Mga kabisyo!!! Kengkay sings live on Future Radio UK on Feb 2 Saturday 3pm UK Time! Tune in mga kabisyo!!!
I received an email last Friday from a reader. He wanted me to respond ASAP. Eh kaso, I had a really wonderful Sunday. Ang linsyak at nagalit saken. He wrote me sort of an angry email. Tinawagan ko! Gusto kong makipagsuntukan sa cellphone! He didn’t answer. So, I told him that we have a 13-hour time difference. As in, pag-umaga sa Manila, aswang ako dito. Pag gabi sa Manila, tyanak naman ako dito. Ganun. Nag-sorry naman sya. Kaya…
dear mam reyna elena,
pede mo ba ako tulungan sa pag gawa ko sa application letter at resume. pls… help me nman, nakita ko ang blogs mo at bka matulungan mo ako. Clerk lang po trabaho ko sa Well Known Business School. Yon Previous Work ko document clerk at scanner operator, under ageny. Sa totoo lng po parang wala ako skilled o maipag malaki man lng na work experience, kaya wala na ako halos mailagay. dito kasi sa Well Known Business School wla nman po akong nakuha o natutunan sa trabaho ko, kundi magbuhat ng libro at uutusan ako sa main campus mag dala ng libro, mag assist sa student sa paghihiram ng libro.
O, kayo man ang makatanggap nang email na yan kungdi dumugo ang puso at tenga ninyo! Ang masasabi ko lang sa kanya:
Hayop naman ang career development nang Business School na yan!!! Di ka man lang tinuruan kung pano ang strategic moves nang pagdala nang libro! Eto lang ba ang career development nang santa purisimang Business School na to? Hahahaha! Sorry at natatawa talaga ako!!! Pano yun? Anong seminar nila? How to lift books? How to pag-salan-san nang libro? Pano?
Dapat lang anak na layasan mo na ang hayop na Business School na yan. Ang trabaho works both ways. Kelangan me matutunan ka sa kanila at me ituro sila sayo dahil me nakukuha naman sila sayo, para pag-alis mo at makakuha ka nang bagong trabaho, di ka na Clerk kundi Super duper uber uber Clerk ka na. Charing lang heheh! Ibig kong sabihin baka Bisor ka na. Ganun yun.
Di ko na i-upload yong letter because it was the same as I posted here. Eto yong original nyang resume. banderitas-original.doc
Marami na akong ginawa at ni-review na mga resume. Di ko na magawa yung iba. Alam ko, minumura nyo na ako dyan! Hehehehe! Pero tong si Antonio talaga was a challenge. Me problema kasing malaki.
One big rule when looking for a job na tatandaan ninyo is this: THE RESUME and THE COVER LETTER will NOT, and I repeat, will NOT get you hired. Exemption yong sa Pinas na palakasan ever no? Pero dun sa mga level headed, sensible at equal opportunity na mga employer sa Philippines na hopefully dalawa na, the resume and the cover letter is just to get their attention para tawagin ka. Ganun lang ang role nang resume and cover letter. It’s really just a way for the hiring manager to notice you kasi ang final goal mo is interview.
It’s in the interview process na kung saan mo ibebenta ang sarili mo (hindi ko sinabing katawan mo ha?). Kung pano ka manamit, kung pano ka magsalita, kung pano ang porma mo. Wag kang aapear sa interview na naka-80’s ka. Dito mo you have to show your confidence sa nag-iinterview sa yo, dito mo ipapakita sa kanya na kaya mo trabaho. Hindi sa ganda nang resume at cover letter.
Balik tayo ki Antonio Banderitas.
It’s here that I was having a problem. I gave him a relatively nice cover letter and resume to edit. Lahat nang personal information pala dyan eh binalikwa ko na. But he told me na:
mdyo mahina po ang loob ko mag aplay. alam mo nman sa pinas mahirap mag hanap ng workmam sana din wag kayo magsawa sa akin magpayo o tumulong. matulungan nyo sana ako sa problema ko sa pag aaplay. Gaya na lamang po… sa interview… mahina ako sa english e, pano ko kaya magagawan ng paraan… sa exam… mdyo lagi din po ako bagsak, kasi noon. Pag direct inaplayan ko, wala na ako tawag sa inaplayan ko. It’s mean na bagsak ako sa exam o sa interview. kaya lagi agency ako nag aaplay, mas madali pa ata. pero ang problema, 6months kontrak lng. swerte na kung ma extent. wala din benepesyo. kaya yon po. sana matulungan nyo din ako. kasi tingin ko sa inyo, tumutulong sa mga nag aaplay ng work. bka matulungan nyo ako
NGEK! Eh, pano pag ininterview sya at eto ang cover letter na mababasa nung mag-iinterview sa kanya? cover-letter-of-antonio-banderitas.doc Di ba, mahahalatang di sya ang gumawa nang sulat? So, pihadong walang daratnan di ba? Kung resume, ok lang siguro. Kaya eto ang ginawa kong resume ki Antonio. Medyo di pa tapos kasi ewan ko ba, ang tagal sagutin kung kelan ba talaga to nag-graduate! Hmpt! Tinanggal ko lahat nang elementary at high school information. Trust me, they don’t want to know it, unless na galing ka nang YOU KNOW WHAT SCHOOL at mga International Schools saten. Ugly, but that’s reality. Tinanggal ko rin personal information. They’re not interested kung ilan ang syota mo at kung Russian ang tatay mo. They want to find out kung tugma ba yong qualification mo sa hinahanap nila. So eto ang ginawa ko: resume-of-antonio-banderitas.doc
Yan ang malaking problema ko ki Antonio. Pwede kong lagyan nang glitters ang resume nya, drowingan nang gumamela ang kanyag resume, pero sya pa rin ang magtatrabaho nang interview – meaning kelangan tumugma yong boses dun sa sulat at resume kumpara sa boses nya pag sya eh nagsalita na.
Matuturuan ko si Antonio nang mga basics sa interview pero di ko sya matuturuan mag-inglis! Kung nasa piling ko lang sya pede! Pano ba to! 27 years old pa naman sya! Lalaki! Mukhang mabait. Me celphone na sya. Andaming keywords nun ah! Waaaaa! Huwaaaaa!!!
Tumigil na nga muna kayo nang social climbing dyan at tulungan ang isang pobreng to na makahanap nang trabaho other than magbitbit nang libro! Please?
P.S.
Yung araw na natanggap ko tong email eh nabulyawan ako ni Doreen at napagalitan dahil ako eh nakabalandra sa traffic at na-late sa importanteng meeting. Eh di dapat malungkot ang lola. Kaso nong nabasa ko to, pumutok ako nang kakatawa! Hehehe! Na-shock ang Doreen!
Humingi po ako nang loving pahintulot na me konting harassment ki Antonio na isulat ko’t pag-katuwaan ang nakakatuwang insidenteng to. Tutal, maligaya naman sya at natulungan sya eh. Balak daw nyang makipagkita saken pag-uwi ko sa Mayo. O, di winner? Me boylet na naman ang lola!!! Hahahaha! Verdita kayo sa inggit di ba?













{ 70 comments… read them below or add one }
HAHAHAHA…ANO BA KABISYO!!! ANG LANDISCIOUS MO! LAGING IKAW NA LANG ANG WINNER! LAGING IKAW ANG MUGANDA! LAGI NA LANG IKAW!!!!
chuvaness’s last blog post..Need hugs because I?m?.
[Reply]
EEEKKK!!! WAG MO KONG PAPAHANTING! DI KO KASALANAN EVER KUNG MAGANDA AKO!!!
[Reply]
Ay aabangan ko si Kengkay, benga! Finally, ipaparinig nya ang talent nya sa paggigitara hahaha..
