi dyan at nakatulugan nyo, e di naabo ang condo ng lola nyo!

    utang na loob!

    kulot’s last blog post..Videovideographer

    [reply this comment]

    reynz (4415 comments.) reply on June 11, 2008:

    me clubhouse sa condo kulot, yon ang reason nang clubhouse at ang ayaw na ayaw ko eh me estranghero sa kuarto ko! lalo na sa kama ko mismo! at gurl! grrrr!!!

  2. chuvaness (441 comments.) Says:

    shuckssssss!!! sabi ko naman sayo sa kin mo na lang ipabantay…rentahan ko pa ng 5K!!! BWAHAHHAH. i’ll make sure na laging malinis…mabango at WALANG MANTSA!!!

    but seriously, anak ng mga social climber yan oh!!!! nakaka highblood!!! eh ako nga…tshirt lang ang magamit sa kin na di pinag papaalam..naiirita na TALAGA AKO.

    O cia cia..shall we see you next month?? cheer up na :)
    chuvaness’s last blog post..Dear Chuvaness,

    [reply this comment]

    reynz (4415 comments.) reply on June 11, 2008:

    pag-uwi ko susunugin ko lahat nang mga telang nakikita ko dito sa litratong yan! pati mga mukha nang mga demonyong yan pahuli ko yan sa pamangkin kong tiga crame! grrr! sobraaaa!!!!

  3. aki ni mamita Says:

    buriniina ninda!!!! akin dapat ang bahay na yan eh. tsk tsk … sobra naman to mamita… itapon mo na mga bedsheets na yan… hay… ako na lang sana ang caretaker mo… paisa-isa lang ang taong dadalhin ko sa kwarto mo… hay.

    [reply this comment]

    reynz (4415 comments.) reply on June 11, 2008:

    lintianan talaga nene! as in inu-uragan ako ki todo! sabray ni apu niya talaga! kun aram mo lang so dagit ko! naku! ni dai ako nakalaog sa opisina ngonian ta lintian na kulog kan alintakan kooooo!!!!!

    reynz (4415 comments.) reply on June 11, 2008:

    teka! ~bumalik~ paisa-isa ang dala mo?! hahaha! pucha! anoyan? hada room? hahahaha

  4. nina (263 comments.) Says:

    well, wala ako masabbi. kung ako yan - ipapaban ko sa guardia ng condo yong mga mukha na yan. tapos papalitan ko ulit yong mga lock at di na ako kukuha ng care taker - anyways, well-secured naman ang mga condo. O kaya kung hindi ka pa uuwi in the next few years, ipa-long term lease mo yong condo mo at ikaw na lang mag-rent pag umuuwi ka at least kikita ka.

    nina’s last blog post..LP - Pag-iisang Dibdib

    [reply this comment]

    reynz (4415 comments.) reply on June 11, 2008:

    i never wanted to have it rented kasi andami kong gamet dun. tsak problema ko kung saan ko naman ilalagay ang mga gamit ko. pano yon? rerenta din ako nang mapaglalagayan? hahaha!

    nina (263 comments.) reply on June 12, 2008:

    mga pamangkin buo mo ba yan o pamangkin sa pinsan? Ang masama pa nya pag ganito - minsan ikaw na violated ikaw pa lumalabas na masamamng ugali :)
    nina’s last blog post..LP - Kalayaan

    reynz (4415 comments.) reply on June 13, 2008:

    anak yan nang kapatid kong babae nina. yan na lang ang natitirang akala ko mapapagkatiwalaan dahil halos lahat either inisahan ako or binangkrap ako. yan na lang talaga ang natitira sa mga hudas! ggggrrr!!!

    reynz’s last blog post..Akyat Bahay Gucci Gang!

  5. pusa (103 comments.) Says:

    tsk tsk tsk! kelangan palitan lahat bed sheet, pillow case, at kun g anik anik,… tama si malen na lang kunin mo care taker ng condo mo, or ipadlock mo na lang at takpan ng puting kumot ang mga gamit

    pusa’s last blog post..happy birthday chelsea

    [reply this comment]

    reynz (4415 comments.) reply on June 11, 2008:

    lahat yan pusaaa! lahat yan! susunugin ko ang mga telang yan at ang mga mukha nitong mga demonyong yan pagsisindihan ko nang kandilaaaaa!!!!!! ahhhhhhhhhhhhhhh!!

  6. lordmanilastone (13 comments.) Says:

    cute ka nga mother reynz, hehehe, ‘yung naka-black, kung may condo akong ganyan, ok na siyang pagtiyagaan, i mean katabi sa higaan, hehehe, mother reynz, this is a case of abuse, inabuso ko ng mga damuhong na ito, you need buboy’s explanation siguro…

    lordmanilastone’s last blog post..SHEENA HALILI, KONTRABIDA!

    [reply this comment]

    reynz (4415 comments.) reply on June 11, 2008:

    kahit anong explanation ang gagawen LM wala akong pakikinggan sa mga nakita kong to! nanggagalaiti talaga ako!

  7. sherliez (19 comments.) Says:

    Supportahan ko na si malen na mag alaga ng condo mo hehehe…. Ano pa hahanapin mo? Masinop, matipid, masipag…lahat na nang M sa kanya na….

    Mahirap talaga maghanap ng taong mapapagkatiwalaan ngaun….

    sherliez’s last blog post..Time Tested Beauty Tips

    [reply this comment]

    reynz (4415 comments.) reply on June 11, 2008:

    buti pa nga! ke malen ko na lang ibigay ang susi! eh pano pag pina-change locks nya lahat? pano ako?! ahahha

  8. kengkay (143 comments.) Says:

    feel na feel ko yang anger mo. parang ganito yan e. kaninang umaga umikot ako sa garden namin sa likod — may umpok ba naman ng ebak dun, eeeekkkk. pano nakapasok yung aso e ang layo nung kalye dun sa daan papuntang backyard - yun, parang ganon yun e. na gucci gang din kami. lintek lang walang ganti. alam mo yan din ang isip ni kengkoy e, kung bibili daw kami ng bahay sa pinas, baka daw pag uwi namin e wala rin kaming paglagyan sa sarili namin kasi daming ampon :)
    kengkay’s last blog post..Kuto

    [reply this comment]

    reynz (4415 comments.) reply on June 11, 2008:

    ansama di ba? pinagkatiwalaan mo ang everything, bantay salakay din pala! at sakit masyado dahil hayup, paaral ang everything! grabe!

    nina (263 comments.) reply on June 12, 2008:

    kengkay, kaya hindi rin kami nagpapagawa ng bahay kasi wala pa naman titira. okay na yong mag-rent kami ng condo pag umuuwi o makitira sa parents namin. kesa naman gagastos ka tapos nakatiwang-wang lang at walang mag-aasikaso.

    nina’s last blog post..LP - Kalayaan

    kengkay (143 comments.) reply on June 13, 2008:

    nina, alam mo hindi yung walang mag aasikaso ng bahay ang problema e, ang problema yung sobrang daming pwedeng mag asikaso tulad nung nangyari kay reyns, hahaha..

    kengkay’s last blog post..Talo

    reynz (14 comments.) reply on June 13, 2008:

    hahahah!!! yan kasi binili ko yan kasi umuwi ako noong 2005. kala ko yon na yon. eh kaso, daming nagin problema nang business ko. ayun bumalik nga ako nang amerika.

    alam mo ba nung umuwi ako, eh drama nya pa, ingat na ingat nya mga gamit ko? juiccceeee koohhhh!!!!!!

    reynz’s last blog post..Tierra Maria Scam UK - A Message From Ghost Ellumbra

  9. ibyang (20 comments.) Says:

    omigod reyna, i feel so sad for you…magagalit din ako ng sobra-sobra kahit ka-pamilya ko yan. imagine, pinaghirapan mo’t lahat tapos ni walang malasakit sa bahay mo.

    ibyang’s last blog post..Kami ay mga Batang Batibot

    [reply this comment]

    reynz (4415 comments.) reply on June 11, 2008:

    kala ko talaga mapapagkatiwalaan ang lintek na yun! wala talaga mapagkatiwalaan dun! wla ibyang!

  10. Kotsengkuba (26 comments.) Says:

    ako nalang rerenta jan, at least alam mong bababuyin ko ang bahay mo. hahaha.

    joke lang. balik pinas ka ngayon nyan?

    Kotsengkuba’s last blog post..Cyberlings’ Look of the Year

    [reply this comment]

    reynz (4415 comments.) reply on June 11, 2008:

    naku ha? kung pede ko lang sabihin ang sasabihin ko baka saksakin ako ni antipatika! hahaha!

    oo! uwi ako! ayusin ko yan! punyeta! dami kong gamet sa loob! hayop ang mga demoyong yan! mga ninakaw na siguro mga gamet ko dun!

    antipatika (2 comments.) reply on June 14, 2008:

    don’t worry reynz, di kita sasaksakin. harmless naman ako.hahahah! Pero ’bout sa nangyari sa unit mo, kenes nga yan!! kung ako yan baka bigla akong uumuwi at mang away ng bonggang bonga. :) ok lang naman basta mag paalam di ba?and hindi na sana overnight. resort na resort and dating.hahahaha!

    antipatika’s last blog post..Mom and Dad’s 28th years anniversary

    reynz (4415 comments.) reply on June 14, 2008:

    naku hahaha kala ko me bitbit kang gunting! hehehe!

    hahaha tama ang sinabi mo! yong swimming pool pag over 7 ata ang guests mo for a month, bayad ka na. nung several months, ang binayaran ko about Php400+ nalito ako. sabi ko ba’t andami nito? binitbit daw nang isang pamangkin ko ang mga anak nya at me mga kasama.

    PUTA! ngayon na-recall ko! taz eto pa mga litrato! GINAWANG RESORT NANG GAGOOOO!!!!!!AAAAAAAAAAAAHHHHH

  11. Gabriel (21 comments.) Says:

    hay, naku nasabi mo pa… kapag alam ng tao na pwede nya puntahan ang isang lugar ayun feeling nya sya mayari… anyways tama sabi ni pusa lagyan mo ng puting kumot or gawin mo caretaker si malen… hehehehe!… cheer up… wag ka magalit… yaan mo sila tatanda ka kapag iniisip mo sila

    Gabriel’s last blog post..Marketing strategy

    [reply this comment]

    reynz (4415 comments.) reply on June 11, 2008:

    ano pa nga ba ang dapat kung gawin dito kundi mag sindi nang kandila, magnobena na mabulunan sana ang mga impaktong yan! nakuuuu!!!!

    Gabriel (21 comments.) reply on June 12, 2008:

    wag naman ganon… teka nakausap mo na pamangkin mo?

    reynz (4415 comments.) reply on June 12, 2008:

    nakausap ko na. kahit anong paliwanag, wala akong mapapaniwalaan dahil indi man lang tumwag, no text no nothing. alam mo ba pag walang pera ang mga yan? ambilis mag text! pucha! mag-iinarte at my own expense!? sana man lang napagsabihan ko na kaya inimbento ang clubhouse eh para sa mga occasions. nakita mo naman kung gano kalaki at ilang floors ang clubhouse noh?

    ganyan din ang ginawa sa kotse ko. iniwan ko ang susi. me kandado. nakuha yong kandado. alam mo kung saan ang kotse? dinala sa laguna, inumaga nang inuman, pag-balik, pasa pasa ang sasakyan. mahabang istorya. kaya hanggan ngayon nang-gagalaiti talaga ako. hmpt!!!

    Gabriel (21 comments.) reply on June 12, 2008:

    oo malaki clubhouse nyo at doon nmn talga kapag magpaparty… anyways… sobrang abuso ng pamangkin mo sayo… mabait na tita ka daw… heheheh

    Gabriel’s last blog post..Marketing strategy

    reynz (4415 comments.) reply on June 13, 2008:

    i swear ilang beses ko nang sinabi to, at least ubos na laht ang mga yna, ayoko na! hmpt! wala talagang hope ang pag-asa sa pamilya namen!

    reynz’s last blog post..Akyat Bahay Gucci Gang!

    Gabriel (35 comments.) reply on June 14, 2008:

    Ganyan na siguro tingin sayo… isang ulirang tao sa angkan nyo… hahahaha… :D
    Gabriel’s last blog post..I want to move out

  12. diwatang_byaning (48 comments.) Says:

    Keep the social-climbing alive hahaha… Yan ang toro mo deba? bwehehe… Ngek

    diwatang_byaning’s last blog post..Blood, Sweat and Tears…

    [reply this comment]

    reynz (4415 comments.) reply on June 11, 2008:

    AYOKO NA! give up na ako! hmpt! GIVE UP NA AKOOOOO! AYOKO NA NANG SOCIAL CLIMBINGGGG! TAGUAN NA LANGGGG!!! HAHAHA! TUTAL INI-ISTOK AKO NANG HAYUP NA TIM-MANG!!!!

  13. gabo' Says:

    Parentahan mo na lang sa kin reynz uwi kc me ng sept..hehehe…hinay hinay lang reynz baka atakihin ka nyan.. eto siguro ung kabayaran don sa mga post mo recently…hahaha.. PEace man!!

    [reply this comment]

    reynz (4415 comments.) reply on June 11, 2008:

    wag na! libre ka na lang! hehehe! hintayin kita! papaypayan pa kita! ako na lang ang babayad sayo hehehe

  14. bebe Says:

    parang nahawa ako sa hayblad mo mama reynz. i feel violated too (feeling ko ako ang may-ari ng condo)hehe

    ang lagay nyan binabayaran mo pa sya para babuyin ang bahay mo. ang masaklap pa, kung sino pa yung tinutulungan mo sya pa ang BANTAY SALAKAY!!! nagpi-feeling member ng gucci gang(at your expense). gustong maging ‘in’ sa mga friendster.

    if i were you, mag aala gabriela silang ako pero dahil royalty ka hindi bagay sa yo ang ‘makibaka’.

    ano kaya ang gagawin ng reyna? abangan ang mga susunod na kabanata…..

    [reply this comment]

    reynz (4415 comments.) reply on June 11, 2008:

    eto ang tinatawag na property mismanagement! ang feel ko, ang bahay ko especially ang kuwarto at bed ko is private. meaning, close lang na mga tao ang pinapapasok ko dyan.

    nagkwentuhan kami nang pinsan ko in manila just now. di daw maintindihan yan saten. honestly, medyo nakalimutan ko nung nagalet ako. totoo nga naman. pero nanggagallaiti pa rin ako. i just felt so violated ateng!

    susunod na kabanata is uuwi ako. me mga aayusin lang ako dahil super busy pa rin sa lintek na opis ko

    nina (263 comments.) reply on June 12, 2008:

    maliwanag naman ang instruction - wag magpapapasok ng iba di ba so walang culture - culture. Ang if I may add, hindi talaga nag-iisip yong pamangkin mo - nagpost pa ng pictures sa frienster.

    Alam mo kahit dito sa flat namin sa Qatar, naasar ako pag may bisita yong bayaw ko dati lalo na pag pinapatulog nya sa bahay. Isipin mo, nakikitira na nga lang nagbibisita pa - kahit pa Pinoy. Kasi nga hindi ko naman kilala. Di bale sana kung sya may-ari ng bahay okay lang yon :)
    nina’s last blog post..LP - Kalayaan

    reynz (4415 comments.) reply on June 12, 2008:

    indi ata maintindihan nina yong privacy something! eto namang mga barkada, mga mukha at itsuta pa lang feel mong akala mo nakatapak talaga nang kalabaw! kala siguro di ko makikita pictures

    kung iisipin, there’s only one thing bat to ginawa nang tarantadong pamangkin ko, social climbing gucci gang frealoading! pucha! bat pa ba ako nag turo nang social climbing!!!!! AAAAAA!!!!

  15. bluep (445 comments.) Says:

    medyo uminit tenga ko dun ah. Feeling ng pangkin mo kanya yung condo. kung ako sasarhan ko ang condo. May mga private stuff ka dun diba? maviviolate nga privacy mo.

    hehe mabuti sana kung magaganda yung mga chicks haha. No offense pero mga mukhang galing sa day off haha alam kaya ni ate at kuya na nandyan sila? haha

    bluep’s last blog post..Tree Hundredth

    [reply this comment]

    reynz (4415 comments.) reply on June 11, 2008:

    siguro dahil sa stress, got sick this morning sa galeetttt! grabe! ampapangit kamo nang mga bisita! talagang uber social climbing ang mga puta! punyeta ever talaga! mag-hapon wala akong ginawa, magmura!

  16. maxi Says:

    omg i really feel for you momita. tapos pag uwi mo at magngangawa ka ikaw pa ang tatawaging masama ang ugali, pro wag mo intindihin kung ano man sabihin ng mga relathieves mo basta martial law ka kung kailangan. cheer up.

    [reply this comment]

    reynz (224 comments.) reply on June 12, 2008:

    ako na nga ang tinatawag na masama dahil indi nai-intindihan kung bakit galit na galit ako’t ginawang public place ang bedroom ko! nakuuu!!!!!

  17. The Ca t (9 comments.) Says:

    i can relate with your anger. Noon din pag travel ako at iniwan ko ang aking kotse, akala ko nasa garahe lang hanggang nireport sa akin ng aking kumpare na minsan daw nakita niya na bubong na lang ang walang nakasakay at punong puno ang loob.

    pag minsang travel ko naman, pagbalik ko ginamit pagtanan ng babae. Pinabalik ko ALIN. hindi yong kotse, yong babae. 16 lang yong aking pangpangkin anoh.

