High School Prom

by reyna01 on November 24, 2007

My Barrio Siete Story Series 

Kulit po nang mga barkada ko! Meron pa silang ginawang di ko makakalimutan.

Chinika nila yong Miss High School na crush ko daw. Naniwala naman daw si Miss HS. Eto palang mga buang na barkada ko, sinulatan si Miss HS at pirmado pangalan ko. Matagal pala yong mga sulatan na yon. Nag-away pa nga raw kami sa sulat eh. Kasi, dapat pala, manonod kami nang sine. Taz di ko nga sinipot dahil di ako nakauwi. Who knows kung baket di ako nakauwi. Pinatawad naman daw ako. Lahat nang ito nangyayari nang di ko alam. Until one time, pina-uwi ako nang mga barkada ko one weekend. So, may I go home ako.

One afternoon, go kami sa bahay ni Miss HS. Pagdating dun, andun kami sa balconahe, andun yong fadir at madir ni Miss HS pati na yong gwapo nyang brother. (Nakuuuuu!!! Hmpt! Asan na kaya tong brother na to?!) 

Isa-isang nangawala ang mga barkada ko, di ko naman pinansin. Nakita ko na lang, sumusungkit sila nang nyog. Si Miss HS, di ko alam kung nasaan. Si fadir at madir ang nakaharap saken, nagtaka ako sa mga tanong.

Una papuri about my schooling na medyo alam nila.

Pangalawa kung ano ang balak ko after graduation of which I said, maghahanap nang work.

Pangatlo, kung kelan ko daw balak mag-asawa of which I said, when I am ready.

Nagtataka ako. Ba’t kaya under interrogation ako nang mga to?

Sumusulyap ako sa mga barkada ko, feel ko, me mga kataranduhan na naming ginawa ang mga ulol na to. Na pick-up ko kasi nung sinabi ni fadir na gusto daw nya makatapos muna si Miss HS. Sa isip-isip ko, eh anong pekealam ko?! Eh di patapusin nyo! Bumaba ako’t pinuntahan ko ang mga ulol kong barkadang matitigbak na nang kakatawa!!! Ang galit ko sa mga pinakabuang kong mga barkada ever!!!

After 2 weeks, date ko si Miss HS sa High School prom. Hmppt!

Related Posts with Thumbnails

Reyna Elena Dot Com is Powered By Thesis

Thesis Theme

With Thesis, you need not worry about your in-site SEO. All you have to do is "just add killer content". From beginners, to the most advanced WordPress developers, Thesis makes it easy for anyone to customize it.

{ 11 comments… read them below or add one }

nina November 24, 2007 at 11:01 am

Nag kiss kayo? Lols…

nina’s last blog post..The Countries I visited…

[Reply]

nina November 24, 2007 at 11:33 am

or holding hands? heheheh….

nina’s last blog post..The Countries I visited…

[Reply]

reynz November 24, 2007 at 12:32 pm

@nina,

ano eh.. ah.. kwan… ahh… hmpt! wag na lang! pag na-a-alala ko nasusuka akoooo! ugh! hahahah!

[Reply]

bluep November 24, 2007 at 2:33 pm

hahahaha prom lang asawa agad hahaha… advance you tatay.. haha

bluep’s last blog post..Solemnity Of Christ The King A.D. 2007

[Reply]

kengkay November 24, 2007 at 10:03 pm

subaybayan ko talaga itong serye na ito… sana may kalaswaan, hehehe

kengkay’s last blog post..Lotto

[Reply]

reynz November 24, 2007 at 10:13 pm

@kengkay!

ayaw nyo kasi akong pilitin eehhhhhh!!! gustong gusto ko pa namang ipangdakdakan na ehhhhh!!!! hahahaha!!

[Reply]

chuvaness November 24, 2007 at 11:20 pm

Uyyyy…ni re-reminisce si Miss HS. Na miss mo ba? lol..yan pala ang gusto kong itanong, nag kiss nga ba kayo??

chuvaness’s last blog post..Me and My Sponkie

[Reply]

reynz November 25, 2007 at 12:12 am

!!!HMPT!!!

Yes. SHE was my ~~eeewwwwwww~~~ first kiss. *nasuka!* Ugh! Pero dahil ignoramusity ako nang kiss, ganito ang nangyari.

Magkahawak kamay kami pauwi. Medyo nakainom ang lola. Pinipisil pisil pa nga nya mga kamay ko. Ako naman, nanga-ngatog medyo. Di ko kasi alam kung saan hahantong ang mga to.

Ok lang. Alam ko namang walang mangyayari kasi ang mga impaktong kebigan ko, ayaw naman akong iwanana kasi nga mga kalahating kilometro mula sa sibilisasyon ang bahay nila.

Nung andun na kami malapit sa bakod nila, medyo madilim… niyakap nya ako… shock ako… kala ko kasi walang anuhan.

Dinampi nya ang labi nya sa labi ko.
So, ginawa ko, parang kampupot ang mga lips ko.
Sya, nilabas nya dila. Eeeeeewwww!
Kampupot pa rin lips kong nakadampi.

Hiyang hiya akooooo lorddddd!!!!!!

[Reply]

malen November 25, 2007 at 3:18 am

ANAK NG KAMPUPOT YAN!!!!!!!!!!

sa lahat ng sinulat mo dito ako nandiriiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiii

hahahahah!!

malen’s last blog post..38 Questions

[Reply]

reynz November 25, 2007 at 10:03 am

SINOOO BAAA!!!! HMPTT! KAHIT NA AKOOOOO UGGGHHHH!!! hahahahaa!!!

reynz’s last blog post..I?m one selfish beautiful and sexy blogger!

[Reply]

nina November 25, 2007 at 2:04 pm

Lols…Lols… Yong masahista ko dito, Reyna din pero may asawa at anak. Grabe, habulan daw talaga nung baby making…Ayaw na raw nya maalala…you know…hahahhahahahha :)

nina’s last blog post..In Memory of My High School Best Friend

[Reply]

Leave a Comment

CommentLuv Enabled

Previous post:

Next post: