I drove to the City today to check out Philadelphia’s Gay Outfest. It’s been quite some time now that I’ve been to any gay gathering of any kind. Baka expired na ang cedula ko. But a friend called me up and asked me to check on something. I did not know what that something was.
So, drive-la-lush ang lola nyo.
This is the Philadelphia City Hall, smack right in the center of the City. This happens to be a very well-planned city center, nagtataka ako kung bakit naisip na nila yan nung kanunu-nunuan pa.

Eto naman yung marker nang Pennsylvania Convention Center. Siguro mga walong football field ang laki nang Convention Center na to.

Piktapos kong mag-park, eto ang bumulaga saken!

Umikot-ikot ako… check lang kung ano-ano pa ang happening. Normally, nagkalat ang mga guapo’t maganda, nakahubad (hinde nude), I mean, nakadisplay ang mga magaganda nilang katawan. Umikot ako at sa kabilang kanto eto naman ang nakita ko:

Ganyan ang mga dinadaanan nang mga bading at byaning sa Amerika. Double whammy pag minority ka. Kaya tuloy, nalito ako. Prayer rally ba tong napuntahan ko o Gay Outfest? So, I called my friend. Ang buang na yun at hagalpak nang tawa saken!
So, I decided na makipag-usyuso na lang.
Nakita ko tong mamang to, sinasabing magsipagbago na raw kami, whatever chuvalais, me pulis naman sa gilid kaya di pedeng upakan. Sinisigaw-sigawan sya nang mga bading at byaning, nag-mukha tuloy na Comedy Central ang dating, tawanan ang mga audience. Eto yong mama na kesyo sinusunog na pala ang kaluluwa namen. Very well done daw.

Nakita nyu naman, me hawak na bibliya sya. Sana ganito ang argumentation sa internet. Free, walang nagagalit, walang nai-irita, free ever ever, kahit na positive view or negative view, merong kang plataporma just like this guy. So, continue ang panlalait nya sa mga bakla at byaning. Wala lang, pinapakinggan lang nang mga bakla at byaning. Pag nakakatawa, pinagtatawanan.

Seryoso ang mama. Sinisilab na daw ang kaluluwa namen. Marami naman daw bading na naging deretso na. Pero, in fairness yong me hawak nang placard? Gwapo sya. Gusto ko sanang hadain. Nahihiya lang ako dahil masyadong maraming tao. Kinindatan ko na lang sya. Alam nyu yun? Yong parang Morse Code na kindat na bawat kindat eh me numerong ibig sabihin? Hehehehe!
Street scenes: Nag-pa HIV tests na ba kayo???

Type nyu bang bumili nang Gay T-Shirt? O kaya magbenta kayo dyan gayahin nyo concept! HAHAHA! Eto o, tingnan nyo, $25 per shirt! Pucha! Sa Divisoria na lang ako!!!

More religious whatever chuvalais:

There are Asians,

And Jewish,

And bitches too!

There are Democrats (where are the damn Republicans?!)

And yes, Philadelphia is the City of Brotherly Love – to those of you who wanted to replace Miss South Carolina on her throne:

But if you’ve live here in Philadelphia? You will find out na we actually poke fun on that stupid slogan. It’s a long story to explain. But just like New York, here, you can be whatever you wanted to be.

This is a slice of my life in the City of Brotherly Chuvalais.
Stumble Upon
Del.icio.us
Buzz







{ 2 trackbacks }
{ 15 comments… read them below or add one }
aaralin ko yang morse code na kindat na yan! hahaha
[Reply]
hehee! i offer kindat lessons!
[Reply]
Ay magbabago na nga ako mamaya. lols
[Reply]
aba – ang lola, namasyal sa city, hindi man lang ako naimbitahan.. shet!
in fairness – galing ng flow ng storya mo teng!
basta ako – ito ang prinsipyo ko kahit baklita ko:
When I Say “I Am A Christian”…
When I say…”I am a Christian”
I’m not shouting “I am saved”
I’m whispering “I get lost!”
“That is why I chose this way.”
When I say…”I am a Christian”
I don’t speak of this with pride.
I’m confessing that I stumble
and need someone to be my guide.
When I say…”I am a Christian”
I’m not trying to be strong.
I’m professing that I’m weak
and pray for strength to carry on.
When I say…”I am a Christian”
I’m not bragging of success.
I’m admitting I have failed
and cannot ever pay the debt.
When I say…”I am a Christian”
I’m not claiming to be perfect,
my flaws are too visible
but God believes I’m worth it.
When I say…”I am a Christian”
I still feel the sting of pain
I have my share of heartaches
which is why I seek His name.
When I say…”I am a Christian”
I do not wish to judge.
I have no authority.
I only know I’m loved.
-Author Carol Wimmer – Copyright 1988
[Reply]
ikaw ba yang naka pose sa last pic mother?
sabi mo kasi, this is the slice of my life, wala lang, me maisip itanong, buti pa riyan at least there are areas na totally accepted mga gays unlike here in the Philippines, I have never been to malate yet, di ko pa naexperience night life duon or whatever, at natatakot din me, napapraning me sa mga sexually transmitted diseases, luckily wala ako niyan, o siya, siya, sa muling pagkikita^^
[Reply]
Hay naker! Tigilan nga akets ng mga chuvalung reparative therapists noh! Homosexuality is genetic, mahabang explanasyon!
[Reply]
ay aliw atcheng! hahaha bat may hawak kawak na baybol pa yung isa!anong peeling niyan may namamaligno lol
[Reply]
Lam mo bang napuyat ako sa kakulingling ng archives mo! nagkatalsik talsik laway ko sa mga komento hahaha keylangan ko tuloy maglinis ng monitor ngayon
[Reply]
@ambo!
“Ay magbabago na nga ako mamaya” HAHAHA!
You reminded me of DEFPOTEC and Chuvaness! When you got time, watch this one: (especially the commercial)
http://defpotec.wordpress.com/2007/09/29/love-is-blind-awww/
[Reply]
@chuva,
sino pa ba ang nag-udyok na papuntahin ako kundi yong ating Head Chef na si JOELINA dahil me politikang tunay na away daw dun at yun pala ang makikita ko! hahahaha
bow ang lola sa ninakaw mong poem!
[Reply]
@lordmanilastone,
mas maganda ako sa kanya tita! hahaha! no pun intended sa mga kasukat nya pero ang vital statistics ko is 36-24-36 . . . 12!
[Reply]
@empress,
hay naku, neks time, i’ll video naman yong KKK (hindi po katipunan) at kung ano naman ang pananaw nila sa mga bading at byaning! hahaha (kung makita ko!) mababaliw ka! hahaha!
[Reply]
Bwahahaha ayos pala si defotec. parang lalaking chuva! in fairness mas maganda lang talaga ng buhok ng mokong na un sa commercial lols.
[Reply]
parang gusto kong sagutin yung tulang ninakaw ni Chuva…
later pag may nabuo ako…
[Reply]
Madami bang nagpunta? Nalaman ko ala 2 na ng hapon. Eh hindi naman ako nagpaparlor noong kinagabihan kaya hindi na lang din ako tumuloy lol.
[Reply]