I’m a hospitality girl.

by reyna01 on November 30, 2007

I’ve had a number of experiences already na ligawan or magustuhan nang babae. A lot of times, I make fun of them! Nakakataba nang kwan. Pero, pag na-feel kong in your face na sya, nag-iiba na ang feeling ko. Ayoko mang tanggapin, maganda talaga ako, whatever chuvalais, kaso me malaking anomalya nga saken. Dati talaga akong Miss Universe. Which is why I have no idea kung tama ba tong ginawa ko this morning dahil nang-gagalaiti nga ang lola. 

Tumawag ang sister. Di ko na sinagot. Ayaw akong tigilan. Mga kaibigan ko to nun pang elementary. Marami talaga akong kebigan. Hangga’t ngayon, mini-maintain ko relationship sa kanila. Ewan ko ba! 

Bago ako umuwi nung Manila last month, walang puknat ang tawag nang Ate (OFW sa Middle East) na kesyo kelangan daw kaming magkita ni Sister. Si Sister daw eh abogada na. As in aalpas agad ang pagmamahal ko pag naging abogado ka na. Pede ba! Hindi titulo ang hinahanap ko. Kelangan pa bang hulaan yon at daanin sa Wowowee kung ano ang hinahanap ko?

Sa ayaw nyo’t sa gusto, one of my shitiest attitude na pinag-sisisihan ko sa huli eh ang pagiging hospitaliteyshusness ko. I do more than that – acommodationfull pa. Karamihan naman nang mga pinoy ganun eh, so in essence, I am a hospitality girl.

One time, tumawag nga tong si Ate.

“Hindi mo na ako kilala? Sobra ka naman! Nakarating ka lang nang Amerika, pa-ingles ingles ka na’t pati ako di mo na kilala!”

Sa isip isip – ang fffftttnng to’! Tinatanong ko lang kung sinong bwaka nang nanay nyang tikbalang sasabad nang ganun!

“Eh sino ka nga!”

“Si Anyang! Sino pa! Sobra ka naman di ka na nakakakilala!”

Screeeeeccch! Rewind!

Si Anyang eh kapatid nang kaklase kong si Pura. Si Anyang eh sinwerte sa buhay, nakapangasawa nang OFW based sa Middle East kaya gumanda ang buhay. I remember, iimbitahan ako sa apartment nya sa Pasay para magpatulong maglipat nang mga bago nyang biling mwebles fuertes materiales.

Yeap, tiga tulak at tiga hakot lang ang beauty ko. Kelan to? Siguro early 80′s. Ek kelan pa yon? Yun yung last kong nakita sila dahil, aminado ako, banas ako sa ere nya at medyo ismol na ismol ang feeling ko everytime na nakikita kong ang ganda nang buhay nila samantalang ako eh isang kahig pang-jeep another kahig pang-ulam, kaya madaming kahig ang ginagawa ko nun.

Tumigil akong punta sa kanila. Kung ano anong dramang inisip ko wag lang akong makapunta sa kanila. Wagi. Tumigil na rin nang kakatawag. Kaso naswertehan, nakakita rin ako nang trabaho sa Estados Unidos. Pinatukod ko ilong ko, pinabukaka ko mga mata ko, lumaki suso ko, gumanda talaga ako, at eto ako ngayon, reyna elena na.

Screeeeeccch! Fast forward!

“Oy! kumusta ka na?”

“Ba’t ka ba bumili nang condo eh wala namang silbi yang condong binili mo? Tingnan mo, lima na ang bahay ko.”

Ftthttta talaga. Ngayon lang tumawag after 100 years, tapos ganito pa ang birada. Nairita ako. Sya nga talaga to. Kabukas bukas after 100 years, ansama agad nang hangin. Alam ko na ang daratnan nito, wala. As in di maganda ang mangyayari.

Na-meet nya pala ang sister ko sa Manila. Na-invite nang sister ko sa condo kaya nakuha nya ang number ko. Nakita ko mga litrato nila dito sa Philadelphia.

“Nag-bobowling kami!”

Text nya minsan.

“Nasa Tagaytay kami!”

Text nya uli. Anak nang kung sinong hudas barabas!

Ano ako? Diary Whisperer?! Eh kung sabihin ko kaya sa kanya na weekend trip ko lang ang London? Sabihin ko kaya sa kanya na banas na ako sa Europe dahil naubos ko nang puntahan sa kakahada ko? Sabihin ko kaya sa kanya na kagagaling ko lang nang Hongkong at Tokyo – wala, nakipag-inuman lang. Sabihin ko kayang, dumaan ako nang Macau at bumili nang yosi? Sabihin ko kayang sana tumakbong pabalik yong bola nang bowling at tamaan ang bunganga nya?

“Kelangan mag-meet kayo nang sister ko. Abogado na sya!

Did she say “sister”? Nahhh. No, thanks.

Nag-pumilit sya. Nong uwui nga ako nang Menila, sinabi saken nung kaklase namen na kabilin-bilinan ni Ate na dapat daw mag-ka-ayos kami ni Pura bago ako bumalik nang Amerika. Nag-panting ang tenga ko. Control freak ang fffttta!!!

Prinangka ko kasi kebigan nameng si Carolina.

Ano ba talaga ang drama nitong pakikipag-meet ko ki Pora? Me naaamoy kasi akong malansa. Sabihin mo kundi, di mo na ako makakausap ever.

Natakot naman ang Carolina kaya sinabi ang totoo.

Finally, pumayag akong mag-meet. Not in public place, sa condo ko. Andun si Carolina at ang isa pa nameng kaklase si Consolacion. Dahil nga hospitality gurl ako, ayos naman yata ang treatment ko, komportable naman sila, medyo nasira lang siguro mga make-up sa mga pagpapatawang ginawa ko.

Date over. Nag-yaya sya nang dinner. Sabi ko, fine.

Ang totoo nito, pumunta ako at soroy soroy nang Lucena.

Nagwala sa Bohol.

Humada sa Cebu.

At nag-kwan sa Baguio.

Pagbalik ko nang Ortigas, isang bibliya ang messages which is about 20 chapters. Yong 19 puro kanya. Buti naisave ko yong number. Lahat nang tawag di ko sinasagot. Siempre abogado di ba, pag di mo na sinasagot ang tawag at wala pang return call, dapat alam na nya ang meaning of lovelessness.

Bumalik na ako sa Amerika. Nag-ring ang phone. Si Ate. Di ko nga sinagot. Nag-teks.

Gud pm friend. Musta ang visit mo sa Pinas? Ano nagkta kau nla CONSOLACION N my sis Pura? Ano naayos mo ba lhat ang mga business? Did u c da house n lot n laguna? Ty

Binulabog ko ang opismeyt kong nag-iisang Pinay na dating nag-tatrabaho sa Makati sa WKAF (well-known accounting firm). Naikwento ko na sa kanya at pinakita ko sa kanya at sagot ko.

Sagutin ko ba to? Iritado kasi ako. I mean, sana tigilan nila ako. Ano tingin mo?

Ang ganda mo kasi! Ano ba!

Bwisit! Kung maganda ako, ba’t walang magkagusto saken nung high school at college ako aber? Ngayong merkano na ako, me condo, me kotse, me bapor at me tren, bigla akong gumanda? Alam ko maganda ako, pero feel ko habol lang nila ang tren ko.

Kinulet ako ni opismeyt

Pabasa nga nang papadala mong teks!

Pinabasa ko naman:

Ate – alam ko tumatawag ka. Hindi ko inapreciate na nireto mo ako sa sis mong si Pura kaya pala panay make sure mo na magkita kami. Sori pero sana barkada lang at kaibigan hindi yong gagawin akong last hope dahil walang bf sis mo di ko gusto nangyari at sinabi ko ki Consolacion na di yata tama to. I have nothing against you pati sis mo kaso ayokong me pala kaung balak. Sori talaga. Wala akong balak ligawan sis mo at sana u guys respect that. Napagtawanan tuloy ako. Yun lang

Kilala ko tong mga kebigan ko. Alam ko, aabot nang Barrio Siete ang kwentong to at tyak, pagtatawanan ang aking royal na buhay.

SEND! ~nginig~

Tama ba yong sinulat ko? Na-gi-guilty yata ako!

Ok lang yun! Magalang ka pa nga dun eh!

Then, sunod sunod ang teks na mga pumasok sa cellphone ko. Ayaw kong basahin. Galing sa Middle East. Napilitan ako. Nginig pa kamay ko sa hiya, guilty dahil siguro nga bastos yong na–isend ko.

Reynz, wala akong alam sa sinabi mo about ligawan mo my sis Pura. I felt sory 2 hear u that. 2 tel u di ko alam yan baka jok lang n CONSOLACION. Wag mo ako isali ok.

Di ko sinagot. Teks ulit sya.

Wala akong masamang snbi kaya lang ako tumawag just 4 pangungumusta ka nabangit n pura baka dw mag joint busnes kav ynn daw sbi mo.

Di ko sinagot. Wala talaga akong balak sagutin. Teks ulit sya.

Ako walang alam s sinabi I felt hurt 2 accuse like dat. Only frend…

Di ko pa rin sinagot. Wala nang sumunod na teks and I expect there will be no more friendship.

Related Posts with Thumbnails

Reyna Elena Dot Com is Powered By Thesis

Thesis Theme

With Thesis, you need not worry about your in-site SEO. All you have to do is "just add killer content". From beginners, to the most advanced WordPress developers, Thesis makes it easy for anyone to customize it.

{ 1 trackback }

Pinoy Blog Superstar November 2007 Nominees! « They Call Me Maruja: A Colorful Life at Random
December 4, 2007 at 10:08 am

{ 14 comments… read them below or add one }

nina November 30, 2007 at 4:01 am

hay, naku. ok lang yan. nag retract sya kasi napahiya dun sa message mo. hahahahahahaha :) alam mo, may mga tao talagang umasenso lang kala mo kung sino na. Mabait ka nga eh kung ako yan, babarahin ko siya kada hirit. sasabihin ko eh bakit bahay binili mo, di mo ba alam, it’s a liability ek ek…hanggang mahilo siya. at kokontrahin ko lahat ng sinasabi nya. :) alam mo kasi, nung nag-aaral ako sa berdeng school, maraming tao ang hindi ko alam bakit ang hilig nila tirahin school ko tapos kahit nanahimik ako, parang lagi silang nakikipagpaligsahan :)

nina’s last blog post..In Memory of My High School Best Friend

[Reply]

malen November 30, 2007 at 5:29 am

Aysus! purbida man jud!

HOY! Ipakilala mo ko jan PORA at sa ATI ni PORA!! Daliiiiiiii!!!

AMpft!! May tren ka nga?? lol

Pero gusto ka kebiganin yan ha…5 ang bahay! basta ako IBA ang habol ko sayoooooooooo!! Hahahahah

malen’s last blog post..A person is only beautiful, when their own beauty, is reflecting on to others

[Reply]

reynz November 30, 2007 at 9:46 am

kakapit ka nang todo kasi mahangin! me tren nga ako! me bapor pa nga eh. sayang di mo nakita! hehehe

reynz’s last blog post..The failed coup. What?s in everyone?s mind.

[Reply]

reynz November 30, 2007 at 9:48 am

guilty kaya defensive, you know.

ginawa kasing role model ang berdeng school mo kaya yon ang naging standard, di ba?

reynz’s last blog post..The failed coup. What?s in everyone?s mind.

[Reply]

pusa November 30, 2007 at 11:03 am

LOL, i’ll be your pimp! =)

pusa’s last blog post..coup d’etat your face

[Reply]

kengkay November 30, 2007 at 2:29 pm

wahahaha, ako may ipapakilala rin sa iyo. no boyfriend since birth kaya di non maintindihan kung bakit isa kang reyna, ahahaha…

kengkay’s last blog post..Parol

[Reply]

Beng December 1, 2007 at 12:15 am

litong-lito at hilo na ako sa yo lola ha. ano ba talaga hanap mo? boy or gurl :D magladlad ka sa akin ng tunay mong kapa.

siyanga pala, i am glad to know na hindi titulo ng isang tao ang tinitingnan mo. pareho tayo diyan at ayaw na ayaw ko rin sa mga taong hambog…mga labad djud kaayo na sila.

Beng’s last blog post..Hopes And Dreams

[Reply]

reynz December 1, 2007 at 12:53 am

Beng,

hehehe eto: basahin mo muna: http://reynaelena.com/2007/07/01/crazy-things-happen-when-i-take-off-my-crown-the-series/

AT(!)

hindi po ako tomboy, ayoko nang gurl. ganun. hehehe

reynz’s last blog post..The failed coup. What?s in everyone?s mind.

[Reply]

reynz December 1, 2007 at 12:55 am

kengs!

arestuhin mo agad at dalhin sa kama ko! i mean, sa harap ko pala!!! hahaha!

reynz’s last blog post..The failed coup. What?s in everyone?s mind.

[Reply]

reynz December 1, 2007 at 12:56 am

all the time pusa! you know what my “needs” are! hehehe!

reynz’s last blog post..The failed coup. What?s in everyone?s mind.

[Reply]

lovelyn December 1, 2007 at 5:09 am

Ahihihi…WAGI!…I didn’t realise the post was long but you made me want me want to read more que si hodang you’re back in the US to another visit in Europe etc…and palayo pa ulit dagdag mo! Funny talaga!

This is OT, I tagged you pala if you don’t mind. Here: http://myracounteurattempt.blogspot.com/2007/11/sunset-or-sunrise-photo-tag.html

Thanks!

lovelyn’s last blog post..Sunset or Sunrise Photo Tag

[Reply]

Beng December 1, 2007 at 10:41 am

okay ngarud, malinaw na sa akin ngayon ang lahat matapos kong basahin ang mga pangyayaring naganap nung ibinaba mo ang iyong krona. o sige ipagpatuloy ko na ang paghanap ng prinsipe para sa yo. pero your majesty, tiningnan ko ang family tree ni hubby…mula baba hanggang taas. itinikwang ko na’t ni rattle and shake ko…pero wala talaga. mahina ang forefather niya :D

kaya ihanap nalang kita sa labas ng hafner clan.

Beng’s last blog post..Hopes And Dreams

[Reply]

reynz December 1, 2007 at 12:43 pm

hahaha! wala? nilatag mo ang family tree? wala??? hahahah

reynz’s last blog post..Chapel of the social climbers

[Reply]

reynz December 1, 2007 at 12:44 pm

lovelyn,

thanks for the tag, yaan mo subukan kong gawin lahat nang tag this weekend dahil dami kong utang! hahahaha

reynz’s last blog post..Chapel of the social climbers

[Reply]

Leave a Comment

Previous post:

Next post: