If you think the internet dragging name that’s burning between Australia and the Philippines is the hottest scandal in town, guess again! Do you know who is CLIENT number 9? Head over HERE and find out more about the hottest! hottest scandal in this part of the globe!
Meanwhile… a letter from a European barrio siete reader:
dear reyna elena,
magandang umaga sa yo mahal na reyna. isa ako sa iyong maraming tagahanga. hindi ko alam kung paano ako naligaw sa blog mo (dun sa lumang bahay pa) pero the first time na naligaw ako sa bahay mo, hindi ko tinantanan ang kababasa hanggang sa mamaga ang mga mata ko. very informative at nakakaaliw ang iyong mga entries, kaya kahit nasa opis, hala tuloy pa rin ang basa. if you remember ako yung nagsabi na ‘abala ka sa trabaho ko’ kasi talagang hindi kumpleto ang araw ko pag hindi ako nakabisita sa iyong vacklingham palace. in fact, nasa ‘favorites’ ka na ang internet page ko. palagay ko may opium (cocaine, shabu or baka rugby?) content ang bahay mo….nakaka-adik hehehe.
alam kong ang mahal na reyna ay matulungin sa mga nangangailangan, at kung hindi naman po kalabisan ay nais ko po sanang humingi ng pabor.
ako po ay isang hamak na taga bario siete na pinalad mapadpad sa lupain ng mga niebe (uy nag-ra-rhyme pa!). pinadedeport ako ngayon sa copenhagen, denmark para ng aking amo para mag-aral ng social climbing skills (sayang sana sa yo na lang ako mag-enrol). para daw hindi ako mukhang galing sa bario siete at magmukhang presentable. ang problema, hindi ko alam kung saan ako mag i stay sa copenhagen. akoy isang hamak na taga bario siete sa bundok ng tralala, hindi naman ako jetsetter na katulad ng reyna. nagbabakasakali lang po na meron kayong masugid na tagasubaybay from denmark para po mapagpayuhan ako kung saang hotel ako dapat mag stay kasi gusto ko po sa downtown mag stay para maka hada este libot pala sa gabi at weekend. tinanong ko na po si mr. google pero alam nyo naman si ‘www’ pwedeng gawing makati ang ang divisoria (depende sa write-up hehe) kaya mas gusto ko po sana ang first hand info
.
sana po ay matulungan ninyo ako……
maraming salamat & more power!
bebe
Well, I just checked my visitors and it says that this site has about 222 visitors from Denmark. Hmmm… sino kaya sila? How come wala pa akong na-me-meet na tiga Denmark? Kung kelan mo pa naman kelangan sila! Heheheh!M

Would anyone from Denmark please stand up? Hehehe! We need you! Pronto!

Stumble Upon
Del.icio.us
Buzz







{ 36 comments… read them below or add one }
Copenhagen? Mag set up na lang kaya ng tent sa tabi ng Little Mermaid statue, hehehehe….
[Reply]
hahaha lufeet naman nun! winter pa naman ngayon! hahaha! kung sa amsterdam yan, best place to stay eh yong mga kwarto kwart sa Thermos Day, pag gabi na, lipat ka naman sa Thermos Night! HAHAHA!!
(sori bebe dagul! napapag-initan ka na naman namen! hehehe)
[Reply]
wow.. prang gusto kong angkinin kso tga philippines nga ako.. hehe isa mo rin akong tgahanga at napadpad dito..
REPAH’s last blog post..Supah Welcome
[Reply]
Hei… hindi ako taga-denmark pero ilang beses na rin ako nagpunta doon. Depende sa kung ano gusto mo makita at mapuntahan at kung magkano ang budget mo sa isang araw. Maraming kang mapagpipilian.
Hotel Christian IV – reasonable price
Ascot Hotel – reasonable price
Scandic – steep but you get what you pay for
SAS Radisson – (we always stay here) very good breakfast!!!
You may want to visit http://www.hotels.dk.
Good luck and Enjoy Copenhagen – it is a party city.
AL’s last blog post..TO SMOKE OR NOT TO SMOKE
[Reply]
naku! many thanks al! buti na lang andyan ka pala sa norway! thankss hopefully this helps our friend!
reynz’s last blog post..Client number 9
[Reply]
hehehe thank you repah!
reynz’s last blog post..Client number 9
[Reply]
reynz pakisabi kay bebe sama nya ako.. hehehe..
[Reply]
social climbing ba kamo? eto siguradong sosyal ka pag doon ka nag book; hotel de anglettre (http://www.dangleterre.dk/). check out mo na lang po ang website hehe. Kung gusto omo naman sa tabi ng copenhagen central station eh sa hotel comfort europa ka naman. (http://www.choicehotels.no/hotels/hotel?language=da&hotel=DK009&language=da). yan katabi mo lahat ng discohan dyan. tapos pede ka din dun sa SAS radisson tabi din Tivoli park at ng rosie mcgees discotheque.
pero kung gusto mo budget eh upahan mo na lang kwarto ko sa apartment hahha…
kidding aside, liit lang ng copenhagen. ok lang yung 2 or 3 days na libot. also, mahal ang bilihin dito sa DK. kung gusto mo guide pede ako..ok na sakin ang kain..nyahahaa…
so have fun and enjoy your trip here in DK.
[Reply]
ano na nga ba yung number illusion na ang final answer ng magician kuno e “there no (insert color here) elephant in denmark?”
LOL!
Kotsengkuba’s last blog post..Where is Bobong Pinoy?
[Reply]
kutz,
maawa ka naman baka maging frozen delight ako. sa summer pwede pa.
reynz,
ok lang basta may aampon sa kin sa denmark (wink, wink). madam, hindi ako pwede sa amsterdam matatangkad mga tao dun baka hanggang bewang lang nila ako hehe. di pwede sa thermos night hehe.
maraming tenk u.
[Reply]
al,
thanks for the info! it’s not a plesyur trip, it’s a bisnis trip (pero shempre kelangan may plesyur din hehe) i’ll be working until 5pm, after that shempre may i ‘gala’ naman ako.
since i’m not familiar with the location (read as ‘tatanga-tanga’) sa downtown area lang ako makakapaglibot. i’ll stay there for 12days. any suggestion kung anong place ang dapat kong career-in puntahan?
[Reply]
pwede ka sumama basta bring your own baon. wag ka manghihingi ng baon ko. ang lagay ise-share pa kita sa baong kong tuyo at bagoong? no…no…no…no!
[Reply]
teka lang ask ko muna ang poging boss ko kung magkano accomodation budget ko? baka naman sa tent lang ako patulugin nito?
[Reply]
Copenhagen is popular with its tivolis (amusement parks). Kung isip bata ka katulad ko, mageenjoy ka Hahahahah. Kung magaling ka magbike katulad ng mga danish, it is a good way to go around. Meron mga bike rental sa mga hotels. Ang mga danish, pinanganak yata with a bike. Meron din akong nakitang sightseeing buses going around. Cheap lang ang ganitong tour kaysa mga arranged tours.
Don’t forget to visit the castle at paki hei mo na rin ako sa hari at reyna nila at mga gwapong prince. At ang popular little mermaid (talagang little siya).
Kung sa tent ka patutulugin, may mga designated camping sites doon hahahahhaha.
Check http://www.visitcopenhagen.dk
AL’s last blog post..TO SMOKE OR NOT TO SMOKE
[Reply]
abah abah!!!! baka sila yung mga nagsesearch ng pinay scandal na napadpad sa site mo lol!
manilenya’s last blog post..Money Magnet – I?m In
[Reply]
mikong, how long ka na ba sa copenhagen? and what do you do there? nag-sasalansan ka ba nang mga barko? ano??? hehehe
[Reply]
hehehe ano ba yan! wiz ko knowing ever kung anong pink elephant yan! heheh
reynz’s last blog post..Pinay Scandal in the Mountains
[Reply]
hahaha! melai! gumawa ka na nang iskandalo! nakita mo naman, biglang nabuhay uli ang banco! hahaha!!!
reynz’s last blog post..Pinay Scandal in the Mountains
[Reply]
lol teka iisip pa ko ..kailangan yung matindi waaaaahhhh ano kaya yung matindi na yun lol! tignan ko pala muna yung mga site ng makakuha ako ng ideya
manilenya’s last blog post..Money Magnet – I?m In
[Reply]
dont wori bebe magdadala ako ng paksiw.. share ko sau..
[Reply]
ok, paksiw na gg ang baunin mo ha? trying hard na social climber kasi ako, kaya paborito ko ang ‘seafoods’ hehehe
[Reply]
mikong, tenk u sa tip. dami pa ko tanong pero siguro email na lang kita para di na magkatrapik ang palasyo ng reyna.
[Reply]
bebe,
sure ask ka lang sakin. dami ding pinoy dito.by the way kailan ba ang punta mo dito? well i am sure after easter na yan. from next week eh bakasyon na mga tao dito.
Reynz,
Job assignment lang kaya andito ako. bale pag tatlong balik ko na dito from 2006. 3 months max. alng ako din. akoy taga drawing ng mga tubo para sa pabrika ng mga langis at gas. hehehe..
so stay healthy mahal na reyna..
[Reply]
correction lang po inang reyna, hindi po ako taga europa (magkapitbahay lang tayo sa mapa)at lalong hindi ako mukhang european, italiana ini (itang ilokana) hehehe
mabuhay ang reyna!!!!!
[Reply]
baka naman andyan ka lang sa kabilang pintuan ha?! stoker! hahaha
[Reply]
medyo malayo naman, dito ako sa kabilang tulay ng “world peace”. pero pumupunta kami dyan sa inyo pag summer para magshopping ng bintana.
[Reply]
mama reynz, sakloloooooooooo!!!! kailangan ko ng social climbing crash course. as you know, i’m going to denmark to teach the art of pagkukula and paglalaba. guess what???? i’m flying business class…juskuday!!!! hindi po ako sanay maging sosyal. sanay po ako na palaging nasa pwet ng eroplano (economy hehehe) pag nagbibyahe. di ko maimagine ang isang taga bario siete biglang magiging sosi. inangkupooooo…baka magkalat ako? nagpanic po ako nung weekend mamili ng luggage kasi naman yung mga bayong ko eh made from nilalang buli, may butas pa! dyahe naman kung yun ang dadalhin ko. hmmmppp! gastos tuloy.
mahal na inang reyna, bilang isang expert on social climbing, maari po bang magshare kayo ng tips about travelling….the rich and famous style?
tenk u in advance.
[Reply]
ANAK KA NANG BUSINESS CLASS!!! HAHAHA! ongratulations!!! graduate ka na nang economics! hahaha! baka naman mag-mukha kang Gucci Gang nito ha?
hehehe hindi ako rich anak! famous lang ako! eekk! notorious ata?
Una, wag ubusin ang alak, pag gusto mong gayahin ang katabi mo, white wine ang orderin sa weytressa pag fish ang nakasain, pag meat – red wine ateng at wag lagukin gaya nung pag-inom mo nang syoktong.
Pangalwa, wag gamitin ang kutsara hehehe! itapon, gamitin lang ang tonidor at maliit na bolo, yong tonidor sa lep hand at yong maliitn bolo sa right hand, ganun talaga pag sosyal, pahirapan sa pagkain, sabi nang mga praning na pranses, da more difficult it is, da more classy daw.
Pangatlo, magbitbit nang Wall Street Journal hehehe! Di mo naman babasahin eh, pang adornment chuva lang hahaha! Kung wala kang makita, Financial Times of London hahaha!
Pang-apat, “Kuuud eye hev woootah please!” ganun! hahaha!
Eto lang ang problema ateng. Yong mga weytressa na yan? Pinag-tsi-tsismisan naman kung sinong pinagsisilbihan nila kaya pag lumabas pagka Barrio Siete mo, lagot ka! hehehe
Pan-lima, ewan, sundin mo lang ang ginagwa nung nasa harap mo. Basahin ang manual kasi kakainis kalikutin yong mga push button ever! Kawawa yong nasa likod mo, baka kumakain pa’t bigla mong itinihaya yong upuan mo’t matutulog ka na!
Ano ok na ba yan? HAHAHA
[Reply]
mikong, maraming salamat sa offer, magulo ako sa gamit kaya di ako pwedeng makishare ng bahay, at syempre magagalit si husband hehe. masyadong sosyal ang hotel anglettre, di ako bagay dun hehe. i’m staying at the marriott hotel. malapit lang ba yun sa downtown? sa hillerod ang work assignment ko, magta taxi na lang ako everyday or pwede rin sigurong mag rent ng car.
regarding food, ano ba pagkain ng mga danish? may kanin ba dyan? naku mamamatay ako pag walang kaniiinnn!!! i’m a rice freak eh. saan ang masarap na restaurant? kinakabahan ako kasi sabi mo mahal bilihin, kasya kaya budget ko? i’m allowed to spend up to $100/day on meals. baka pumayat ang mga bilbil ko dyan? hehehe
i’ll be there on the 2nd week of april pa. kung short term lang job assignment mo baka wala ka na dyan pagdating ko. i’ll stay there for 2weeks then uwi ako on april 18 (which i believe is a holiday in denmark).
[Reply]
wall street journal??? pers & pormost, di naiintindihan ng retarded mind ko yan, pang liwayway lang ako hehe. sekonly, saan ko pa isasaksak yan sa bagahe ko? mama reynz naman aside from hand carry bag may bitbit pa po akong laptop.
anong red/white wine? baka masira ang tyan ko dyan? pwede bang magrequest ng bilog o kaya tuba? lambanog kaya? sige na nga, sioktong na lang.
itapon ang kutsara??? trulili ka dyan mama reynz, a few years ago may isang bata na gumamit ng spoon&fork sa school, hayun sinabihan daw ng teacher na “you eat like a pig” wawa naman yung bata. sige, keri ko na yang tinidor na yan. pag hindi nakuha ng tinidor ang food kakamayin ko na lang hehe
at kailang bang sosyal din ang accent? my goli brocoli? pressured naman ang byuti ko! hmmmmpppp…. hahamunin ko ng umbagan ang mga weytressa na yan…hehehe
para sa pagbalik ko di na nila ko pagtsitsismisan.
[Reply]
wall street? adornation lang yun! tutupiin mo lang para makita nang tao habang nag-iintay kang tawaging – Boarding is now open for Business Class pansingers! Hahaha
teka! me nakalimutan akoooo!!! wag mong ninoken ang gamit! eh kasi puro na sila plastic nakakahiya pag nabuksan sa gate hehehe
[Reply]
bebe,
andito pa rin ako ng mga araw nayan. till may pa ako dito sa copenhagen.
Yung work mo eh malayo sa city actually. mamumulubi ka dito pag araw araw eh mag tataxi ka from Copenhagen to Hillerod. You better take the train from central station to hillerod (pronounced as Hillerul). Ang taxi dito eh sosyal. mga volvo at benz. ang rate ay 12 DKK per KM. Yung ticket mo sa train eh pwede sa bus at vice versa.
Yung place mo is in downtown copenhagen, kaya di ka mahihirapan sa pamamasyal dito. pero yung work mo eh about 45 minutes by “S train”.
Pagkain, maraming chinese at thai resto dito kaya may rice doon. ang typical na cost ng isang dish sa mga thai at chinese resto with rice na eh 59 DKK to 89 DKK. ala pang drinks hehe. Kung gusto mo ng madalian eh pede na yung burger (macdo meal 50DKK) at pizza (50DKK to 70DKK) hehe. Typical danish food ay open sandwhich, kung saan yung brown bread ay papatungan mo ng mga palaman like ham, roast beef, egg, herring, liver paste (ala reno), butter at kung ano ano pa. Panoorin mo na lang mga dane kung paano nila gagawin yun. Meron ding salad at ibat ibang bread pa. Kung kakain ka sa danish resto or mas sosyal pa baka aabot ka sa 200++ DKK. Yung 100 USD (486.34 DKK) eh sobra na rin kahit paano kung sa pagkain lang.
So yun ang muna ang mga sagot sa iyong mga tanong. kung gusto mo ng aliping sagigilid pag dating mo dito eh tawagan mo lang ako. Bibitbitin ko mga abubot mo hehe. I am happy to show you the city. kung me tanong ikaw eh email mo lang ako dito mikong523@yahoo.com. so see you here in dikou (Denmark).
mikong
[Reply]
naalala ko tuloy noong taga bario siete pa ko pag nakikitulog ako sa mga kaibigan ko may kumot sila na may tatak na PAL hehehe, akala ko noon sosi sila, yun pala ninenok lang sa PAL. don’t wori inang, hindi ko ninenokin mga kubyertos sa plane. paninindigan ko ang pagiging social climber. (ipag-uuwi na lang kita ng sabon, shampoo, lotion etc. from the hotel….hehehe!!!)
[Reply]
haaay salamat naman at uso din pala ang chinese resto dyan. worried talaga ako na mabawasan ang mga bilbil ko pag walang kanin. talagang kahit anong turo ng reyna about social climbing yung tyan ko hindi maturuan. ayaw ng mga sosing pagkain. hindi ako mabubuhay sa mga bread bread na yan.
okay lang ang taxi, basta tumatanggap sila ng credit card. company card lang ang dala ko kaya malakas ang loob hehe. konti lang ang baon kong DKK pang emergency lang.
anong aliping sagigilid? hindi ako sanay na may alipin. baka magalit ang mahal na reyna pag natalbugan ko sya hehe isa lamang akong hamak na dama ng reyna. saka syempre social climber ang projection ko kaya wala akong madaming abubot. konti lang dala kong gamit hehehe. unlike pag umuwi ng pinas halos hakutin lahat ng gamit at super laki ng mga bagahe.
[Reply]
okey na okey mahal na reyna. pwedeng pwede ka na magtayo ng ‘reyna elena social climbing school of business & economics” hehehe. naalala ko yung isang social climbing school na pinag enrolan ko sa ubelt (not so many moonlights ago hehe) ganyan din ang tinuturo nila. pero inang, sa lahat ng lessons, dyan ako sa wine tasting na yan bumabagsak. kasi naman gusto nila tikim lang eh hindi ako mapakali hanggang hindi ako nahihilo sa alak kaya hayun laklak to da max! tinikman lahat ng klase ng alak kaya wala po akong natutunan sa klase kashe nalasheng na po hik hik hik. but that was before, nagbagong buhay na po ako. matagal na po akong tumigil sa pag inom ng “agua de pataranta”. nakakatuwa lang kasi naalala ko ulet dahil sa mga tips mo.
mama reynz bukod po sa “wag nenokin ang sabon, shampoo, lotion, shoe polisher, hair dryer etc(hehehe)” sana magbigay din kayo ng tips about staying in a hotel.
[Reply]
mahal na reyna, maraming salamat po sa tips ninyo at akoy maluwalhating nakarating dito sa denmark. sinunod ko po lahat ng bilin nyo. effective talaga ang art of social climbing na tinuro nyo.
bago pumasok sa plane may nkadispley na mga dyaryo, syempre wall street journal po ang kinuha ko at hindi liwayway. panay din ang order ko ng orange juice hehe. hindi ko po ninenok ang kubyertos kahit mabibigat na bakal(hindi po plastic). iniwan ko rin po yung kumot at headphone sa eroplano. pati yung free souvenir hindi ko kinuha (kunyari di ako intresado, syempre pa sosi eh hehe). hindi ko rin po tinungga na parang sioktong ang wine. wagi! ang social climber!!!
salamat mahal na reyna! nawa’y pagpalain ka ng maraming boylets este beses pala…sige na nga…maraming boylets na lang para lalo kang sumaya!
[Reply]
Cherry Reply:
April 10th, 2009 at 5:25 am
isang tip for your social climbing lesson, mag-ingat sa mga night out, mahal ang drinks sa DK! And to think, tumatawid pa daw ang mga Swedes dyan para lumaklak. Binilang ko worth ng mga natungga ko nang napadaan dyan, tumataginting na 4,900 pesos lahat lahat. Buti na lang hindi ako ang nagbayad
.
[Reply]