Istorya ng mga OFW sa Saipan, Commonwealth of Northern Mariana Islands

by reyna24 on June 8, 2008

ofwlaneairportnaia.JPG

Sa araw-araw libo libong Pilipino ang nangingibang bayan upang mabigyan ng magandang kinabukasan ang kanilang mga mahal sa buhay sa Pilipinas. Libo rin ang umaasang isang araw ay makakaalis din sila at matitikman ang buhay ng isang Overseas Filipino Worker. Masarap bang maging OFW? Ano ba ang mga hirap na kadalasang kinakaharap ng isang OFW? Depende ba sa bansang pinupuntahan nito ang ganda ng kanyang magiging kapalaran? O depende ito kung gaano mo patatakbuhin ang buhay mo sa ibang bansa?



ofwlaneairportnaia1.JPG

Katatapos ko pa lamang sa Kolehiyo ng ako ay bigyan ng oportunidad ng aking mga kamag-anak sa Saipan na dito makapagtrabaho. Bilang isang kabataang may mapusok na adhikaing mabigyan ng magandang pamumuhay ang kanyang pamilya hindi ko ininda anuman ang trabahong naghihintay sa akin sa islang ito.

Ang Saipan ay isa sa mga islang bumubuo sa Commonwealth of Northern Mariana Islands na matatagpuan sa Pasipiko. Maliit lamang ito kung ikukumpara sa Hong Kong at Singapore ngunit halos parang nasa Pilipinas ka na rin kung ikaw ay nadirito dahil sa dami ng mga Pilipinong dito hinanap ang kanikanilang mga kapalaran. Sa uri ng trabaho ko ngayon araw-araw naririnig ko ang iba’t ibang pakikipagsapalaran ng mga kapwa ko Pilipino dito. Kung mabibigyan lamang ako ng pagkakataon na mabago ang kanikanilang buhay tutulungan ko sila sa abot ng aking makakaya.

Ang akala nila masarap ang buhay sa abroad. Nagkakamali sila. Sing hirap ng pag-akyat sa madulas na bundok ang pagtatrabaho sa ibang bansa. Lahat susuungin makapagpadala lamang ng malaking halaga sa pamilyang naiwan sa Pilipinas. At hindi lahat ng Pilipino sa Saipan ay nakararanas ng maalwang buhay gaya ng iniisip ng iba.


Related Posts with Thumbnails

Reyna Elena Dot Com is Powered By Thesis

Thesis Theme

With Thesis, you need not worry about your in-site SEO. All you have to do is "just add killer content". From beginners, to the most advanced WordPress developers, Thesis makes it easy for anyone to customize it.

{ 15 comments… read them below or add one }

kulot June 5, 2008 at 3:07 am

yeah thats right, mahirap minsan ang magwork sa ibang bansa lalo na kung skilled worker.

kaya dito na lang ako pilipinas basta may mad ads sa site ko ayos na ako

kulot’s last blog post..Show me your genitals

[Reply]

JHVRothschild June 5, 2008 at 4:00 am

When I ask newly arrived OFW’s what they dislike the most about coming to the US, they always reply that it is the loneliness. They miss their children, their spouses, mothers, and fathers. They miss friends. They are leaving behind their entire lives. That is why I get very angry at any government that promotes the export of its people as if they were commodities. Let’s face it, the Philippines’ largest export is its people. Along with it, the government essential promotes the breakup of families and so on. When will Filipinos and the government realize that it may be better to make the Philippines a better place to live for all its citizens rather than exporting out its brightest and hardest workers. Sorry. Another rant.

JHVRothschild’s last blog post..A Fitting End

[Reply]

ruthie June 5, 2008 at 4:23 am

Ok sanang mag OFW then option, you can bring your family plus 2 friends..wagi un noh?

ruthie’s last blog post..Free Tickets to Sweetilicious

[Reply]

kengkay June 5, 2008 at 12:23 pm

agree ako kay JHV — why not make pinas a better world; esp kung yung mga skilled and hard working people naman pala ang nawawala, bakit di na lang i-encourage na sa pinas sila mag stay? oh pinas, my pinas!

kengkay’s last blog post..Wine Tasting

[Reply]

gabo' June 5, 2008 at 5:49 pm

Tama ka jan mahal na reyna..Lalo na dito sa Saudi piso na lang e impyerno na. Mahirap pero sabi nga mas mabuti pa rin dito kesa sa Pinas..Tyaga para sa pamilya natin sa pinas.

[Reply]

Ely June 5, 2008 at 6:41 pm

Basta ako mag-aabroad pa rin. Di ko sasayangin pagod ko dito sa Pinas, not worth it. LOL

Ely’s last blog post..Dress Code: Bawal ang naka-sando sa Walter Mart

[Reply]

reynz June 6, 2008 at 12:24 am

marami ka namang raket di ba? nanggugupit ka pa! hahaha! takot lang nila pag di sila nagbayad seyo! hahaha

[Reply]

reynz June 6, 2008 at 12:27 am

hahaha tama naman sinabi mo diba? if you had the chance to read the latest on IT professionals sa Pinas na ang malaking problema is poaching, ganun din, dahil they leave pinas for the same reason na umalis tayo at honestly mas gusto nila na puro OFW receipts di ba? how much is $14 billion? kaya maligaya sila.

[Reply]

reynz June 6, 2008 at 12:28 am

hahahaha makakakita ka rin nang mga bagong kebigan pero i know what you mean, ang sakit mawalay sa mga bespren ateng! ansaket!!!! waaaa!!!

[Reply]

reynz June 6, 2008 at 12:30 am

dahil mawawalan nang $14billion annually ang pinas hahaha wala nang makukurakot ang mga yan! kasi yong $14billion deretso sa economy, o di yong sa gobyerno sa pitaka na nila! hahahaha

[Reply]

reynz June 6, 2008 at 12:31 am

ganun na nga ipon lang gabo, taz konting investment sa pinas, pwede na yun! ganun talaga ang buhay naten, nateng mga sa labas nang pinas, mahirap pero di maintindihan nang iba… waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa!

[Reply]

reynz June 6, 2008 at 12:32 am

good luck Ely, sana dito ka sa Philadelphia mapadpad para maligaya ako hehehe (~~selfish mode~~~) hahahaha

[Reply]

ruthie June 7, 2008 at 9:37 am

korak ka dyan reynz!

pero syempol…iba pa rin

ruthie’s last blog post..Rudy “Daboy” Fernandez dies of cancer

[Reply]

Anonymous June 8, 2008 at 2:45 pm

how about exporting those corrupt politician at mga pulitikung walang ginawa kundi magpapogi lang sa media

[Reply]

Roni February 16, 2011 at 1:39 pm

oist, naging Patriarka ka na pala ng mga OFW’S, Congrats! happy for you!

[Reply]

Leave a Comment

Previous post:

Next post: