$1 = Php45: Salmon of the Day

by reyna12 on September 28, 2007

Stocks rally to 8-week high; peso up

$1 = Php45

Pano basahin to mga anak? Ang ibig sabihin po nito anak eh LUMALAKAS ang piso kay LUMILIIT ANG PALIT. Wag nyo pong babasahin to na BAGSAK na naman ang piso, dahil mali po yon. Maling mali po yon. Getz nyu?

Ganito po yan…

In a perfect world of kwentahan nang mga pera anak, dapat ang palitan ganito $1=Php1. In a perfect world which is in PantasyaLand, dapat lang na ang per capita is also right around $44,000. Anong ibig sabihin nang per capita? Eto po yong average na kinikita nang bawat tao sa isang bansa. Yang $44,000 po ang average sa Amerika. Sa Pilipinas naman po, eh depende po sa site na mapuntahan nyo. Yong iba sabi $5,000. Yong ibang site naman, $2,800 lang. Bakit, pag dating kasi sa Pinas nagiging Per Kupit Na sya! (corny noh? hahaha!)

Ngayon – dahil nga sandamakal ang mga walang trabaho sa Flippines, (quadruple digit po yata ang mga walang trabaho), at dahil siempre karamihan sa kanila eh zero earnings at si Malen eh kumikita nang bilyon-bilyon, so ang tinatawag po na mga outliers eh siguro masyadong grabe. Ngayon, malay ko pu kung me mga aten cu pung singsing na tinanggal sa computation ano, ba’t masyadong mababa yong per cupit nila.

Basta, ang ating Salmon for day is this:

$1 = Php45 kumpara sa dating $1 = Php56: Lumakas po ang piso kaya bumaba ang palit

Kelangan ko lang po tong ipaliwanag dahil nag-no-nose-bleed din po ako whenever I hear Pinoys translate it this way. Hindi po ako makatulog, hindi ako magkapagtrabahu at di rin ako makakain. Tuliro blues po ang nangyayari sa lola nyo. Ayos?!

Related Posts with Thumbnails

Reyna Elena Dot Com is Powered By Thesis

Thesis Theme

With Thesis, you need not worry about your in-site SEO. All you have to do is "just add killer content". From beginners, to the most advanced WordPress developers, Thesis makes it easy for anyone to customize it.

{ 11 comments… read them below or add one }

chuvaness September 28, 2007 at 2:31 am

nyaahahhaaa :D

bat mo naman pinagkalandakan ang mga bilyones ko reynz…..hahabulin ako nyan ng mga fafa…..fafa-kain/fafa-garalin/fafa-liguan

nyahahahahha

[Reply]

pusa September 28, 2007 at 6:54 am

nyahaha, di ka pala makatulog par naririnig mo yan… naku reyna di masisi ang mga pinoy sa baligtad na interpretasyon.. lam mo naman mas mataas palitan mas masaya.

Pero kasi naman, bakit nga ba hindi naramradaman ng mga ordinaryong tao yang pag lakas ng piso? at mga buwaya lang sa gobyerno at mga rich kid lang ang nakaka-feel?

[Reply]

nina September 28, 2007 at 8:56 am

hahahahahhahaha ;)

[Reply]

Jon Limjap September 28, 2007 at 9:11 am

Alam mo ba na na-alarm ang BSP sa movement na yan kaya ni-cap pa nila yung peso:

http://business.inquirer.net/money/breakingnews/view_article.php?article_id=91295

that means kung hinayaan pa nila yung peso na tumaas, dapat ata nasa 44 na yung peso ngayon. Tapos malapit nang mag christmas shopping season… nakuh. Hindi ako magtataka kung bumalik siya sa 40.

[Reply]

Gloria September 28, 2007 at 11:31 am

oo nga lumalakas ang piso pero hindi yan maramdaman kahit kelan ng common taong tulad ko na may pangangailangan sa araw araw na kelangan ang perang panggastos. imbes bumaba presyo ng lahat lalo pa yatang tumataas sa paglipas ng bawat araw.

so understandable na maimbyerna yung mga dinadatnan ng $ earnings dito sa pinas.

[Reply]

Jon Limjap September 29, 2007 at 10:16 am

Gloria, [edits by reynz]

Paano ba naman eh tumataginting na $80 na ata ang isang bariles ng langis. Deflation is but a mere economic wet dream, it rarely happens.

Pero etong mga nasa Pilipinas ayan demand nang demand na kesyo kelangan daw na ibaba ang mga presyo sa pag-appreciate ng piso, at may grupo pa dati na nagdemand na magbigay ng special privelege rate na PHP50 = $1. Unfortunately special privelege rate = special economic disaster!

Kaya yang “trickle trickle” na yan ng economic improvement from the rich to the poor, aysows, parang si Juan Tamad yan na nagrereklamo kung bakit hindi bumibigay yung bunga ng bayabas para masalo niya sa bibig niya.

[Reply]

Jon Limjap September 29, 2007 at 10:21 am

Ay, bakit gloria yung nilagay ko dun sa address. Si gloria yung inaaddress ko, akala ko kasi siya si GMA. Bwaahahaha

[Reply]

reynz September 29, 2007 at 1:46 pm

hey jon!

at least the best part of all our OFW Remittances is that, wala na syang TRICKLE TRICKLE EPEK kasi daretso sya sa mga pamilya.

the problem that i see with all these economic chuvalais 7% whatevah at kahi na mag $1=Php1 is that most corporate biz are just taking profits and sucking them all up at ayaw bigyan nang katiting ang mga workers kaya wa trickle kaya wa increase ang personal income – result? ang per kupit income nang mga pinoy eh barya pa rin and yes to Gloria (indi yong tiga pasig) presyo lang ang tumataas kasa sa katiting na sweldong di tumataas – bottom line, personal income nang mga pinoy bumagsak lalo!

nakuuu! tumataas ang presyon altavidades koooo!!!

[Reply]

Culture Shiok! Singapore OFW September 30, 2007 at 5:12 am

Uuwi ka ba pag nag USD1= PhP10? hehehe….

[Reply]

kissfendi October 2, 2007 at 12:54 am

mag reretire na yata ako sa Pinas pag USD1=1PhP na!
;)
kiss
Fendi

[Reply]

reynz October 2, 2007 at 1:17 am

CS and Kissfendi,

will i go home pag $1=Php1? Kahit hindi, go home ako. kayo? eto ang asahan nyo. Kahit na mag equal pa sila, di ako naniniwala na mag-e-equal ang sweldo sa america taz pinas. hahahaha

[Reply]

Leave a Comment

Previous post:

Next post: