Pasko na…wala lang, emote lang… na-aalala ko, nung napadpad kami dito sa balat nang snow and ice, ina-araw-araw ako nang sigaw nang aking madir:
Kelan ka ba mag-aasawa?~!@ Ba’t di ka pa nag-aasawa?!@# Si *kwan1 ba’t di mo pa pinakasalan? Si *kwan2 anong nangyari? Mabait naman pamilya nun ah?
Shockies ang lola netch! Di ko alam kung anong sagot! Naloka ako! Nag-post naman na ako nang ad sa craigslist ah! Ang guguapo pa naman nang mga hayop na mga child molester dun, yong mga sumagot, gusgusin din itsurang isang tili lang eh tigok na. Wala. Walang nangyari.
Pero lahat nang koronang to utang ko talaga sa nanay at tatay ko. Nag-dusa sila para maging reyna ako. Nakkkuuu!!! Ano kaya ang gagawin ni madir at fadir pag nalaman nila ang trans-continental na hadeyshus nang ginagawa ko?! hehehe!!! Ang alam kasi nila GMRC aketchewa. Recollection ever ko pa nun, beauty contest sa barrio namen, isinanla namen ang aming palayan para manalo lang ako sa Mutya nang Barrio Siete! Iritado lang ako, wala pa kasing PPP nun di ba? nagkulang nang piso ang boto ko.
Meron silang iniwan na sulat saken…
Sulat ni Tatay at Nanay sa Atin
Mahal kong anak,
Sa aking pagtanda, unawain mo sana ako at pagpasensiyahan.
Kapag dala ng kalabuan ng mata ay nakabasag ako ng pinggan
o nakatapon ng sabaw sa hapag kainan,
huwag mo sana akong kagagalitan.
Maramdamin ang isang matanda.
Nagse-self-pity ako sa tuwing
sinisigawan mo ako.
Kapag mahina na ang tenga ko
at hindi ko maintindihan ang sinasabi mo,
huwag mo naman sana akong sabihan ng “binge!”
paki-ulit nalang ang sinabi mo
o pakisulat nalang.Pasensya ka na, anak.
Matanda na talaga ako.Kapag mahina na ang tuhod ko, pagtiyagaan
mo sana akong tulungang tumayo,
katulad ng pag-aalalay ko sa iyo
noong nag-aaral ka pa lamang lumakad.Pagpasensyahan mo sana ako kung ako man ay
nagiging makulit at paulit-ulit na parang
sirang plaka.Basta pakinggan mo nalang ako.
Huwag mo sana akong
Pagtatawanan o pagsasawaang pakinggan.Natatandaan mo anak noong bata ka pa?
kapag gusto mo ng lobo, paulit-ulit mo
‘yong sasabihin,
maghapon kang mangungulit hangga’t hindi
mo nakukuha ang gusto mo
.
Pinagtyagaan ko ang kakulitan mo.Pagpasensyahan mo na rin sana ang aking amoy.
Amoy matanda, amoy lupa.
Huwag mo sana akong piliting maligo.
Mahina na ang katawan ko.
Madaling magkasakit kapag nalamigan, huwag
mo sana akong pandirihan.Natatandaan mo noong bata ka pa?
Pinagtyagaan kitang habulin
Sa ilalim ng kama kapag ayaw mong maligo.Pagpasensyahan mo sana kung madalas, ako’y
masungit,
Dala na marahil ito ng katandaan.
Pagtanda mo, maiintindihan mo rin.Kapag may konti kang panahon, magkwentuhan
naman tayo, kahit sandali lang.
Inip na ako sa bahay, maghapong nag-iisa.
Walang kausap.Alam kong busy ka sa trabaho, subalit nais
kong malaman mo na sabik na sabik
Na akong makakwentuhan ka, kahit alam
kong hindi ka interesado sa mga kwento ko.Natatandaan mo anak, noong bata ka pa?
Pinagtyagaan kong pakinggan at intindihin
ang pautal-utal mong kwento tungkol sa
iyong teddy bear.At kapag dumating ang sandali na ako’y
magkakasakit at maratay sa banig ng karamdaman,
huwag mo sana akong pagsawaang alagaan.Pagpasensyahan mo na sana kung ako man ay
maihi o madumi sa higaan,
Pagtyagaan mo sana akong alagaan sa mga
huling sandali ng aking buhay.
Tutal hindi na naman ako magtatagal.Kapag dumating ang sandali ng aking
pagpanaw, hawakan mo sana
ang aking kamay
At bigyan mo ako ng lakas ng loob na
harapin ang kamatayan.At huwag kang mag-alala, kapag kaharap ko
na ang Diyos na lumikha,
ibubulong ko sa kanya na pagpalain ka sana
…
Dahil naging mapagmahal ka sa iyong ama’t
ina…
Written by Rev. Fr. Ariel F. Robles
CWL Spiritual Director
St. Augustine Parish
Baliuag, Bulacan
Stumble Upon
Del.icio.us
Buzz







{ 14 comments… read them below or add one }
nag da-drama…nag da-drama….nakakaiyak…anubah! yung masaya naman!
naalala ko sa condo mo reynz, may pic ng madir and fadir mo sa sala….na-touched ako dun….
NAPAKA HEARTWARMING NUN POEM…..i feel you. pag gusto mong maging FADIR, I can do something about it. Hahahaha
merry xmas…paskong pasko na ang simoy ng hangin ditetch!
chuvaness’s last blog post..Important Notice
[Reply]
manyakis talaga tong si malen.. hahaha
[Reply]
LOL drama na sana, gawin bang komedi?
pusa’s last blog post..get that dream
[Reply]
maluha luha ako dun kamahalan.
iRonnie’s last blog post..Time For Best Wishes
[Reply]
nyahahahaha….ano ba yang mga iniisip mo kotsengkuba! pendong! LOL
chuvaness’s last blog post..Important Notice
[Reply]
Uy tiga Bulacan pa si Fr. Ariel Robles, kababayan ko,kaka touch yong sinulat nya no,also remember my parents ang lola.
[Reply]
inay reyna Helena
para sa akin ba ito?
ang iyong anak,
konstantin…..(bisi kasi ako sa pagpapalayas sa mga napossessesess [na-uutal na naman], eto nga at meron na naman…..ang dami nila!) pero teka muna…..balita ko anak lang ako sa labas? tutuo ba ito?
[Reply]
hehehe! gusto ko magkaron nang anak. ano? pag-usapan naten? hehehe! basta walang anuhan!!! hehehe bawal sa religion kooo!!!
[Reply]
hehehe! ano nga ba KK? di talaga ako maka-relate. hehhe
[Reply]
ikaw lang yata ang tinamaan. yong iba mga walang galang sa mga nanay at tatay nila. tingnan mo naman ang mga iniwang message! hehehe!
[Reply]
busy sa pag-papalaya nang mga napo-posesse? Omygawd!!! kakatakot ang trabaho moooo!!!
[Reply]
ay… nice naman…
xienigma’s last blog post..Rapunzel, Rapunzel, let’s cut your hair!!
[Reply]
hello reyna elena, i found your site thru ms beng’s blog…
grabe, maluhaluha naman ako. can somebody hand me some tissues. but that is also my fear when i get old and heaven forbid that i get checked in to a nursing home. not my kind of place, promise!
as for your madir and padir’s question. i have been asked that by my own parents. and all i can say is “ewwww.” pero sa awa namang ni Lord eh natanggap na ng mga magulang ko na mujer ako at hombre ang gusto kong kasama sa buhay. sometimes, i feel like my parents are in denial. but now that they’ve met my special someone, they don’t asked me that question anymore. i guess tinuldukan ko na ang tanong nila. bwahahaha!
love your blog, it’s raining smiles and cheers
sardonic nell’s last blog post..A Not So Friendly Advice
[Reply]
PWEDE PA BANG MAG COMMENT DITO? ?????
mAG-ASAWA KA NGA NAMAN!!!!!!!!PARA MERON KA RING ANAK NA NIYAYAKAP AT HINAHALIK-HALIKAN!!!!!!!!HEHEHEHEHEHEHE
[Reply]