No Remit Days 1-5 bawat buwan

If you're new here, you may want to subscribe to my RSS feed. Thanks for visiting!

noremitdays.jpg

Ang sumusunod ay pahayag ng Migrants Association in Saudi Arabia (MASA), isa sa mga kasaping organisasyon ng Migrante Saudi Arabia.

Ipaglaban ang Kabuhayan ng Migranteng Pilipino!
No Remit sa a-1 hanggang a-5 ng bawat buwan!

Laging sinasabi ng gobyerno na gumaganda ang ekonomiya ng Pilipinas. Patunay daw nito ang pagtaas ng reserbang dolyar ng bansa, pagliit ng depisit sa kalakalan (trade) at badyet; pagbalik ng tiwala ng mga investor sa ekonomiya at higit sa lahat, ang patuloy na pagtaas ng halaga ng piso kontra dolyar.

Noong 2006, ang palitan ng dolyar sa piso ay naglalaro sa P56 hanggang P48. Ngayong 2007, tumaas pa ito hanggang umabot sa kasalukuyang palitan na P44.00 (28 Okt 2007). Sa tantya mismo ng gobyerno, aabot pa daw ito ng P40 hanggang mag-Disyembre.

Mismong si GMA din ang laging nagsasabi na ang pagganda ng ekonomya ay dahil sa remittance ng mga OFW na umabot na ng $12.8 bilyong dolyar noong 2006 at $9.3B na ngayong Agosto pa lamang, ang pinakamataas sa kasaysayan.

Tulad ng dati, ang mga OFW na naman ang bayani. Pero bakit nalulubog at nahihirapan ngayon ang mga OFW?

Krisis ng Overseas Filipino Workers (OFW)

Sa Saudi, ang palit ng 1000 riyal ay P15,000 noong 2006 pero ngayon ay P11,784 na lang (1SAR=PhP11.7841). Ibig sabihin 8% hanggang 21% agad ang nawala sa kita dahil hindi naman nadadagdagan ang sahod ng bawat Pinoy sa Saudi Arabia.

Idagdag pa dito ang tuluy-tuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin, sunod-sunod na pagtaas ng produktong petrolyo, pagtaas ng matrikula, pamasahe at serbisyong pangkalusugan, maging bayarin sa koryente-tubig.

Ayon sa Ibon Foundation, P560 bawat araw (o P680 kung nasa Metro Manila) ang kailangan ng isang pamilya na may 6 katao noong Abril 2007. Ibig sabihin, ang bawat isang OFW ay kailangang magpadala ng P20,400 bawat buwan (o $443) para mabuhay ng sapat ang kanyang pamilya (kumpara sa P18,494 nong 2005, at P19,969.00 noong 2006).

Ngunit ang karaniwang kita ng skilled worker sa Saudi Arabia ay $400 lang kada buwan at $260 naman sa service sector. Sa pagliit ng halaga ng dolyar kontra piso, kailangang magdagdag ng ipapadala ang OFW para makuha ang dating badyet ng kaniyang pamilya.

Pero ang sahod ng OFW sa Saudi ay hindi naman nadadagdagan at tumataas din ang bilihin, dito kaya paano pa nga ba magkakasya ang kita ng OFW?

Remittance: Pang-salba o Pang-lunod

Dahil laging sinasabi na ang remittance ang dahilan ng paglobo ng halaga ng piso kontra dolyar, maaaring mapigilan ito kapag nabawasan ang kabuuang padala sa Pilipinas. Magagawa ito sa pamamagitan ng pagtatakda ng ilang araw na hindi magpapadala (No Remit Days), at pag-iwas sa mga bangko at remmitance center.

Gayunman, upang magtagumpay ang ganitong klaseng kampanya, kinakailangan ang mahigpit na koordinasyon at pinakamalawak na partisipasyon ng pinakamaraming OFW.

Kinakailangan din na gawin ito nang sustinido (ibig sabihin, gawin ng regular sa mga susunod na ilang buwan) upang ganap na maramdaman ang epekto sa palitan ng piso kontra dolyar.

Hinihingi din ng sitwasyon ang sakripisyo sa mga kapamilya kaya’t mahalaga na maunawaan ng pamilya ng bawat OFW kung bakit made-delay ang pagpapadala.

Migrante, Magkaisa!
Ipaglaban ang Kabuhayan, Kagalingan at Karapatan ng OFW!
No Remit sa a-1 hanggang a-5 ng bawat buwan
.

Migrants Association in Saudi Arabia (MASA)
Oktubre 2007

Para sa mga katanungan, mungkahi o reaksyon, mag-email sa ksa.masa@yahoo.com

Popularity: 9% [?]

Viewed 65 times by 40 viewers

« Previous EntryNext Entry »

6 Sweet Responses to “No Remit Days 1-5 bawat buwan”

  1. pusa (83 comments.) Says:

    i think this idea is quite good and a very good litmus test to check if the government is telling the truth and not doing some hokus pokus eklavu!

    kaya lang its christmastime already, dya think nakapagpadala na un mga ofw’s pangbili pamasko sa pamilya nila d2 sa pinas?

    pusa’s last blog post..38 forbidden questions

    [reply this comment]

    reynz reply on December 2, 2007:

    very challenging actually to, kasi pamilya ang tatamaan eh. let’s see kung ano ang mangyari. but monie naman namin ang bumubuhay sa gobyerno at economy… kaya ewan ko lang…

  2. isagani rx (2 comments.) Says:

    Hindi maliwanag para sa akin ang layunin ng campaign na ito.

    [reply this comment]

    reynz reply on December 2, 2007:

    Hello Isagani,

    OFW remittances kasi doesnt’ need any trickling down dahil deretso sa pamilya. The whole intent nang campaign na to is really to make these officials feel na me power tayong mga OFW dahil nga these OFW remittances really is one of the biggest contributor nang economic engine saten and also power nang ibang opisyales. Unfortunately, it’s a tough act dahil ang tinatamaan are our families. Ang hirap because you wanted to make a stand sa mga gunggung na to sa gobyerno and by not remitting, mukhang ang tama saaten. It’s double sworded kaya medyo mahirap talaga.

    I posted it simply to show support sa group.

  3. isagani rx (2 comments.) Says:

    So, if their intent was really “to make these official feel na mayroong power OFW”, kinakailangan pa ba ito, when in the first place, inaackowledge naman ng government na malaking contribution sila sa pag unlad ng economy?

    There must be another reason why they are pushing this kind of initiative. Nagdaramdam ba sila na kahit na kahit anong pagpapagod nila ay tila mas nawawalan ng value ang perang pinapadala nila?

    If that is the case, then I guess kailangan tignan na mabuti kung ang pagbaba ng value ng perang pinapadala nila ay masisisi sa gobyerno alone.

    It is somewhat counterproductive na gawin ang ganitong inititiave, dahil may ibang pwersa na nagpapatakbo sa DOLLAR-PESO exchange.

    Kung nagdaramdam sila na mababa ang nagiging palit ng perang kanilang pinag hihirapan, marahil mas magdaramdam ang mga karaniwang Filipino kung makita nila ang epekto ng pagbagsak ng piso.

    Kung mataas ang halaga ng mga bilihin, kahit na mataas ang halaga ng piso, di hamak naman siguro na mas mataas ang mga ito kung ang piso ay mababa.

    But then again, ilan nga ba sa mga OFW natin ang nakakaintindi ng buong system sa likod ng currency exchange.

    Sabagay, kalayaan naman ng mga OFW ang gawin ang nais nilang gawin.

    isagani rx’s last blog post..God is Calling Me

    [reply this comment]

  4. Chronicles of Kotsengkuba » OFW Corner » Do I need to go back and work in the Philippines? Says:

    […] of remittance on November 1-2 2007 pointless, I will continue to support the new call for No Remit Days 1-5 of each […]

Tell me I'm cute!


This blog uses the CommentLuv plugin which will try and parse your sites feed and display a link to your last post, please be patient while it tries to find it for you.

No Remit Days 1-5 bawat buwan

Post Information for 'No Remit Days 1-5 bawat buwan'
Posted on 02 December 2007
Written by reynz
6 Sweet Responses to this post

Wall Street crash their ferraris, then cry to Uncle Sam for a new one!

POPULAR ARTICLES

RECENT COMMENTS

  • lenski: bwahahahah sakit ng panga ko sayo...this is soo fun. kaloka basahin. teka lang, di ba mag...
  • Kotsengkuba: salamat kengkay, kanina pa ko nagpupumilit na basahin yung kaliit liit na scanned...
  • Colegialagirl: Mahal na reyna, Bagay na bagay pala kayo ni Sarah Palin. Parang magkapatid lang...
  • roni: sige na nga, bagay ka na sa kapaligiran mo jan, hehehe. break a leg! roni's last blog...
  • empress maruja: Kaloka, machung-machu ang photo! Ganyan na pala ang naabot ng isang Reyna Elena...
  • reynz: amor salamat! hahaha maya pag-gizing ko basahin ko yong write up, di ko pa nabasa! salamat...
  • reynz: wag kang mag-alala, me bakal akong hagdan galeng home depot, nakakababa pa naman ang lola...
  • reynz: ow? maganda? naku! i adore you ateng! coz i like honest people! hahaha! hahaha! thank you...
  • reynz: bukas send ko lovelyn! hahaha! kadarating ko lang! kakapagod! hirap maging bomba star,...
  • reynz: sigurado yan parent cocoy! pano ba to? saan tayo mag-iinuman? sa wyoming? hahaha! pano ba?...
  • reynz: yun nga problema, feel ko celebrity na talaga ako. eto nakaharap sa telepano. iniintay ang...
  • reynz: hallller! wag mo akong gayahing role model ateng! hahaha! dysfunctional ang lola noh!...
  • reynz: eeekkk! bawal ang touch and kiss! hahaha! bawaaaalll! hahaha! sa kinsenas ateng! dami ko...
  • reynz: hello! indi ako yan! boypren ko yan! hahaha! SCAM ba?! hahahaha! na-iscam?? hahaha reynz's...
  • antuken: ay kaloka. sa lahat ng hate ko rin eh yang mga masusungit na saleslady. hinihiritan ko...

Sali Na! Join the Pinoy Wordpress Bloggers Community!


    CIRCLE of BLOGS


    If you like my Animoto Videos, sign up here!

obama08_badge2sm.jpg

Enter your email below to get updates directly to your inbox!


follow reyna_elena at http://twitter.com

Join the SEO Experiment!tierramariaestatesscamhoax.JPG Link me up! Copy codes below and paste on your blog!

x100.jpg

LINK ME UP


reyna-button125.JPG

ofwlogo100.png

Links to Page

web stats Page Rank Check Business Blogs - Blog Top Sites Business Blogs -  Blog Catalog Blog Directory Blogarama - The Blog Directory

Blog Rank: 23,763
View blog authority My Blog Juice
Subscribe to Reyna Have you added me to Technorati Favorites yet?

December 2007
M T W T F S S
« Nov   Jan »
 12
3456789
10111213141516
17181920212223
24252627282930
31  

BOOK REVIEWS

MY OTHER BLOGS

FEATURED SITES

TOP TALKERS

ARCHIVES

CATEGORIES

Close
E-mail It