I was invited to attend a pre-halloween party the other night dito sa Bucks County, Pennsylvania. Liblib na pook pero sosyal ang environment. Lahat nang nakaparadang kotse puro Chedeng, Lexus, BMW, Jaguar at Infiniti. Dahil nasa talyer ang kotse ko, pinapalitan nang makina, tambutso, ilaw, upuan, windshield, bumper: pucha lahat pala! eh hiniram ko ang kotse ni Matilda. Meron syang letter “H” sa harap. “Hitachi”.
Alam nyu, kahit saang party mo isaksak ang kwadrado kung mukha, me maki-kilala’t maki-kilala ako (read: binibilhan ko lahat nang drinks. pag gwapo kasama load, Php300). Ang nakaka-irita nito, ba’t mga babae ang naki-kipagkilala saken? (normal po ako ngayon, walang prosac) Ano na namang anomalya ang meron ako? Anyway, me nakilala ako. Si Jen. Nag-click ang charingan namen dahil tiga-Budapest pala sya.
Banat ko:
“Oh, I’ve been there! We went to Central European University in Budapest!”
Ayun, tuloy-tuloy ang chika banana chuvalais. Kwento sya about Danube River, doon daw sila dating namimingwit nang avocado, kwento naman ako the fact na gaya-gaya ever ang Budapest dahil karamihan sa well-known world structures sa mundo eh pinatayo nila sa Budapest. Noon kasi, panahon nang communism, di maka-travel ang mga Hungarians kaya build nila ang kanila City Hall at ginaya ang London Parliament. Marami pa silang ginaya at kinopya gaya nang mga sikat na mga structures sa Paris. Nag-taka sya.
Well, social climbing na naman ladies and gentlemen!!! Learn from da queen! Eto: pag me kausap kayo eto lang ang sasabihin ninyo at tumpak na mag-e-elicit nang interes senyo. Ili-lista ko ang mga ginamit kong social climbing phrases at gayahin! Ready your notes?
-
“I love Hungarians! They’re the most beautiful people on earth!” Yong pag-bigkas nang earth eh bibigyan nyo nang attitoood. Den sasabayan mo nang “Gurrrlll, I love all of them!!!”. Pag excellent ang delivery mo, hahalakhak yan taz bibilhan ka na nang drinks. Try it! Palitan mo lang yong “Hungarians” nang kahit na ano.
-
Then she started talking about all the adventures she did in Hungary na hindi ko naman naintindihan, basta nakinig na lang ako kahit na di ko getching, then I tried to look amazed – yong para bang nakita mong umaatungal si Martin Nievera sa Senate at banatan mo nang “You did that? Really! Gurrrlll! You’re crazzzzyyy!”. Again, pag binigkas mo yong word na “crazy” me attitood uli dapat ang delivery at sabay friendly smile hak hak. Pag excellent ang delivery mo, buy ka nya nang sigarilyo taz ipapakilala ka na nya sa mga pagka-gwapo gwapong mga barkada nya! Wagiiiii!!!!
Kaya naman enjoy ever ang lola nyo. Wala syang ka-alam alam kung ano ang itsura nang anino ko. Single pala sya. Puro mga “I adore you!”. Nong naririnig ko, nawala pagkalasing ko. Kinikilabutan na ako. Gusto ko lang naman makilala ang mga gwapo nyang kasama. Ang huditas na to, porke’t binilhan nya ako nang drink eh pinag-di-diskitahan ako! Hmpptt! In fairness, maganda talaga sya. Gusto nyong Makita? Eto kami.

Takot na ang lola nyo kung saan mahahantong to. Uber na naman ang social climbing ko. Nagtatanong na sya kung where do I live. Pag alas dos na nang madaling araw mga kasuy, taz ganun ang manner of interrogationess, hindi na friendship yon mga kafateed. Iba na ang ibig sabihin nun eh kasi di naman nila ko pedeng ihatid dahil meron nga akong kotseng “H”, Hitachi. Eto na yong mga oras na kelangang maging palaka na ako. Tsaka ko lang na-alala si Matilda.
Alas dos na pala, wala pa rin si Matilda. Na-onse na naman ako. Ok lang. Marami yatang gwapo dito. Siguro nalasing na naman nang tequila somewhere. In any case, I called her para to assure na hoy! ang reyna di pinag-hihintay! The phone rang on the other side, at di pa ako nakaka-hello, minura-mura na ako nang asawa ko, pati phone ko umuusok sa galit nya:
Sabi nya: ~! @ #$%^FGHJERT @#$%DGV!@#$%^!!! Grrr! Arf Arf~! EeeeeeEEE!~!$^&*)_!!!
Sabi ko: “Eh kanina pa akong alas nuve naghi-hintay sayo dito sa Route 130 sa Bucks County, ah!”
Sabi nya: “TANGA! Sabi ko Route 30! Hindi 130! Kelan ginawa ang Route 130 sa Bucks County? Kaninang hapon? Pano ginawa? Minadyik? Sa Pilipinas lang me madyik!
Sabi ko: “Eh sabi mo…”
Sabi nya: “Sabi ko 130 sa Jersey estupidita! Anong silbi nang navigator mo kung hindi nya makita ang Route 130 sa Jersey? Ipapasak ko yan sa bunganga mo eh!”
Di ako naka-reak. Mali pala ang napuntahan ko. Ayaw nyang tanggapin ang sori ko. Nilayasan ko na si Jen. Yon kasing mga gwapo nyang kasama, me mga kasama deng mga bubwit eh. Lugi na naman ako. Dami ko pa namang pina-inom. Sumakay ako sa sasakyan kong “H”. Hitachi.
Paggising ko kaninang umaga. Me teks ako. Galing ki Matilda.
“Kelangan ko na ang pera neks week”.
Inutang ko kase pamasahe ko sa kanya papuntang pinas.
($2,500. Business Class. Ayoko kasing makasabay si Malu sa Economy Class. Charingggg !!!)
Stumble Upon
Del.icio.us
Buzz







{ 15 comments… read them below or add one }
reyna, ikaw ba yung nasa left? no offense pero kala ko talaga babae si reyna elena
nalito na din tuloy ako kay chuva, ambo, dodong at inday… lolz
[Reply]
[Reply]
so smooooth! i can feel you right now! isn’t it liberating?…..GANDA!…….. gusto kayong tusukin nung demonyong kerubin!
[Reply]
sa picture, yun oh!
[Reply]
@kotsengkuba,
nope. si rainier po yan. hehehe
[Reply]
nyahahaha, na-copy and paste ko na ang mga tips mo reyna!!! hehehe
dakilang gate crasher ka pala dun sa party hehe pero abswelto ka sa kin reyna, magkalapit naman talaga ang 130 at 30… in fairness ang ganda nun gurlush ha!
hala ang dami talagang confused sa gender ng reyna =)
[Reply]
Si Ranier nga yun eh…diba Bea?
[Reply]
RAINIER, I ADORE YOU!!! I ADORE YOU MOOOORREE!! HAHAHHA
[Reply]
di ba sabi mo noon, klaseng pangkaraniwan ka lang????
*sumbungera mode*
Matildaaaa, klaseng pangkaraniwan lang sinakyan nyan, dinistribyut sa mga boylets nya yung extra andang inutang nyan, kaya daliii singilin mo habang di pa nakakabalik sa Pinas, hahahahahah!
[Reply]
gurrrrl — you are so craaaazeeeee. hay lab eettt — hmp ;D nalito ang mga tao bigla,ahahaha
[Reply]
salamat sa mga social climbung tips reyna.
about #1–ma-try nga itech!
about #2 — hay naku sinabi mo. basta you know the art of listening (kuno) at mega-react ka ng “wow, that’s excellent”, etc at kung ano pang react chuvalis dyan. winner talaga ito!
finally nakita ko na rin ang iyong fez
pag nagawi ka dito sa sydney at least mababati kita hehehe.
[Reply]
namatay na naman ako sa pinag ku kwento mo reinz hahahahahh— wala na talaga akong masabi-..you are so hilarious…. but you made my day- dahil kagagaling ko lang sa isang buong umagang pag babad sa kusina…feast kasi ng san Lukas eh kaya ako na naman binalandra nila sa kusina—
[Reply]
@dom,
eto ako, nag ba-blag sa PPP para kumita. bwisit na asawa kong yan.
@ibyang, kengkay at pusa,
i have some more social climbing skills na ituturo sa madla. this is my calling. mag-turo nang social climbing skills. next episode, pano mag social climb sa mga sosyal na bars at pano makakilala nang mga gwapo sa bar. ganun. di ba mga tita???
@kutz,
na-alala mo pala yong “klaseng pangkaraniwan” hehehe, purnada, me ebidensya! ok lang, sa di nakaka-alam ako eh paniniwalaan. hahahaha!!!
@chuvaness,
patented po yan. watch for my next episode of social climbing skills. malalaman mo kung ano ang pinakamabentang phrases at words to say. hehehe!
@part of you,
love your site! will visit again! pero maawa ka, di uubra si kerubin saken with her, baka sampalin lang ako ni keruben
[Reply]
@Puro mga “I adore you!”. Nong naririnig ko, nawala pagkalasing ko. Kinikilabutan na ako
@Eto na yong mga oras na kelangang maging palaka na ako. Tsaka ko lang na-alala si Matilda.
@Sabi nya: “TANGA! Sabi ko Route 30! Hindi 130! Kelan ginawa ang Route 130 sa Bucks County? Kaninang hapon? Pano ginawa? Minadyik? Sa Pilipinas lang me madyik!
hahahahahaha
you and matilda are paired for life. hahaha I think I will create another lab team hahaha “Matilda and Manalili” 4eva International Pans Klab hahahaha.. kayo naman si bobot at Vi ang mortal na kalaban ni Guy and Pip hahahaha
[Reply]
HAHAHA!!! for the books nga ang awayan namen ni Matilda eh! hahahaha! LURKER sya dito, kasi di marunong mag-comment ang gaga! kaya pedeng pede kong tirahin nang tirahin!
ANDYAN LANG SYA nagbabasa! hahahaha!
Watch out for my next lesson in the Art of Social Climbing!!! LOL
[Reply]