    The Ca t’s last blog post..King Snake, Embargo and Oxymoronic Moments

    [reply this comment]

    reynz (224 comments.) reply on June 12, 2008:

    di ba? puro mga bantay salakay?! maganda lang sa harap mo?! alam mo ba kaya pala pagdating ko noon, yong mga kurtina ko, wala dun! at ang daming wala! nagtataka ako?! maghapon! wala akong ginawa magmura! ang hirappppp!!!

    reynz’s last blog post..How to check your backlinks in Google

  18. Beng (35 comments.) Says:

    naku reynz, sobrang abuso ang ginawa ng pamangkin mo ah. nagpasikat siya at your expense. so, ito pala ang dahilan kong bakit gusto mong umuwi. birahan mo kaya yong pinagbilinan mo para matauhan.

    Beng’s last blog post..Ellumbranator Auf Der Jagd Nach Ellumbra Scam Hoax

    [reply this comment]

    reynz (224 comments.) reply on June 12, 2008:

    kaya ang hirap kasi indi ako ura-uradang makakapag-traysikel at andyan na ako! as in who knows kung me party ngayon sa condo? andami ko pa namang personal na gamet dun kaya nga di ko maiparenta! nakkkuuu! hangga ngayon stress na stress akooooo!!!!!

    reynz’s last blog post..How to check your backlinks in Google

    reynz (224 comments.) reply on June 12, 2008:

    ewan ko ba beng! di ko talaga maintindihan! di man lang tumawag, di nag-pa-alam, me clubhouse naman ang condo kung saan pwedeng magpaparti at dun pa kinaladkad sa kwarto ko! ayufff talagaaa!!!!

    reynz’s last blog post..How to check your backlinks in Google

    Beng (35 comments.) reply on June 12, 2008:

    hmmmn, ano nga kaya ang dahilan bakit doon sila nagparty sa loob ng condo mo whereas my clubhouse naman pala. sa ginawa niya, lumilitaw na wala siyang respeto sa yo. dios me, pati kuwarto mo pinapasukan ng ibang tao. talagang violated ka.

    paalisin mo yan ora mismo. kaereta, nakakembyerna yang sutil mong pamangkin.

    Beng’s last blog post..Ellumbranator Auf Der Jagd Nach Ellumbra Scam Hoax

    reynz (14 comments.) reply on June 12, 2008:

    wala akong magagawa beng! kelangan umuwi ako’t ikandado yan lahat! alam mo bang stress na stress ako! eto nga pag nakikita ko mga litrato bwisit na bwisit talaga ako! siguradong palalaysin ko yan! di naman actually sya nakatira dyan kasi me bahay naman sila.

    reynz’s last blog post..The mutation of Timothy Ellis Cumper

  19. Bea Says:

    Inang sorry, sa totoo lang ako ang nagpahiram ng susi sa kanila. sabi kasi nila mga street kids sila. Eh maawain ako kaya pinatuloy ko. Sabi nila nauuhaw daw sila, kaya ayun inilabas ko ang mga kopita mo. Wala kasi akong makita baso eh. Naghalungkat ako. Mga kopita ang nakita ko. May nakita pa akong ibang bagay dun sa isang cabinet pero wiz ko na sabihin ditetch hehehe.

    Nagpaparamdam lang, inang. Tutal nag-resign na ako bilang GRO dito sa bahay mo sa ere, yung bahay mo na lang sa pasig ang inaasikaso ko. Sige, alis na muna ako. Babalutin ko pa yung upuan na ibinalot mo dati eh. Bumili ako ng tela, fink. yun ang ipambabalot ko sa mga gamit mo.

    Andito pala si blue. *kaway-kaway sa kanya*. Blue, nagha-hibernate ang ibang diwata. I read your comment sa blog ni ross. Sabi mo namiss mo ang mga diwata.Miss ka rin namin.

    [reply this comment]

    reynz (4415 comments.) reply on June 12, 2008:

    bea!

    promise, ma-arrange ko lang tong mga bwisit na mga assignments ko, i should be in manila in the next few months at kelangan matuloy ang dinner na yan = para asikasuhin tong balay ko at ipakalaboso yang mga tarantadong freeloaders at tresspassers na yan! salamat sa pagdaan alam ko busy ka na sa career! hahaha

    bluep (445 comments.) reply on June 12, 2008:

    @Bea, wow nagbalik ka. Klap klap. hehe namiss kita pekman lalo na mga punchline mo na simple pero rock haha. oo nga eh. namimiss ko talaga yung dati. yun bang ako yung baguhan noon taz lahat kayo kuntodo welcome sa akin hehe. nwala na nga sila eh. kahit si diwa bahagya na lang magpakadiwata dito nyahaha. Buti dumalaw ka sa palasyo uli. kaway kaway po!

    @Reynz, may nabasa ako sa comments mo na kamo di mo alam kung nagpaparty sila don ngayon tapos may mga private stuff ka don, naku wag lang nilang bubuksan yung maleta mo na may leather at latigo sa loob hahahahahah

    BTW, wafu ko nung bata ako no? haha ibig sabihin ko lang dun sa post na yun ay pinaninindigan ko lang ang aking handle na BLUEPANJEET dahil ito ang sumasalamin sa aking kasalukuyan haha

    bluep’s last blog post..Tree Hundredth

    Kotsengkuba (235 comments.) reply on June 12, 2008:

    ano bang ibig sabihin ng bluepanjeet?

    Kotsengkuba’s last blog post..Litratong Pinoy 0824 » Kalayaan

    reynz (14 comments.) reply on June 12, 2008:

    alin KK? yong bluepanjeet? naloka nga ako! ano ba ang ibig sabihin nun bluep? baka naman nakainom ka na naman? di kaya? hahahahaha

    reynz’s last blog post..The mutation of Timothy Ellis Cumper

    bluep (445 comments.) reply on June 12, 2008:

    yan halata kasing di kayo nagbabasa ng blog ko na pati bluepanjeet ay di nyo alam ang meaning. haha

    enubeh, isang taon na tayong magkakaibigan di nyo pa rin dalawa alam hahaha. basahin nyo kasi author page ko! assignment nyo yun haha

    BTW, yung unang pic sa taas, npansin ko lang, yung babae parang na-ativan hahahaha

    bluep’s last blog post..Tree Hundredth

    reynz (4415 comments.) reply on June 12, 2008:

    hahaha! di ako! si KK! hahaha! pero alam mo naman kami, naiintidihan ko lang graphics! pag sinulat wala na ako! hehhee

    hindi! hinitit ata yong goma nang kotse ko! hmpt!

  20. kutz Says:

    Paalisin mo, Ateng. Condo naman yan eh, okay lang walang nakatira kasi secured naman yang building eh di ba? Basta ba may mauutusan ka lang na bisitahin yan at least every two weeks, okay na yun. Kesa naman ganyan.

    [reply this comment]

    reynz (4415 comments.) reply on June 12, 2008:

    eto ang pinakamahirap. kahit na sabihan kong ibigay ang susi kahit kanino, am sure walang mangyayari. kahit na sabihan kung umalis, he’s got the key. who knows, kung sino sinong babae ang binibitbit nang animal na yun dun? uwi na lang ako ateng at aayusin ko. sakit sa ulo talaga! grrrr!!!

  21. kutz Says:

    Nga pala, nagtuturo ako ng forensic chemistry, gusto mong ipa analyze ko sa mga students ko yang bedshhet mo kung ilang drops ng “body fluids” meron, hehehehehhehehehe.

    [reply this comment]

    reynz (4415 comments.) reply on June 12, 2008:

    hahaha! alam ko na yun! isip ko buhusan ko nang asido muryatiko! wag na lang! sunugin ko lahat nang nakikita kong tela dun pag uwi ko! duda ko pati kurtina ko ginamit nang mga hayop kasi nung umuwi ako, walang kurtina ang bahay ko!!!!!

    kutz reply on June 13, 2008:

    At singilin mo ng danyos perwisyo! Avah, kung sa Anito o Victoria Court nila ginawa yan, hindi lang libo ginastos nila noh!

    reynz (4415 comments.) reply on June 13, 2008:

    Sinabi mo! Nakita mo yong mga damit nang mga gurlash? Iba iba! Meaning, ano yun? Dun na ba sila nakatira? O dun sila TINI-TIRA??? Stress ako manayy!

  22. ruthie (97 comments.) Says:

    HALA! Lekat na! Ang kulit ng pamangkin moh! Infairness ha! natawa ako sa mga pinost mong captions…bwehehehe…

    I remembered nung nagpunta kami last year…ang bedsheet mo ay very white! Ang linis walang bakas ng s_me_….hahaha
    Tapos nilampaso nireng ng mga batang ire…

    ruthie’s last blog post..Rudy “Daboy” Fernandez dies of cancer

    [reply this comment]

    reynz (4415 comments.) reply on June 12, 2008:

    hmpt! nang-gagalaiti akooo ruthiiieeee!!!! AYOKO NANG MAGTURO NANG SOCIAL CLUMBING!!! GRRR!! NASAMPAL TULOY AKOOOOOO!!!!!! waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa!!!!!

  23. anita Says:

    Ay naku Reinz, bakit ka nagtiwala sa kamaganak mo. Sana ipinabahala mo na lang sa management ng condo, wala ka pang sakit ng ulo.

    Sa Ortigas ka pala ako na lang ang magrent pag uwi ko ng three months may pakinabang ka pa.

    Anita

    [reply this comment]

    reynz (4415 comments.) reply on June 12, 2008:

    Hay naku Anita, nga pala, thanks for dropping by, i know busy ang beauty mo all over the place…

    pero alam mo, dahil kamag-anak, feel mo pwedeng pagkatiwalaan, at yan ang problema di ba? more often than not, sila talaga ang aabuso sayo. ikaw pa ang masama. hayaan mo, aayusin ko pag uwi ko. baka nga parentahan ko na lang.

  24. Glo (63 comments.) Says:

    manay, i feel you. i will be in rage kung akin ang condo. hayyy…kabataan talaga!

    Glo’s last blog post..more technical problems

    [reply this comment]

    reynz (4415 comments.) reply on June 12, 2008:

    kun hain so pig iisip kong pwede kong bilinan kan harong iyo man lang palan so mabastos kan balay ko kaya grabe so dagit ko ‘ne! uragan talaga ako! igwa man ki clubhouse, 3 floors na marerentahan, kan so yaon so tugang ko saka aki nya, kan nag-pa birthday party, yaon sa clubhouse, dahi duman sa condo. aw inda ta nag-para panghangot man ki todo! yan ang inuuragan ko! pirang beses mong pangadalan na, bag-u ka mang-hangot, siguraduhun mo na igwa ka ki panghangot bako itong pina-panghangot mo su sa ibang tawa ta sala an!

  25. dakilang islander (25 comments.) Says:

    mahal na reyna i feel u too! hahahh…parang nakikita ko ang mga wrinkles at veins mo habang ginagawa ang entry na ‘to…hayaan mo na sila at least they keep your social climbing alive! hahah

    dakilang islander’s last blog post..Survey

    [reply this comment]

    Ely (74 comments.) reply on June 12, 2008:

    Honga! Baka naman ina-aaply lang nila mga natutunan nila sa Social Climbing class mo. hehehe

    Ely’s last blog post..Update: 10 posts too late

    reynz (14 comments.) reply on June 12, 2008:

    hay naku! anofanga ba! sa kakaturo ko nang social climbing! ayan! sa harap ko, nasampal akooooo!!! waaaaaa!!! ayookkooo naaaa!

  26. Ely (74 comments.) Says:

    ganda ng condo! Palayasin mo na sila! Ako na lang mag-caretaker, hehehe…

    Seriously, kung ako sayo, lilipad siguro ako agad pabalik ng Pinas. Mababaliw ako na nakikita pinaghirapan ko na may nangyayaring ganyan. :P
    Ely’s last blog post..Update: 10 posts too late

    [reply this comment]

    reynz (14 comments.) reply on June 12, 2008:

    which i will do ely! me aayusin lang akong mga deadline! dahil stress na stress ako tlaga!

    reynz’s last blog post..The mutation of Timothy Ellis Cumper

    reynz (4415 comments.) reply on June 13, 2008:

    sinabi ko na sayo! i even harassed you na dun ka na mag-stay hehehe! ayaw mo! takot ka saken noh?! grrr! hahaha

    reynz’s last blog post..Akyat Bahay Gucci Gang!

  27. Mama-San (1 comments.) Says:

    ano ba yan mamita, bakit naglipana ang mga tao ko jan. I sent them there para maglinis ng kubeta at ng buong kondo at hindi para mag party. Day off talaga nila noong kinunan yang pic na yan, nagpaalam pa nga sila lahat sa kanilang mga amo pero sumasideline sila tuwing day off sa agency ko na nagproprovide ng maintenance sa mga condo. ROFL pasok sa banga!

    [reply this comment]

    reynz (4415 comments.) reply on June 12, 2008:

    sa totoo lang! ang mga mukha naman nang mga to lahat mga dodong at inday! uber social climbing ang ginawa nang mga hayup! at hindi lang isang araw yan! pansinin mo ang mga damit nang mga babae! iba iba bawat araw! punyeta dun na yata nakatira ang mga yan! kaya pala laki nang kuryenteng binayaran ko! ang mga hayupppppp!!!!!

  28. Bobby S. Says:

    I feel you bro! You just can’t trust relatives and most of the times? they are actually the worst people to trust.

    [reply this comment]

    reynz (4415 comments.) reply on June 13, 2008:

    i think i’ve given up with my relathieves. he’s the last one that i trusted and i believe this is it.

    kutz reply on June 16, 2008:

    I’ve given up on you too, ateng… this is the bizzillionth time you said this line…. Wala ka na bang ibang memorays na linya? How about, ‘WALANG HIMALAAAAA!!!!”

    reynz (4415 comments.) reply on June 16, 2008:

    hahhaahaha! i know! i know! isa ka na rin sa mga kaibigan ko dito sa Philly na wala nang ginawa saken bulyawan ako, laitin ako, pagalitan ako! matigas din talaga kasi ang ulo ko, nag-hihintay nang himala na me matino sa dysfunctional na pamilya ko sa pinas! wala talaga! tama ka, walang himala. wala talaga. haayyyy!!!!

  29. bertN (2 comments.) Says:

    Kaya nga ba hindi ako makumbinsi na bumili ng ‘condemonio” sa Pinas dahil napakahirap ng “absentee owner.” You need a housesitter who gets the benefit of living rent-free, may sahod pa at walang ibinibigay sa iyo kung hindi problema. The returns you get from the ownership is marginal at best. You keep paying the property tax, home insurance, utilities, maintenace fees, etc….it may not be a financial blackhole but, in my opinion, it is close to one.
    Kung nasa ‘tate ang property mo, it is probably a different story dahil the interest portion of your mortgage payment (assuming you did not pay cash for it) is tax deductible.

    Baka lalong uminit ang ulo mo ah LOL. Cool ka lang at baka
    tumaas ang presyon mo. Ang gawin mo pagdating mo sa Pinas ay igapos mo yung mga iyan sa punong walang lilim at ipakagat mo sa mga langgam na pula!

    Hope everything turns out well for you in the end. Take a deep breath and take your blood pressure medication.

    bertN’s last blog post..Tidbits

    [reply this comment]

    reynz (4415 comments.) reply on June 13, 2008:

    you’re right bertN. of course the mortgage + interest are tax deductible. but you see, i bought that condo because i went home to the philippines in 2005 and thought that it was already for good. bumagsak business ko. hulaan mo kung sino ang me kagagawan? so i went back to the US. if not for my intent to live there in 2005, di ko yan bibilhin. pero, yeah, the more na nakikita ko tong mga hayup na litrato, nag-iinit talaga ako!!! grrr!!!

    reynz’s last blog post..Akyat Bahay Gucci Gang!

  30. mia (21 comments.) Says:

    langya lola. akala ko pa naman tayo ni boyps ko ang makakauna sa condo mo. ahuhuhu..

    ano ba? sugurin ko na ung mga akyat bahay na yun?

    my gulay tlaga

    mia’s last blog post..Tatay slash Papito

    [reply this comment]

    reynz (4415 comments.) reply on June 13, 2008:

    eh wala eh! nagtago kayo! gggrrrr! sana ikaw na lang ang tumao! o nakita mo naman ang turo kong social climbing noh? talagang may i follow ang hayup kong pamangkin to the bones! me kupita! me wine! pa social! saan ka pa nakakita nang profesora nang social climbing? kaya lang? ba’t condo koooo!!!!! waaaa! punyetaaaaaa!!!!!!!!!!!!!

    reynz’s last blog post..Akyat Bahay Gucci Gang!

    mia (21 comments.) reply on June 14, 2008:

    sana ako na lang ang nagbantay. kaasar talaga.. naku pagnakita ko yung pamangkin ko, taob yun sakin.. pag umuwi ka isama mo ako ha. para makatikim ng isa yan. aasar ako lola..

  31. bertN (2 comments.) Says:

    I can see your reason for buying the condo, I’ll probably do the same if I were going to stay home for good. However, if I am only going to go there for an annual vacation, staying in a hotel close to where all the “happenings” are, is probably a better option…unless you want to tell your relatives to temporarily take a hike from your ancestral home (whom you probably allowed to take over in your absence, courtesy of your magnanimity) because you need the place for a couple of weeks. Ganyan ang istorya ng buhay namin dito - we allowed our relatives to live in our Pinas home rent-free and they only remember to get in touch with us when it is time to pay the property tax or there is a needed repair on the house.

    Talaga yatang ganyan ang buhay ng mga Pinoy na nasa abroad…most of them anyway. Let’s just focus on the fact that we are helping the economy of the nation and the well-being of our relatives, nothwithstanding that some of them are undeserving and a real pain in the ‘you know where.”

    Just maintain your cool and focus on the positive - you are still better off in more ways than they are or will ever be; and now, you know whom to trust or not trust. BTW, some of your condo temporary occupiers were probably invitees and not culpable as the “party animal” relative of yours LOL.

    bertN’s last blog post..Tidbits

    [reply this comment]

    reynz (4415 comments.) reply on June 14, 2008:

    any naku! ginawa ko na rin yan! na-experience ko na rin yan! rent-free sa apartment! tapus puro sakit ulo ang binigay nang mga gago! eto nga nung umuwi ako para ayusin ang condo, ni isa, walang tumulong saken, pero nung natigbak ang mga kung sino sino, andaming humihingi nang abuloy.

    mainit pa talaga ako ngayon! alam mo naman, di basta basta mag-jeep pauwi.

    reynz’s last blog post..Akyat Bahay Gucci Gang!

  32. adz (8 comments.) Says:

    kainis ang scene… ka aliw ang pagkakasulat…!

    na feel ko ang galit mo… makakaganti ka rin…

    GOD bless… ako nlng gawin mong bantay sa condo mo. Hindi ako ngpapasok ng iba at para akong aso. KUMAKAHOL, nangangagat at ang plus factor may daily, weekly at monthly report pa na ipapadala sayo. ung lang po… so ano pasa na ako ng resume para mag-apply as bagong bantay?heheheh

    (p.s. reyna may hiniram ako na post mo. na aliw kasi at nakarelate si ako at mga friends ko.)

    adz’s last blog post..to a friend

    [reply this comment]

    reynz (4415 comments.) reply on June 14, 2008:

    galit pa ako hangga ngayon, kasi marami pa kaming na-discover!!!! hayup talagang yun, ginawang resort ang condo ko!

    adz ok lang yung sa post na sinabi mo! ako? kelan mo hihiramin? hahaha!

    reynz’s last blog post..Akyat Bahay Gucci Gang!

  33. La Bigueña (1 comments.) Says:

    Hi

    La Bigueña’s last blog post..The Enigmatic Macabebes

    [reply this comment]

    reynz (4415 comments.) reply on June 14, 2008:

    hello there!

    reynz’s last blog post..Akyat Bahay Gucci Gang!

  34. mocs (33 comments.) Says:

    yoko sana mag comment…talagang nakaka inis diba? ang relatives ay good lang sa una…pag tagal abuso na! may exception man eh….cguro 1 in a million , hehehe. sinubukan mo na ba sa hindi mo relatives? try mo lang..

    ako, 95 sa 100 ng kamag-anak ko ay fired! deported pa! hehehe

    patitirahin mo..aabusuhin ka
    pahawakin mo ng pera..kukupitan ka
    pahiramin mo…di ka babayaran
    patakbuhin mo ng iyong negosyo…nanakawan at itataob ka, hehehe
    pahiramin mo ng sasakayan..mas garapal pa gumamit sa iyo…ewan, hehehe

    mocs’s last blog post..Peso could hit 47 to $1

    [reply this comment]

    reynz (4415 comments.) reply on June 14, 2008:

    mocs, give up na ako. natikman ko na lahat nang sinabi mo. naka-blog yong nangyari sa business ko. i lost big amount of money dun. down na down ako nun but i have to put up a fight sa sarili ko, di sa kanila, otherwise, talagang bagsak ako. i was able to get back up, di pa rin tumitigil. one of these days, magagawa ko rin ang ginawa mo. but in the meantime, makauwi lang ako, aayusin ko to. at in the meantime na wala ako dun, ang hayop kong pamangkin ginawang motel, ginawang resort ang condo ko.

    kutz reply on June 16, 2008:

    WALANG HIMALAAAAAA!!!

    reynz (4415 comments.) reply on June 16, 2008:

    hahaha! KUTZ, oo na amen na ako. wala talagang himala. hehehe

    reynz’s last blog post..When the loser wins, the winner loses

  35. maxi Says:

    suhestiyon ko lang po ito, why not ask the admin na harangan ang kung sinomang may balak pumasok dun sa pad mo? kahit pa meron syang susi. well isip ko lang baka pwede ang ganun.

    [reply this comment]

    reynz (4415 comments.) reply on June 15, 2008:

    hi maxi,

    gagawin ko yan sa monday pag bukas nang office nila. eto di ako mapakali. ang hirap nitong andito ka taz wala ka nang mapagkatiwalaan dun. pero taman yang suggestion mo. gagawin ko yan dahil looks like yan na lang ang acceptable at the moment eh kasi kahit na sabihin ko dun sa gagong yun eh, malay ko ba na motel at resort pa rin sya as of this writing? di ba?

  36. jojitah (15 comments.) Says:

    hay… bakit ba naimbento ang kamag-anak? wala din akong matinong kamag-anak e. iba naman ang kaso ko, lahat naman halos MATAPOBRE, pati yung iskwater MATAPOBRE din. trend yata.

    bumangon ka’t durugin mo sila mudra! go! go! go!

    [reply this comment]

    reynz (4415 comments.) reply on June 15, 2008:

    magkapamilya ba tayo?! hahaha! yaan mo! gagawa ako nang paraan makauwi lang! grrr!

  37. Carlo Says:

    kahit naman kelan worst ang relatives na pagkatiwalaan. kaya nga kahit negosyo, wag na wag kang makipag-negosyo sa kanila. kung negosyo lang, ano pa kaya personal na bagay gaya nga nitong condominium mo. ang epekto nito eh, ilan kayang mga OFW ang me mga buhay na ganito. mag-iinvest sa manila, taz iiwanan sa mga relatives. ang mga relatives naman, sila ang umaani at gagawin pang babuyan.

    [reply this comment]

    reynz (4415 comments.) reply on June 16, 2008:

    Oppps!

    ARAY KU! tinamaan yan ako dun sa negosyo thing! hahaha! Teka! Tinamaan din ako dun sa condo investment! hahaa! ano baaaa!!!

    reynz’s last blog post..When the loser wins, the winner loses

  38. antuken (26 comments.) Says:

    hay bastos yang mga yan. kung ako nasa lugar mo, i could really kill your nephew. hehe.
    walang utang na loob di ba? binabayaran na nga, simpleng instruction lang di pa masunod. grabe. eto yun, kung nagawa nya yan once, i’m sure kayang-kaya nya gawin ulet. palitan ang mga lock at ikandado to the max! ako nga sana magvo-volunteer din na caretaker. kaso nauna na si malen. besides, weekends lang ako pwede maging caretaker. hehe.

    antuken’s last blog post..friday’s feast #9 (FF #192)

    [reply this comment]

    reynz (4415 comments.) reply on June 16, 2008:

    yan ang gagawin ko chona oras na nakauwi ako. ang hirap lang nga kumuha nang drama pauwi. salamat.

    reynz’s last blog post..When the loser wins, the winner loses

  39. gypsy (2 comments.) Says:

    tawag ng mga ilocano sa ganyan, AGBIBISIN.

    gypsy’s last blog post..Kid Adventures We will Never See

    [reply this comment]

    reynz (4415 comments.) reply on June 25, 2008:

    di ko alam yan pero am sure ganun din! mga abusado talaga! mga akyat bahay! salamat sa pagdaan!

  40. kiwipinay (11 comments.) Says:

    i feel for you mahalay na reyna. este.. mahal na reyna. ang hirap nga ng kalagayan mo kasi gustung-gusto mong mambambo pero ang layo mo. parang yung pinsan ko na nasa vancouver. sya lang din ang takbuhan ng mga kapatid nya pero nag-aaway-away naman on some matters na di na dapat nakakarating sa kanya. sabi nga nya, gusto raw nyang umuwi para lang pagsasapukin ang mga kapatid nya.

    kaya nga ako dito sa flat, ingat din akong mag-imbita ng bisita. eto pa namang mga islander kong mga kaopisina ay masyadong wild kapag nagkatipun-tipon na. baka masumbong lang ako ng mga kapitbahay ko sa landlady ko. you know… may pekpek este… may pakpak ang balita. kaya naman nung dumating si landlady dito, all praises sya sa akin at magaganda raw ang feedback ng mga neighbours ko about me. o sya. sana ay maayos na yan.

    [reply this comment]

    reynz (4415 comments.) reply on June 25, 2008:

    salamat kiwi! pauwi ako this month or early next month. susunugin ko lahat nang tela na nakikita ko run. ganun ang mga hayop talaga! pinagkatiwalaan mo ang everything, mga bantay salakay pala!

  41. SEL Says:

    eh talagang iinit ulo mo nyan..parang syota mo yan na ibinilin mo tapos inagawa sa yo nung wala ka na..ganun lang kasimple yan…abusado tong pamangkin mo dapat ipakulong mo to..

    [reply this comment]

    reynz (4415 comments.) reply on June 25, 2008:

    naku as in kung andun lang ako baka hindi kulong ang inabot nang tarantadong pinagkatiwalaan ko na yun!!! nakuu talaga!!!

Tell me I'm cute!


This blog uses the CommentLuv plugin which will try and parse your sites feed and display a link to your last post, please be patient while it tries to find it for you.

Akyat Bahay Gucci Gang!

Post Information for 'Akyat Bahay Gucci Gang!'
Posted on 13 June 2008
Written by reynz
Filed under La vida loca
114 Sweet Responses to this post

Tai-chi at the 2008 Beijing Olympics


POPULAR ARTICLES

RECENT COMMENTS

  • pusakay: ang ganda! ng mga buildings! hehehehe o sya sige na maganda ka na rin, pormal na pormal...
  • reynz: oo ateng, after a week, kala ko wala na, out of the blue, may i fly nila ako sa Chicago...
  • maxi: yung interview mo karugtong ba yun sa nagtanong ng "are you qualified for the job?"...
  • reynz: hehehe! well baka nakita yung glitters ko kaya naging interesadong tawagan uli ako hehehe...
  • reynz: ~blush~ 32 years old ako anoh! hehehe! HALLLER! saan ka naman nakakita nang reyna na...
  • adz: So are you qualified for the job?hehehhehe biro lang.... GOOD luck sa interview... ulit.......
  • chuvaness: anobeh bagay nga sayo eh heheheheheh nagmukha kang NEAT bwahahahhahahaha i mean...
  • reynz: di mo makita pictures? hahaha! anong ikinakagalet nang china sa mga pictures ko? hahaha!...
  • reynz: ay naku! iritang irita ako dun sa tsekwa na gumupit saken noh? as in walang tigil na...
  • chuvaness: naks. kaya pala nagpa-emilio aguinaldo hairstyle ang lola hahahahhaha...
  • Urbanito Dizon: may pictures ba? bakit yung mapa lang nakikita ko? sabi na nga ba may interview...
  • reynz: apply ako pagdating sa DC, kelangan maging tunay na reyna ako hehehe reynz's last blog...
  • reynz: inilagay siguro sa maleta yung kabayo, di mag-kasya sa upuan eh hahaha gagawa ako nang...
  • reynz: egsaktimo ateng, parehas lang ang paniniwala naten, kahit na anong DikNi, Gutzi at Armazni...
  • mocs: aba! chicago hmmmm, tabing sapa....tas DC, hmmmmm, di kaya si Obama employer mo! hehe pra...

Sali Na! Join the Pinoy Wordpress Bloggers Community!


    CIRCLE of BLOGS


    If you like my Animoto Videos, sign up here!

Enter your email below to get updates directly to your inbox!


follow reyna_elena at http://twitter.com

laffapalloza1x2.JPGlaffapalloza1x1.JPG

Join the SEO Experiment!tierramariaestatesscamhoax.JPG BLOG OF THE WEEK/SOCIAL CLIMBER OF THE WEEK continues after May 26!

x100.jpg

How to JOIN?

WINNERS CIRCLE


reyna-button125.JPG

ofwlogo100.png

web stats Page Rank Check Business Blogs - Blog Top Sites Business Blogs -  Blog Catalog Blog Directory Blogarama - The Blog Directory

Blog Rank: 24,880
View blog authority My Blog Juice
Subscribe to Reyna Have you added me to Technorati Favorites yet?

June 2008
M T W T F S S
« May   Jul »
 1
2345678
9101112131415
16171819202122
23242526272829
30  

BOOK REVIEWS

MY OTHER BLOGS

FEATURED SITES

TOP TALKERS

ARCHIVES

CATEGORIES