Oist, kahit di marunong si Antonio ng English mautak pa rin yan. Mantakin mong manghihingi ng tulong e sa ‘yu pa!(lol)
lovelyn’s last blog post..TAG: RECENT MOVIE THE FAMILY ENJOYED
[Reply]
eto nga nagpapalitan kami nang email dahil indi pa tapos yang resume na yan, hopefully matapos ko. taz tutulungan ko sya nang pointers sa interview. sana makakuha to nang magandang trabaho dun sa balak nyan aplayan. mukhang mabait na bata, napapagtripan ko lang hahaha! napakawalanghiya ko noh! pero me permiso naman ako sa kanya hahahaha!!!!
reynz’s last blog post..Shocking career development nang isang famosong business school sa Pinas
[Reply]
Nuvayan Ateng, di lang SONA ang sina samarise mo para sa mga fans, pati book report saka reshume kinareer mo na rin! Shempre susunod nyan term paper, thesis at dissertations na. Avah, magtayo ka na lang kaya ng pwesto sa Recto sigurado mas mulaki anda nun kesa yung binibigay ni Pepeng Agimat, di pa naga suffer ang eyeballs mo kakatutok sa pyuter monitor. Kaw rin, mulaming fafables sa U-belt, charot!
[Reply]
alam mo kamahalan ang acctg sa pinas uber ang need kasi lahat ata ng malalaking company may back office or shared services sa pinas so ung mga staff ko dati sa isang telecom na intsik ang may-ari at sobrang kuripot dami ka matutunan don (tawag nga nila eh Sun Univ) SAP mabenta naku po grabe lahat ng tao sa acctg lipat sa shell, chevron, ericsson, emerson, ibm, accenture (may training pa sa US) at lahat ng malalaking company pati tong work ko ngayon d2 aba balak lumipat sa pinas (binanggit ko pa kasi naman sa India balak aba eh di sa pinas na lang) kaya nga last result daw ng CPA board exam malaki daw passing rate kasi nga ang daming need for accountant tapos maganda pa sweldo compare sa iba ha di hamak naman na ok dun
sa mga balak magcollege try acctg kesa naman puro nursing na lang tau…. nakikitsika lang!
[Reply]
hahaha! saan pa ba ako mapupunta sa ginagawa ko kundi sa kanto nang recto at morata sa tapat nang national bookstore! siguro dun ako pipwesto! hehehe! kung ano ano na lang ang mga pinapagawa saken!
reynz’s last blog post..Shocking career development nang isang famosong business school sa Pinas
[Reply]
alam ko yong shell kasi yong isang ka-opisina ko here sa work ko galing SGV at client yong shell kinuwento saken. yeap, malakas talaga outsourcing nang accounting saten eh dahil nga isipin mo ang sweldo sa US, average starting nang accountant esp CPA is around EEEEKKK ba’t ko ba sasabihin! Huhulihin na naman ako ni Malen! HAHAHAH
Ganetch na lang: yong Per Capita (OH DI VA! HAHAHA) nang US is around $44,000 per year divanetch? O, magkano ang starting ng CPA saten? Php40,000 per month ba? That’s about $12,000 a year. O, laki nang tipid di ba?
Especially now na recession sa US, sino ang winner nito? I see the Philippines as capturing more outsourcing. Bakit? Kelangan magtipid and US companies nang mga discretionary expenses pati na tong pwedeng i-outsource. So, saan tatakbo? Sa Pinas will be isa na.
reynz’s last blog post..Shocking career development nang isang famosong business school sa Pinas
[Reply]
hmmmmm….
ambo’s last blog post..Banig in the Philippines!
[Reply]
WHAT?! hmpt!
reynz’s last blog post..Shocking career development nang isang famosong business school sa Pinas
[Reply]
NAMBIBIKTIMA!!!!
chuvaness’s last blog post..I had a date yesterday!
[Reply]
Ganyang ganyan ang style mo eh noh…tutulungan…ibabahay….lo-loadan…papakainin…papaliguan…dadamitan…hahalikan tapos……
IIWANAN!!! HAHAHAHA
Kabisyo ka talaga!
Alam ko na ang pwede mong career dito sa PInas. Mukhang sa AGENCY /CONSULTANCY ang tinatahak mong landas.
May JOB OPENING ba dito?? Hahahaha…aapply ako kabisyo!
chuvaness’s last blog post..I had a date yesterday!
[Reply]
hehehehe! HOY! kawanggawa to noh!!! FREE RESUME SERVICE! hahahaha!!!
[Reply]
HEHEHE!!! at least LONG TERM RELATIONSHIP kahit 30 minutes noh!
[Reply]
uy.. jelly. hahaha
kotsengkuba’s last blog post..All things white and wonderful
[Reply]
~~nag-aaway kami ni ambo.~~~ hehehe!!
[Reply]
first time ko po dito at di ko alam bakit ngayon lang ako napasyal dito. antagal ko nang sumasaglit-saglit sa pwesto ni manilenya pero di ko maisipang dumaan dito, masaya pala, me tulungan at sabi ni chuvaness, me libre load???? ahihihi.
kay mr. banderitas naman, brother, wala namang problema kung di tayo kagalingan sa ingles, di naman siguro call center ang aaplayan di ba? di naman pinagbabawal na tagalog ang salita sa interview, pero kung kinakailangan talagang pilitin eh gawa tayo ng script since sa mga unang interview naman eh scripted din ang tanong. kelangan mo ring magpractice magsalita, ang ginagawa ko kinakausap ko ang sarili ko sa harap ng salamin, tatanungin ko ang sarili ko tapos sasagutin ko naman (di ba parang tanga? hehe) pero nungka, effective yun! at yung pag-upo habang ini-interview o poise mo habang iniinterview, graded yan kuya, kaya dapat pagpasok pa lang, oozing with confidence na (wag lang maglalagay ng tatlong klase ng pabango ha, baka ten seconds lang ng interview masakit na ang ulo ng nagi-interview).
napahaba yata, babalik na lang ulit ako hehehe.
zherwin’s last blog post..run out of words
[Reply]
me isusumbong ako….hehehehe!
roni’s last blog post..youtube easy download and convert
[Reply]
amf ang daming achuchuchu ah bwahahahaha maliligalig kayong dalawa jan! *plato kutsara garapon balde ref tv hagis* lols
ambo’s last blog post..Banig in the Philippines!
[Reply]
ako din pwedeng apply? anong opening ipaskil na nga! nyahahahah
ambo’s last blog post..Banig in the Philippines!
[Reply]
anu yun roni? daliii!!!!
[Reply]
ambo! sinong kalaguyo mo sa Pagudpud at panay yata ang byahe mo run? eh baka mamaya sa sunod mong punta dun eh me hatak hatak ka nang kalabaw, baka at kambing at me sukbit na gitara! ano ba talaga ang drama sa Pagudpud ha???
[Reply]
hehehe! AAPLY ka Ambo? Bago kita bigyan ang Application Papers – PHYSICAL EXAM muna. Ako ang mag-aaply nang test.
[Reply]
kakatagpuin ko si maria clarang magbubukid. sabay kaming mag aararo ng mga lupain tapos maghahabulan sa mga damuhan tapos…..nyhahahahha
ambo’s last blog post..Banig in the Philippines!
[Reply]
oy ronie idaan mo muna sakin yang isusumbong mo sige ka di kita tuturuan sa adsense nyahahahaha
ambo’s last blog post..Banig in the Philippines!
[Reply]
physical exam lang pala eh! tara malen sabay tayo sa ospital ng REYNAELENA MEDICAL CENTER! nyahahahaha
ambo’s last blog post..Banig in the Philippines!
[Reply]
AMF MGA KABABAYAN DITO KAYO BILIS PILA NA ME LIBRENG LOAD GLOBE, SMART, TALK AND TEXT, TOUCH MOBILE, SUN, MOON, STARS, EARTH BILIS NA! nyahahahaha
KAPATID NA ZHERWIN SUNOD AKO SAYO JINGLE LANG AKO LOLS
ambo’s last blog post..Banig in the Philippines!
[Reply]
pucha! graveyshus! hahaha!! (!kakatagpuin ko si maria clarang magbubukid.) hahaha!! PATUGTUGAN MO NANG SOUND OF MUSIC HABANG NAGTATAKBUHAN KAYO SA DAMUHAN!
[Reply]
Hi Zherwin!
Galing ako sa balay mo! NAIYAKKKK AKOOOO!!! PUCHIMAS OO!! naalala ko yong Boylet S/N # 168-23-478JEF-91AV!!!!
Tong boylet kong to sagana sa load, sa allowance, pati celfon, levis, masahe at binilhan nang ref but batteries not included.
Taz NILAYASAN AKO’T IBA ANG PINAKASALAAAANN!!!! AHHHH!!!!
[Reply]
@ambo!
NGEK NGEK MO! PHYSICAL EXAM MUNA BAGO LOAD!!!!
[Reply]
AKO ang mag-pipisikal exams. AKOOO!!!!
[Reply]
maglaro nalang kayo ng HABULAN-(KWAN)
kotsengkuba’s last blog post..All things white and wonderful
[Reply]
Wow, nicely done! Korek ka dyan reyna, hindi na kailangan ang zodiac sign sa CV hihihihihihihi.
To prepare for an interview, list some possible questions na pwedeng itanong ng employer (basics and specifics) and prepare for the answers. Tapos, make sure you know how to explain the contents of your resume.
Be honest during the interview. Kung hindi mo alam don’t say yes kasi baka mapasubo ka lsa mga next questions. Pero kung kaya mong paikutin ang discussion, it’s okay to yes kahit wala kang experience dun sa tinatanong. But when you say no, try to highlight your other skills and tell your interviewer that you are a fast-learner and you are willing and interested to learn new things.
nina’s last blog post..Sakal, Sakali, Saklolo Now Showing in Doha City Center
[Reply]
ayoko ng habulan ng kwan paano un? gusto dakutan ng kwan nyahahaha
ambo’s last blog post..Banig in the Philippines!
[Reply]
kabisyo akooooo…pano ang load ko..naka ilang text na din ako sayo na sobrang mahal….
pangatlo ako sa linya ha…dali mag palista na din kayo!!!
zherwin
hahahaha
ambo
malen
chuvaness’s last blog post..I had a date yesterday!
[Reply]
hehehe! matutuwa ang aking si Antonio pag nabasa ang sinabi mo Nina! yun nga ang ini-iksplika ko sa email ko sa kanya na kahit lagyan ko nang glitters at bulak ang resume nya pati na cover letter pag hindi nya naipakita sa interviewer na magaling sya, wala rin.
kaya, buti sinabi mo kasi nag-iisip nga ako nang paraan para di naman sya mawalan nang confidence pag sinabi kong siguro palitan namen nang iba yung cover letter althoug siguro yong resume iwanan na lang na ganun.
salamat sa advice nina!!!
[Reply]
payag ako sa pisikal exam mo reynz…daliiii hahahhahahaha
chuvaness’s last blog post..I had a date yesterday!
[Reply]
EEEKKK!!!
NAKALIMUTAN KO ANG DIZCLAIMERRRR!!!
DIZZCLAIMEERRRR!!!!!
[Reply]
~**hinahanap yong website sa inquirer PINAS LOAD**~~
hehehe
[Reply]
nyahahaha
O ETO OFFICIAL LIST NG PILA SA MGA GUSTO NG LIBRENG LOAD FROM MALEN.
1. ZHERWIN
2. AMBO
3. MALEN
NEXT PLEASE. NYAHAHAHAHA
ambo’s last blog post..Banig in the Philippines!
[Reply]
me physical exam pala. teka lang…sige, payag ako wahahaha.
zherwin’s last blog post..run out of words
[Reply]
nyahahaha parang nirereyp ang reyna pasaway ka.
O DITO NAMAN ANG PILA FOR PHYSICAL EXAM NG REYNAELENA MEDICAL CENTER
1. MALEN
2. AMBO
NEXT PLEASE LOLS
ambo’s last blog post..Banig in the Philippines!
[Reply]
mam reynz nabasa ko po,
hehe
[Reply]
ay ganda. serbisyong totoo ang reyna. thesis gumagawa ka?… hehe naku reynz, i-rally mo na OFW friends mo sa bagong pesteng POEA guidelines on direct hiring!
Aaron’s last blog post..Juno
[Reply]
Kamahalan,
Maaari mo bang isangguni kay Antonio na magbago na lamang siya ng karera. Bakit hindi siya sumubok sa problogging?
Jolo G.
Jolo G’s last blog post..Disconnected
[Reply]
sssshhh — ang iingay nyo, hindi ako maka concentrate sa aking magpraktis ng national anthem na ‘i am what i am’ para sa show sa sabado…, hahaha – siyeeeetttt – kakanta talaga ako, pero dapat mag chuwariwap kayong lahat– pati na yung mga nakapila dyan, hahahaaha
uy, para kay antonio banderitas — dapat rin na maging handa sya malaking pagsubok na ito… i mean, sa puso at sa gawa… at kung ready syang magtuto, sigurado ako, makakahanap rin sya ng para sa kanya (boylet man o hindi, load man o levis, hehehe) good luck!
kengkay’s last blog post..Guest si Kengkay sa Usapang Pinoy Radio Show
[Reply]
hehehe welcome to the site ANTONIO BANDERITAS!!! hahaha
[Reply]
hahaha! Jolo G! andyan si Antonio sa taas mo! sana nabasa nya to! HAHAHA! Problogging ha?!HAHAHA
[Reply]
excited na akong marining ang mala-celine dion mong eye em what eye em!
sa puso? sa gawa? memoryado na nya yata yong panatang makabayan eh! hahahaha
[Reply]
Hi Aaron! Thankful nga ako ever ki Empress Maruja for sending the article. Mamaya lalabas ang article ko, ini-edit ko lang sya.
reynz’s last blog post..Shocking career development nang isang famosong business school sa Pinas
[Reply]
abangan ko ere at ng marinig ko naman boses ng aking seksing neyborhood!:D
reynz,hanung nangyayari ba talaga inang?may virus bang kumakalat bat si blu,pusa,mogli at malen gusto mag paalam muna sa blogosphere Waaaaaaaaah*hikbi* o baka maling signal lang na getsing ko dito sa sausage land?
cheh’s last blog post..Travel Agency offers charter flight for nudist
[Reply]
cheh! echeng lang ‘yan.. kapag si ambo na ang nagpaalam sa blogging dun ka matakot. hahaha
kotsengkuba’s last blog post..How many Philippines can inhabit China railways this Chinese New Year?
[Reply]
uy lovelyn, tulungan mo ako… hold my hands, hahaha
kengkay’s last blog post..I?m Off to a Costume Ball
[Reply]
hi cheh — suportahan mo ako lalo na kapag namilipit na ang matigas kong dila ha… baka naka hiatus sila kasi preparing para sa banda na sasalubong sa amin sa herport, hahaha
kengkay’s last blog post..I?m Off to a Costume Ball
[Reply]
KK, hahaha pag si ambo nako maraming magluluksa hahaha mag kakagulo planeta hehe
kengs, linsyak mamah, been trying to post comment sa iyong e mansyones ,tsaka naman nag linis ang WP,balik ako mamaya:)
[Reply]
Atcheng,ayan babaeng nasa entrecard mo,yan ba yung takas sa mandaluyong na nagkukunwaring normal? hahaha
Salamat mamuah!! bilib na ako,running agad!!:)
[Reply]
ayoko na suko na ako! pareng KKK, matumal ang bentahan ngayon napagod ako kakarefresh ng screen nyahahaha. kaw ba musta bentahan jan? sumakit ulo ko sa lekat na posporo na yan na puro kamanukan ang alam.
naku mommy che wala sa bokabularyo ko pa sa ngayon ang Hiatus. nyahahaha
ambo’s last blog post..Banig in the Philippines!
[Reply]
mommy che me kamukha ka jan! o cge ang makahula bibigyan ko ng 25 entrecard points promise!
ambo’s last blog post..Banig in the Philippines!
[Reply]
huy, si antonio banderitas pala ito, hahaha… i welcome din kita
kengkay’s last blog post..I?m Off to a Costume Ball
[Reply]
Reynz, wag mo ng balaking kumuha ng business permit sa Recto at siguradong hindi ka na papayagan pa ni Mayor Akiensa haha, pinatitibag na nya ang University of Recto no. Madami na daw kasing nang goyong mga applicant sa ibang bansa. Una yong Baywalk tinibag hehe, this time University of Recto, ano kaya susunod hihihi?
sinaglaya’s last blog post..Certain trend in Coco Export in the Philippines as of January 2008
[Reply]
Dapat habang nag hahabulan, unti-unti at isa-isang parte na nalalaglag yong damit ni mariang magbubukid na gawa sa silk haha (ano yon White Lady hehe).
[Reply]
shocks….sinong BOLD ISTAR yung nasa entrecard?? Ay mali….BOMBA ISTAR pala…hahahahhaa…
Ang ganda Manay Cheh! Shine nah!
chuvaness’s last blog post..I had a date yesterday!
[Reply]
Most of all, nalimutan ko, be confident and stay focused during the interview. Huwag din kakalimutan magbihis. Importante ang presentation ng sarili. A lot of applicants don’t give attention to the attire but it’s important. Medyo maarte ako pag nagpapa-interview. I dress properly. Pati kulay ng damit ko pinipili ko kasi may meaning daw ang colors. Anyways, ang advise ko atleast wear a slacks (better kung dark color) and polo (better if light color). Kung meron, sana leather shoes with dark trouser socks. Teka, baka ma-windang na si Antonio. Pahiramin o kaya ng Armani Reyna? hehehehe
nina’s last blog post..Sakal, Sakali, Saklolo Now Showing in Doha City Center
[Reply]
ganun? at least nakabili ako nang masters dun! hahaha! nabisita ko pa yung Baywalk na yan bago giniba! daming pokpok dyan! hahaha!
[Reply]
true Nina! as in yong sapatos pakinangin! yong BUHOOOKKKK! pahiran nang cooking oil para makintab you know! those kind of things! hahahaah
[Reply]
HAHAHA! di ba hinahanap kung pano napunta nang aleman yang tiga mandaluyong na yan?!!! grabeyshus ang beauty! pang Mutya nang Pilipinasssss!!!! HAHAHA!!!
[Reply]
kengkay! batiin mo ako in ik libi di ha? hehehe!!!
HOY! nag PPP ako, puro singko sentimos ang natira! grabe kayo! TIRHAN NYU NAMAN AKOOO!!!!! mawawalan nang allowance mga boylets koooo!!!!
[Reply]
Ano na nga ulit day job mo?
At nag mu-moonlight ka pa – resume writing! Malakas kita diyan ah.
Teka, handa na ba ang wedding gown mo at ang barong ni Ambo para sa engrandeng kasalan sa Mayo?
joy
A Pinay In England
Your Love Coach
The Goddess In You
joy’s last blog post..Mail Order Brides
[Reply]
nagtitinda ako nang mga sekreto ni victorio sa umaga hehehe at bawal mag internet sa tindahan! nagagalit si doreen! yong me ari! hahaha!!!
terno ang suot ko, barong si Ambo, pero dahil sasakay kami sa Nude Airlines baka di na namen kelangan. heheeh
[Reply]
KJ naman ni Doreen.
Anong kulay ng terno? At si Ambo ba sa Daneche magpapatahi? Nude Airlines? Mura ba don?
joy
A Pinay In England
Your Love Coach
The Goddess In You
joy’s last blog post..Are You Suicidal?
[Reply]